Is It Too Late My Love?

Is It Too Late My Love?

last update最終更新日 : 2026-09-08
作家:  BM_BLACK301たった今更新されました
言語: Filipino
goodnovel18goodnovel
評価が足りません
8チャプター
9ビュー
読む
本棚に追加

共有:  

報告
あらすじ
カタログ
コードをスキャンしてアプリで読む

概要

Drama

Contemporary

Third-Person POV

CEO

Billionaire

Affair

Divorce

Weak to Strong

Akala ni Elena, sapat na ang pagmamahalan nila ni Lance, ang kanilang mga pangako, at ang anak nilang si Lucas para manatili silang buo bilang pamilya. Pero isang babae ang dumating at ipinatikim kay Lance ang buhay na hindi niya kailanman naranasan. Si Sandra ang mayaman at magandang amo nit ang unti-unting bumihag sa puso at isip ni Lance hanggang sa makalimutan nitong may asawa at anak siyang naghihintay sa kanya. Nang matuklasan ni Elena ang pagtataksil ng asawa, isa lang ang hinihintay niya mula sa lalaking minsan niyang minahal nang buong puso ang buong pusong paghingi nito ng tawad. Ngunit wala, walang narinig si Elena mula kay Lance sa halip ay pinipilit siya nitong pirmahan na ang divorce paper. Dahil mas pinili ni Lance si Sandra. At ngayong tuluyan nang bibitawan ni Elena ang kanilang pagsasama… Huli na ba para pagsisihan ni Lance ang lahat?

もっと見る

第1話

Chapter 1

ELENA

Hindi mapakali si Elena habang nakaupo sa gilid ng kanyang kama. Naghalo ang kaba at saya sa puso niya habang hawak ang pregnancy test. Naroon ang resulta ang dalawang pulang linya na nagpapatunay ng katotohanan.

"Buntis ako..." Halos pabulong niyang sambit.

Napahawak siya sa kanyang impis tiyan habang unti-unting bumibilis ang tibok ng kanyang puso. Lance magkakaanak na tayo.

Napapangiting isip ni Elena ngunit nag-aalala si Elena kung sakaling ipapaalam niya dahil kaka-promote palang ni Lance bilang foreman. Nagpaplano palang silang mag-ipon para sa kanilang kasal.

Magkasintahan pa lang at napag-usapan nila ang tungkol sa kanilang magiging kinabukasan, pero wala pa sa plano nila ang pagpapakasal ng maaga o ang magkaanak.

Buong araw pinag-isipan ni Elena kung paano niya sasabihin kay Lance kaya nag-message siya na magkita sila. Nang gabing rin no’n nagkita sila sa isang maliit na restaurant malapit sa lugar nila.

Tahimik si Elena habang nakaupo sa harap ni Lance, moreno at matangkad at hindi naman sobrang gwapo si Lance pero napakalakas ng dating nito.

Napansin naman ni Lance ang kakaibang kilos niya.

"May problema ba?" Tanong agad ni Lance.

Umiling siya. "Wala naman.” Nakangiting sagot niya.

"Bakit parang ang layo ng iniisip mo?" Napapangiting turan ni Lance.

Napayuko si Elena, huminga siya nang malalim bago inilabas mula sa kanyang bag ang maliit na plastic. Inilagay niya iyon sa ibabaw ng mesa.

Napatingin si Adrian, dahan-dahani niyang kinuha ang pregnancy test sa plastic at nanlaki nang bahagya ang kanyang mga mata ng makita ang dalawang guhit.

"Elena..." Mahinang sambit nito.

"Buntis ako." Kabadong pagkakasabi ni Elena.

Hindi agad nakapagsalita si Lance dahil hindi nito inaasahan, ilang segundo silang nanatiling tahimik na dalawa. Hindi naman maalis ni Elena ang tingin sa mukha ng nobyo at nag-aalala siya.

"Sorry." Tanging nasabi ni Elena dahil pananahimik ni Lance. Tiningnan siya ni Lance.

"Bakit ka na nagso-sorry?" Nakabawi si Lance sa pagkagulat.

"Dahil wala pa ‘to sa plano natin.” Nakayukong sabi niya.

Tumahimik si Lance at hindi maitatanggi n Lance na nagulat talaga siya, wala siyang naramdaman na saya pero para kay Elena ay ngumiti siya nang makita niyang nangingilid ang luha sa mga mata ni Elena, agad niyang inabot ang kamay nito.

