Share

Chapter Nine

Ang totoo, nalilito si Pepper.

Titig na titig sa kanya si Joey at kahit ngayon lang niya ito nakilala, ramdam niya ang lakas ng hatak nito sa kanya. Umiwas siya sa gulo sa Manila kaya siya naririto, pero ngayon ba mapapasok na naman siya sa isa?

Nagulat pa siya na gusto niya ang ideya na maaaring gusto siya ng babae—isang virtual stranger, really—sa kabila nang kapangyayari lang kay Hanna. Hindi sa pagmamayabang, talaga lang as long as he could remember, malakas ang hatak niya sa babae.

Noong maliit pa siya, dahil cute siya at bibo, pinag-aagawan siya ng mga girl playmates niya sa park. Marami ang mga itong ‘boyfriend’ siya. Kapag nagpapaalam sa kanya kung sila na, payag naman siya nang payag. Lalo na kung hahalik siya sa pisngi kasi ang lambot ng mga pisngi at ang bango. Kilig na kilig siya sa tuwa kapag nakakahalik siya sa mga pisnging iyon.

He liked girls, he knew that even before he knew about the different anatomies of boys and girls. He loved that they liked him, too.

Noong
Locked Chapter
Continue to read this book on the APP

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status