Share

Kabanata 4

NAGBALIK ako sa baybay-dagat para magtanong kung ano na ang balita. Lumakad ako kung saan nagkukumpulan ang mga tao. Pinilit kong i-divert ang atensiyon ko sa ibang bagay at naging matagumpay naman ako.

Isang batang lalaki ang nahanap nilang bangkay ngayon. Halos bumaligtad ang sikmura ko dahil pipi ang ulo at bukas ang bituka.

"Anak ko! Hindi maaari! Hindi!" Nanginginig ang ina ng bata habang pinakakalma siya ng mga awtoridad. Halos lahat ng tao rito ay naluluha na rin dahil sa nasaksihan.

Tumaas ang balahibo ko dahil sa pangingilabot. Ayokong makita si Daddy sa ganitong estado. Hindi ko siya hahawakan o titingnan man lang kung ganito lang din.

Naka-black suit and red tie si Daddy noong huling nakita ko siya. Maganda ang ngiti niya at hinalikan ako bago kami maghiwalay ng sasakyan. Ito ang huling memorya na gusto kong makita. I didn't want to see his dead body kung lasog-lasog lang din naman.

I just can't.

Napapunas ako sa gilid ng mata ko at lumakad na palayo. Tinanaw ko ang kabuoan ng island. Malapit nang magkulay kahel ang araw.

"Ma'am Onalisa." Lumingon ako sa nagsalita. Iyong dalawang bodyguard ko, sina Ugi and Ronny. "Hinihintay ka po ni Sir Maximo sa helicopter. Sinusundo ka na po pabalik sa Manila. Urgent daw."

In-escort nila ako papunta sa helicopter na sinasabi nila. Nakita ko kaagad si Max kausap ang pilot namin. Halatang kala-landing lang nila.

"Max! May mas urgent pa ba sa paghahanap ko sa katawan ni Daddy?"

"Ate, two weeks ka na rito."

Napahawak ako sa baywang at tinaasan siya ng kilay. "I don't care kahit tumira pa ako rito nang isang buong taon!"

"Hinahanap ka ng board of directors," sumusukong aniya.

"What? Why? Kilala nila ako?" naghi-hysterical kong tanong.

"Just hop in, please."

Sumuko na rin ako. Umupo na ako sa tabi niya. Mukha siyang pagod kaya mukhang wala na rin akong choice, kailangan kong sumama.

"Bakit nila ako hinahanap? Urgent ba talaga 'to?"

"Yes, this is urgent. Kailangan na ng bagong CEO. Isa ka sa pinagpipilian."

Umawang ang bibig ko. "I'm what?"

This is fucking crazy.

***

MARAMING reporter sa labas ng company. Nagkakagulo silang lahat pagbaba namin sa sasakyan. May parang mga army rin na nagsisilbing escort papasok sa loob.

"What the heck is happening here, Max?"

Pagpasok namin sa loob ng building, hindi pa rin nawawala ang crowd sa paligid ngunit mga empleyado na ang narito kaya marurunong dumistansya at tumahimik kumpara kanina sa labas.

"Bakit ang daming media? At bakit may . . . army . . . sa gilid natin?" bulong ko.

"Special security group sila since hindi sapat ang seguridad dito sa company para bantayan tayo."

"Huh? Bakit?"

"Dalawang linggo nang nandito ang mga media mula sa iba't ibang station. Buong Pilipinas ay sabik kung sino ang magiging next CEO."

"Pero hindi pa nahahanap ang katawan ni Daddy. Hindi ba masyadong bastos 'yon?"

Dumeretso agad kami sa conference room sa top floor at pagpasok sa loob ay siya namang pagtayo at pagyuko ng board of directors. Isa-isang nilapitan ni Maximo ang mga ito at nakipagkamay. First time kong maka-attend sa ganitong meeting. Hindi ko sila kilala sa pangalan. Pero base sa mga suot, alam kong mayayaman at karespe-respeto sila.

"I'm sure your father is watching you right now. Accept my deepest condolence, Maximo."

"It saddens us to hear your loss. I know you're strong like our late CEO. And definitely, you will be like him, a great and smart leader."

