Mag-log inSi Sasha ay isang simpleng katulong sa mansyon nina Lucas. Maayos ang lahat hanggang sa malaman ni Lucas ang isang katotohanan: habang siya ay hirap na hirap magkaroon ng anak na lalaki sa asawa niya, si Sasha ay may kambal na lalaki na at buntis pa ulit sa isa pa. Desperado si Lucas at ang pamilya nito na magkaroon ng tagapagmana. Lingid sa kaalaman ng asawa nito ay isang madilim na deal ang inalok nila kay Sasha—maging surrogate mother sa tradisyonal na paraan kapalit ng malaking halaga. Noong una ay tumanggi si Sasha, pero nang ma-diagnose ng leukemia ang isa sa kanyang mga anak, wala na siyang ibang pagpipilian, lalo na at wala syang katuwang dahil iniwan na din sya ng ama ng mga anak nya.
view moreMadilim pa ang langit nang magising si Sasha sa tunog ng kanyang mumurahing alarm clock. Maingat siyang bumangon mula sa manipis na foam sa maliit na silid na ibinigay sa kanya sa likod ng mansyon. Masakit ang kanyang likod, isang paalala ng maghapong paglalaba at paglilinis kahapon, pero wala siyang karapatang magreklamo.
Dahan-dahan siyang lumabas para hindi magising ang ibang kasamahan sa bahay. Sa kusina, ang tanging ingay ay ang mahinang pag-andar ng refrigerator at ang kalansing ng mga kaldero. Nagsimula siyang mag-saing. Habang hinihintay ang kanin, kinuha niya ang isang maliit na notebook kung saan nakalista ang bawat sentimong kinikita at ginagastos niya. “Kuryente sa probinsya... gatas nina Liam at Lio... gamot ni Nanay...” bulong niya sa sarili. Halos wala nang natitira para sa sarili niya. Napahawak siya sa kanyang puson. Walong buwan na ang sanggol sa loob niya. Kahit hirap na hirap ang katawan, tinitiis niya ang morning sickness. Kailangan niyang itago ang pagbubuntis hangga’t kaya niya. Sa mundong ito, ang isang katulong na buntis at walang asawa ay madaling palitan. Mabuti nalang din at maliit lang syang magbuntis kaya hindi halata kapag maluwag ang suot nyang damit. “Sasha, ang aga mo na naman,” boses ni Aling Marta, ang mayordoma. “Kailangan po, Aling Marta. Marami pong labahin mamaya pagkatapos ng almusal,” sagot ni Sasha habang nagbabati ng itlog. “Mabuti naman at masipag ka. Alam mo namang maselan si Senyora Claire ngayon. Ayaw nun ng nakakakita ng kalat o mabagal kumilos. Lalo na’t malapit na ang schedule ng ultrasound niya. Mainit ang ulo ni Senyor Lucas dahil kailangang-kailangan na nila ng tagapagmana.” Tumango lang si Sasha. Alam ng buong household ang pressure na nararamdaman ng mag-asawang De Vega. Tatlo ang anak nila na babae—sina Sofia, Selene, at Sandra—na puro magaganda at matatalino, pero para sa matatandang De Vega, kulang ang pamilya kung walang lalaki. Alas-siyete ng umaga nang magsimulang bumaba ang pamilya. Unang pumasok sa dining room ang mga bata, na agad namang inasikaso ni Sasha. Pagkuwan ay pumasok na si Lucas. Suot ang kanyang mamahaling suit, bakas kay Lucas ang awtoridad. Hindi siya tumitingin sa mga katulong dahil para sa kanya ay bahagi lang sila ng mga gamit sa bahay na dapat gumagana nang maayos. Naupo siya sa dulo ng mesa at binuksan ang kanyang laptop habang hinihintay ang asawa. “Sasha, make sure my coffee is hot. I don’t want it lukewarm,” malamig na utos ni Lucas nang hindi man lang tumitingin sa kanya. “Opo, Sir,” mabilis na sagot ni Sasha. Maingat niyang inilapag ang tasa. Napansin niyang bahagyang nanginginig ang kanyang kamay dahil sa gutom, pero pinilit niyang kontrolin ito. Pumasok si Claire, ang asawa ni Lucas, na mukhang pagod na pagod kahit bagong gising. Umupo ito sa tapat ni Lucas. “I feel heavy today, Lucas. Sana talaga, itong pang-apat... sana ito na ‘yung gusto mo.” Uminom si Lucas ng kape bago sumagot. “It’s not just what I want, Claire. It’s what the company needs. It’s what my family requires. Let’s just hope the ultrasound results are favorable.” Naramdaman ni Sasha ang paninikip ng dibdib. Napaisip siya—ang mga taong ito, nasa kanila na ang lahat ng yaman, pero parang hindi pa rin masaya. Samantalang siya, isang sulyap lang sa litrato ng kanyang mga anak, sapat na