Spare Dates

Spare Dates

last updateLast Updated : 2023-09-19
By:  ChucklesCompleted
Language: English
goodnovel4goodnovel
Not enough ratings
70Chapters
3.6Kviews
Read
Add to library

Share:  

Report
Overview
Catalog
SCAN CODE TO READ ON APP

Billie and Zofi are two beautiful young people with the unique mission of saving misfits in school from being left out. They present themselves as available dates for anyone that no one is interested to date or to be seen with. As they become successful and recognized for their outstanding effort, they become more inspired to carry on their mission in their adult life. Like others, they also fall in love with people around them but find the idea of them being together ridiculous. Is that really the case of is it just an effort to be retain the unlabeled type of bond that they have?

View More

Chapter 1

Chapter 1: Fairy Tale Date

"Hindi ikaw ang babaeng gusto kong pakasalan. Maghiwalay na tayo, Lyra," malamig at diretsong sabi ni Tristan pagdating niya sa altar. "Hindi na kita mahal."

Parang tumigil ang mundo.

Napasinghap ang mga bisita. Ang musika ng kwartet na tumutugtog sa likod ay biglang tumigil. Si Lyra, nakaangat ang kamay para sana'y hawakan ang palad ni Tristan, ay napatigil sa ere.

“Tristan… please…” bulong niya, pilit pinipigilan ang panginginig ng boses. Hinawakan niya ang kamay nito, mariing pinisil na parang may pag-asang nagkakamali lang ito ng sinasabi. “Sabihin mong hindi totoo ’to…”

Pero nanatiling matigas ang mukha ng lalaki. Walang bakas ng alinlangan sa malamig niyang mga mata.

“I’m sorry, Lyra,” ulit niya. “I can’t do this. Hindi na kita mahal. Hindi ko alam kung kailan nagsimulang magbago ang lahat… pero hindi na kita kayang pakasalan.”

Napaatras si Lyra ng isang hakbang. Parang nawalan ng laman ang katawan niya. Nanlambot ang tuhod niya at kung hindi lang siya nakaheels na nakabaon sa carpeted aisle, baka bumagsak na siya sa sahig.

“Tristan…” humihikbi na siya ngayon, pero pigil na pigil. “Limang taon. Limang taon tayong magkasama. Ilang beses kang nangakong mamahalin mo ako habambuhay. Bakit ngayon? Bakit ngayon mo ’ko tinatraydor?”

“Because I couldn’t lie to you anymore,” sagot ng lalaki. “I tried. I really did. Akala ko kaya kong ituloy kahit hindi na ikaw ang laman ng puso ko. Pero mali. Hindi ko kayang magsinungaling sa iyo, sa altar na ’to.”

“Then who?” halos pasigaw na tanong ni Lyra. “Who is she, Tristan? Who took you away from me?”

“She’s pregnant, Lyra,” sagot ni Tristan. “And I… I want to do what’s right. I will marry her.”

Biglang naging tahimik ang buong simbahan. Parang may granadang sumabog pero walang tunog.

Nanginig ang labi ni Lyra. Tumingin siya sa paligid, sa mga taong minsang saksi sa pagmamahalan nila, ngayon ay mga mata ng pag-uusisa at tsismis.

“I gave you everything, Tristan,” aniya, halos pabulong pero bawat salita ay puno ng kirot. “Bakit hindi sapat?”

“I don’t know,” sagot niya. “Maybe you were too good for me. Maybe I got tired. Maybe… I just fell out of love.”

“Coward,” garalgal na bulong ni Lyra. “You’re a coward.”

Tumingin siya sa kaniyang ina na nangingilid ang luha. Sa kaniyang ama, nakatayo, nanginginig ang kamao na halatang gustong sugurin si Tristan. Ngunit pinigilan siya ng isang ninong.

“I deserved the truth. But not like this,” patuloy ni Lyra. “Not in front of everyone. Not in the dress I worked so hard to pay for… Not when I already said yes to forever.”

“I'm sorry,” huling sabi ni Tristan, pero hindi pa rin mababakas ang pagsisisi. Parang hinihintay na lang siyang lumayo.

Pinunasan ni Lyra ang luha bago ito tumulo. Huminga siya nang malalim, itinuwid ang likod, at inangat ang baba.

Tumalikod si Lyra, hawak ang laylayan ng kaniyang gown, at marahang naglakad palayo sa altar… palayo sa lalaking minahal niya ng buo, pero iniwan siyang durog.

Mula simbahan, naglakad si Lyra nang walang direksyon. Basang-basa ang wedding dress, nanginginig ang katawan, pero wala siyang pakialam.

Habang palakad-lakad sa gilid ng isang madilim na kalsada, napansin niya ang isang lalaki sa ilalim ng sirang waiting shed. Nasa wheelchair ito. Tahimik na nakatitig lang sa kawalan, parang walang pakialam sa mundo.

Pinagmasdan niya ito. Ang basang buhok, ang matatalim na mata, ang pormal na suot na tila hindi bagay sa lugar na ’yon.

“What are you staring at?” malamig na tanong ng lalaki, hindi man lang tumingin sa kaniya.

“Nothing,” sagot ni Lyra, nanginginig pa rin. “I just… you don’t look like you belong here.”

