Share

Chapter 5

last update Last Updated: 2024-01-25 08:40:25

“Standby,” ani Stephanie sa kaniyang earpiece. “I can see them from here. They’re loading a black van.”

“Roger,” sagot ni Wyeth.

Pinanood ni Stephanie ang mga lalaking nagkakarga ng mga bag sa isang itim na van. Kasalukuyan siyang nasa ikalimang palapag habang naghihintay ng tamang tyempo para sumugod.

Hindi pa sila sigurado kung ilan ang kasama nila. Kailangan nilang malaman ang kinalalagyan ng bawat grupo upang maiwasan ang aberya. Kahit na handa sila sa kahit anong mangyari, mas gusto pa rin nila ang magkaroon ng isang maayos na operasyon.

Habang nililibot ang tingin sa buong compound ay napahinto ‘yon sa isang sulok. Naningkit ang mga mata ni Stephanie nang makita ang isang pamilyar na bulto ng tao. Noong una ay hindi niya dapat pagtutuonan ng pansin. Ngunit nang mapagtantong sinasaktan ito ng isa pang lalaki ay kumunot ang kaniyang noo.

Tinatanggap lang ng babae ang pananakit na ginagawa sa kaniya ng isang lalaki. Nakayuko lang ito at hinaharang ang mga braso sa kaniyang ulo bilang proteksyon. Halos mamaluktot na rin ito sa sahig nang sipain siya nito sa tiyan.

Bumuntonghininga si Stephanie at binalik ang tingin sa mga lalaking patuloy sa kanilang ginagawa. Ngunit muli siyang napabungtonghininga nang hindi na siya makatiis.

“Argh!” ingit niya. “What a pain in the a.ss.”

Mula sa ikalimang palapag ay tumalon siya sa kabilang bubong. Mabilis ang naging kilos niya hanggang sa makarating siya sa kinaroroonan ng dalawa. Bago pa man masipa ng lalaki ang babae ay sinuntok na ito ni Stephanie sa kaniyang panga.

Nagpagulong-gulong ang lalaki hanggang sa tumama ang likod nito sa isang pader. Napaingit ito sa ginawa niya. Sa kabilang banda, napaangat naman ang tingin ng babae sa bagong dating at napaawang ang bibig.

“A-Anong ginagawa mo rito?” tanong nito.

“Ava, right?” tanong ni Stephanie. “Obviously, I’m here to help.”

Naglakad palapit si Stephanie sa lalaki at hinila ito sa kwelyo. Isang malakas na suntok ang ginawad nito dahilan para pumutok ang labi ng lalaki. Matapos ‘yon ay sa ilong naman niya ito pinatamaan kaya halos mawalan na ito ng malay.

Bago pa man niya ulit ito masaktan ay isang kamay na ang pumigil sa kaniya. “P-Please, stop!”

Napatingin siya kay Ava. “This man’s hurting you, right?”

Tumango siya. “Yeah.”

“Then, why are you stopping me?”

“Lasing lang siya. Hindi niya alam kung ano ang ginagawa niya kaya please, tama na. Baka kung ano pa ang magawa mo sa kaniya. Huwag mo nang saktan ang tatay ko.”

Napataas ang kilay ni Stephanie. “This is your father?”

Tumango si Avaluan kaya binalik ni Stephanie ang tingin sa lalaking hawak niya. Walang pag-iingat naman niya itong binitiwan kaya napasalampak ito sa sahig. Mabilis na naupo si Avaluan sa tabi ng ama at tiningnan ang lagay nito.

Hindi na ulit tiningnan pa ni Stephanie ang dalawa at bumalik na sa pwesto niya. Pakiramdam niya ay nagsayang lang siya ng oras sa walang kwentang bagay. Kung ipinagsawalang bahala niya lang ‘yon ay baka may napala pa siya.

“Where did you go?” tanong ni Wyeth.

“Just shut some bas.tard up. What do we have?” 