para makalimutan ang pagod. Nang matapos ang almusal at umalis na ang pamilya, bumalik si Sasha sa kusina para maghugas. Doon lang siya nagkaroon ng pagkakataong tingnan ang kanyang cellphone. May limang missed calls mula sa kanyang Nanay. Nanginig ang kanyang mga daliri habang binabasa ang text. “Sasha, tumawag ka agad. Si Liam, isinugod namin sa provincial hospital. Sabi ng doktor, mababa ang hemoglobin at kailangan ng bone marrow test. Kailangan ng initial deposit na trenta mil para masimulan ang mga laboratoryo. Tulungan mo kami, anak.” Ang sweldo niya ay bente mil lang kada buwan at halos kaka-remit lang niya ng malaking bahagi nito noong nakaraang linggo. Napaupo si Sasha sa sahig ng kusina sa likod ng malaking counter para hindi makita ng iba. Doon, sa gitna ng marangyang mansyon na puno ng pilak at kristal, tahimik na bumuhos ang luha nya. Hindi niya alam kung paano, pero kailangan niyang makahanap ng pera. Kahit anong kapalit. Kahit anong paraan. Isinandal niya ang kanyang ulo sa malamig na cabinet habang mahigpit na hawak ang cellphone. Sa bawat segundong lumilipas, tila naririnig niya ang boses ni Liam na tumatawag sa kanya, humihingi ng tulong na hindi niya alam kung paano ibibigay. Pinahid niya ang luha gamit ang dulo ng kanyang apron at pilit na tumayo kahit nanginginig ang mga tuhod. Hindi siya pwedeng magtagal dito, kailangan niyang kumilos. Dahan-dahan siyang sumilip sa dining area. Wala na ang mga bata, pero narinig niya ang kalansing ng kubyertos. Naroon pa si Lucas, mag-isang tinatapos ang kanyang kape habang seryosong nakatitig sa kanyang tablet. Ito na ang pagkakataon niya. Habang wala ang mga biyenan nito at habang nasa itaas pa si Claire, baka sakaling mapakinggan siya ni Lucas. Huminga nang malalim si Sasha, inayos ang kanyang gusot na uniporme, at pilit na kinalma ang kanyang boses. Humakbang siya palabas ng kusina, bawat tapak ay tila may kasamang kaba na baka mapagalitan siya sa pang-iistorbo. Tumigil siya ilang metro ang layo mula sa hapag-kainan. "S-sir Lucas..." Hindi gumalaw si Lucas. Ni hindi ito nag-angat ng tingin, pero ramdam ni Sasha ang bigat ng presensya nito na tila ba hinihintay lang ang susunod niyang sasabihin. "Sir, pasensya na po sa istorbo... may itatanong lang po sana ako tungkol sa... sa sweldo ko," pagpapatuloy niya, habang ang kanyang mga daliri ay mahigpit na nakakapit sa dulo ng kanyang apron. Doon dahan-dahang ibinaba ni Lucas ang kanyang tasa at lumingon kay Sasha, ang kanyang mga mata ay malamig at walang mababakas na emosyon. Nanatiling nakatitig si Lucas kay Sasha. Ang katahimikan sa loob ng dining room ay tila mas lalong nagpabigat sa sitwasyon. Para kay Lucas, ang mga ganitong eksena ay pamilyar na—isang empleyadong lalapit dahil may problemang pinansyal. "Direct to the point, Sasha. I have a meeting in thirty minutes," malamig na saad ni Lucas bago muling binalingan ang tablet na hawak. Napalunok si Sasha. "Sir... baka po sana pwedeng makahingi ng cash advance. Kahit i-bawas niyo na lang po sa sweldo ko sa mga susunod na buwan. Kailangan lang po talaga para sa anak ko sa probinsya. Isinugod po sa ospital..." Doon binitawan ni Lucas ang tablet nang tuluyan. Ang tunog ng pagtama nito sa mesa ay nagpaigtad kay Sasha. "Sasha, you've been here for what? Six months?" tanong ni Lucas. Hindi nito hinintay ang sagot nya at muli itong nagsalita. "We have rules in this household. My wife and Aling Marta handle the payroll. And as far as I know, the policy is no advances for those who haven't reached a year. If I give you one, the other maids will line up at my door tomorrow with their own sob stories." "Pero Sir, buhay po ng anak ko ang nakataya," pakiusap ni Sasha, ang boses niya ay nagsisimula nang mabasag. "Trenta mil lang po ang kailangan ko. Gagawin ko po ang lahat, kahit dagdagan niyo pa ang trabaho ko rito." Tumayo si Lucas, ang kanyang matikas na tindig ay lalong nagparamdam kay Sasha kung gaano siya kaliit sa mundong ito. "Everyone has a life and death situation when they need money, Sasha. I