Share

Chapter Twenty-One

Olivia

Parang ayaw ng tadhana na makarating ako kaagad kay Daddy dahil sunod-sunod na aksidente sa daan ang nakikita namin. Lalo pa tuloy itong nakapagpadagdag sa lakas ng kabog sa aking dibdib. Idagdag pa ang napakabigat na traffic na humaharang sa amin na makarating doon kaagad.

“Wala na bang ibang daan, Zander? Kailangan ko nang makita si Daddy.” Sambit ko habang sinisipat mula sa bintana ang kahabaan ng traffic. Balisa na ako noong mga oras na ‘yon. Idagdag pa ang hindi nawawalang panginginig ng mga kamay ko.

“Pasensiya nap o, Ma’am Olivia pero ito na po ang pinaka mabilis na daan papunta sa opisina ng Daddy ninyo. Hindi naman po talaga nagta-traffic ditto noon. Hindi kop o alam kung bakit ganito ngayon.” Katuwiran naman niya.

Wala na akong nagawa kung hindi ang mapabuntong hininga. Alam kong kanina pa ako tinitignan ni Matthew ngunit maging siya ay wala ring magawa kung hindi ang maghintay

Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status