HANGGANG sa loob ng elevator ay iniisip pa rin ni Guen ang mga sinabi ni Melba.
5th floor.
Marami itong pilit na ipinaliliwanag pero hindi niya maintindihan.
6th floor.
Tanging rumihistro sa kanya ay may mali daw sa ginagawa niya.
7th floor.
Well, that’s just great, maktol ng isip niya. Ginagawa na nga niya ang lahat, tapos...
8th floor
Naputol ang iniisip ni Guen nang bumukas ang pinto ng elevator. Naagaw kasi ang pansin niya ng umaalingawngaw na kasiyahan sa hallway. Galing iyon sa di-kalayuang nurse station. Kinatutuwaan ng mga ito si Kibaweg. Ang dami kasi nitong kuwento. Kuntodo muestra pa, puro kalokohan lang naman.
“Eto pa, eto pa...” dugtong nito. “alam nyo ba kung bakit nakaangat sa lupa ang bahay namin sa Cordillera?”
“Bakit?”
“Para walang lamok.”
“Ows?”
“Totoo,” giit ni Kibaweg. &ld
ANG BILIS ni Guen, halos lundagin niya ang hagdan para tulungan si Kibaweg. Ganoon din ang iba pa. Kandarapa ang mga ito, nag-uunahan, kanya-kanyang kilos para sumaklolo. May agad na humawi sa wheelchair, may kumuha ng first aid kit, may tumakbo sa radio room para tumawag ng ambulansiya.“Balik!” sigaw ni Papa. “Balik na tayo! Emergency!”Lahat sila ay gumagalaw, natataranta, maliban sa isa...Si Apo Dulay.Naiwan ito sa mesa, sapo ang dibdib, paulit-ulit nitong hinihigit ang pinakamalalim na hininga.“Si Apo,” pansin ni Amihan. “si Apo…”“Ha?”“Ambulansiya!” sigaw ni Mama. “Tumawag kayo ng ambulansiya!”“Meron na po,” tugon ni Luna. “tumawag na po ako sa Queen Guenevere!”“Tumawag ka ulit, dalawa ang ipadala mo!”“Opo!”“Dalian mo!”
ANG SAYA sa Cordillera, lalo na doon sa tabi ng lawa. Para kasing fairy tale, ang dami ng bulaklak, May tulips dito, may tulips doon, may hawak na tulips ang mga ballerina habang nagsasayaw sa pantalan. Tuwang-tuwa tuloy si Guen, mula kasi sa bintana ng bahay ni Kibaweg ay kitang-kita niya ang lahat. Nasunod ang lahat ng plano nila, nadagdagan pa ito ng symphony orchestra, grabe sa ganda ang kasal niya. Sobra.”Wag kang iiyak,” sabi ni Luna. “tigilan mo yan. Masisira ang make-up mo...”“Waterproof.”“Kahit na, iba pa rin siyempre yung fresh ka…”“Si Mama,” aniya. “si Mama ang alalahanin mo, baka burado na ang make-up n’on kakaiyak dyan sa ibaba…”“Sus, tawa ng tawa ‘kamo. Tuwang-tuwa sa suot na bahag ng Papa mo!”“Ha? Amerkana ang suot niya kaninang umalis tayo sa hotel, di ba?”&ldquo
Normal 0 false false false EN-PH X-NONE X-NONE
MADALAS maiwan sa paglalakad si Amihan. Lagi kasi nitong inaayos ang kargang bata sa likuran. Pero wala itong reklamo, Parang kakambal ang ituring dito. Pakiramdan tuloy ni Guen siya ang nahihirapan para sa magkapatid.“Bakit mo ba kasi laging isinasama yan, “aniya “ Paano ka makapag-aaral mabuti kung lagi kayong ganyan. ““Naku, Titser, lalo po akong hindi makakapag-aral pag di ko to isinama. “ anito. “Wala po kasing mag-aalaga.”“Bakit, asan ang nanay mo?”
ANG HINDI alam ni Guen, hindi ordinaryong katutubo lang si Kibaweg. Ni hindi nga niya alam na madiim pa lang ay lulan na ito ng 4X4. Pangiti-ngiti sa sarili habang binabaybay ang maalikabok na daan papunta sa taniman.Malayo pa ang kanyang sasakyan ay nakita na agad niyang kumakaway si Amihan, itinuturo kung saan siya puwede pumarada.“Ama! Ina! Nandito na po si Kibaweg,”Mula sa silong ng bale ay lumabas ang ama ni Amihan, naghanda ito ng mauupuan.Pagkababa ni Kibaweg sa sasakyan ay mer
KANINA pa siya nandoon sa bintana. Malayo ang tingin, malalim ang iniisip ni Guen kaya di niya namalayan ang paglapit ni Melba.“Ganyan din ako noong una, “ sabi nito. “Laging tahimik, tapos ngingiti, tatawa kahit nag-iisa. ““Ha?”“Naalala mo siya?”“Sinong…?“Siya,” patulo
KAYA nang makabalik si Kibaweg sa pinagdadausan ng begnas at malamang wala na ang dalaga, laking panlulumo ang nadama niya. Naligo pa nga naman kasi siya, kuntodo suklay, pabango, tapos… Napakamot na lang siya ng ulo, sabay tingin sa dala niyang mangkok ng pinikpikang manok. Kaugalian ng mga katutubo upang ipahiwatig ang panliligaw.“Antagal mo kasi, “paninisi ni Lakay. “kinuwentuhan ko na nga ng kinuwentuhan para di mainip, kaya lang nag-aya nang umuwi yung mga kasama.”
PAYAPA na si Melba nang sumungaw sa pinto si Guen. Tahimik itong nakaupo sa gilid ng kama, yukung-yuko ang ulo. Nakikiramdam na pumasok siya sa kuwarto. Tinataniya ang estado ng pag-iisip nito.“S-Sayang”, aniya “Hindi ka sumama sa min kanina. Nagpunta kami ni Amihan doon sa talon, doon kami naglaba.”