run a business, not a charity. If you can't manage your finances with the salary we agreed upon, then maybe this job isn't for you." Tinalikuran siya ni Lucas para kunin ang kanyang briefcase. Ang bawat salita nito ay parang sampal sa mukha ni Sasha. Walang emosyon, walang konsiderasyon. Para kay Lucas, ang trenta mil ay halaga lang ng isang hapunan sa mamahaling restaurant, pero para kay Sasha, iyon ang presyo ng buhay ng kanyang anak. Paalis na sana si Lucas nang biglang bumaba ang kanyang ina, si Donya Aurora, kasunod ang kanyang asawa na si Claire. "What's with the long face, Sasha?" tanong ni Claire habang hinihimas ang kanyang tiyan. Napatingin siya sa asawa. "Lucas, is there a problem?" "The maid is asking for an advance. I already told her no," sagot ni Lucas nang hindi tumitingin kay Sasha. Tiningnan ni Donya Aurora si Sasha mula ulo hanggang paa. May kung anong kakaiba sa tingin ng matanda—matalas, mapanuri, at tila may binubuo nang plano sa isip. "Anong sakit ng anak mo, Sasha?" tanong ng matanda sa isang tonong hindi mo malaman kung nagmamalasakit o nag-uusisa lang. "Hindi pa po sigurado, Ma'am... pero kailangan daw po ng bone marrow test. Maputla po siya at maraming pasa," sagot ni Sasha habang nakayuko. Napansin ni Sasha ang mabilis na sulyap ni Donya Aurora kay Lucas, bago ito muling tumingin sa kanya. "Bone marrow? So it's something genetic. How about your other children? Are they healthy?" Naguluhan si Sasha sa tanong pero sumagot pa rin siya. "Opo, malulusog po ang mga anak ko. Ang kambal ko pong lalaki ay matatangkad at matatalino para sa edad nila..." Napatigil si Sasha nang mapansing biglang natahimik ang paligid sa pagbanggit niya ng "kambal na lalaki." Nakita niyang bahagyang napatigil si Lucas sa pag-aayos ng kanyang kurbata. Ang salitang "lalaki" ay parang isang magnet na kumuha ng atensyon ng lahat ng naroon. "You have twin sons?" untag ni Donya Aurora, ang kanyang boses ay may bahid na ngayon ng interes. Bago pa makasagot si Sasha, mabilis na sumingit si Claire, halatang naiirita sa usapan. "Mom, please. We're late for my check-up. We don't have time for the maid's family tree." Umalis ang pamilya, iniwan si Sasha na nakatayo sa gitna ng dining room, lito at mas lalong desperada. Pero hindi niya napansin na bago lumabas ng pinto, lumingon si Donya Aurora sa kanya—isang tingin na punong-puno ng kalkulasyon. Habang naglilinis ng lamesa, naramdaman ni Sasha ang pagkirot ng kanyang sariling tiyan. Ang sikretong dinadala niya—ang pangatlong lalaking nasa sinapupunan niya—ay tila nagiging mabigat na pasanin. Hindi pa lumilipas ang isang oras nang lapitan siya ni Aling Marta. "Sasha, pinapatawag ka ni Donya Aurora sa library. Huwag mong paghihintayin at mukhang importante." Kinabahan si Sasha. Akala niya ay tatanggalin na siya dahil sa pangungulit niya kay Lucas kanina. Pero pagpasok niya sa library, hindi lang ang Donya ang nandoon. Nakaupo rin si Don Alberto, ang lolo ni Lucas, at si Lucas mismo na may hawak na isang folder. Ang pintuan sa likuran ni Sasha ay dahan-dahang isinara ni Aling Marta, na tila sinisiguradong walang makakarinig sa anumang pag-uusapang magaganap sa loob.Lumipas ang unang linggo matapos mailipat si Liam sa St. Jude. Para kay Sasha, ang bawat araw ay isang laro ng pagpapanggap. Sa harap ni Claire, siya pa rin ang tahimik at masunuring katulong na nakayuko habang naglilinis ng mga pasimano ng bintana. Ngunit sa likod ng mga saradong pinto ng kusina, iba ang reyalidad.“Sasha, itigil mo muna ‘yang paglalampaso. Maupo ka rito,” pabulong na utos ni Aling Marta.Lumingon muna si Sasha sa hallway bago sumunod. “Aling Marta, marami pa po akong kailangang tapusin. Baka bumaba si Ma’am Claire—”“Nasa itaas siya, natutulog. Heto, ubusin mo ito. Utos ng Donya,” sabi ng mayordoma sabay latag ng isang mangkok ng mainit na sopas na puno ng karne at gulay, kasama ang isang baso ng gatas.Tiningnan ni Sasha ang pagkain. Malayo ito sa karaniwang rasyon ng mga katulong na madalas ay tuyo o tirang ulam. “Aling Marta, nakokonsensya po ako. ‘Yung ibang kasamahan ko rito, nagtataka na kung bakit lagi niyo akong pinapatawag sa kusina.”“Hayaan mo sila. Ang m
