ISLA’S POV
“Hatid na kita, Isla. Kung ayos lang sa ‘yo?” Napahinto ako saglit sa pag-ayos ng mga notebooks at pens ko na nagkalat sa arm chair ko. Nakatayo na sa harap ko si Gabreel at hinihintay ako, napansin ko na halos wala nang tao sa classroom. Nalipat naman ang tingin ko kay Sasa na abala sa pagtipa sa cellphone niya. Hindi ko alam kung narinig niya ba ‘yong sinabi ni Gabreel sa akin.
“Hmm, k-kasi sasabay ako kay Sasa, Gabreel… pero ano, salamat ulit sa alok,” nahihiya kong tanggi sa kaniya. Napapansin niya na rin kaya na lagi ko siyang tinatanggihan? Hindi kasi ako komportable eh, napapaisip na rin ako sa mga pinapakita niya.
“Isla, Friday pala ngayon! Nako, pasensiya na hindi kita maihahatid, may pinapagawa si Mama sa akin. Kainis naman! Inuutusan niya na naman akong pumunta sa ano, alam mo na ‘yon,” sabi niya at
ISLA’S POVNagtaasan ang mga balahibo ko sa katawan. Ibang-iba ang dating… dahil ngayon ko lang siya narinig na magsalita ng tagalog. Para siyang ibang tao.I can smell his manly scent, the familiar scent na malapit ko nang kaadikan.Tama iyong narinig ko. Sa kaniya naman talaga ako, binayaran niya ako ‘di ba? Pagmamay-ari niya na ako, wala na nga dapat akong karapatan na magdesisyon para sa sarili ko, eh.Hindi ako sumagot sa sinabi niya. Hanggang sa tuluyan niya ulit akong harapin at titigan sa mukha.Hindi ko alam kung anong sumapi sa akin at pinantayan ko ang mga binibigay niyang tingin. Para akong nagkaroon ng lakas ng loob para matitigan din siya nang matagal.I noticed his eyes roamed my whole face. Sa mata, sa ilong at sa aking… labi. Nakita ko ang bahagya niyang paglunok nang mapahinto ang k
ISLA’S POV Sa gulat ko sa ginawa niya ay hindi agad ako nakagalaw, siya lang ang kumikilos pero parang ayos lang ‘yon sa kaniya. Nakiliti ako nang kagatin niya nang marahan ang ibabang labi ko. Huminto siya at isinandal na naman ang noo niya sa noo ko. Pumikit siya at nakita ko na ngumiti siya. Tila may nakakatuwa siyang naalala. Ang gwapo niya. Para siyang isang character sa mga libro na nababasa ko. Nagulat ako nang magdilat siya ng kaniyang mata. Nakangiti pa rin siya at ibang-iba ang mga pinapakita ng mata niya. “Do you know how beautiful you are, Isla?” Napakurap ako ng ilang beses sa sinabi niya. Masisiraan na yata talaga ko ng ulo. Kung ano-ano na naririnig ko. Ang tagal naman namin mag-ano… Hindi sa excited ako, gusto ko lang matapos na agad para makauwi rin ako agad. Baka kapag nagtagal
ISLA’S POVNagising ako nang maramdaman kong may malamig na bagay na dumampi sa pisngi at noo ko. Anong oras na naman kasi ako pinatulog ni Mr. Martin. He took me countless times last night!Sh*t! Napadilat ako bigla nang mabanggit ko siya sa isip ko.Isang pares na kulay kapeng mata ang bumungad sa akin. Nakatagilid siya habang nakaharap sa pwesto ko. Nakasandal ang ulo niya sa kamay niya at nakatitig sa akin habang nakangiti.“Hi. Good morning,” he said in a husky voice. Nanlaki ang mga mata ko nang mapatingin sa h*bad naming mga katawan. Namula na naman ako nang halikan niya ako bigla sa labi. Napakurap ako ng ilang beses at napatakip sa labi ko. Sira ulo ka ba, Sir?!Hinugot ko ‘yong kumot sa katawan ko at isinama ang ulo ko. Nakakahiya! Narinig ko siyang tumawa.Ang sexy! 
