Share

Chapter 18

KASUNOD niyon ay umatikabo ang masayang  tuksuhan, kantiyawan at biruan.  Namula kasi ang pisngi ni Guen.  Talagang nag-blush siya.  Kundangan naman kasi may spark pa rin siyang nadama. May kuryente ang halik, nandoon pa rin ang magic.

“Uyyy,” sabi ng isa. “mukhang may magkakabalikan, a!”

Ngumiti si Guen. Pagkuwa’y umiling siya. Itinanggi sa sariling naapektuhan siya. Mali kasi. Kahit saang anggulo niya tingnan, mali ang matukso pa siya sa iba. Ikakasal na siya. Unfair kay Kibaweg. Napakabuti nitong tao para saktan niya.

“So sweet!”

“Langgam,,” patuloy na tukso. “andaming langgam!”

“Wait,” singit ng isa pang ballerina. “ Teka lang, guys, wag muna kayong maingay.... Narinig nyo yon?”

“Ang alin?”

“Wedding bells! Kumakalembang!”

Tawanan. Lalong sumaya ang tuksuhan.

“Actually…” pigil niya sa
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status