"Ito ang mangyayari," panimula ni Lucas habang nakatitig sa kanya. "You will stay here until you give birth. Everything you need for this pregnancy will be provided. Pagkapanganak mo, bibigyan kita ng anim na buwan para makarekober. Pagkatapos niyon, magsisimula na ang ating... pagsasama. Susunod ka sa bawat utos ko. Pupunta ka sa silid ko kapag tinawag kita. At kapag nabuntis ka na, mananatili ka sa isang pribadong bahay na bibilhin ko para sa iyo. After you deliver my son, you will sign over all your rights to the child. You will take your money, you will take your three sons, and you will never show your face to us again.""Paano kung... paano kung hindi lalaki ang mabuo natin?" tanong ni Sasha sa gitna ng hikbi."Then we will keep trying until you get it right," malamig na sagot ni Lucas. "My mother believes in your blood. Don't prove her wrong."Kinuha ni Sasha ang ballpen. Ang bawat daliri niya ay nanginginig. Sa isip niya, nakikita niya si Liam na nakahiga sa malamig na stretch
Ang katahimikan sa loob ng library ay tila may sariling bigat. Ang amoy ng lumang libro at mamahaling pabango ni Lucas ay humahalo sa amoy ng takot na nagsisimulang mamuo sa katawan ni Sasha. Nanatili siyang nakatayo malapit sa pinto, hindi malaman kung dapat ba siyang lumapit o manatili sa kanyang kinalalagyan."Maupo ka, Sasha," ani Donya Aurora. Ang kanyang boses ay hindi na kasing talas ng kanina sa dining area, pero mas nakakapanghinala ang tamis nito.Dahan-dahang umupo si Sasha sa dulo ng isang silya. Napansin niya si Don Alberto, ang lolo ni Lucas, na matamang nakatingin sa kanya mula sa wheelchair nito. Ang matanda ay bihirang lumabas ng silid, kaya ang presensya nito ay nagpapahiwatig na hindi lang simpleng sermon ang dahilan kung bakit siya narito."Nabanggit mo kanina na may kambal kang anak na lalaki," panimula ni Donya Aurora habang dahan-dahang hinahalo ang kanyang tsaa. "At ang sabi mo rin, malulusog sila maliban na lang sa kalagayan ni Liam ngayon. Wala bang naging pr
Madilim pa ang langit nang magising si Sasha sa tunog ng kanyang mumurahing alarm clock. Maingat siyang bumangon mula sa manipis na foam sa maliit na silid na ibinigay sa kanya sa likod ng mansyon. Masakit ang kanyang likod, isang paalala ng maghapong paglalaba at paglilinis kahapon, pero wala siyang karapatang magreklamo.Dahan-dahan siyang lumabas para hindi magising ang ibang kasamahan sa bahay. Sa kusina, ang tanging ingay ay ang mahinang pag-andar ng refrigerator at ang kalansing ng mga kaldero.Nagsimula siyang mag-saing. Habang hinihintay ang kanin, kinuha niya ang isang maliit na notebook kung saan nakalista ang bawat sentimong kinikita at ginagastos niya.“Kuryente sa probinsya... gatas nina Liam at Lio... gamot ni Nanay...” bulong niya sa sarili.Halos wala nang natitira para sa sarili niya. Napahawak siya sa kanyang puson. Walong buwan na ang sanggol sa loob niya. Kahit hirap na hirap ang katawan, tinitiis niya ang morning sickness. Kailangan niyang itago ang pagbubuntis ha

![Just One Night [Tagalog]](https://acfs1.goodnovel.com/dist/src/assets/images/book/43949cad-default_cover.png)
















Maligayang pagdating sa aming mundo ng katha - Goodnovel. Kung gusto mo ang nobelang ito o ikaw ay isang idealista,nais tuklasin ang isang perpektong mundo, at gusto mo ring maging isang manunulat ng nobela online upang kumita, maaari kang sumali sa aming pamilya upang magbasa o lumikha ng iba't ibang uri ng mga libro, tulad ng romance novel, epic reading, werewolf novel, fantasy novel, history novel at iba pa. Kung ikaw ay isang mambabasa, ang mga magandang nobela ay maaaring mapili dito. Kung ikaw ay isang may-akda, maaari kang makakuha ng higit na inspirasyon mula sa iba para makalikha ng mas makikinang na mga gawa, at higit pa, ang iyong mga gawa sa aming platform ay mas maraming pansin at makakakuha ng higit na paghanga mula sa mga mambabasa.