Share

Stained Love
Stained Love
Penulis: Shynnbee

PROLOGUE

Penulis: Shynnbee
last update Terakhir Diperbarui: 2024-02-15 01:11:37

Kumusta si Stacey? Hon..." Hindi pa man natatapos ni Rosario ang sinasabi at nakakalapit sa asawa ay sinalubong siya ng byenan at malakas na sinampal siya. Napahawak siya sa pisngi at gulat na napatingin sa byenan. "Mom?"

Galit na dinuro ni Estacia si Rosario. "Don't you dare call me, mom, you murderer!"

Napakurap-kurap si Rosario at napakunot ng noo. Hindi niya maintindihan kung bakit tinatawag siyang mamamatay tao ng byenan.

"Mom, please, stop. Hindi pa nga natin napapatunayan at bakit ba ang asawa ko kaagad ang pinagbibintangan niyo?" pagtatanggol ni Raiden sa asawa.

"Hon, ano bang sinasabi ng mommy mo?" tanong ni Rosario habang nalilitong nakatingin sa asawa.

"Hindi mo alam?" Napabaling si Rosario kay Estacia. "Stacey is dead because of you!" sigaw ng byenan niya at tinuro siya. Hindi makapaniwala na nakatingin si Rosario sa kanya. Hindi siya makapaniwala na patay na si Stacey. "Sinabi ng Doctor na nalason siya. Na may lason ang kinain niya! Doon pa lang ay alam kong ikaw na ang may kagagawan kaya namatay ang anak ko."

Napaiyak na lang si Rosario. "Wala akong kasalanan, mom. Hindi ko magagawa na lasonin si Stacey." Tumingin si Rosario sa asawa at hinawakan ang braso nito. "Hon, maniwala ka. Hindi ko magagawang lasonin si Stacey."

"Sinungaling!" sigaw ni Estacia. "Ikaw lang naman ang nagluto ng pagkain natin at ikaw lang ang may dahilan para patayin ang anak ko. Hindi ba noong isang araw ay nag-away kayo? Ikaw lang naman ang sampid sa pamamahay na ito kaya ikaw lang ang suspect!"

Umiiling habang umiiyak si Rosario. "Oo, hindi po kami magkasundo ni Stacey, pero hindi ko magagawa ang pinagbibintang niyo. Hindi ko kayang gumawa ng masama sa kapwa tao ko." Hindi alam ni Rosario kung bakit nagkakaganito ang lahat. "Kung totoong may lason po ang niluto ko ay bakit si Stacey lang ang nalason? Bakit ayos lang kayong lahat?"

Natahimik ang lahat sa sinabi ni Rosario. Siguro naman sapat na ang sinabi niya para hindi na siya pagdudahan ng byenan.

"Mawalang galang na po." Napatingin silang lahat kay Anna, ang isa sa katulong sa bahay. "Si Ma'am Rosario po talaga ang naglason kay Ma'am Stacey." Napanganga si Rosario sa sinabi ni Anna. "Nakita ko po kanina na nilagyan niya ng kung ano ang pagkain ni Ma'am Stacey. Hindi ko lang sinabi kanina." Biglang umiyak ang katulong. "Hindi ko naman po inaakala na lason pala ang nilagay ni Ma'am Rosario. Hindi ko naman po inaasahan na aabot sa ganito ang galit niya kay Ma'am Stacey."

Hindi makagalaw si Rosario sa kasinungalingan na pinagsasabi ng katulong. "Ano bang pinagsasabi mo diyan, Anna? Wala akong nilagay sa pagkain ni Stacey."

Umiiyak na tumingin si Anna sa kanya. "Sabihin niyo na lang po ang totoo, ma'am. Hindi po ba kayo nakokonsensya sa ginawa niyo kay Ma'am Stacey?"

"Sinasabi ko na nga ba, eh. Ikaw ang pumatay sa anak ko!"

Muling sinugod ni Estacia si Rosario at sinabunutan at pinagsasampal. Umiiyak naman siya habang humihingi ng tulong sa asawa. Pero parang bingi ang asawa niya at hindi siya tinulungan. Nakatingin lang sa malayo si Raiden habang patuloy siyang sinasaktan ng byenan.

"Anong nangyayari dito?" tanong ng lolo ni Raiden. "Anong kaguluhan ito?" Agad na inawat ni Gaudencio ang asawa at nilayo kay Rosario. "Bakit mo sinasaktan si Rosario, Estacia?"

Natawa ng mapakla si Estacia. "Baka hindi niyo na ipagtanggol ang sampid na 'yan, papa, kapag nalaman mo ang ginawa niya." Napakunot noo ang matanda at tiningnan siya ng nagtataka. "Siya lang naman ang dahilan kung bakit wala na ang apo niyong si Stacey ngayon. Nilagyan niya ng lason ang pagkain ng apo niyo!"

Nagulat ang matanda sa narinig at napatingin kay Rosario. "Totoo ba 'yon, Rosario?"

