Share

6

Penulis: Anne_belle
last update Terakhir Diperbarui: 2025-03-14 21:26:37

 “Lexa! What happened? Bakit ka umiiyak? Anong nangyari sa kamay mo? Sinaktan ka ba ni Joshua?” Nag-aalalang tanong ni Bea nang makita ang kaibigan sa harap ng kanyang condo.

Hindi sumagot si Alexandra. Sa halip, mahigpit siyang yumakap kay Bea at tuluyang humagulgol. Ramdam ni Bea ang panginginig ng katawan ng kaibigan, kaya hinayaan niya itong ibuhos ang emosyon nito. Ilang minuto silang nasa ganoong posisyon bago tuluyang tumahan si Alexandra.

Dahan-dahang isinara ni Bea ang pintuan at inalalayan siyang maupo sa sofa. Naupo si Alexandra na tila wala sa sarili, patuloy pa ring bumabagsak ang mga luha mula sa kanyang namumugtong mga mata.

“Ano ba kasing nangyari? Bakit ganyan ang itsura mo? Para kang pinagbagsakan ng langit at lupa sa sobrang lugmok,” muling tanong ni Bea, punong-puno ng pag-aalala.

Nanatiling tahimik si Alexandra, tila nag-aalangan kung paano sisimulan ang kanyang sasabihin. Napabuntong-hininga si Bea at tumayo upang kumuha ng tubig sa kusina. Pagbalik niya, iniabot niya ito kay Alexandra, na agad namang tinanggap at dahan-dahang uminom.

Nang maubos ang tubig sa baso, saka lang muling naglakas-loob na tumingin si Alexandra kay Bea. Ngunit imbes na magsalita, muli siyang napahagulgol.

Napailing si Bea, ngunit nanatiling mahinahon. “Lexa, kung hindi mo sasabihin, paano kita matutulungan? Iiyak ka na lang ba? Ilang araw na kitang hindi nakikita, tapos ganito ka? Sa loob ba ng isang linggong hindi tayo nagkita, umiiyak ka lang?”

Dahan-dahang tumango si Alexandra. Isang linggo siyang nagkulong sa kanilang bahay, halos hindi kumakain, hindi natutulog nang maayos, at wala siyang ibang ginawa kundi umiyak. Sa tuwing susubukan niyang bumangon, bumabalik lahat ng sakit, kaya pinili na lang niyang mag-isa.

Napahigpit ang hawak ni Bea sa kamay ng kaibigan. “Lexa, hindi pwedeng ganito ka. Alam kong sobrang sakit ng pinagdadaanan mo, pero hindi pwedeng hayaang sirain ka nito.”

Napayuko si Alexandra, pilit pinipigil ang panibagong bugso ng luha. “Bea… hindi ko na kaya,” mahina niyang bulong.

Hinawakan ni Bea ang magkabilang balikat ng kaibigan at tinitigan ito nang diretso. “Lexa, kaya mo. Hindi ka nag-iisa. Sabihin mo sa akin ang lahat.”

Nagsimulang magkwento si Alexandra tungkol sa nangyari sa restaurant at kung paano siya pinagtanggol ni Tyron.

“Wow! Talaga? Nagpapaka-knight in shining armor na naman si Bebe Tyron! Bias ko na talaga siya,” pabirong sagot ni Bea habang kinikilig.

“Ano ka ba! Hindi iyon nakakatawa,” suway ni Alexandra, sabay irap. “Mas kinakabahan nga ako dahil pakiramdam ko, mas magiging magulo kapag nalaman ni Joshua ang nangyari sa amin ni Tyron.”

“Letse! Bakit kasi puro negative vibes ang iniisip mo?” umismid si Bea. “Tingnan mo naman ang magandang epekto nito! Imagine, kung maghihiwalay kayo ni Joshua, hindi ka maghihirap. Ikaw at si Tyron ang tunay na may-ari ng Mendez Group.”

Napatingin si Alexandra sa kaibigan. Alam niyang may punto ito, pero... “Baliw ka ba?” Napabuntong-hininga siya. “Mula nang ikasal ako kay Joshua, natapos na ang kasunduan. Isa pa, matagal nang tinalikuran ni Tyron ang pamilya niya.”

“Eh, ano ngayon? Desidido ka namang hiwalayan si Joshua, hindi ba?” kontra ni Bea.

