Share

CHAPTER ONE HUNDRED SEVENTEEN

Olivia

Kanina pa ako naghihintay dito sa parking lot ng building na pag-aari ng mga Montero. Iniwan kasi ako dito ni Matthew dahil gusto niyang komprontahin ang nakatatandang kapatid niya patungkol sa ginawa nitong pamumwersa sa akin noong nasa resort pa kami. Inawat ko siya at ginusto ko rin namang sumama sa kaniya pero talagang inayawan niya kaya wala akong magawa kung hindi ang maghintay na lamang dito sa sasakyan.

Makalipas ang ilan pang minuto, dahil sa labis nang pagkainip ay naisipan ko nang lumabas ng sasakyan. Akmang bababa na sana ako nng biglang dumating si Matthew kaya muli akong bumalik sa loob.

"Kumusta? Nakausap mo ba si Lloyd? Anong sabi niya? Humingi man lamang ba siya ng dispensa sa 'yo?" sunod-sunod ang mga tanong ko pero wala ni isa doon ang sinagot ni Matthew. "Matthew, naririnig mo ba ako?!"

Dahil nanatili pa ring walang imik si Matthew. Hinampas ko na ng mahina ang braso niya, dahilan para muli siyang makabalik sa ulirat.

"Ayos ka lang ba? Kanina pa ako salit
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status