Umiiling si Rosario. "Hindi po totoo 'yon, lolo. Hindi ko magagawa 'yon kay Stacey."

Hinaplos ng matanda ang ulo niya. "Tahan na, apo. Tahan na."

Natawa ng mapakla si Estacia nang makita ang ginawa ng ama. "Seriously, papa? Naniniwala kayo sa babaeng 'yan?" Napatiim bagang na lang si Estacia nang titigan lang siya ng ama. "No, papa! Hindi ako makakapayag na mas kakampihan mo ang mamamatay'ng tao na 'yan kaysa sa totoo mong apo!" Tumingin si Estacia sa asawa. "Tumawag ka ng pulis, Gaudecio, dahil ipapakulong natin ang babaeng 'yan at sisiguraduhin kong hindi siya makakalabas."

Mas lalong naiyak si Rosario. Lumuhod siya sa harap ng byenan. "Mom, please, no. Maniwala kayo sa akin. Hindi ko magagawang saktan si Stacey." Hindi nakinig sa kanya ang byenan kaya sa asawa na naman siya lumapit. "Hon, hindi ka naman naniniwala sa kanila, 'di ba? Asawa mo ako at kilala mo ako. Hindi ko magagawa ang ibinibintang nila sa akin."

Parang may kung anong tumusok sa puso ni Rosario nang hindi magsalita si Raiden at ni tapunan siya ng tingin ay hindi nito ginawa. Mukhang naniniwala ang asawa niya na siya nga ang lumason sa kapatid nito.

"No." Umiling-iling si Rosario. "Hindi niyo ako pwedeng ipakulong dahil wala akong kasalanan at..." hindi naituloy ni Rosario ang sasabihin.

"At ano?" tanong ni Estacia.

Hinawakan ni Rosario ang tiyan niya habang umiiyak. "Dahil buntis ako."

Lanjutkan membaca buku ini secara gratis
Pindai kode untuk mengunduh Aplikasi

Bab terbaru

  • Stained Love    EPILOGUE

    Isang linggong preparasyon lang ang ginawa para sa kasal namin dito sa Spain. Pero kahit ilang araw lang iyon, hindi siya simpleng kasal lang. It was a grand wedding.Lahat ng kakilala na sikat na wedding supplier ay kinuha nina Daddy at Lolo. Sila lahat ang gumastos. Hindi nila hinayaang maglabas ng pera si Raiden kahit na may badget naman siya para rito. Syempre, sina Daddy at Lolo pa ba? Sobrang excited na ako. Masaya naman ako nang unang beses kaming kinasal ni Raiden pero iba ang level ng kasiyahan namin ngayon. Lahat ng malalapit sa amin ay kasama namin ngayon. Hindi gaya nang una naming kasal na si Pepper lang ang present. Looking back, I was getting emotional. Iyong masaya ka na pero may mas isasaya ka pa pala. Kahit hindi ko personal choice ang aking gown ay nagustuhan ko naman 'to. I love the design, it fit perfectly to me. Para bang ginawa talaga ito para sa akin kahit na ready made na ito. Tapos na akong ayusan ng hair and make up team. Kumukuha na lang kami ng ilang

  • Stained Love    THE NEVILLE'S

    Hindi pa kami bumalik ng work. Siguro naman ay maiintindihan ni Lolo, kung hindi muna namin magampanan ang mga tungkulin namin sa pinamana niyang kompanya. Mag-t-travel kami abroad. Hindi ko alam kung ano ang pumasok sa isip ng asawa ko, dahil bigla na lang siyang nag-aya na mag-abroad. Akala ko babalik na muna kami sa work dahil tiyak na tambak na ngayon ang trabaho sa aming working table. Tapos na akong mag-empake. Binababa na ng mga tauhan ang aming mga maleta. Ang mga bata ay tumatalon-talon naman sa kama dahil sa excitement. Nakabihis na pero kailangan ulit palitan ng damit dahil pawisan na sila. Napatingin ako sa kanilang ama na isa-isa silang pinupunasan. "Gusto niyo ba'ng maiwan dito? Kami na lang ni Mommy niyo ang pupunta ng abroad? Parang ayaw niyong umalis, e..." Mahinahon pa din naman ang boses niya. "We don't want to stay here, daddy. We want to travel too.""Okay. I want you to sit there and wait.""Okay, Daddy," sabay-sabay na sagot ng mga bata. Napatingin ako sa

