登入
WINTER’S MELODY
Ang bawat kumpas ng oras sa loob ng Celestial Sanctuary ay tila bumabagal, kasing bagal ng pagpatak ng tunaw na yelo sa gitna ng pinakamalamig na taglamig. Dalawang taon na ang lumipas. Dalawang taon na mula nang maging anino ang liwanag na nagligtas sa akin mula sa sarili kong kadiliman. Ngunit para sa akin, tila kahapon lang nung huli kong narinig ang mahinhing yabag ng kanyang mga paa sa pasilyong ito, ang amoy ng kape na kaniyang inihahanda, at ang boses niyang nagbibigay ng kulay sa bawat umagang kay lamig.
Nakatitig ako sa kawalan habang nakaupo sa gilid ng bintana ng aking silid. Sa labas, masaya ang lahat. Ramdam hanggang dito sa loob ang masiglang enerhiya ng Celestial Sanctuary House. Ipinagdiriwang ng buong mundo ang unang kaarawan ng kambal nina Sirius at Haven. Naririnig ko ang malakas na tawa ni Sirius mula sa garden—ang boses ng "Unbothered King" na ngayon ay isang ganap at responsableng ama na. Masaya ako para sa kanila. Tunay na masaya. Pero sa bawat tawang naririnig ko mula sa malayo, mas lalong tumitindi ang nakabibinging katahimikan sa loob ng sarili kong silid.
Hawak ko ang paborito kong gitara—ang instrumentong saksi sa lahat ng aking pangarap at pighati. Kinakalabit ko ang mga kuwerdas, ngunit ang bawat nota na lumalabas ay tila walang buhay. Wala ang dating ningning. Wala ang dating tamis. Ang bawat chord ay tila isang buntong-hiningang nawawala sa hangin.
Dati, ang bawat kanta ko ay may patutunguhan. Noong narito pa siya, kahit ang simpleng pag-tune ko ng gitara ay nagkakaroon ng saysay dahil alam kong nakikinig siya mula sa kusina habang naghahanda ng kape ko. Ang bawat nota ay mensahe, at ang bawat kanta ay pag-aalay. Ngayon, ang musika ay naging isang malupit na paalala ng isang espasyong bakante.
"Dalawang taon na, Orion. Hanggang kailan mo titingnan ang p***o, umaasang papasok siya dala ang kape mo?"
Hindi ko kailangang lumingon para malaman kung sino ang nagsalita. Ang malalim at baritono ngunit mainit na boses ni Neptune ay sapat na. Narinig ko ang mahina niyang paglakad papalapit sa akin, ang bawat yabag niya sa sahig ay tila pumupunit sa katahimikang aking binuo. Alam kong kahit ang "Social Butterfly" ng grupo ay nahihirapan na ring makita akong ganito—ang Fairy Prince na tila nalanta na ang mga pakpak.
"Hindi ko alam, Bro," sagot ko nang hindi pinuputol ang titig sa p***o. "Pero nararamdaman ko... malapit lang siya. Parang bawat hangin na umiihip sa paligid ko, dala ang pamilyar niyang amoy. Parang narito lang siya sa paligid, nagtatago sa mga aninong hindi ko maabot."
"Orion, kailangan mong magpatuloy," untag ni Neptune, sabay tapik sa aking balikat gamit ang kanyang mahahabang daliri. "Tingnan mo si Sirius, tingnan mo si Haven. Naka-move forward na ang digmaan laban kay Silas. Ligtas na tayo. Pero ikaw, tila nakakulong ka pa rin sa huling gabi na nakasama mo siya. Hindi mo ba nakikita? Ang mga Stellars, ang mga fans, kailangan nila ang Fairy Prince nila. Pero mas kailangan mo ang sarili mo."
Ipinikit ko ang aking mga mata, pilit na tinatakasan ang mga matang dati’y nagniningning sa ilalim ng spotlight—ngunit ngayon, tila naging malalim na balon na lamang ng pighati. Hindi pa rin mawaglit sa alaala ko ang huling sulyap ni Spring. Ang takot na hinaluan ng determinasyon sa kanyang mga mata.
"Hindi ko siya nakalimutan, Neptune. At hindi ko rin kayang magpanggap na maayos ang lahat habang alam kong may kulang sa bawat kanta natin," mahina kong dagdag.