Masyado silang abala kay Maximo, at para lang akong secretary dito dahil nakatayo lamang. Wala yatang nakakakilala sa akin. Di bale, hindi ko naman sila masisisi dahil matagal nang nagwo-work dito ang kapatid ko at ako naman ay first time lang magpakita sa kanila.

Sino ba kasing nag-nominate sa akin? Sisipain ko lang.

Umupo kami ni Maximo sa kabisera ng long table. Isa-isa silang nagpakilala. Lahat sila ay board of directors galing sa iba't ibang division.

My daddy owned the forty percent stakes of the company and next to him was supposed to be Mr. Reoul na wala naman dito sa meeting. Meron siyang thirty percent shares na pumapangalawa sa pinakamataas.

Tatlo lang kaming nominees as CEO: Ako, si Maximo, at si Mr. Reoul.

"Who nominated me?" I asked them. Kasi gulong-gulo pa rin ako kung paano ako nasama sa meeting na ito. Sila-sila lang kasi ang pwedeng mamili kung sino ang nominees. Ibig sabihin, may ilan sa kanila ang naisipan akong paglaruan.

"Mr. Reoul," sagot ng isang matandang nakasalamin. His name is Mr. Oliver. "We communicated with him through telephone calls. By the way, I'm his representative."

Seriously, through call lang? Bakit ayaw niyang ipakita ang mukha niya? Bakit ayaw niyang magpakita nang personal samantalang importanteng meeting 'to? Pangit siguro siya.

"And who trusted a person na wala rito para mag-take over sa position ng CEO?" tanong ko. Halos mapanganga ako sa dami ng nagtaas ng kamay.

What? Halos lahat sila? How can a faceless man have these number of votes? Ano ba ang basis and criteria nila for voting at parang maling-mali yata ang nangyayari ngayon?

Binulungan ko agad si Maximo kahit na may nagsasalita sa harapan. "Seryoso bang pabor silang lahat sa taong hindi nagpapakita rito sa meeting? That Mr. Reoul can win the election by a unanimous decision."

"Wala pa namang election. Hindi pa natin sigurado kung mananalo siya," aniya.

"What do you mean, Max?"

"Dr. Paroginog owns one percent share of the company. Ms. Alondra owns three percent. Mrs. Haydee owns three percent. Atty. Fernandez owns four percent. Sen. Wendy owns nine percent, and Eloisa owns ten percent. In total, they owned the thirty percent of our company. They all have the right to vote for the new CEO pero hindi pa ako sigurado sa magiging decision ng board."

Unti-unting namulat ang mga mata ko nang ma-realize na thirty percent din ang stake ni Mr. Reoul. "E di ikaw na ang magiging CEO, Max, dahil forty percent ang pagmamay-ari ni Daddy compare sa Mr. Reoul na 'yon!"

Nagkibit-balikat lamang siya. "I'm still not confident," malamig niyang tugon. "Paano kung hindi sa 'kin ipinangalan ni Papa ang shares niya sa kompanya? Hindi pa rin natin nakikita ang last will niya."

Napangisi ako. Bakit naman siya mag-iisip nang ganyan! Wala namang ibang pwedeng pagbigyan si Daddy ng shares niya kundi si Maximo Gwen lang—aside siguro sa akin.

Umayos ako ng pagkakaupo at tinitigang maigi ang mukha ng kapatid kong hindi confident na sa kanya mapupunta ang position.

Max has an angelic face, umaayon sa ugali niyang masunurin at magalang. Bata pa lang kami ay sigurado na siya sa pangarap niyang maging katulad ni Daddy. Kaya noong tumuntong siya ng college ay agad siyang nag-intern sa company namin para matuto nang husto. Magkaedad lang kami, pero mas lamang siya sa karanasan at kaalaman. Walang ibang karapat-dapat maging CEO kundi ang kapatid ko lang. I didn't know why kung bakit hindi siya confident e anak naman siya ng dating CEO.

"Ate, stop staring at me."

I rolled my eyes. "Fine, may dumi kasi ang mukha mo," I lied. Namula ang pisngi niya at agad na pinunasan ang pisngi.

"Ayos na ba?"