Tumango si Alexandra.

“Kung gano’n, ako na mismo ang hahanap ng abogado. Tatawagan ko ang pinakamagaling para humawak ng annulment mo,” determinadong sabi ni Bea. “Isa pa, huwag ka nang lalapit sa hayop na ‘yun. Kasi kung hindi, mas lalo ka niyang sasaktan.”

Tumingin si Bea sa kamay ni Alexandra at nagtaas ng kilay. “Taas mo kamay mo! May iba pa ba?”

“Huh? Anong ginagawa mo?” nagtatakang tanong ni Alexandra.

Hindi siya sinagot ni Bea, sa halip ay mabilis na kinunan ng litrato ang mga marka sa kamay niya.

“Isa itong magandang ebidensya para mapabilis ang proseso ng annulment n’yo,” seryosong sabi ni Bea.

“Uy! Huwag! Baka naman mapahamak si Joshua niyan,” nag-aalalang pigil ni Alexandra. “May iniingatan siyang—”

“Pangalan?” sarkastikong putol ni Bea. “Pangalan na naman ba ang iniingatan niya habang ikaw, asawa niya, pinabayaan at winawalanghiya?” Napakuyom ang kamao nito. “Letse siya! Huwag lang talaga ‘yang magpapakita sa ‘kin, papatayin ko siya.”

“Huminahon ka! Huwag kang magpadalos-dalos! Asawa ko pa rin siya kahit papaano,” saway ni Alexandra, kahit siya mismo ay hindi na sigurado kung bakit niya pa ito ipinagtatanggol.

“Wow, concern?” Umirap si Bea. “Huwag kang tanga, Lexa. Hindi ka na niya asawa sa puso’t isip niya.”

 Hindi na nagsalita si Alexandra. Wala na siyang maidadahilan pa kay Bea.

“Anong plano mo ngayon?” tanong ni Bea, bakas ang pag-aalala sa boses niya.

“Pwede dito muna ako?” maingat na tanong ni Alexandra.

“Talaga? Yeheeeey! Magli-live-in na tayo?!” sagot ni Bea, sabay tili.

“Siraulo! Kapag may ipon na ako, hahanap ako ng matutuluyan. Pero bago ‘yon, kailangan ko munang maghanap ng trabaho.”

“Maganda iyan! Mas gusto ko nga palagi kitang nakikita.”

“Ang OA mo, Bea. Sobra kang protective. Hindi na ako babalikan ni Joshua para saktan. Seryoso na ‘yun.”

“Tsk! Ayaw mo lang kasi akong palaging kasama.”

Hindi na siya pinansin ni Alexandra. Sa halip, kinuha niya ang laptop sa center table at binuksan ito.

“Anong ginagawa mo?” tanong ni Bea.

“Naghahanap ng trabaho.”

“Huh? Kanina lang halos hindi ka makausap, ngayon naghahanap ka na agad ng trabaho? Ang bilis ng shift mo, daig mo pa ang baliw.”

“Akala ko ba gusto mong mag-move on ako agad?” balik ni Alexandra.

“Oo nga! Sige na, hanap ka na! Tatanungin ko rin si Daddy kung may opening sa kumpanya nila.”

“Ewan ko sa’yo! Pinipilit mo na naman ang gusto mo.” sagot ni Alexandra, saka muling tumutok sa screen.

Habang abala si Alexandra sa paghahanap ng trabaho, hindi mapakali si Bea. Alam niyang sa likod ng mga pilit na ngiti at tawang iyon, may sugat pang hindi pa naghihilom.

Habang abala siya sa paghahanap, hindi mapakali si Bea. Alam niyang sa likod ng mga pilit na ngiti at tawang iyon, may sugat pang hindi pa naghihilom.

Biglang may tumunog na tawag sa cellphone ni Alexandra.

Napakunot ang noo niya nang makita ang pangalan sa screen.

"Bakit siya tatawag sa akin ngayon?" bulong niya, nanlalamig ang mga daliri habang dahan-dahang inaabot ang telepono.

"Sino 'yan?" usisa ni Bea, pero hindi siya sinagot ni Alexandra.

Tinitigan lang niya ang pangalan sa screen, ang pintig ng puso niya bumilis—may kaba, may takot, at isang damdaming hindi niya inaasahang mararamdaman pa.