Ibinalik ko ang tingin sa aking gitara. Kung ang Celestial ay isang symphony, si Spring ang pinaka-importanteng nota na nawawala. At hangga't hindi ko siya muling naririnig, mananatiling taglamig ang puso ko, kahit pa sa gitna ng pinaka-mainit na selebrasyon.
Binitawan ni Neptune ang isang mabigat na buntong-hininga. Sandaling tumahimik siya, ang kanyang presensya na dati ay nagbibigay ng sigla sa silid ay tila nababalot na rin ng mabigat na atmospera. Pinagmasdan niya ako—hindi bilang isang bandmate, kundi bilang isang kaibigang nakikitang unti-unting nilalamon ng sarili nitong dilim. Nang walang lingon-likod, lumabas siya, at ang pagbukas-sara ng p***o ay parang huling nota ng isang musikang hindi natapos.
Naiwan akong muli sa yakap ng katahimikan. Muli kong dinitik ang aking mga daliri sa malamig na kwerdas. Sa bawat pagpindot ko sa fretboard, tila nararamdaman ko ang gaspang ng nakaraan. Ilang kanta na ba ang sinubukan kong isulat para sa kanya? Marahil ay daan-daan na, ngunit wala ni isa ang nakatapos. Paano mo tatapusin ang isang kanta kung ang inspirasyon mo ay bigla na lamang naglaho na parang usok sa gitna ng gabi?
Tumayo ako at lumakad patungo sa salamin. Pinagmasdan ko ang aking repleksyon. Ang dating "Fairy Prince" na laging may matamis na ngiti para sa mga Stellars ay tila isang estranghero na ngayon. Ang aking buhok na medyo mahaba na at bahagyang nakatabing sa aking mga mata—mga matang tila nawalan na ng kislap. Ang aking mga labi, na dati ay laging handang magbigay ng payo sa mga ka-miyembro ko, ay naging tikom at tila nakalimutan na ang lasa ng tunay na kaligayahan.
Dahan-dahan akong lumapit sa isang maliit na table sa tabi ng aking kama. Naroon pa rin ang All-Access Pass na binigay ko sa kanya, bahagya nang kupas ang kulay nito, ngunit malinaw pa rin ang nakasulat na pangalan ng aming banda: CELESTIAL. Hinaplos ko ang plastik na takip nito. Naalala ko pa ang kislap sa mga mata ni Spring nang iabot ko ito sa kanya. Noon, akala ko ay iyon na ang susi para tuluyan siyang manatili sa tabi ko.
"Bakit ka ba umalis, Spring?" bulong ko sa hangin, habang hinahayaan kong lamunin ako ng lamig ng aircon na tila nagiging tunay na niyebe sa loob ng aking dibdib. Ang bawat sulok ng silid na ito ay may bakas ng kanyang pag-aalaga. Mula sa maayos na pagkakatiklop ng aking mga damit hanggang sa ayos ng aking mga gitara—lahat ay tila sumisigaw ng kanyang kawalan.
Muli kong binalingan ang gitara. Sa pagkakataong ito, hindi ko na pinigilan ang aking sarili. Hinayaan kong dumaloy ang pait sa bawat nota. Isang malungkot na ballad ang nabuo sa gitna ng katahimikan—isang kanta para sa isang taong hindi ko alam kung nasaan. Hindi ko alam kung ilang minuto o oras na akong nakatitig sa kawalan nang biglang tumunog ang aking phone. Isang notification mula kay Phil, ang aming manager.
“Orion, Neptune, Sirius, Archer, Rigel—Meeting bukas, 9 AM. We have a major festival performance in two months. This is for the launch of The Thaw: Celestial Music Festival. Be ready.”
Isang malaking festival. Isang pagkakataon para muling tumayo sa harap ng libo-libong tao. Pero sa gitna ng excitement na dapat kong nararamdaman, isang kakaibang kaba ang humaplos sa puso ko. Isang pamilyar na pintig. Para bang sa bawat tibok ng puso ko, may isang pangalang pilit na kumakawala.
Habang ang mundo ni Orion ay tila nakatigil sa gitna ng isang walang katapusang taglamig, tatlumpung kilometro ang layo, sa gitna ng mausok at mabilis na takbo ng Makati, may isang mundong nag-aalab sa init, musika, at pagod.