Napakagat ako sa ibabang labi ko. Unfortunately, may pagka-uto-uto siya. "Okay na . . . Mr. Soon-to-be-CEO," pang-asar ko.

"Excuse us, Ms. Onalisa and Mr. Maximo. Are you listening?" tanong ni Atty. Fernandez.

I rolled my eyes again. Istorbo. "Don't mind us. We have our own secretary to explain everything later."

Siniko naman ako ni Maximo. At pansin ko rin na maraming mata ang tumaray sa akin.

What's wrong? It was true naman, di ba? Ano ba'ng purpose ng secretary? E di i-jot down lahat ng schedule namin and i-sumarize ang mga mangyayari ngayon.

"Nominees will be assigned to product planning together with the marketing and research team. The result will have a major percentage for consideration in the upcoming election."

My mouth was left half open. I closed it immediately dahil may natawa sa reaction ko.

So, all this time, ito pala ang pinag-uusapan nila? Hindi man lang ako nakasunod. Pwede bang humataw ng 'I reject'? I don't want to work—

"Kung iyon po ang gusto ninyo, masusunod," puno ng paggalang na ani Maximo. Magkausap naman kami kanina pero feeling ko, ako lang ang hindi nakasunod sa topic. This is so unfair!

"Good luck, teenagers. Tomorrow is your first day," sabi ni Eloisa na mukhang nasa around 20's lang. "And don't be late. 8 a.m. sharp."

Wait. Ano ba ito, school? Bakit may first day pang nalalaman? My gosh! Ayoko nang bumalik sa school protocol na required gumising at pumasok araw-araw. For Pete's sake, graduate na ako sa ganyan!

***

Nakasuot ako ng pink-belted blazer dress and white wedge na four inches ang taas. Nakapusod ang aking buhok at light nag-makeup lang. Mabilis akong naligo, wala pang twenty minutes. Kasi naman, na-late ako ng gising. Mabuti na lang ay may professional stylist ako for my everyday look, kaya kahit nag-rush ako kanina ay hindi naman halata, I still slayed it.

"Good morning, ma'am and sir."

Pagkatapak pa lang ng paa ko sa entrance ay pumaling na ang ulo ng staff namin. Puno ang respeto nila kay Maximo dahil awtomatiko ang pagyuko nila. Pero kapag sa akin naman ay jaw-drop sila.

"Pumasok na po kayo. Malaki naman ang space," sabi ni Max dahil lumabas ang mga empleyado namin sa elevator nang makita kaming papasok.

Siniko ko naman ang kapatid ko, masyado kasing mabait. Paano siya titingnang CEO nito kung wala man lang kasungitang taglay? Minsan, kailangan ding maging cold para cool.

"Salamat po, Sir Maximo. Pero ano . . . may nakalimutan po kami sa lobby kaya aalis na kami." Nag-agree silang lahat at sabay-sabay lumayo.

Saktong pagsarado ng elevator ay tumawa na ako nang malakas. "Nakita mo ba ang mga mukha nila? Takot na takot sila sa 'yo! Sanayin mo na ang sarili mo sa ganyan because you're the boss here!"

Nagkrus lamang ng mga braso si Maximo at tumitig sa salamin ng elevator patingin sa akin. "Sa isang taong pagtatrabaho ko rito, ngayon ko lang silang nakitang ganyan. Sa 'yo sila takot."

"What? Me? Why? Hindi naman ako nangangagat, a?"

Hindi sinagot ni Maximo ang tanong ko hanggang sa makapunta na kami sa department ng Sales and Marketing.

Mahigit sampu ang cubicles. Lahat ay mayroong desktop at pa-letter L ang shape ng mga table. Lumapit sa amin ang HR assistant at ipinakilala ang buong team.

"This is Ameria Wills, our marketing specialist," pakilala niya. Tumingin ako sa isang babaeng mukhang teenager. Hanggang balikat lamang ang umaalon nitong buhok. Pinunasan muna nito ang kamay sa coat bago inilahad sa akin.

"I'm happy to finally meet you, Ma'am Ona and S-Sir Max." Nauutal ang boses nito nang tumingin sa kapatid ko. That was weird. Ngayon lang ba niya nakita nang personal si Maximo?