“Tatlong grupo ang mayroon sa south compound,” sagot ni Froilan. “Isa sa north, isa sa west, at dalawa sa east.”

“Do you think we can handle them?” tanong ni Stephanie.

“Hindi na dapat tinatanong ‘yan,” ani Wyeth. “Let’s go!”

Napailing at napabuntonghininga na lang si Stephanie habang pinanonood si Wyeth na sumugod sa mga kalalakihang kanina lang ay pinanonood nila.

Bago bumaba si Stephanie upang tulungan si Wyeth ay napatingin ulit siya sa kinaroroonan ni Avaluan. Wala na silang mag-ama roon kaya kahit papaano ay nakahinga siya nang maluwag. Nabawasan ang dapat niyang alalahanin.

Tumalon siya mula sa ikalimang palapag at tumakbo sa isang bubong papunta sa katabing bubong. Nang makarating sa east side ay mabilis niyang pinatumba ang mga kalalakihang naglilibot sa buong compound.

Tiniyak ni Stephanie na hindi mabubulabog ang mga ito upang walang makatakas na wala sa plano. Nang mapatumba ang mga ito ay sabay na nagtungo sina Stephanie at Wyeth sa timog na bahagi ng compound kung nasaan ang tatlong grupo.

Gaya ng plano nila ay hinayaan nilang makawala ang isa sa mga ito na para bang hindi nila napansin. Isang lalaki ulit ang hinayaan nilang mabuhay upang tanungin. Ngunit katulad lang ng una nilang operasyon ay masyadong matatag ang mga loob nito para magbigay sa kanila ng kahit anong impormasyon.

Nang makarating ang cleaners, dumeretso na sina Stephanie at Wyeth sa headquarters upang makausap si Froilan nang mas maayos. Nagtungo sila sa isang private room kung nasaan ang ilan sa mga computer nila.

“Patungo siya sa isang subdivision,” ani Froilan matapos ibahagi sa kanila ang kaniyang screen kung saan naroon ang isang mapa. May kulay pulang bilog na tumitibok doon habang gumagalaw papunta sa kung saan.

“Isn’t this in Carmella Homes?” tanong ni Stephanie nang mapagtanto kung saan nagtungo ang lalaki. “Malapit ‘to sa bahay ng mga magulang ko.”

“Yes.” Gumalaw ang screen at nag-zoom ‘yon. 

Kinabit nila ang kanilang mga earphone at doon nila narinig ang mabigat na paghinga ng lalaki. Tila napagod ito sa pagtakbo at pagtakas. 

Mayamaya pa ay nagsalita ito. “B-Boss, na-raid kami. Wala akong ma-contact ni isa sa kanila kaya sa tingin ko ay na.patay silang lahat.”

Hindi nila narinig ang sagot ng kausap nito. Ngunit ayon sa pagkakautal ng lalaki ay alam nilang galit ang kausap nito. 

“W-Wala rin po kaming na-deliver sa mga kliyente. Na-am.bush kami bago pa kami maka—” Hindi na nito natapos ang sinasabi dahil narinig na nila ang malakas na boses ng kausap nito.

“Masusunod po.”

Nang hindi na ito nagsalita ay bumalik ang tingin nilang tatlo sa kulay pulang bilog sa screen. Imbis na magpatuloy sa loob ng subdivision ay tumalikod ang lalaki. Nang bumilis ang takbo nito, doon nila napagtantong sumakay ito ng taxi.

“Papunta na siya sa headquarters nila,” ani Froilan. “Matagal na naming nahanap ang lugar na ‘to pero wala rin kaming nakuhang impormasyon dito. Another dead end.”

Gusto sanang balibagin ni Stephanie ang hawak niyang mouse kung hindi lang siya nakapagpigil. “Are you telling me,” ani Stephanie, “that we did all that for nothing?”

“Mukhang nakatunog ang lalaking ‘yon,” ani Froilan, “o ang tinawag niyang boss sa plano natin kaya pinaatras siya.”