Sa loob ng isang sikat na underground dance studio, hindi ang malamyos na tunog ng gitara ang maririnig. Sa halip, ang bawat sulok ay nanginginig sa bigat ng bass at sa ritmo ng musikang yayanig sa iyong dibdib. Dito, ang hangin ay amoy pawis at determinasyon. Dito, wala na ang mahiyain at takot na si Spring Salvejo. Dito, ang tanging kilala nila ay si Vera.
"Isa pa! Five, six, seven, eight!" sigaw ni Vera sa gitna ng kanta.
Sa harap ng malaking salamin, pinagmasdan ni Spring ang sarili niyang repleksyon. Ang kanyang pangangatawan ay mas lalong naging toned at maliksi. Ang bawat galaw niya ay tila isang talim na humahati sa hangin—mabilis, matapang, at puno ng awtoridad. Ang pagsasayaw ang naging paraan niya para makahinga. Sa bawat padyak ng kanyang sapatos sa sahig, tila tinatapak-tapakan niya ang lahat ng sakit ng nakaraan—ang mga pasa mula kay Mang Carlo, ang madidilim na gabi sa club ni Mr. Chua, at ang matinding pangungulila sa lalaking iniwan niya.
"Break muna, guys. Five minutes," anunsyo niya habang hinihingal.
Kinuha niya ang kanyang towel at isang bote ng tubig. Lumapit siya sa sulok ng studio. Habang nagpapahinga, hindi niya mapigilang mapatingin sa kanyang mga palad. Wala na ang mga paltos mula sa paglilinis ng bahay, ngunit may mga bagong marka na roon mula sa matinding ensayo. Nagbago na siya. Nagtrabaho siya nang doble para lang makuha ang respeto ng industriya. Hindi na siya basta "house aid." Siya na ang misteryosong choreographer na hinahangad ng maraming malalaking kumpanya. Nailipat na niya ang kanyang nanay at si Tiya Lena sa isang ligtas na apartment, malayo sa abot ng kanyang stepfather. Ligtas na sila. Malaya na sila.
Ngunit sa kabila ng lahat ng tagumpay na ito, may isang bahagi ng puso niya na nananatiling nakasara. Biglang bumukas ang p***o ng studio at iniluwa nito si James, ang kanyang manager.
"Vera, may bagong offer. Isang malaking music festival sa darating na dalawang buwan," panimula ni James. "Ito na ang pagkakataon mong makilala bilang head choreographer. Ang festival ay tinatawag na The Thaw: Celestial Music Festival."
Napatigil si Spring sa pag-inom. Ang pangalang matagal niyang pilit na ibinabaon sa limot ay muling bumalik, mas malakas at mas mapanakit. Nanigas ang buong katawan ni Spring. Ang bote ng tubig na hawak niya ay dahan-dahang nayupi sa higpit ng kanyang pagkakahawak.
"I can't do it," mabilis niyang sagot, ang kanyang boses ay bahagyang nangatal.
"Pero Vera, ikaw ang partikular na hinahanap nila," hirit pa ni James. "Ang lead guitarist mismo ng CELESTIAL ang nakakita sa video ng performance mo. Sila ang pumili sa'yo."
Si Orion. Pinili siya ni Orion nang hindi nito alam na siya ang nasa likod ng pangalang Vera. Isang mapait na ngiti ang sumilay sa kanyang mga labi. "Hindi mo ba naiintindihan, James? Hindi lang ito basta trabaho para sa akin."
"Ikaw si Vera. Ang 'Master of Rhythm.' Ang babaeng walang inuurungang challenge. Hahayaan mo bang ang isang multo ng nakaraan ang kumuha sa kinabukasan mo?"
Tumingin si Spring sa malaking salamin ng studio. Nakita niya ang isang babaeng matapang, ang buhok ay basa ng pawis, at ang mga mata ay may talim na hindi kayang baliin ng kahit sino. Pero sa kailaliman ng mga matang iyon, naroon pa rin ang 'Spring' na nangungulila sa 'Winter' ng isang lalaking nagngangalang Orion.
"The Thaw..." sambit niya. Napaka-ironic. Layunin ng festival na tunawin ang lamig, pero para kay Spring, ito ang magdadala sa kanya pabalik sa gitna ng bagyo.