ISLA’S POV“Are you okay?” Napaangat bigla ako ng ulo nang marinig ko siyang magtanong. Kasama ko si Mr. Martin ngayon, pumayag din ako sa alok niyang dinner kanina pagkaalis ni Adam sa bahay. Ni hindi man lang siya nagpaalam sa akin.“O-oo naman, Sir,” sagot ko habang tumango-tango ng paulit-ulit. Hanggang sa dinner naming ay dala ko ‘yong dismaya at lungkot ko. Ang bigat na hindi niya pa rin ako kinakausap hanggang ngayon. Akala ko ay ilang araw lang pero ilang linggo na.“One...” Nagtaka ako nang magbilang siya. Napatakip naman ako sa bibig ko nang ma-realize na tinawag ko na naman siyang sir. Hindi nga kasi ako sanay!Hindi na ako nakapagsalita ulit dahil dumating na ‘yong waiter at naglalapag ng mga pagkain sa table namin. Naka-white shirt at mini skirt lang ako. Kasi hindi ko naman alam kung saan kami kakain
ISLA’S POV“Bili muna tayo ng pens and sketch pad. Paubos na ‘yong akin.” Napabuntong hininga ako sa sinabi ni Sasa. Nandito kami sa mall ngayon at kakatapos naming kumain dito sa Jollibee, it never gets old. Kumakain ako ng fries at siya naman ay patayo na.Dahil maaga natapos klase naming ay pinilit niya akong mag-mall ngayon, bili nga daw kami ng bagong libro niya at mga ballpen. Inuna kasi naming ang pagkain bago ang talagang sadya namin.“Bilisan mo na dyan, bakla!” utos niya sa akin. Inikot ko ang aking mga mata at sabay-sabay na isinubo lahat ng fries na natira. Napaka-demanding!Sumunod ako sa kaniya at inakbayan siya. Pumasok kami sa National Bookstore, dahil wala naman akong bibilhin ay sa mga books na lang ako dumiretso. Hindi rin naman ako mahilig, minsan lang kapag nasa mood.Nagbuklat-buklat lang ako, alam ko na m
ISLA’S POV“Sige po, tita. Alis na po ako,” paalam ko sa kapatid ni Papa. Pagkatapos kasi ng klase ay dito na ako sa hospital dumiretso, nagbabakasakali na baka gising na sila. Kaso nga, hindi pa pero hindi naman ako mawawalan ng pag-asa. Magiging okay din sila, magigising din sila at magiging kumpleto ulit kami.Hindi naman na nagsalita si tita kaya lumabas na ako sa kwarto. Hindi naman kami close ni tita kaya ayos lang.Habang naghihintay ng sasakyan ay tumunog na naman cellphone ko. Nang makita ko kung sino ay agad kong pinatay. Balak ko nang tapusin at hindi ituloy ‘yong kontrata namin kaya lang hindi ko alam kung kailan at paano, wala pa akong trabaho ulit. Mas lalong hindi ko alam kung saan ako pupulutin pagkatapos.Matagal kong pinag-isipan ‘to. Kaya lang hindi ko maiwasang matakot para sa mga magulang at mga kapatid ko. Kasi kung
ISLA’S POV“What? Amiah? How did you know that name?”Sa tagal niyang nakatulala ay ‘yan lang ang sasabihin niya? Hindi niya siguro inaasahan na malalaman ko agad na may girlfriend siya. Buti nga at mabait pa ‘yong girlfriend niya dahil hindi ako inaway. Pero kung alam siguro no’n mga ginagawa ni Mr. Martin ay baka mapatay niya na ako.“Mahalaga pa ba ‘yon, Sir?” Tinignan niya ako mula paa hanggang ulo. Lumapit siya at hinawakan ang mga kamay ko at mukha ko.Para akong nakuryente sa hawak niya. Ano bang ginagawa niya?“Did she hurt you? May ginawa ba siya sa ‘yo?” tanong niya habang ine-examine pa rin ‘tong iba’t-ibang parte ng katawan ko.Itinulak ko ulit siya nang tumagal ang hawak niya sa pisngi ko. Hindi niya ba ako narinig kanina o talaga
ISLA’S POV Nakasakay pa rin kami sa Bangka habang minamaneho niya. Bumubukas-bukas ‘yong butones sa may bandang d*bdib niya kaya nag-iiwas ako ng tingin kapag lumilingon siya sa gawi ko. Kahit napakaganda ng lugar ay hindi ko naman ma-appreciate kasi ang dagat, mas lamang ‘yong takot ko na baka mahulog kami dahil hindi ako marunong lumangoy. Actually ngayon lang ako nakapunta sa dagat. Hindi ako mahilig mag-travel o sumama sa mga outing sa school o kapag nag-aaya si Sasa. Mas gusto ko pang kumayod na lang nang kumayod kaysa magsaya knowing na may pamilya akong mas kailangan ng tulong ko. Pero looking at the small waves, the blue, cold and transparent water of the ocean makes me think na pwede namang magpahinga… na sa kabila ng lahat ng kaguluhan at kadiliman sa buhay mo ay may lugar ka pa ring mapupuntahan para magpahinga at para huwag i-pressure ang sarili mo sa mga nangyayari sa