Dahil doon ay naihagis na nga ni Stephanie ang mouse sa pader. Nagkalasog-lasog ‘yon at nalaglag sa sahig. Ngunit bago pa man niya maihagis pati ang keyboard ay nagsalita na si Froilan.

“Pero isang bagay ang nakuha natin sa operasyong ‘to.” Napataas ang kilay ni Stephanie. “Ang boss nila o kung sino man ang nag-uutos sa kanila ay sa Carmella Homes nakatira o malapit sa lugar na ‘to.”

Napasandal si Stephanie sa upuan at medyo kumalma sa narinig. “You’re right. He was about to go to the subdivision. Pero umatras siya nang makausap ang boss na tinawag niya.”

“Mukhang mahihirapan talaga tayong mahanap ang mastermind,” pagsingit ni Wyeth. “He or she is too smart. He can hide well, but not well enough for us.”

“Or maybe too scared,” ani Stephanie. “Too scared to get out of his hideout.” Huminga siya nang malalim. “We need to smoke him out. Kung hindi natin siya kayang hanapin, kailangan nating gamitin ang negosyo niya para palabasin siya mismo at magpakita sa ‘tin.”

Tumango lang si Wyeth at napatulala, nag-iisip ng plano para sa susunod nilang hakbang. Pero napatingin siya nang tumayo si Stephanie at nag-inat.

“I need a drink,” ani Stephanie. “I’ll be back.”

Bago pa makaangal si Wyeth ay nakalabas na ‘to ng silid. Nagkibit-balikat na lang siya at sinabi, “Kailangan ko rin ng tulog. Ilang araw na kaming dilat. Good job, Froilan. We’ll contact you once we have a plan.”

“Thank you.”

*

Nang makarating si Stephanie sa Impero Bar, agad na hinanap ng kaniyang mga mata si Avaluan. Ngunit sa kaniyang pagkadismaya ay wala siyang nakita. Pagtingin niya sa kaniyang relo ay roon niya lang napagtantong madaling araw na. Tiyak na nasa bahay na ito.

Nang maupo siya sa stool kung saan siya palaging nakapwesto ay agad siyang inabutan ng tequila ni Enteng. Nagpasalamat siya rito bago nilibot ang tingin sa dance floor na hanggang ngayon ay buhay na buhay pa rin. Wala sa sariling tiningnan niya ang bawat mukha ng mga tao, nagbabaka sakaling naroon si Avaluan.

“Hinahanap ka kanina ni Ava.” Napatingin siya nang magsalita si Enteng sa likod niya. “Mukhang sinadya ka niya rito dahil umalis siya agad pagkatanong tungkol sa ‘yo.”

“Sinabi ba niya kung bakit?”

Umiling ito. “Umalis agad siya pagkahanap sa ‘yo. At hindi rin maganda ang lagay niya. Ang dami niyang sugat at pasa sa mukha.”

Saglit na napatulala si Stephanie. “Matagal mo na ba siyang kakilala?”

“Madalas siyang magpunta rito kasama ang mga pinsan niya.” May tinuro siya sa kabilang dulo ng bar. “Si Peter. Siya ang madalas kong makita na kasama niya. Sa tingin ko ay siya rin ang pinakamalapit kay Ava.”

Tumama ang tingin ni Stephanie sa binata na kasalukuyang nakaupo sa isang sofa kasama ang dalawa pang lalaki at isang babae. Masaya itong nakikipag-usap sa kanila at halos mapunit na ang labi sa sobrang pagngiti. Hindi maipagkaila ni Stephanie ang pagkakahawig nito kay Avaluan.

Kumunot ang noo niya nang makita ang isang pamilyar na mukha ng lalaki na kasama nito. “Casper?”

“Pinsan din siya ni Ava. Ang mga Ramos.”