"Bigyan mo ako ng isang gabi para mag-isip," huling sabi ni Spring bago kinuha ang kanyang gamit at naglakad palabas ng studio.
Sa labas, sumalubong sa kanya ang malamig na hangin ng gabi. Huminga siya nang malalim at tumingala sa langit. “Orion... kung alam mo lang kung gaano kahirap magtago sa dilim habang ang puso ko ay gustong-gustong tumakbo patungo sa liwanag mo.”
Sa gitna ng kadiliman, isang p***o ang dahan-dahang bumubukas—ang p***o ng Celestial Sanctuary. Ngunit bago pa tumapak ang aking mga paa sa marangyang marmol ng mansyong iyon, bumalik ang eksaktong sandali kung kailan ang aking mundo ay tuluyang naglaho. Hindi ako agad naging 'Vera,' at hindi agad naging 'liwanag' ang Celestial. Bago ang lahat, may isang babaeng hinubaran ng pangalan at pangarap sa loob ng isang madilim na silid na puno ng usok at pagsisisi.
Bago ang Sanctuary, mayroong Club de Oro. At doon nagsimula ang mahabang gabi na hanggang ngayon ay hindi ko pa rin matapos-tapos.
THE BITTERSWEET HOMECOMING Orion's POV Ang pagbabalik ng CELESTIAL sa Pilipinas ay hindi lamang isang simpleng pag-uwi mula sa isang matagumpay na world tour. Ito ay isang makasaysayang paglantad ng katotohanang yayanig sa bansa at wawasak sa bawat pader ng kasinungalingang itinayo ng management sa loob ng isang taon. Habang bumababa ang aming jet, nakikita ko mula sa bintana ang naglalakihang kumpol ng tao. Ang Ninoy Aquino International Airport (NAIA) ay tila sasabog sa dami ng tao. Mula sa departure area hanggang sa dulo ng parking lot, libu-libong Stellars ang nagtipon-tipon. Ang init ng panahon sa Maynila ay sumasabay sa init ng pagsalubong nila. Bawat isa ay bitbit ang kanilang mga banner, ang iba ay may luha sa mata, at ang dagat ng lightsticks ay nagniningning kahit sa ilalim ng sikat ng araw. Ang mga news team mula sa malalaking network ay nakahanda na, ang mga camera ay tila mga baril na nakatutok sa pinto ng aming eroplano. "Orion! Orion! CELESTIAL!" ang paulit-ulit na
RESURRECTION IN THE SHADOWSOrion's POV Hingal na hingal si Sirius habang pabagsak na naupo sa malambot na leather sofa ng aming private dressing room. Ang silid na ito, na dapat ay lugar ng selebrasyon para sa matagumpay na finale, ay naging mistulang interrogation room dahil sa bigat ng atmospera. Hawak-hawak pa rin ni Sirius ang maliit na piraso ng asul na confetti na tila ba ito ang pinaka-importanteng relic sa mundo. Ang kanyang princely face ay basa ng pawis at luha, ang kanyang mga mata ay nananatiling dilat, takot na sa isang pikit ay maglaho ang milagrong kakasaksi lang niya."Sirius! What was that?! Bigla kang tumakbo sa gitna ng finale! You left eighty thousand people confused!" bulyaw ni Phil habang hingal na hingal ding pumasok sa silid. Halos lumabas ang mga ugat sa leeg ni Phil; ang kanyang mukha ay kasing-pula ng mga emergency lights sa hallway. Alam ko ang tumatakbo sa isip niya: damage control, press releases, at ang galit na sponsors."I saw her, Phil. I saw Haven,
The Final Concert in MetLifeOrion’s POVAng MetLife Stadium sa New Jersey ay hindi lamang isang istraktura ng bakal at semento sa gabing ito; ito ay nagmistulang isang buhay na kalawakan, isang dambuhalang katedral ng musika at damdamin. Ito ang rurok ng aming paglalakbay na sumaklaw sa limang kontinente—ang dulo ng isang mahabang kalsadang binuo ng dugo, pawis, at ang hindi matapos-tapos na pangungulila.Mula sa aking kinatatayuan sa backstage, nararamdaman ko ang bawat pintig ng stadium sa ilalim ng aking mga sapatos. Ang 80,000 na tagahanga ay tila isang dambuhalang organismo na naghihintay na magliyab. Ang hangin ay amoy ozone at excitement, hinaluan ng lamig ng gabi sa New York na nanunuot hanggang sa aking mga buto.Ang buong stadium ay nabalot ng isang kamangha-manghang Celestial Galaxy Theme. Mula sa kisame hanggang sa sahig, ang mga holographic stars at nebulae ay tila gumagalaw kasabay ng bawat tibok ng puso ng mga Stellars. Ang mga lightsticks nila ay hindi na ordinaryo—ba
