Share

Kabanata 5

NASA canteen na kami ni Liam at kusang pumutol ang mahabang pila nang dumaan ako kaya nakapag-order kami kaagad. Umupo agad kami sa pandalawahang upuan after naming makuha ang lunch namin. Bumaba ang tingin ko sa food na nasa tray. Isang roasted chicken and side dish pasta, and crackers for appetizer. Gusto ko rin sanang mag-alcohol kaso bawal ang liquor dito sa loob.

Susubo pa lang ako nang may mag-ring dahil sa isang call. Pagtingin ko sa harap, sinagot na ni Liam ang tawag sa kanya.

"Yes po, sir? Hmm, sige po." Ibinaba na niya ang tawag at malungkot na tumingin sa akin. "Ten minutes lang. Babalik din ako kaagad."

I rolled my eyes. "Fine."

Tumakbo siya na naging dahilan ng pagkabangga niya sa isang upuan. Nasubsob tuloy siya sa sahig. Agad naman siyang tinulungan n'ong lalaking dumaan. "Salamat, bro."

Nanliit ang mga mata ko sa lalaking tumulong kay Liam. Oh my God. Akalain mo iyon, dito pa talaga kami magkikita.

Naka-side view lang siya pero ang lakas ng sex appeal. Matangkad, kayumanggi, at mala-robot kung gumalaw. In short, he is perfect!

Para bang model siya o nagtatrabaho sa isang army dahil sa tindig ng pangangatawan.

Umupo siya sa kabilang table sa tapat ko kaya saktong nagkatinginan kami na agad din namang natakpan dahil sa dalawang babaeng humarang. Kinusap siya ng mga ito. Katulad noong unang kita ko sa kanya ay lapitin pa rin si Seth ng mga babae.

"Hi, I'm Tina and this is Jess. Pwede bang makiupo sa tabi mo?"

Hindi pa nakapagsasalita si Seth ay nilapitan na agad siya ng isang bakla. Nagtatalo na tuloy sila kung sino ang uupo sa tabi niya.

"Ako ang nauna!"

"Pioneer na ako rito. At ikaw? Baguhan."

"Ano'ng kinalaman n'on sa pag-upo!"

Tumayo na ako at taas-noong lumakad papunta sa puwesto nila. Lahat sila ay nagulat sa presensya ko.

"Ma'am, O-Onalisa," nauutal na anila.

Tiningnan ko si Seth na naka-polo shirt pero walang ID ng kompanya. Ano kaya'ng work niya rito?

"Seth, you may seat over there." Inginuso ko ang puwesto ko kanina. Bumalik na ako at sumunod naman siya. Pinag-uusapan na kami ng mga tao, pero ayos lang, hindi naman bago sa akin ito.

"Salamat, Ona. Makakakain na rin ako nang maayos," nakangising aniya.

Bumaba ang tingin ko sa hawak niyang sandwich. May lifestyle diet yata siyang sinusunod. "That's your food?"

Tumango siya. "Nasa'n na 'yong kasama mo?"

"Umalis saglit. By the way, saang department ka?"

Kinagatan muna niya ang sandwich bago sumagot. "Napag-utusan lang akong pumunta rito, ma'am." Mabilis siyang bumitiw ng tingin sa akin at ipinagpatuloy ang pagkain. Nagmamadali yata siyang matapos. Hindi ko rin makita na masaya siyang kasama ako. Para bang natural lang.

I rolled my eyes nang mapansin kong may kumukuha sa amin ng pictures. Bakit naman kanina kay Liam ang tahimik nila, pero ngayong si Seth ang kasama ko ay nagkakagulo sa sulok.

"Seth, famous ka siguro. Kahit saan ka kasi pumunta, pinagkakaguluhan ka."

"Ma'am, simple lang ako . . . katulad mo."