At bago pa niya mapigilan ang sarili, pinindot niya ang answer.

Lanjutkan membaca buku ini secara gratis
Pindai kode untuk mengunduh Aplikasi
Komen (1)
goodnovel comment avatar
Rosalie Castillo
nice story
LIHAT SEMUA KOMENTAR

Bab terbaru

  • Stolen Nights with My Husband’s Zillionaire Uncle   0112

    "Ano sa tingin mo ang ginagawa mo?" malamig nitong tanong. Ang tono ng kanyang boses ay hindi mataas, pero ramdam ni Alexandra ang pwersang dala nito. "Is this a proper way to resign? Hindi mo ba alam na pwede kitang kasuhan dahil dito?"Hindi agad siya nakapagsalita. Nakadikit ang likod niya sa pinto, parang naipit siya sa presensya ng lalaki. Ang init ng katawan ni Tyron kahit hindi ito lumalapit nang tuluyan, at kahit hindi siya tinatapunan ng matalim na tingin ay ramdam niya ang bigat ng kanyang presensya."Tyron, I—""Akala mo ba basta mo na lang ako matatakasan?" putol nito, at mas lumalim ang titig nito sa kanya.Hindi niya alam kung bakit, pero parang lumubog ang kanyang tiyan sa kaba. Hindi siya sanay na nakikitang ganito si Tyron—oo, alam niyang may kakayahan itong magalit, pero ngayon lang niya ito nakita nang ganito ka-intense."Hindi ba dapat masaya ka?" tuloy niya, pilit na binabalik ang kanyang kumpiyansa. "Hindi mo na kailangang madamay sa gulong ito. Hindi mo na kaila

  • Stolen Nights with My Husband’s Zillionaire Uncle   0110

    Ang marahang tugtog ng café ambient music lang ang bumabalot sa hangin habang naghihintay si Attorney Tyron Mendez, may bahagyang lamig na ang kanyang black coffee. Katabi niya si Alexandra—ang kanyang masinop at matalas na assistant. Habang tumitingin siya sa tablet para sa updates, paminsan-minsan ay sumusulyap ito sa pintuan.“Late na siya,” mahina niyang sabi habang isinara ang tablet.“Dalawang minuto lang,” sagot ni Tyron, sabay tingin sa kanyang relo. “Maaga pa 'yan sa standards ng mga abogado.”Saktong pagkalipas ng ilang segundo, pumasok ang isang lalaking nasa mid-sixties, naka-tailored charcoal suit at may dignidad sa bawat kilos. Kita sa kanyang graying hair at maingat na lakad ang dekada ng karanasan sa legal na serbisyo—at marahil, bigat ng mga kaganapan sa Salcedo family.Diretso itong lumapit sa kanilang table.“Atty. Tyron Mendez?”“Yes,” tumayo si Tyron at iniabot ang kamay—propesyonal at matatag. “Kayo po si Atty. Saavedra?”“Ako nga. Family attorney ng Salcedos,” s

  • Stolen Nights with My Husband’s Zillionaire Uncle   0109

    "Kung gusto niyong linisin ang pangalan ninyo, ito lang ang paraan," patuloy ni Tyron. "Huwag kayong matakot kung wala kayong kasalanan.""Hindi na kailangang buksan ang katawan ni Papa," malamig na sagot ni Daniel. "Mas pipiliin kong mawalan ng mana kaysa sirain ang alaala niya.""Ako rin," mabilis na dugtong ni Regina."Ganoon din ako," sabat ni Hector, pero sa kanyang boses ay may bahagyang panginginig.Tahimik na tinapunan ni Alexandra ng tingin si Tyron. Alam nilang dalawa—may tinatago ang magkakapatid. Pero ano?Tahimik ang opisina, tanging tunog ng aircon at mahihinang kaluskos ang naririnig. Nakatingin si Tyron sa magkakapatid, sinusuri ang bawat reaksyon nila—si Daniel na tila kalmado pero may bahid ng pag-aalala sa mga mata, si Hector na halatang iritado, at si Regina na abala sa pag-check ng kanyang cellphone pero hindi naitago ang kunot sa kanyang noo.Mabigat ang hangin nang basagin ni Tyron ang katahimikan.“Ayaw ninyong maghain ng reklamo? Naiintindihan ko. Pero nais ko

