Share

Chapter 4

Isang suntok ang natanggap ng lalaki mula kay Stephanie nang tumawa ito. Ngunit imbis na indahin ang ginawa ng dalaga ay mas lalo pa siyang natawa. Dahil doon ay ilang suntok at sipa pa ang natanggap niya.

Napahilata ito sa sahig nang itulak ni Stephanie. Napaubo na siya ng dugo at halos hindi na makilala ang mukha sa dami ng sugat at mga pasa. Hindi na rin siya makahinga nang maayos dahil sa barado nitong ilong kung saan umaagos ang dugo.

Bahagyang lumayo si Stephanie habang pinapakalma ang sarili. Halos tatlong oras na silang naroon ngunit wala pa rin silang makuha galing sa lalaki. May ilan ding mga lalaki ang nakahilata sa saihg malapit sa kinatatayuan niya ngunit mga wala na itong buhay.

Napabuntonghininga si Wyeth at siya na ang lumapit sa lalaki upang kausapin ito. “Uulitin ko, sino ang boss niyo?”

Sinubukang ibuka ng lalaki ang kaniyang isang mata. “U-Uulitin ko rin, wala akong alam.”

Pilit na ngumiti si Wyeth bago tumayo. At sa kaniyang pagtayo ay ang malakas niyang pagtapak sa dibdib ng lalaki nang tatlong beses.

Muling napaubo ang nakahilatang lalaki. Sinubukan pa niyang iangat ang mga braso upang harangan ang sarili ngunit pati ang mga ‘yon ay bali na rin. 

Miuling naupo si Wyeth at sinabi, “Alam mong hindi ka makakaalis dito kapag hindi mo sinagot ang tanong ko. Hindi mo na rin magagawang pat.ayin ang sarili mo dahil nakuha na namin ang sui.cide pill sa bibig mo. We’re trained to do this, you know. At wala kaming sinasanto.”

“Alam kong trained kayo. Pero gaya niyo, we’re also trained to do this. Hindi mo ako mapapakanta kahit anong—”

Bago pa man niya maituloy ang kaniyang sinasabi ay isang putok ng bar.il na ang umalingawngaw sa loob ng abandunadong gusali.

Napapikit si Wyeth nang tumalansik sa mukha niya ang dugo ng lalaki. Nang tingnan niya ito ay hindi na ito nagsasalita pa at hindi na rin humihinga. May maliit na butas na rin ang kaniyang noo kung saan tumagos ang bala ng bar.il ni Stephanie.

“Hindi mo naman hinintay matapos,” ani Wyeth. Tumayo siya habang pinapagpag ang pantalon na nadumihan. “Baka naman madulas siya at mabigyan tayo ng clue. Kung magpapatuloy ‘to, baka wala tayong makuhang impormasyon.”

“Sa tingin mo ba kakanta ‘yan? Tatlong oras na tayong nandito. Nasasayang lang ang oras natin. Eh kung umalis na tayo at magpunta sa ibang lugar para mag-imbestiga, mas may mapapala pa tayo.”

Nagkibit-balikat si Wyeth. “Masyadong loyal ‘tong mga asong ‘to. Alam nilang cornered na sila kaya mga nagsu-icide na. I wonder who their boss is. Ang galing niya sigurong mambola kaya ganito ang mga tauhan niya.”

“They’re probably a lost cause. Kilala ko ang isa sa kanila. He’s supposed to be in jail for a lifetime imprisonm-ent. The boss probably gave them another chance to live outside.”

Napatango si Wyeth. “Mas mainam nang gawin ang bagay na ayaw kaysa makulong habang buhay. Nice.”

Nagsimula na silang maglakad paalis matapos dumating ng mga cleaner.

“Ano nang plano mo ngayon?” tanong ni Wyeth pagkaupo sa driver’s seat. Binuhay niya ang makina at nagsimulang magmaneho.

“Going to Impero. You?”

Napatingin si Wyeth sa kaniya upang tingnan kung seryoso ito. “I’m not really talking about that, but yeah, I’m going home.”

Hindi nagsalita si Stephanie. Alam niyang ang misyon ang tinutukoy nito, ngunit sa ngayon ay hindi pa niya alam kung ano ang gagawin. Ilang araw na silang nag-iimbestiga pero wala pa rin silang kahit anong clue na nakukuha.

Alam niyang masyado pang maaga para sumuko, pero mahalaga ang misyong ‘to sa kaniya. Mahalaga ang oras. Kailangan niyang pag-isipan ang mga magiging hakbang niya dahil isang pagkakamali lang ay pwedeng mawala sa kaniya ang lahat.

Bata pa lang, ito na ang buhay niya. Maaga siyang minulat ng mga magulang sa mundo ng mga maf!a. 

Noong bata siya, imbis na lapis ang una niyang damputin sa kaniyang unang kaarawan ay kutsilyo ang kinuha niya. Isang bread knife lang iyon, pero dahil doon ay nagsimulang mapansin ng mga magulang niya ang hilig nito sa kahit anong patungkol sa maf!a.