I laughed a bit. Buong buhay ko, ngayon lang ako nasabihang simple. Hindi ko alam kung compliment ba ang pagiging simple o sadyang dina-down lang niya ang kakayahan ko. I mean, duh? Simple ba ako sa lagay na ito? Stop kidding me, please.

I rolled my fantastic eyes. "Paano mo naman nasabing simple lang ang buhay ko? Hindi mo ba nakikita kung ano at sino ako rito?"

Napakamot siya sa batok at lumiit ang mga mata sa pagngiti. "Simple ka lang dahil wala ka namang ginawa para sumikat nang husto. You're not a celebrity, Ona. You don't like the media to follow you around. You're just a victim of your family's name."

"Seth, you're wrong. Nang-aagaw ako ng spotlight dahil masyadong agaw-pansin ang mga damit at ayos ko. Kasalanan ko rin kung bakit ginugulo ng media ang buhay ko." Naalala ko lang ang sinabi sa akin ni Allesandra.

Inubos niya ang sandwich bago uminon sa dalang tumbler. "Nagsusuot ka ng mga mamahaling damit hindi para pag-usapan ka kundi dahil gusto mong magsuot ng ganoon. You wear those kind of clothes because that's who you are. Your mind is full of creativity and it's not your fault to be unique."

Hindi lang pala siya love expert kundi life expert din. He knows how to comfort a broken person. Akala ko, wala nang makaka-appreciate sa mga ginagawa ko.

"Salamat." Sa lahat ng nakausap ko, siya lang ang umunawa sa akin nang ganito. Ang sarap pala sa pakiramdam na hindi mahusgahan.

"Sige, aalis na ako. Hinihintay na ako ng kasama ko sa labas." Bago ko pa siya mapigilan ay lumakad na siya palayo.

"Sino 'yon?" tanong ni Liam na kababalik lang sa puwesto niya. Kaya pala umalis si Seth dahil nakita na niya ang kasama ko.

"Friend," matipid kong sagot.

"Name?"

I rolled my eyes. "Seth Ventura."

Umupo siya sa gilid ko. "Narinig ko kanina sa meeting 'yong task na ipinagagawa sa inyo ni Maximo. Gusto mo bang trabahuhin ko 'yong business plan? Hayaan mo akong gawin 'yon para sa 'yo. Sisiguraduhin kong mananalo ka sa election. Pangako."

Noong college ako, siya ang gusto ko laging makasama dahil lahat ng gagawin niya ay puro excellent. Kahit kailan, hindi niya ako binigo.

Sabi nila, kapag sumama ka sa matalino ay magiging matalino ka rin. Sumama naman ako sa kanya, pero hindi naman ako naging kasintalino niya; bagkus mas naging tamad pa nga ako at palaasa.

Hindi talaga kami compatible sa isa't isa. Sana makilala ko ang taong tutulong sa aking mag-grow as a person—shit!

Napatayo ako nang lumitaw ang mukha ni Seth sa utak ko. What if siya ang makatulong sa akin? I mean . . . he is incredible and so freaking handsome. Parang anghel lang na bumaba rito sa lupa.

"Okay ka lang ba?" nag-aalalang tanong ni Liam. Tumayo na rin siya at hinawakan ang pisngi ko. "Namumula ka."

"Uuwi na ako." Kinuha ko na ang handbag ko sa gilid. Naglakad na ako palayo at sumunod naman siya.

"Paano ang trabaho mo? Bakit naman biglaan? Paano ang pagkain natin?"

Nakakairita na ang mga tanungan niya.

"Fine, Liam. I accept your offer. Ikaw na ang bahala sa naiwan kong trabaho kaya hayaan mo na akong umalis."

"How about your food? Hindi mo ba type? Gusto mo bang magdala ako ng lunch box natin para bukas? Kaya kitang lutuan ng pinakamasarap at pinaka-healthy na pagkain—"

Hinawakan ko ang isa niyang kamay kaya tumigil siya sa pagsasalita. Para siyang naging tensyonado sa ginawa ko. Malambot at mainit ang kanyang kamay, ngunit hindi ako makaramdam ng kahit anong spark banda sa puso ko.