"Huwag kang umiyak." Ngiting pangaalo niya kay Elena.

"Galit ka ba?" Nagpupunas ng mata na sabi ni Elena.

Umiling si Lance. "Hindi, bakit ako magagalit?” Matamis ang pagkakangiti ni Lance.

"Pero—" dagdag pa ni Elena.

"Nagulat lang ako." Putol ni Lance sa sasabihin ni Elena at mahigpit nitong hinawakan ang kamay ng dalaga.

"Mahal kita, Elena."

Doon tumulo ang luha sa pisngi ni Elena pagkasabi ni Lance.

"At anak natin 'yan." Dagdag pa ni Lance.

Sandaling tumingin si Lance sa pregnancy test bago muling bumalik ang tingin sa kanya.

"Papakasalan kita huwag kang mag-alala.”

Napatitig si Elena kay Lance at hindi siya makapaniwala.  "Sigurado ka?" Tanong pa niya.

"Oo naman, blessing yan sabi nila kaya wala naman tayong magagawa.” Seryosong sabi ni Lance.

"Pero hindi ba tutulungan mo pa ang magulang mo? A-ayos lang naman kahit hindi na muna tayo magpakasal.” Sabi niya at napaayos ng upo si Lance.

"Huwag mo ng isipin ‘yon magkakapamilya na tayo, sigurado akong maintindihan nila ako.” Seryosong pagkakasabi ni Lance.

Hindi napigilan ni Elena ang mapaiyak. Sa kabila ng takot niya simula kanina ngayon ‘ay gumaan na ang pakiramdam niya.

Hindi niya alam kung paano nila haharapin ang mga susunod na araw, ngunit alam niyang hindi siya nag-iisa ngayon dahil kasama niya ang lalaking mahal na mahal niya at mahal rin siya.

___

Kinabukasan, magkasamang pumunta sina Elena at Lance sa bahay ng mga magulang ni Elena. Halata sa mukha nilang dalawa ang kaba dahil nga sabi nila mag-iipon muna sila bago magsama.

Nang sabihin nila ang balita, ilang sandaling natahimik ang magulang ni Elena.

"Buntis ka?" tanong ng ina ni Elena.

Marahan na tumango siya sa ina. "Opo ma."

Napatingin naman ang ama ni Elena kay Lance.

"Ano ang balak mong gawin?" Tanong ng papa ni Elena na binalingan ito.

Hindi umiwas ng tingin si Lance, tuwid niyang tiningnan sa mga mata ang papa ni Elena.

"Pakakasalan ko po si Elena." Buo ang loob na pagkakasabi ni Lance.

Tahimik ang ama ni Elena at ganun rin ang mama niya.

"Saan kayo titira? Wala pa kayong sarili niyong bahay.” Maya’y wika ng ama ni Elena.

“Siguro pa uupa muna kami at kapag nakapag-ipon na bibili rin kami ng sarili namin.” Singit na sagot ni Elena.

"Hindi ba kaka-promote mo palang? Dapat ‘yan pagbutihan mo dahil maganda na yang posisyon.”

“Opo, iingatan ko ang trabaho ko.” Sagot ni Lance. "Hindi ko po maipapangakong magiging maginhawa ang buhay nila," mahinahon niyang sagot. "Pero pananagutan ko po sila. Mahal ko po si Elena at ang magiging anak namin."

Tumingin ang mga magulang ni Elena sa isa't isa dahil sa sinabi ni Lance at sobrang saya naman ng puso ni Elena dahil sa sinabi ng nobyo. Makalipas ang ilang sandali, pumayag na ang mga ito. Masayang umalis sa bahay ng magulang ni Elena silang magnobyo dahil okay na sa magulang ni Elena.

Kinabukasan naman ay kinausap naman nila ang pamilya ni Lance, dito ay kinabahan si Elena dahil alam niyang may pagkamasungit ang mama ni Lance.

Ganoon din ang naging usapan kung paano nila pinagtapat. Nagulat ang papa ni Lance pero mas nagulat ang mama ni Lance at makikita agad na ang pinipigilang galit sa mukha nito.

“Alam mo naman na ikaw na lang ang inaasahan ko dito, mag-aasawa ka na agad?”

Napatingin si Elena kay Lance dahil tahimik lang ito. 

