Kira’s POV “Congrats, Kira!” sabay-sabay na bati ng mga kaibigan ko habang lumalabas kami ng conference room. Tinapik ako ni Ashley sa balikat. “Grabe ka, girl. Ikaw na talaga. Ikaw na ang pambato ng Salvador Holdings. Na-close mo ang pinakamalaking deal ng taon!” “Thank you,” mahina kong sagot habang pilit na pinipigilan ang ngiti. Hindi ko alam kung dahil sa pagod o sa sobrang gulat pa rin ako. Hindi ako makapaniwala. Naipanalo ko ang deal. Ako ang napiling architect. “Let’s go out tonight. Libre ka,” sabay kindat ni Ralph. “Libre raw, pero ikaw ‘yong may gusto uminom?” sabat ni Neil, sabay tawa. “Hindi nga, Kira,” sabay hawak ni Ashley sa braso ko. “We need to celebrate. Big deal ‘to. Hindi lang ‘to basta-basta project. This will boost your career, Babe!” Napatingin ako sa kanila. Lahat sila nakangiti. Lahat excited. Ako rin naman. Pero sa totoo lang, pagod na pagod na ako. Ilang linggo akong halos hindi natutulog, hindi nakakakain ng maayos, puro revision ng design at
Last Updated : 2025-07-28 Read more