  • Stained Love    FORGIVE AND FORGET

    "Ba't ka galit?" Binibiro ko si Raiden. Hindi maganda ang timpla ng mukha niya ngayong umaga. Nakatulog kasi ako kagabi, kaya walang ganap. Puwede naman niya akong gisingin sana, kung talagang gusto niya pero hindi niya ginawa. Tapos ngayon nakasimangot. "Hindi, ah," tanggi naman niya. Pinilit pa nga niyang ngumiti upang ipakita na ayos lang siya. Nauna ng mag-breakfast ang mga kasama namin sa bahay. Late kaming nagising na dalawa kaya kami na lang dalawa ang nagsalo ng breakfast. "Ano ang gusto mong ulam mamaya, hija?" tanong ng aking byenan. "Kahit ano po, ayos lang," sagot ko naman. Hindi naman ako mapili sa ulam na ihahain sa akin. "Mga paborito mong ulam ang ipapaluto ko." Napangiti ako. Totoo ba 'to? Mukhang bumabawi ang byenan ko sa akin, ah. Magpapamisa talaga ako kapag nagtuloy-tuloy siyang mabait sa akin. "Gusto ko po ng beef steak at saka kare-kare."Tumango-tango siya. Hindi mabura-bura ang ngiti sa kaniyang mga labi. Wala din akong nakikitang iba rito. Hindi siya na

  • Stained Love    STARTING AGAIN

    Todo asikaso ang lolo at lola ng mga bata sa kanila. Napapailing na lang ako dahil halos hindi na makakain ang dalawa. Nagpapasubo kasi sina Dos at Tres sa mga ito. "Mga anak, alam niyo namang kumain mag-isa, e..." sabi ko sa mga ito. "It's okay, hija. Sabik sila sa lolo at lola kaya ganito," sabi naman ng aking mother in law. Mukhang wiling-wili naman ang mga ito kaya hinayaan ko na lang. Kumain na lang ako habang pinapanood ang mga inlaws ko at mga bata. "Sinusulit nila ang lolo at lola nila kasi ilang taon din nilang hindi nakasama." Napangiti na lang ako. Tingin ko ay bumait na ng kaunti ang byenan ko. Mabuti naman kung nagbago na sila. Mahirap kapag kinalakihan ng mga bata ang magulong pamilya lalo na at hindi magkasundo ang ina nila at kanilang lola. Pagkatapos kumain ng lunch ay sila na din ang nagpatulog sa mga ito. Ang mga nanny ng mga bata ay pinag-siesta na muna. Mamayang hapon pa naman kami mag-s-swimming. Kapag hindi na mainit sa labas. Kami ng asawa ko ay nagduyan

  • Stained Love    EVIL QUEEN

    Sumunod sa akin si Raiden. Mukhang hindi niya napansin ang tatlong lalake na nagduduyan, dahil niyakap niya ako mula sa aking likuran. Nagsipag-tikhim naman ang tatlo kaya mabilis siyang lumayo sa akin. Dinig ko ang mahinang pag-usal niya ng mura. "Ano? Parang hindi kayo masaya na nandito kami, ah." Umirap ako. Akala ko talaga hindi sila sasama dito. Nagpahuli pa talaga sila ng alis. Hindi na lang sila sumabay sa amin kanina. "Baka kasi buntisin mo na naman ang kapatid namin. Hindi mo alam kung gaano siya nahirapan noon sa pagbubuntis niya sa kambal." At mukhang nandito lang sila para manira ng bakasyon. Sumimangot ako. "Nakahiga lang siya noon sa kama. Nakaratay. Sumabay pa iyong deppression niya. Can you imagine that?"Naging seryoso ang mukha ni Raiden. Hanggang sa nabahiran na ng pag-aalala at pagsisisi ang kaniyang ekspresyon. Padabog akong pumasok sa loob. Pasaway talaga ang mga kapatid ko. Sumunod naman agad sa akin si Raiden. Kung kanina ay masayang-masaya siya. Ngayon

  • Stained Love    BAKASYON

    "Lindol!" Naalimpungatan ako dahil sa natatarantang boses ni Raiden. Pagtingin ko sa kaniya, nakahiga pa din pala siya dito sa kama. Mukhang naalimpungatan siya sa pag-alog ng kama, dahil sa mga batang maaga pa lang ay tumatalon na. Nagtalukbong ako at pinilit bumalik sa pagtulog. Masakit ang ulo ko at nakaramdam din ako ng pagkahilo dahil sa pag-alog ng kama. "Good moyning, Daddy!" "Good morning, Tres. Stop jumping, please," pakiusap ng kaniyang ama. Antok na antok pa ang boses nito. Tumigil naman ang mga ito, pero pinipilit na siyang bumangon, dahil mamamasyal daw kami. "Mommy, it's already morning. You promised us that we're going on a vacation today.""Inaantok pa ako," sabi ko naman. "Nahihilo ako. Ang likot-likot niyo kasi.""What is she shaying?" "Lumabas na muna kayo. Gising na ang yaya niyo," utos ko sa mga ito. Hindi ko pa kayang bumangon. "Okay!""Come on, Dos! Let's go play outside.""I wanna play hide and sheek!""Okay, Uno and I will hide and you'll gonna find us

Bab Lainnya
Jelajahi dan baca novel bagus secara gratis
Akses gratis ke berbagai novel bagus di aplikasi GoodNovel. Unduh buku yang kamu suka dan baca di mana saja & kapan saja.
Baca buku gratis di Aplikasi
Pindai kode untuk membaca di Aplikasi
DMCA.com Protection Status