"I'm sorry, Liam Sand, pero hindi ako nakikipagbalikan sa ex ko. That's my number one rule when it comes to love."

Hinawakan niya pabalik ang kamay ko. "Sorry din pero hindi ako susuko dahil magkaiba ang lumalabas sa bibig mo at ipinararamdam mo sa akin. You're just faking yourself." Hinigit niya ako palapit sa kanya para yakapin ako.

***

Nasa French Baker kami ni Vanilyn habang ang dalawang bodyguard ko na sina Ronny and Ugi ay nasa labas at may kinakalikot na gadget.

Meron silang portable X-ray scanner na may kakayahang maka-detect ng handgun, bomb, or any metal threat sa tao. Once na may mahuli sila ay lalapitan agad ng isa kong bodyguard at magbabantay lang doon. While the other guard na may hawak ng scanner ay doon sa labas nagmamasid. Ganoon lang kasimple. Nalalaman nila kung harmless ba ang tao sa paligid ko. At kung hindi ay aalis kami sa lugar na ito as early as possible.

"Onalisa, sigurado ka bang nagtatrabaho ang mga 'yan?" Tumaas ang kilay ko kay Vanilyn dahil sa tanong niya. "Paano kung nanonood lang pala sila ng porn?" humahagikhik na anito. Pilit siyang nagpapatawa kahit mamula-mula naman ang mata dahil sa pag-iyak.

Hindi ko sinagot ang tanong niya. Mas concern kasi ako sa sitwasyon niya ngayon. Bakit nga ba kami narito?

"BFF, nagpa-reserve na ako ng stay-cation ko. Baka forever na akong hindi umuwi. Kailangan ko na yatang mag-asawa."

Ilang beses na kasi niyang sinabi na mag-aasawa siya para makaalis sa kanila. Well, hanggang salita lang naman siya. Alam kong hindi niya makakaya.

"Talaga ba?" taas-kilay na sabi ko.

"Gusto ko nang maging independent sa buhay. Pinapamukha nila sa 'kin na hindi ko kayang mag-isa. Puwes, babangon ako!"

I rolled my eyes. Nagpapatawa ba siya? As if namang makakatagal siya sa pagiging independent woman niya. Kilala ko siya, parehas kaming maraming pangangailangan para ma-satisfy ang buong araw. Katulad na lang ng pagpunta sa derma, spa, and sauna once a week. Pag-shopping sa malls and S&R twice a week. And pagpunta sa bar thrice a week. I doubt na makaka-survive siya kapag walang pera na galing sa magulang.

"Ano ba kasing rason, bakit ka lumayas?" Kanina ko pa ito gustong malaman. Kapag talaga mababaw lang ang dahilan ay kokontakin ko kaagad ang parents niya. Minsan kasi, may pagka-engot itong si Vanilyn. Noong nakaraang taon, ilang araw siyang hindi mahanap. Iyon pala, nag-isolate lang dahil namatay ang puppy niya.

"Pwedeng huwag mo nang alamin?" she begged.

"E di aalis na ako kung ayaw mo." Akmang tatayo ako.

"Sige na, sasabihin ko na! Huwag mo lang akong iwan katulad nila!"

Sino'ng tinutukoy niyang nang-iwan? Iyong mga ex niya na pinagpalit at niloko lang siya?

"Tell me what happened?" I said.

"Hindi kasi kumita ang soap business ko kaya naisipan kong mag-loan sa bank para patuloy pa rin 'to sa pag-operate."

"Then what?"

"Hanggang sa lumaki ang interest. Hindi ko namalayang umabot na ng millions!" Lalo siyang umiyak. Nakakahiya, pinagtitinginan na kami.

"Hindi naman kasi para sa lahat ang pagbi-business, Van. Ayaw mo ba 'yon, wala ka nang poproblemahin?"