THE FRACTURED MASKJessica's POV "YOU CAN'T DO THIS TO ME! HINDI NIYO AKO PWEDENG BALEWALAIN!!!" Ang hiyaw ko ay umalingawngaw sa apat na sulok ng VIP dressing room, sapat na para manginig ang sinumang staff na nasa labas ng pinto. Ngunit wala akong pakialam. Wala na akong pakialam sa reputasyon ko bilang "America's Sweetheart" o ang imahe kong kalmado at elegante. Sa loob ng silid na ito, ang tanging natitira ay ang isang babaeng nilapastangan ang pride.Nagkakalat ang mga mamahaling gamit sa sahig—mga makeup kit na nagkakahalaga ng libu-libong dolyar, mga designer clothes na kakapadala lang para sa New York Fashion Week, at ang huling biktima ng galit ko: ang aking limited edition designer bag. Inihagis ko ito nang buong lakas sa malaking salamin sa harap ko.Cling!Ang tunog ng nababasag na kristal ay tila musika sa aking pandinig. Nagkaroon ng malalaking lamat ang salamin—mga lamat na humati sa repleksyon ng aking mukha. Isang simbolo ng aking nasisirang plano, ng aking unti-unt
THE ILLUSION OF THE PRINCEOrion’s POVNakatayo kami sa gilid ng entablado ng "The Late Night Global Show with James Sterling." Ang backstage ay isang kontroladong kaguluhan—mga crew na tumatakbo dala ang mga cables, ang amoy ng mainit na kape, at ang halos nakakasulasok na bango ng mamahaling pabango at hairspray. Habang inaayos ng stylist ang aking kwelyo sa huling pagkakataon, nararamdaman ko ang mahinang pagyanig ng sahig. Hindi ito lindol; ito ang hiyawan ng libu-libong Stellars sa labas ng studio, sa mismong puso ng Times Square. Ang New York ay mistulang naging dagat ng asul at pilak—ang mga kulay ng aming banda na tila sumasakop na sa buong mundo.Ngunit sa likod ng makulay na ilaw, ang pakiramdam ko ay parang isang bilanggo na binibihisan para sa kanyang huling paghatol.Sa gitna ng kaguluhan, nahuli ng aking paningin si Phil sa gilid. Hindi siya gumagalaw, parang isang estatwa ng awtoridad. Hawak niya ang kanyang tablet, ang asul na liwanag nito ay nagbibigay ng multong anyo
THE WEIGHT OF THE SHADOWOrion’s POVAng loob ng SUV ay tila naging isang kabaong na gawa sa mamahaling leather at air-conditioned na lamig. Sa labas, ang New York City ay isang malabong guhit ng neon lights—dilaw, asul, at pula—na mabilis na dumadaloy sa bintana habang binabagtas namin ang 5th Avenue. Pero sa loob, ang hangin ay malapot sa tensyon. Amoy kape, amoy pagod, at amoy ng unti-unting nabubulok na pasensya."Phil, huling beses ko na itong sasabihin—itigil niyo ang pagpapalabas ng mga balitang may nakaraan kami ni Jessica!" sigaw ko, halos yumanig ang buong loob ng sasakyan. Ang sarili kong boses ay naging tila estranghero sa aking pandinig. Hindi ito ang boses ng Fairy Prince ng CELESTIAL na laging nakangiti sa mga interview. Ito ay boses ng isang lalaking galing sa gyera. "Hindi niyo ba maintindihan na may nasasaktan sa Pilipinas dahil sa mga kasinungalingang ito?""Orion, makinig ka!" bulyaw ni Phil pabalik, ang kanyang mukha ay pulang-pula na sa galit. "Negosyo ito! Ang C







