Happy 20K Views! Maraming salamat po. Any comments sa libro po?
Kira’s POV Paglapag namin sa Tuscany, ramdam ko agad ang kakaibang hangin at ang malawak na tanawin. Si Midnight ay mahimbing pa ring natutulog sa stroller niya habang si Anthony naman ay naka-focus sa pag-aayos ng mga dala naming gamit. Si Ella ay hindi mapakali sa excitement. “Grabe, Ate, ang ganda ng paligid,” ani Ella habang umiikot-ikot. “Parang nasa ibang mundo tayo.” Napangiti ako. “Oo nga. Hindi ko akalaing makakarating ako rito hindi bilang turista, kundi para magtrabaho.” Lumapit si Anthony, may hawak na diaper bag. “Kira, sigurado ka ba na kaya mong magtrabaho agad kahit kakarating lang natin?” Tumango ako. “Yes. May orientation lang naman mamaya. Wala pa namang masyadong heavy tasks.” Nagkatinginan sila ni Ella, parehong halatang protective. “Ate, huwag kang magpupumilit kung pagod ka,” bilin ni Ella. “We can handle it sa meeting kung kailangan.” Umiling ako. “No. Kailangan nila makita mismo ako. Hindi pwedeng wala ako sa unang araw.” Tinapik ako ni Anthony sa bal
Kira’s POVHalos mabitawan ni Ella ang hawak niyang phone sa sobrang tuwa. “Ate! They picked us! Oh my God, they actually picked us!”Napatayo ako mula sa sofa at halos hindi makapaniwala. “What? Sigurado ka ba, Ella? Baka nagkamali ka lang ng basa.”Hindi siya makapigil ng ngiti habang ipinapakita sa akin ang email. “Hindi ako nagkakamali. Official letter ito, Ate. Congratulations daw sa Vantare Creative Studios dahil napili tayo as the lead design team for the Tuscany Eco-Resort Project.”Para akong natulala. Hindi ko agad ma-process ang lahat. “Tayo? As in tayo talaga?”“Of course!” halos mapasigaw siya. “Ate, this is it! International client. Tuscany. Italy. Nauna pa tayong makapasok kaysa sa mga big names sa industry.”Ramdam ko ang pamumuo ng luha sa mata ko. “Hindi ako makapaniwala. Ella… nagawa natin.”Yumakap siya sa akin nang mahigpit. “Sabi ko sa 'yo, Ate, kaya natin ‘to. Hindi natin kailangan ng malaking pangalan. Hard work at sincerity ang puhunan natin.”Nang biglang lum
Kira’s POVKinabahan ako habang inaayos ang laptop sa maliit na conference room na inayos namin sa probinsya. Hindi ito kasing engrande ng mga boardroom ng Salvatore Holdings, pero maaliwalas at simple. May projector na nakasabit, puting wall para magsilbing screen, at ilang halaman sa gilid na nilagay ni Ella para raw may buhay ang paligid.“Are you ready, Ate?” tanong ni Ella habang naglalagay ng tubig sa baso at inaayos ang ilang kopya ng presentation. Kita ko ang excitement sa mukha niya kahit ramdam ko rin ang kaba.“Ready as I can be,” sagot ko. “Pero kinakabahan ako, Ella. Italians pa ang kausap natin. International brand. Baka hindi nila magustuhan ang approach natin.”Tumango si Ella, pero ngumiti. “Trust me, Ate. They’ll love it. Saka we’ve practiced this for days. Kung nagawa mo dati sa mga investors ng Salvatore Holdings, mas kakayanin mo ito. And this time, you’re representing us. Hindi bilang asawa ni Anthony, kundi bilang Architect Kira.”Napangiti ako sa sinabi niya. T
Kira’s POVHalos hindi ako makapaniwala sa naging resulta ng pinaghirapan namin. After kong manganak at makabawi ng lakas, sineryoso ko ang plano kong bumuo ng sariling creative firm. Gumamit ako ng ibang pangalan para hindi madamay ang pangalan ni Anthony at ang Salvatore Holdings. Kasama ko si Ella na ngayon ay future engineer. Magkasama naming binuo ang maliit na opisina sa probinsya gamit ang naipon kong pera at ilang equipment na ipinadala ni Anthony kahit ayaw kong gumamit ng resources niya.Ngayon, nasa maliit kaming opisina—isang kwarto na inayos naming parang studio. May drafting tables, may laptops, may ilang sample models na ginawa namin. Hindi man malaki, pero ramdam ko ang saya sa puso ko.“Grabe, Ate, may nag-email na naman,” sigaw ni Ella habang nakatingin sa laptop niya. “Isang international brand ‘to. Gusto raw nila ng fresh perspective para sa upcoming project nila.”Napalingon ako sa kaniya, natigilan. “International brand? Ella, baka spam lang ‘yan.”Umiling siya a
Pagkababa pa lang namin ng sasakyan, ramdam ko agad ang sariwang hangin. Tahimik ang paligid. Malayo sa ingay ng siyudad, walang mga matang nakamasid sa bawat galaw ko. Huminga ako nang malalim, parang unti-unting nababawasan ang bigat na dala ko.Si Anthony, hindi na nagsalita masyado habang nasa biyahe kanina. Tahimik lang siyang nakatingin sa labas ng bintana, pero ramdam ko ang bigat sa dibdib niya. Nang dumating kami sa bahay na ipapagamit titirhan namim ni Ella, inayos niya muna lahat bago niya ako iniwan.“Sigurado ka ba rito, Kira?” tanong niya, habang tinutulungan akong buhatin ang maleta. “Maayos naman ang lahat, pero hindi ito kasing-kompleto ng bahay natin sa Maynila. Hindi ba mahihirapan ka?”Umiling ako. “Anthony, ito ang kailangan ko. Sapat na sa akin na kasama ko si Ella. Wala akong hahanapin pa.”Naglakad siya papasok, sinilip ang kusina, sala, at mga kwarto. Halatang gusto niyang masiguro na safe ang lahat.“I had the place cleaned yesterday. Pinakabitan ko na rin ng
Kira's POV Umiling siya agad. Kita ko ang tensyon sa mga mata niya.“Kira, hindi mo na kailangang patunayan pa ‘yan. Alam ko kung sino ka. Alam ko kung gaano ka kasipag, kung gaano ka ka-competent. Hindi mo na kailangang ilayo ang sarili mo para lang makumbinse ang board o kahit sino pa.”“Hindi lang board ang problema, Anthony. Ako mismo, hindi ko makumbinse ang sarili ko,” sagot ko, ramdam kong nanginginig ang boses ko. “Gusto ko lang ng peace of mind. Ayokong araw-araw akong babantayan ng mga mata nila na parang hindi ako karapat-dapat.”Humigpit ang hawak niya sa kamay ko.“Pero malapit ka nang manganak. Paano kung may mangyari? Gusto ko kasama kita. Ayokong mailayo ka sa akin lalo na ngayong kailangan mo ako.”Napabuntong-hininga ako. “Alam kong natatakot ka. Natatakot din ako. Pero Anthony, kasama ko si Ella. She’s my sister. Hindi ako mag-iisa. Promise ko sa iyo, I’ll be careful. Hindi ako gagawa ng bagay na ikakapahamak ko o ng baby natin.”Natahimik siya sandali, parang nag-