Marami pang ipinakilala na hindi ko naman binigyan ng atensiyon. Actually, naka-focus lang ako sa isang guy sa dulo. It had been two years since the last time we talked.

"And this is Liam Sand, our sales manager."

Tumingala ako para makita ang kabuoan niya. Malinis at healthy siyang tingnan dahil sa flawless skin. Maganda rin ang hubog ng katawan, parang sa mga Korean na matangkad at may kapayatan. Broad ang shoulders at may muscles sa braso. Ang layo na ng physical looks niya compare noon.

"Nice seeing you again, Mr. Sand," makahulugan kong bati habang nakangiti. Nagsimula naman ang bulong-bulungan sa paligid na para bang mga bubuwit.

"I'm also glad to see you, Ma'am Ona," malumanay niyang tugon. Unti-unting nawala ang ngiti ko nang mabasa ko ang gustong ipahiwatig ng mga mata niya. He acted like he didn't know me. He acted like we've never been together!

Siguro nga, hindi pa rin niya ako napapatawad. Na-impeach kasi siya sa pagiging SSG President dahil sa akin—dahil sa kodigong ibinigay niya. At least, hindi expulsion ang punishment sa kanya, but I think worst pa rin ang nangyari since mataas ang posisyon na kinabagsakan niya because of me.

Anyway, wala na akong pakialam. If he hates me, then fine. He needs to deal with me while I'm here at the company. Period.

***

"KUMUSTA ang first day of work?" tanong ni Vanilyn na kasalukuyan kong ka-video call. Halatang bagong gising dahil suot pa rin niya ang Hello Kitty na pantulog niya at may laway pa siya sa gilid ng labi.

Eww. Kakausapin ako, hindi pa naghihilamos.

I glared at my office table habang nakatingin sa bagong manicure kong kuko. "One handsome guy over five regular boys."

"Naku, haha! Kawawa ka naman. Di bale, kapag naging CEO ka, ang unang requirement sa mga empleyado ay 'yong may Class A na itsura!" she said while clapping.

"Siraulo ka talaga."

As if namang magiging CEO ako rito. Pero kung paglalaruan ako ni Tadhana, e di itotodo ko na. Gagawa ako ng . . .

Onalisa's formula:

Skills + neat x sparkling eyes = passed the final interview

Pwede kaya iyan? Malaking changes ang mangyayari sa company kung lahat dito ay magaganda at pogi. Naniniwala kasi akong mas energetic and passionate ang mga tao kapag puro good looking ang laging makakasalamuha nila.

"Nag-meet na ba kayo ng ex mo?" out of the blue niyang tanong.

"Yes, we've already met." Siya lang naman ang tinutukoy kong pogi sa limang lalaking ka-team ko. Chaka na kasi lahat.

Nagpaikot-ikot ako sa swivel chair at agad na tumigil nang mapansin kong may sumisilip sa glass window ng office ko.

"Shocks. Who's that?" Saglit akong kinabahan kasi akala ko, may multo. Si Liam Sand lang pala. Napakagat ako sa ibabang labi ko at tumalikod na muli.

I dunno, but there was a part of me na kinikilig. Ang hot kasi ni Liam ngayon. Maybe he was still in love with me, pero ang tagal na kasi n'on. Imposibleng wala siyang girlfriend samantalang ang sexy niyang tingnan sa office attire niya.

"By the way, BFF, pupunta diyan ang bagong bodyguard ni Mommy, may iaabot," Van said.

"No probs."

"At alam mo bang usap-usapan dito na binata raw 'yong bagong bodyguard? Guwapo, makisig, at dean's lister! Pwede mo ba siyang kuhanan ng picture? Hindi ko pa kasi siya nakikita, pero naku-curious ako kung gaano siya ka-hot looking."

"Ano'ng ipapaabot ng mommy mo?"

"Ay, oo nga pala! Muntikan ko nang makalimutan, hehe. Bale ganito kasi 'yon, may niluto si Mommy. And then, gusto niyang ipa-try sa 'yo 'yong new recipe niya!" She was speaking so loud, I can't even. "Pero please, picturan mo 'yong bago naming bodyguard—"

I rolled my eyes. "Van, any time, any moment, pwede mong makita 'yang new bodyguard ninyo."