  • Stolen Nights with My Husband’s Zillionaire Uncle   0108

    Mabigat ang atmospera sa loob ng interrogation room ng presinto nang muling harapin ni Regina ang dalawang abogado. Nandoon si Tyron, tahimik pero matalim ang mga mata. Katabi niya si Alexandra, hawak ang folder na laman ay ang updated autopsy report ni Emilio Salcedo.Tahimik silang tatlo. Tanging tunog ng wall clock ang maririnig—tila baga tinataktan ang bilis ng katotohanan na malapit nang sumabog.Ibinuka ni Tyron ang bibig. "May resulta na ang autopsy report ni Mr. Emilio Salcedo."Napatingin si Regina, pero agad din niyang iniwas ang tingin. Tila ba ayaw marinig ang susunod na sasabihin."Regina, hindi namatay sa atake sa puso ang ama mo."Kumunot ang noo ng babae, halatang nagulat. “Ano’ng ibig mong sabihin?”“May multiple blunt force trauma sa katawan ng biktima,” paliwanag ni Alexandra, habang binubuklat ang medical photos. “May punit sa baga, fractured ribs, at internal bleeding. Base sa forensic report, ilang araw siyang nahirapan sa paghinga bago tuluyang binawian ng buhay

  • Stolen Nights with My Husband’s Zillionaire Uncle   0108

    Tahimik na nakaupo sa hallway sina Alexandra at Tyron, ang katahimikan ay tila bumabalot sa buong paligid habang pinapanood nila ang pagtakbo ng orasan sa dingding. Ang bawat segundo ay parang taon habang hinihintay nila ang pagbabalik ng prosecutor.Walang nagsasalita sa kanilang dalawa. Si Alexandra, naka-kuyom ang kamay, habang si Tyron naman ay halos hindi mapakali sa upuan. Ilang sandali pa, bumukas ang pintuan ng interrogation room. Tumigil ang mundo nila sa pagbukas ng pintong iyon.Lumabas si Fiscal Ramon Diaz, ang city prosecutor, at may seryosong ekspresyon sa mukha. Hindi ito nagpakita ng kahit anong emosyon habang dahan-dahang lumapit sa kanila."Fiscal?" agad na tanong ni Tyron, tila hindi makahinga sa kaba.Tumingin si Fiscal Diaz sa kanilang dalawa, bago huminga ng malalim. "Umamin na si Regina."Napakunot-noo si Alexandra. "Ano pong ibig ninyong sabihin? Inamin niyang siya ang may kasalanan?"Tumango si Diaz, ngunit may halong pagdadalawang-isip ang kanyang tono. “Oo…

  • Stolen Nights with My Husband’s Zillionaire Uncle   0107

    “Bakit mo kami pinatawag, Mr. Daniel Salcedo?” tanong ni Tyron pagkapasok niya sa interrogation room.Huminga nang malalim si Daniel. Halatang nanginginig ang mga kamay niya habang nakatingin kina Alexandra at Tyron. “Honestly, akala ko hindi ito magiging problema—o magkakaroon ng malaking epekto sa investigation. Pero kung maghahalungkat kayo, sa huli, malalaman niyo rin ang totoo.”Nagkatinginan sina Tyron at Alexandra.“What do you mean?” tanong ni Tyron.“It’s been weeks—almost two, actually—since pumunta ako sa bahay ni Papa,” sagot ni Daniel. Muli siyang huminga nang malalim, bakas sa boses niya ang pag-aalinlangan. “Pumunta ako roon para kausapin siya tungkol sa pagka-freeze ng account ni Kuya Hector. Galit na galit siya sa akin dahil iniisip niyang ako ang dahilan nun.”“Anong kinalaman mo?” tanong ni Tyron, seryoso ang tono.“Akala kasi ni Kuya, ako ang nagsumbong sa mga kalokohang ginagawa niya. Sinabihan ko siya na mas mabuting siya na ang magsabi kay Dad, kasi kung hindi…

Bab Lainnya
Jelajahi dan baca novel bagus secara gratis
Akses gratis ke berbagai novel bagus di aplikasi GoodNovel. Unduh buku yang kamu suka dan baca di mana saja & kapan saja.
Baca buku gratis di Aplikasi
Pindai kode untuk membaca di Aplikasi
DMCA.com Protection Status