Matapos ubusin ang shot ng tequila ay tumayo si Stephanie at lumapit sa pamilyar na lalaki. Isa rin siyang mafio.so gaya niya. Madalang itong magpunta sa bar ngunit minsan na silang magkasama sa isang misyon na bigay ni Francesca. Ngunit sa sobrang tagal na no’n ay baka nakalimutan na siya ng binata.

“Hey,” tawag nito kay Casper. “Can we talk?”

Napatingin silang apat sa kaniya nang ngumiti si Peter nang nakakaloko. “Oh, nice one, kuya Casper.”

Agad siyang sinaway ang pinsan. “Tumigil ka, Peter.” Tumayo siya at lumapit kay Stephanie. “Long time no see, Steph. Kumusta?”

Bahagya silang lumayo sa mga pinsan niya nang mahimigan ang tono ng pananalita ni Stephanie. Kilala siya ni Casper kahit na saglit lang silang nagkatrabaho. At kahit kailan ay hindi nagpaligoy-ligoy ang dalaga. Hindi rin ito mahilig makipagbiruan.

“Pasensiya na. Gusto ko lang sanang itanong kung may contact ka ni Avaluan.” Napaiwas siya ng tingin.

“Avaluan? Ava na pinsan ko?” Tumango si Stephanie. “Bakit? May nagawa ba siya?” Nahihimigan ang takot at pangamba sa boses nito.

“Huwag kang mag-alala. Alam mong off limits ang mga kamag-anak. I just want to ask her if she’s okay.”

Kumunot ang noo ni Casper at saglit na natigilan. “Is it because of her stepfather? Sinasaktan pa rin ba siya ng lokong ‘yon?”

“Stepfather? So, hindi pa siya ang biological father niya. Kaya pala nakapagtatakang ganoon na lang siya tratuhin ng lalaking ‘yon.”

“Ilang taon na ring nangyayari ‘to. Palagi siyang sinasaktan ng ga.gong ‘yon.” Nilabas niya ang kaniyang phone. “Ito ang number niya. Baka sakaling sa ‘yo, eh, makinig siya.”

“Madalas ‘tong nangyayari sa kaniya? Why aren’t you doing anything? It sounds like you also hate her stepfather. And for sure, you have a lot of ways to punish that bas.tard.”

Bumuntonghininga si Casper. “Tama ka. Kung ako ang masusunod, baka matagal na siyang pinaglamayan. Pero pinigilan kami ni Ava na makialam sa pamilya nila. Sabi niya, siya na ang bahala. Ang tanging magagawa lang namin, eh, pigilan ang lalaking ‘yon sa tuwing nalalasing siya at nananakit.”

Napatulala si Stephanie habang nakatitig sa numero ni Avaluan. Kahit anong gawin niyang pagkumbinsi sa sarili ay hindi pa rin niya maintindihan kung bakit ‘yon ginagawa ng dalaga. 

Sa panahon ngayon, ang dali na lang magsumbong sa mga pulis tungkol sa ginagawa ng tatay niya. Palagi siyang may sugat at pasa sa katawan, at tiyak lahat ng kapitbahay nila ay alam ang tungkol dito. Miski ang mga pinsan nito ay handang tumulong sa kaniya para matigil na ang pag-aalipusta sa kaniya.

Bakit hindi gumagawa si Avaluan ng paraan para pigilan ang stepdad niya? May dahilan ba ito? Natatakot ba siyang hindi siya manalo sa korte kung sakaling magsumbong siya at mas lalo lang saktan ng kaniyang ama?

Nakauwi na at lahat si Stephanie ngunit marami pa rin ang mga tanong ang tumatakbo sa kaniyang isip. Hindi niya namamalayang iyon lang ang pinoproblema niya noong gabing ‘yon imbis na mag-isip ng plano para sa kaniyang misyon.

What the he.ll is happening to me? tanong niya sa kaniyang isip.