“Ma, kahit mag-asawa ako tutulu–”

“Nako! Isang malaking kasinungalingan ‘yan! Sige na gawin niyo gusto niyo hayaan mo na kami!” 

“Ma.” Akmang lalapit pa si Lance pero sumenyas ang ama ni Lance na tumigil na at umalis na lang.

“Alam kong hindi matatanggap ng mama mo.” Sabi ni Elena paglabas nila.

“Hayaan mo kakausapin ko siya ulit, ngayon lang ‘yan galit.” Ani ni Lance.

Hindi na sumagot si Elena pero rin ang pag-aalala sa magulang ni Lance.

Pinanindigan nina Elena at Lance ang kanilang magiging anak, napagdesisyunan nilang huwag nang maghintay ng malaking seremonya kahit isang simpleng kasal lang lang sapat na.

Ilang araw lamang ang lumipas matapos ang ilang paghahanda ay sa isang maliit na opisina, sa harap ng isang judge, nagsimula ang bagong buhay nina Elena at Lance.

Walang magarbong handaan, simpleng damit pangkasal. Gamit ang konting naipon nilang dalawa ay iyon ang ginamit nila.

Ang kanilang mga magulang lamang ang naroon upang saksihan ang seremonya ng kanilang kasal. Ngunit makikitang hindi pa rin tanggap ng mama ni Lance ang kanilang pagpapakasal.

Nang ideklara silang mag-asawa na sila, hindi napigilan ni Elena ang mapangiting may luha sa mata.

Tumingin sa kanya si Lance  "Okay ka lang, Mrs. Guevara?"

Napatawa siya ng mahina. "Parang ang bilis lang pero sobrang saya ko.” Turan niya.

Ngumiti si Lance.  "At least, hindi na ako boyfriend mo." Nakangising sabi ni Lance.

"Anong tawag ko sa'yo ngayon?" Napapangiting tanong ni Elena.

"Your husband.” Pa-pogi pang sabi ni Lance na parang naging gwapo nga ito lalo sa kanyang paningin.

Napailing si Elena habang nakangiti. "Ang yabang."

Tumawa si Lance at marahang hinawakan ang kamay niya.

"Pero seryoso ako." Tumigil siya. "Gagawin ko ang lahat para sa'yo at sa anak natin."

Tumango si Elena. "Naniniwala ako sa'yo."

Matapos ang kasal, hindi pa rin sila agad nagsama. Kailangan muna nilang ayusin ang kanilang mga gamit at humanap ng maliit na matitirhan na kakayanin ng kinikita ni Lance.

Habang si Elena ay nananatili muna sa bahay ng kanyang mga magulang, si Lande naman ay patuloy na nagtatrabaho at nag-iipon para sa kanilang magiging tahanan.

Hindi marangya ang kanilang magiging buhay. Pero puno sila ng pangarap at ang pangarap na magkaroon ng sariling maliit na bahay sa bubuohin nilang pamilya.

Higit sa lahat ay ang manatiling matatag ang kanilang pagsasama kahit na anong pagsubok pa ang dumating.

もっと見る
次へ
ダウンロード

最新チャプター

続きを読む

読者の皆様へ

Maligayang pagdating sa aming mundo ng katha - Goodnovel. Kung gusto mo ang nobelang ito o ikaw ay isang idealista,nais tuklasin ang isang perpektong mundo, at gusto mo ring maging isang  manunulat ng nobela online upang kumita, maaari kang sumali sa aming pamilya upang magbasa o lumikha ng iba't ibang uri ng mga libro, tulad ng romance novel, epic reading, werewolf novel, fantasy novel, history novel at iba pa. Kung ikaw ay isang mambabasa, ang mga magandang nobela ay maaaring mapili dito. Kung ikaw ay isang may-akda, maaari kang makakuha ng higit na inspirasyon mula sa iba para makalikha ng mas makikinang na mga gawa, at higit pa, ang iyong mga gawa sa aming platform ay mas maraming pansin at makakakuha ng higit na paghanga mula sa mga mambabasa.


コメントはありません
8 チャプター
無料で面白い小説を探して読んでみましょう
GoodNovel アプリで人気小説に無料で!お好きな本をダウンロードして、いつでもどこでも読みましょう!
アプリで無料で本を読む
コードをスキャンしてアプリで読む
DMCA.com Protection Status