"Why are you so bad?! Gusto ko rin namang maging CEO katulad mo!"

Hindi naman ako CEO, gagi talaga ito.

"So, kaya ka lumayas dahil nahihiya ka sa magulang mo?" tanong ko.

Umiling siya at nilaro ang straw ng juice. "Nalaman nilang nangutang ako kaya nag-hire sila ng bagong manager para gawin ang trabaho ko."

"Sorry to hear that."

"Sinabi sa 'kin ni Daddy na mas okay pa raw na wala akong ginagawa kasya magsimula ng isang bagay na mabibigo rin naman akong palaguin. Sa madaling salita, they never support me!"

I felt bad for Vanilyn after hearing her story. Hindi ko alam na ganyan palang magsalita ang family niya. Ka-close ko naman sila kaya never kong na-imagine na magagawa nilang sabihin iyon sa anak nila. Twenty years old pa lang si Van, masyado pang maaga para husgahan ang kakayahan niya.

"Napaka-heartless nila, Ona. Hindi man lang nila ako binigyan ng chance magbago."

Lumipat ako ng upuan sa gilid niya para mayakap siya at haplusin ang likod. "It's all right. Maa-appreciate ka rin nila soon. I won't leave you here. Sasamahan kita hanggang maging successful ka na sa career mo, don't worry."

"BFF, sorry pala, nagtampo ako sa 'yo noong isang araw tapos binabaan kita ng phone. Pero tingnan mo naman ngayon, ikaw lang din ang nilapitan ko."

Hinigpitan ko lamang ang yakap ko sa kanya at hinayaan siyang ilabas ang lahat ng saloobin niya. Alam ko namang walang ibang dadamay sa kanya kundi ako lang.

***

AFTER our meryenda sa French baker, pumunta agad kami sa isang well-known department store habang naghahanap ng T-shirt and pajama pantulog ni Vanilyn. Nagtingin-tingin din ako sa mga naka-hanger na damit at baka may matipuhan ako. Ngunit imbes na damit ang makita ko ay isang pigura ng lalaki ang nakanakaw ng atensiyon ko.

Napalilibutan siya ng mga damit pero masyado siyang matangkad kaya nakilala ko pa rin.

"Seth . . ."

Lalapitan ko pa lang sana siya nang harangan ako ni Ugi, isa sa bodyguard ko.

"Ma'am, bumalik na po tayo sa sasakyan."

"Eh?"

"May na-detect kaming dangerous weapons sa malapit, Ma'am Ona. Kailangan muna naming i-secure ang area at dalhin kayo sa ligtas na lugar."

Umawang ang bibig ko. Wrong timing naman, kainis!

"Saglit, si Vanilyn," katwiran ko kahit ang totoo ay gusto ko lang malapitan si Seth.

Lalong kumalabog ang puso ko nang matiyak na si Seth nga ang nakita ko. Sandaling nawala ang saya ko at napalitan ng kaba dahil mas dumami ang mga guard at naka-army uniform sa paligid bago ko pa siya malapitan.

Bakit dito pa kasi siya namimili? Baka mapahamak pa siya!

Pero hindi naman siya ang target—malamang na ako. Magiging ligtas lamang siya kung lalayo ako ngayon.

"Ma'am, tara na ho," pagmamakaawa ni Ugi.

Tumango na lang ako at kinuha ang phone sa handbag. "Sige."

"Hi, BFF! Where are you ba?"

"Van, emergency lang. Mauuna na muna ako sa parking lot, ha? Sumunod ka na lang sa amin doon. Call me later. Bye." Nagpaalam muna ako kay Vanilyn, at kahit ayoko pang umalis, kailangan ko pa ring makinig sa mga bodyguard ko. Mas lalo na ngayon dahil mainit ang name ng mga Gwen sa social media. Maraming kumakalat sa news na ako ang next CEO. Hindi na kataka-taka kung may gustong t-um-arget sa akin.

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status