“So do you,” anito, agad na sumagot. “Hindi bagay sa kalye ang babaeng nakaputing pangkasal na nanginginig sa ulan.”

Tumaas ang kilay ni Lyra. “Hindi ko rin akalaing makakakita ako ng lalaking naka-wheelchair at naka-armani suit sa dilim ng kalsadang ’to. So maybe we’re both out of place.”

Tumahimik ang lalaki. Ilang segundo lang, pero sapat para madama ang bigat ng katahimikan.

“You look like shit,” bulalas niya bigla.

Napatawa si Lyra ng mapait, sarkastiko, ngunit may bahid ng pagkaluwag. “Thanks. I just got dumped at the altar. Pretty epic, right?”

Tumingin na sa kaniya ang lalaki. Mas malapit ngayon ang tingin na parang sinusuri siya.

“He’s an idiot,” sabi nito.

“Tell me something I don’t know,” she muttered, pilit pinapahupa ang nanginginig na labi.

Nagtagpo ang kanilang tingin.

“Will you marry me tonight?” tanong ng lalaki, kalmado, diretso.

Napakunot ang noo ni Lyra. “Excuse me?”

“Marry me. Tonight,” ulit niya, walang pag-aalinlangan. “You’re broken. I’m broken. Maybe we’ll match.”

Nanigas si Lyra. “Are you drunk?”

“No. I’m just… in the mood to do something reckless.”

“Gago ka ba?!” singhal niya. “I just got dumped and now you’re asking me to marry you? We don’t even know each other!”

“That’s the point,” Elias said, this time sinabi na ang pangalan. “Wala tayong expectations. Walang history. No lies. Just two strangers… helping each other forget.”

“Are you even serious?”

“Mas seryoso pa ako kaysa sa lalaking tinakbuhan ka sa altar,” ani Elias. “At least I won’t leave you standing in front of a crowd.”

Tila nawala ang hininga ni Lyra. Isang iglap, bumalik lahat ng eksena sa simbahan—ang mga matang nakatingin sa kaniya, ang mga luhang pinigilan niya, ang pakiramdam ng pagiging walang halaga.

“Why?” halos pabulong niyang tanong. “Why would you marry someone like me?”

Elias looked at her. This time, may bahid na ng sakit sa mga mata nito. “Because I can. And because I think I need saving too.”

Nang sumagi sa isipan ni Lyra ang mga salitang binitawan ni Tristan sa altar, tumulo na naman ang luha niya.

Kinuha niya ang kamay ng binata at hinawakan ito ng mahigpit.

“Let’s do something stupid,” mahinang sabi ni Lyra.

Makalipas ang ilang oras, nasa city hall na sila.

Tulala si Lyra habang nilalagdaan ang marriage certificate sa harap ng isang hukom na kaibigan daw ni Elias. Basang-basa pa rin ang suot niya, nanginginig ang kamay, pero buo ang loob. Hindi dahil sigurado siya, kundi dahil pagod na siyang masaktan. Kailangan niyang putulin ang bangungot. Kailangan niyang gumawa ng bagong kabaliwan para takasan ang lumang sakit.

“Mrs. Montero,” sabi ng judge, “you may now kiss your husband.”

Ngumiti si Elias.

“I’ll save that for later.”

Namula si Lyra, napaikot ang mata. “Sira ka talaga.”

***

Sa isang luxury hotel suite, tahimik silang pumasok.

Tahimik lang si Lyra. Basa pa rin ang buhok, pero pinilit niyang ayusin ang sarili. Tumayo siya sa harap ng salamin, tinitigan ang sarili—isang babaeng hindi na niya halos makilala.

Habang binubuksan ni Elias ang mini bar, tinapunan niya ito ng tingin.

“So… now what?” aniya. “Gabi ng kasal natin. Should I sleep on the couch?”

“No need,” anito.

Pagharap niya, muntik na siyang mapaatras.

Tumayo si Elias mula sa kaniyang wheelchair ng dahan-dahan at parang wala siyang iniindang sakit.

“W-Wait…” nauutal si Lyra. “Akala ko…”

“I never said I couldn’t walk,” Elias replied, his voice low and calm.

“You lied to me, Mr. Montero!”

“I didn’t. I simply let you assume.”

Lyra stepped back. “Then who the hell are you?”

He took a step forward. “Your husband.” Isang hakbang pa. “And tonight, I’ll prove that.”

Lumapit siya kay Lyra at hinawakan ang baba nito, pinatayo ang tingin niya.

“You wanted to forget, right?” bulong ni Elias. “Then let me help you forget.”

Mainit ang hininga nito, mabigat ang titig.

“I should hate you for this,” she whispered.

“Then hate me in the morning,” sagot niya habang inilalapit ang labi sa tainga ng dalaga. “But tonight… you’re mine.”

Expand
Next Chapter
Download

Latest chapter

More Chapters

To Readers

Welcome to GoodNovel world of fiction. If you like this novel, or you are an idealist hoping to explore a perfect world, and also want to become an original novel author online to increase income, you can join our family to read or create various types of books, such as romance novel, epic reading, werewolf novel, fantasy novel, history novel and so on. If you are a reader, high quality novels can be selected here. If you are an author, you can obtain more inspiration from others to create more brilliant works, what's more, your works on our platform will catch more attention and win more admiration from readers.

Comments

No Comments
70 Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status