Continue to read this book for free
Scan code to download App

Latest chapter

  • Stephanie, the Mafia Queen   Chapter 30

    Chapter 30Mas lalong naging busy si Stephanie sa pag-aasikaso matapos ang naging misyon nila. Sinigurado nilang mananagot ang lahat ng mga sangkot sa pagbebenta ng ilegal na droga kabilang ang mga guro.Napalitan na rin ng mga bagong guro at namumuno ang paaralan. Marami ring mga kampanya ang nabuo sa loob na naghihikayat sa mga estudyante na sumali sa iba’t ibang aktibidad. Isa itong paraan laban sa ilegal na gawain.Bukod roon, ilang gabi ring pinag-isipan ni Stephanie kung ano pang tulong ang magagawa niya. Kaya naman sa biyaya rin ng mafia lord ay nagsimula siya sa pagbibigay ng scholarship kina Carlo at ilan pa sa mga atleta ng paaralan.Bilang huling araw niya sa paaralan bilang estudyante, sumali siya sa foundation week. Naglibot siya sa buong lugar kasama sina Sam at ang mga naging kaibigan niya.Kahit na saglit lang niyang nakasama ang mga ito ay napalapit na rin ang loob niya rito. Nasabi na niya sa mga itong lilipad siya sa ibang bansa upang ipagpatuloy ang pag-aaral niya.

  • Stephanie, the Mafia Queen   Chapter 29

    Chapter 29“You’re right,” ani Wyeth. “Walang saysay ‘tong operasyon na ‘to kung may isa sa kanila ang mapahamak.”“I’ll leave the mastermind to you.”Napatingin sa kaniya si Wyeth. “Are you sure?”Tinaasan siya ng kilay ni Stephanie. “You scared?”Mahinang natawa si Wyeth. “Alam mong hindi ko tatanggihan ‘yan pero naisip lang kita. Aren’t you itching for some action?”Saglit na napatulala si Stephanie. Of course, gusto niya ng aksyon. Huling aksyon pa niya ay noong kay Nancy. Ngayong binansagan na siyang Mafia Queen, hindi na ulit niya ‘yon naranasan.“Not this time,” sabi ni Stephanie. “Gusto kong masiguradong magiging ligtas sina Carlo at ang mga kasama niya.”Tumango na lang si Wyeth nang may ngisi sa mga labi. Wala namang kaso sa kaniya kung siya ang haharap sa mastermind. Ang kailangan na lang niyang siguraduhin ay kung paano niya mahuhuli ito nang walang aberyang nangyayari. Dahil kapag nagkataon ay mapapagalitan siya ni Stephanie. Alam niyang malaki ang tiwala sa kaniya ni St

  • Stephanie, the Mafia Queen   Chapter 28

    Chapter 28Nakatitig si Stephanie sa pisara habang nagtuturo ang kanilang guro. Wala siyang naiintindihan sa sinasabi nito dahil na rin sa lalim ng nasa isip niya.Nagdadalawang-isip siya kung susunduin si Avaluan mamaya gaya ng nakagawian o hindi dahil sa naging alitan nila kagabi. Alam niyang kailangan ng kasintahan niya ng oras para mag-isip-isip pero ayaw naman niyang pagtagalin pa ang namamagitan sa kanila.Matapos ang klase, inaya siya nina Sam na kumain sa labas ngunit nahihiya siyang tumanggi. Hindi naman nagtanong sina Sam kung bakit kaya umalis na rin siya. Imbis na dumeretso sa harap ng building ay sa isang tabi muna siya pumarada. Napaaga rin kasi ang dating niya kaya paniguradong mayamaya pa lalabas ang mga empleyado.Pinaglalaruan ni Stephanie ang isang sigarilyo sa kaniyang kanang kamay habang nakasandal sa hood ng kotse niya. Mabuti na lang at nakapagpalit na rin siya ng damit kaya walang sumisita sa kaniya.Ilang minuto pa ang nakalipas ay nakita niya rin ang ilang m