"But he is not my bodyguard! Sina Mommy and Daddy ang kasa-kasama niya kapag may business trip. I'm just curious lang!"

I sighed. "Sa lahat ng nagustuhan mo, Van, ngayon lang ako magiging tutol. He is just a bodyguard and you're rich. Huwag ka ngang maging interesado sa ganyan."

"Isang picture lang! Ano ba'ng masama roon!"

"'Yang curiousity mo, pwedeng maging crush 'yan. Mahirap magkagusto sa mahirap dahil malaki ang posibilidad na gamitin ka lang," I said, straightforward.

"My gosh! I hate you! Hindi ko alam kung paano kita naging best friend!" Binabaan na niya ako ng call. Huminga ako nang malalim. Hindi ko rin alam kung paano ako nagkaroon ng best friend na bobita. Kung sobrang guwapo talaga ng bodyguard nila, e di sana nag-artista na lang para malaki ang kitain. Kaya I doubt na guwapo e.

At isa pa, babae siya. Kung ano ang financial status ng magiging asawa niya ay magiging ganoon din ang sa kanya. Hindi ba siya natatakot na maging mahirap? Kasi ako? Takot na takot.

Matapos kong pakalmahin ang sarili ko dahil sa kabobohan ni Vanilyn ay lumabas na ako sa office para tingnan ang ginagawa ng staff namin.

Lahat sila ay naka-focus sa computer. Nakaka-distract lang iyong kumakain na matabang lalaki sa dulo. Matapos niyang lawayan ang daliri ay agad namang humawak sa keyboard. It was really gross. Mukhang magkakalat pa siya ng bacteria sa kompanya namin.

"Excuse me," parinig ko gamit ang maarteng boses.

Agad itong napatayo sa gulat. "Ma'am!" Humawak ito banda sa puso habang kinakabang nakatingin sa akin. "Good morning po," napapayukong bati niya.

"Can you please use your break time at doon ka sa canteen kumain? Ayos lang ba?"

"Ah, opo, ma'am. Pasensiya na po. Hindi po kasi ako—"

"I don't need any of your explanation. Just do what I say because I don't want to see your chubby face here while eating during your working hours," nandidiring ani ko.

"Eh? Yes po! Aalis na po." Umalis na rin siya. At mukhang tanga lang dahil naiwan naman ang pagkain sa gilid ng computer niya. Kainis.

Nagbulong-bulungan ang staff, at tuwing titingnan ko sila sa mga mata ay agad silang umiiwas ng tingin. Ramdam ko ang tensyon sa buong paligid, at meron namang nagpapanggap na may kini-click sa keyboard kahit wala talaga.

Isa-isa kong ch-in-eck ang bawat cubicles. Ang huli kong nilapitan ay si Liam Sand na kanina pa ako pinanonood habang naka-cross ang mga braso. Tumayo siya pagkalapit ko.

"Nahuli kitang sumisilip sa office ko. Ano'ng sadya mo?" I asked in a friendly tone.

"Tinitingnan ko lang kung ginagawa mo ang trabaho mo."

Kumunot ang noo ko. "So, ano'ng nakita mo?"

"Just as I expected, you hate working."

I sighed. Fine that was true. "Do you mind to . . . help me again?" I said, twinkling my eyes. Ginulo niya ang buhok ko at tumawa pa.

"Mas maalam ang boyfriend mo sa ganyan." Natatawa pa rin siya. Mabuti na lang talaga at nawala ang barriers sa amin. Ang sungit kasi niya kanina.

"I broke up with him," sagot ko agad.

Umawang ang bibig niya. "Talaga ba? Bakit?"

I wasn't able to answer his question.

"Naging secretary siya ni CEO Chris kaya malaki ang maitutulong niya sa 'yo, Ona."

I wouldn't deny the fact that Sandro would be the most convenient person to be with if I were to pursue the business industry—even Liam knew it. However, Sandro and I were not on good terms right now.

Ayoko na lang siyang pag-usapan.

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status