Magmula noon, palagi na siyang sinasama ng mga magulang sa headquarters. Nakita na lang niya ang sarili na kinahihiligan ang mga kutsi.lyo at bari.l imbis na mga laruan. 

Naging buong buhay niya ang organisasyon. Kaya naman gagawin niya ang lahat para magtagumpay sa binigay sa kaniyang misyon. She won’t tolerate any failure.

Nang makarating sa Impero Bar ay kumunot ang noo niya. May iba kasing nakaupo sa stool na madalas niyang upuan. Hindi niya sana papansinin ngunit namukhaan niya ang babae.

The annoying woman, sa isip niya.

Naupo siya sa stool at nag-iwan ng isang bakante sa pagitan nila ng babae. Um-order agad siya ng isang shot ng tequila bago pinanood ang dance floor.

Mayamaya ay hindi na siya nakatiis at sinilip na ang babae sa kaniyang tabi. Nagtataka kasi siya dahil hindi siya kinukulit nito ngayon. Nang matitigan ay roon niya lang napansin na nakatulala lang ito habang nilalaro ang isang baso ng tequila.

Hindi lang ‘yon, napansin niya rin ang panibagong sugat sa gilid ng mga labi nito. 

Hindi ‘yon ang unang beses na napansin niyang may sugat o pasa ang dalaga. Noong unang beses niya itong makita sa cubicle ay puno rin ito ng pasa sa braso at may bukol pa sa noo. Ang buong akala niya ay dahil lang ‘yon sa kalasingan. Ngunit ngayong natitigan niya ulit ang dalaga ay napansin niyang dulot ‘yon ng pagkakasuntok.

Napabuntonghininga si Stephanie bago um-order ng panibagong alak. Dahan-dahan niya ‘yong tinulak papunta sa dalaga kaya napaangat ang tingin ng huli.

“Oh,” tanging nasambit lang nito. Tinitigan niya ang inabot na baso ni Stephanie na tila nagtataka pa. Mayamaya ay napangiti siya. “Salamat.”

Hindi nagsalita si Stephanie at hindi inalis ang tingin sa mga nagsasayaw. Ngunit sa gilid ng kaniyang mga mata ay nakikita niya ang ginagawa ni Avaluan. Imbis na uminom ay nakatitig lang ito sa binigay niya.

“Ang weird, ‘no?” tanong ni Avaluan. “Kung gaano tayo kaswerte sa isang bagay, ganoon naman tayo kamalas sa iba pang bagay.”

Imbis na sumagot o magtanong ay pinili na lang ni Stephanie na makinig. Imbis na sungitan ulit ito ay nakita niya ang sariling naghihintay sa kwento ni Avaluan. Wala naman siyang ibang pupuntahan ngayon kumpara noong nakaraan. Wala namang masama kung makikinig siya ngayon bilang pampalipas ng oras.

“Sobrang swerte ko sa mga pinsan ko,” pagpapatuloy nito. “Palagi silang nandiyan para sa ‘kin. Sa tuwing kailangan ko ng masasandalan, nandiyan sila sa tabi ko. Sa tuwing may nangyayari sa ‘king hindi maganda, to the rescue agad sila.”

Napangiti si Avaluan. “Sa tuwing nakikita ko silang nagagalit para sa ‘kin, natutuwa ako. Pero hindi ko alam kung dapat ba akong matuwa roon o ano. Ayokong kamuhian nila ang isang tao dahil sa ‘kin. For me, ang pinaka-worst na pakiramdam ay ‘yong may kinamumuhian kang tao. Why hate on someone? Bakit hindi na lang natin intindihin ang bawat isa? Lahat naman tayo ay may pinagdaraanan, ah?”

Saglit silang natahimik nang magsalita ulit si Avaluan. “Ikaw? Dumating na ba sa puntong may kinamuhian ka?”

Hindi agad sumagot si Stephanie. Ang buong akala ni Avaluan ay dededmahin siya ulit nito. Ngunit mayamaya ay nagsalita na rin siya.

“Hindi pa ako dumarating sa punto na may kinamumuhian akong isang tao. May mga kinaiinisan ako, oo, pero masyadong malalim ang salitang ‘muhi’ para sa ‘kin.”

Napangiti si Avaluan. “Protect that, then. Huwag mong hayaan na maramdaman mo ‘yon sa isang tao. You don’t want to feel that towards someone else.”

Doon na napatingin ng tingin si Stephanie sa dalaga. Lahat ng tanong nito kanina ay para bang sumalungat sa huli nitong sinabi. 

Bakit pakiramdam ni Stephanie ay may kinamumuhian din ito? Iba ang tunog ng mga salitang ‘yon sa kaniya. Para bang sinasabi ni Avaluan sa kaniyang sarili ang mga katagang ‘yon, at hindi sa kaniya.

Ngunit imbis na magtanong, tumayo na siya mula sa stool. Masyado na siyang nagtatagal sa lugar na ‘yon. Nakararamdam na siya ng kaginhawaan habang kausap ang dalaga. Wala siyang oras para doon.