  • Stephanie, the Mafia Queen   Chapter 27

    Chapter 27“Ngayon lang kita nakita, ah?” ani Carl. “Paano mo nakilala si Sam?” Bahagyang lumapit sa kaniya si Carl upang marinig niya dahil sa sobrang ingay ng mga bisita ni Sam.“Ah… magkaklase kami. Transferee kasi ako kaya ngayon mo lang ako nakita.” Muli siyang kumuha ng inumin at tinungga ‘yon. Kailangan niyang gawing pagkakataon ito para mapalapit sa lalaki.Tumango si Carl. “I see. ‘Buti naman at nakasama ka ngayon? Hindi ba strict ang parents mo?”“Hindi naman. Basta hatid-sundo ako ng driver namin at alam nila kung saan ako pupunta.”“Iba talaga kapag rich kid. May driver.”Mahinang natawa si Stephanie. “Marunong akong mag-commute.”“Wala akong sinasabi, ah?” natatawang sambit nito.Napairap na lang si Stephanie. “Hindi ako gaya ng mga napapanood niyo sa TV na spoiled. Hindi rin ganoon ka-strict ang parents ko kahit dati pa.”“I heard home-schooled ka. Anong pakiramdam?”“Paano mo nalaman?”Nagkibit-balikat ito. “Sam told me.”“Pinag-uusapan niyo ‘ko?” Pinaningkitan niya ito

  • Stephanie, the Mafia Queen   Chapter 26

    Chapter 26Pumila si Stephanie sa likod ng mga kaklase niya. Sinundan niya ang mga ito upang makahanap ng upuan sa bleachers kung saan halos mapuno na ng mga estudyante. Nang makahanap sila ay hinintay nilang magsimula ang program.Nakita niya kung saan nakaupo si Wyeth kasama ang iba pang mga guro. Malawak ang ngiti nito habang nakikipag-usap sa isa pang guro kaya hindi niya napansin ang pag-irap sa kaniya ni Stephanie.Parang tuwang-tuwa pa kasi ito sa ginagawa nila. Kung may pagpipilian lang talaga si Stephanie ay umalis na siya rito para gawin ang misyon sa ibang paraan. But sadly, ito na ang paraang ‘yon.“Carl, dito!” bulalas ni Sam sa isang estudyante na naghahanap din ng mauupuan.Hindi na dapat papansinin ni Stephanie ang lalaking tinawag nito, ngunit nang magtama ang tingin nila ay halos mapanganga siya.Carl Esteban, sa isip ni Stephanie. Tila nawala ang pagkabagot niya sa nagsisimula nang programa. Wala siyang ideya kung kaano-ano ni Sam si Carl, pero ito na ang pagkakatao

  • Stephanie, the Mafia Queen   Chapter 25

    Napapikit si Stephanie nang kumirot ang sentido niya. Pagtingin niya sa orasan ay halos mag-aalas dose na ng madaling araw. Nang mapatingin kay Wyeth ay mukhang tapos na rin ito sa ginagawa kaya naman pinauwi na niya ito upang ipagpatuloy bukas ang ginagawa.“It’s getting late,” ani Stephanie. “Maaga pa tayo bukas.”Nag-inat si Wyeth nang makatayo. “May event nga pala bukas ang school. Kailangan kami nang maaga sa gymnasium.”“Good luck with that.”Napabuntonghininga si Wyeth. “Minsan gusto ko na lang din maging estudyante ulit.”Natawa si Stephanie. “Kasalanan mo dahil hindi ka baby face.”Napataas ang kilay nito. “Sorry. Mature lang kasi akong tingnan.”Nagkibit-balikat siya. “Sabi mo.”Naghanda na si Stephanie para magpunta sa Impero Bar. It’s only twelve in the morning. Hindi siya sigurado kung nandoon pa ba si Avaluan, pero gusto niyang surpresahin ito. Isang araw lang silang hindi nagkita ay hindi na siya mapakali.“Ready to pick up your princess?” pang-aasar ni Wyeth.“Yeah. Ho

  • Stephanie, the Mafia Queen   Chapter 24

    Kinabukasan, sinundo ulit niya si Avaluan sa kaniyang trabaho. Sa pagkakataong ‘to ay nagawa niyang makapagpalit ng uniporme bago umalis. Kaya naman suot ang kaniyang suit and tie, hinintay niya sa lobby si Avaluan.Nang matanaw ang kasintahan na papalabas ng elevator ay agad siyang napangiti. Napahinto siya nang makitang tumatawa ito kasama ang isang babae. Nang titigan ito ni Stephanie ay napagtanto niyang iyon ang babaeng nakita niya kahapon na napagkamalan siyang estudyante.Napahinto sa pagtawa si Avaluan nang matanaw si Stephanie. Mabilis itong tumakbo palapit sa kaniya at binigyan ng mahigpit na yakap. Hindi naman nawala ang tingin ni Stephanie sa babae nitong kasama habang yakap si Avaluan.“Kanina ka pa ba naghihintay?” tanong ni Avaluan.“Hindi naman. Kani-kanina lang.”Nang mapagtanto kung kanino nakatingin si Stephanie ay agad na nanlamig si Avaluan. Bago pa man siya makapagsalita ay inunahan na siya nang babae.“We meet again, kiddo,” nakangiting sambit ni Lealie kay Step

  • Stephanie, the Mafia Queen   Chapter 23

    Matapos ang klase nila sa umaga ay nabigla si Stephanie nang lapitan siya halos lahat ng kaniyang mga kaklase. Napaatras pa siya dahil sa sobrang lapit ng iba sa kanila ngunit pinigilan niya ang sarili.“Ang balita naming home-schooled ka raw mula pagkabata,” ani isang babae na may kulay pulang buhok.“Ahm… oo. Ngayon lang ako naka-attend sa isang school na ganito.”“Bakit? Gusto mo bang ma-experience ang buhay sa isang school?” tanong naman ng isang babae na naka-army cut.“Parang—“Hindi na niya natapos ang sasabihin nang sumingit ang isang babae na may makapal na make up sa mukha. “O baka kasi naghirap na kayo kaya sa public school ka na pinag-aral ng mga magulang mo? Mahal ang pagpapa-home-schooling, ‘di ba?” Wala sa mga kaklase niya ang nag-react sa tanong na ‘yon. Miski sila ay gustong malaman kung may katotohanan ba ang bagay na ‘yon.Huminga nang malalim si Stephanie. “Totoo ‘yon. Na-bankrupt ang negosyo ng tatay ko kaya napilitan siyang pag-aralin ako rito.”Tumango-tango ang

  • Stephanie, the Mafia Queen   Chapter 22

    Chapter 22“What?” hindi makapaniwalang tanong ni Stephanie. “You want us to disguise as students?” Napatingin pa siya kay Wyeth na siyang katabi niya upang kumpirmahin kung tama ba ang narinig niya. Iling lang ang naging tugon nito.“Actually,” ani Silvestre, “ikaw lang. Wyeth will disguise himself as one of the instructors there. He’s too old to be a student.”“Well masyado na rin akong matanda para um-attend pa ng klase at umaktong parang isang estudyante.”“The school can only accept one instructor.” Naupo si Silvestre sa kaniyang work desk upang ipakitang tapos na ang diskusyon at wala nang magagawa si Stephanie upang mabago ‘yon. “Iyon ang kondisyon ng principal.”Habang pabalik sa headquarters ay hindi pa rin maiwasan ni Stephanie ang pag-init ng ulo niya dahil sa naging desisyon ni Silvestre. Sinubukan niyang baguhin ‘yon pero hindi maipagkakailang ito pa rin ang may pinakamataas na ranggo sa kanila at hindi madaling baliin ang utos nito.Hindi pa rin siya isang ganap ng Mafia

Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status