Bago siya umalis ay muli niyang hinarap si Avaluan. “Do you know why hating is the worst feeling?” tanong ni Stephanie. “Because you can’t really hate someone if you don’t love them. Just a stranger’s advice, if that love is hurting you to the point where it’s already toxic, just give up. It’s not worth it.”

Nilapag ni Stephanie ang kaniyang baso sa counter bago naglakad paalis. Hindi na niya nilingon pa si Avaluan.

Naiwan naman si Avaluan na iniisip ang mga katagang iniwan sa kaniya ng dalaga. Sa hindi malamang dahilan ay gusto niyang maiyak. Gusto niyang ilabas lahat ng sakit na nararamdaman niya pero pinigilan niya ang sarili.

Nangako siyang magpapakatatag para sa kaniyang ina. At naniniwala siyang ang pag-iyak ay isang tanda ng kahinaan.

Tinungga niya ang isang baso ng tequila upang mawala kahit papaano ang bigat sa kaniyang dibdib. Ilang minuto pa siyang nanatili roon hanggang sa mapagpasyahan niyang umuwi.

Wala sa sariling napangiti siya. “Magaling naman pala siya magbigay ng advice,” pagtukoy niya kay Stephanie. “Masungit lang talaga.”

*

Nang makarating sa bahay si Stephanie ay nagbihis agad siya upang gawin ang daily routine niya. Matapos takbuhin ang buong lugar ay nagbabad siya sa kaniyang bathtub habang pinaplano ang magiging hakbang niya sa kasalukuyang misyon.

Ayon sa impormasyon na binigay sa kaniya ni Froilan, ang kaniyang hacker, mahirap pumasok sa security base ng kalaban. Dahil doon, mahihirapan din silang alamin kung sino nga ba ang nasa likod ng pagbebenta ng mga ilegal na bagay sa teritoryo ng kanilang boss.

Ang tanging naiisip niya lang na paraan ay ang derektang tanungin ang mga tauhan nito. Ngunit gaya ng nangyari kanina ay masyadong loyal ang mga ‘to. Bago pa man sila mahuli kanina ay kinagat na ng mga ito ang sui.cide p!lls upang hindi na makakanta pa.

Maswerte na sila sa huling lalaki na nagawa pa nilang pigilan, ngunit kahit anong gawin nila ay hindi ito nagsasalita.

“They’re loyal and stupid,” bulong ni Stephanie sa kaniyang sarili habang nilalaro ang mga bula. “They knew they’d be interrogated to dea.th that’s why they prepared to k!ll themselves when the need arises.”

Napabuntonghininga siya. She really hates loyal people, lalo na ang mga taong handang mama.tay para sa ibang tao. 

Kinabukasan, maaga siyang nagtungo sa headquarters. Matapos ang naging pagninilay niya kagabi ay nakaisip siya ng plano na maaari nilang gawin para malaman kung sino ang boss na kanilang kaharap. Maaari itong maging matagumpay, ngunit malaki pa rin ang posibilidad na hindi.

“What’s up?” masiglang bati sa kaniya ni Wyeth. “You called so early. Akala ko pa naman ay magkakaroon ako ng oras para makapagpahinga ngayong araw.”

“You’re so loud,” angal ni Stephanie sabay hilot sa kaniyang sentido. “Can you tone it down every morning? Masyado kang maraming energy. Kung ginagamit mo ‘yang tuwing may misyon tayo ay matutuwa pa ako sa ‘yo.”

“Oh, come on! I don’t want to be like the HQ, serious and boring.

Tumaas ang kilay ni Stephanie. “Are you telling me that my HQ is serious and boring?”

Pinanlakihan niya ito ng mga mata. “Hindi ba? Just look around you.” Minuwestra nito ang office ni Stephanie. “Walang kabuhay-buhay ang lugar na ‘to kaya magpasalamat ka sa ‘kin dahil binibigyan ko ‘to ng kulay.”

“Do you even know what a minimalist design is?”

Tumango ito. “Yeah. Short for serious and boring design.”

Napairap na lang si Stephanie at hindi na nakipagtalo pa. Magkaiba sila ng taste pagdating sa design at wala siyang oras para makipagdebate rito. 

“Back to business,” ani Stephanie. “I have a plan for our next mission.”

Sumeryoso si Wyeth at naupo sa isang bakanteng silya. “Spill.”

“For our next raid, we’ll do the same as usual. Surprise atta-ck, and el!minate some of them. Pero this time, pakakawalan natin ang isa sa kanila.” Inabot niya ang kaniyang ballpen at nilaro ‘yon sa mga kamay niya. “We’ll track that person, and monitor his moves.”

“But that’ll be hard,” ani niya. “Tiyak na magtataka sila kung mayroon tayong patatakasin matapos ang mga nauna nating raid.”

“That’s the hardest and most challenging part. Kailangan nating planuhing mabuti kung paano natin siya patatakasin. We have to make it believable. Mayroon tayo hanggang mamayang hapon para magplano.”

Tumango si Wyeth at doon sila nagsimulang magplano. Hiningi rin nila ang opinyon ng kanilang hacker na siyang tutulong din sa mismong misyon.

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status