Share

Kabanata 3

Nakahiga ako ngayon sa malambot kong kama habang nakatalukbong sa comforter. I have two feather lampshades besides me na nagsisilbing liwanag sa buong bedroom ko.

Hindi ako kumain ng hapunan. Idinahilan ko na lang sa kanila na busog pa ako. Pero sa totoo lang, nakakawalang gana. Kahit yata pag-inom ng tubig ay nakakatamad.

Huminga ako nang malalim at tiningnan ang perpektong nail polish ko.

Kung gaano ako katamad kumilos, kabaliktaran naman n'on ang utak ko. Ang dami kong iniisip na walang ibang ginawa kundi manakit ng puso.

Sa totoo lang, kaya kong tiisin ang mga paninira sa akin sa social media, pero ang mga pananalita sa akin ng pamilya ko? Hindi ko kaya.

I tried to please them ever since Lola Lou said what my fate is gonna be. Magmula kasi noong bata pa ako pagkatapos sabihin ang tungkol sa ka-red string ko, parang hindi na ako belong sa family ko.

We have the same blood running through our veins and we shared the same surname, but our desires and thoughts are far different than each other. Lagi kong ramdam na mag-isa lang ako kapag kasama ko sila. Ang mga pinsan ko ay hindi ko ka-close, pero si Maximo naman ay sobrang kadikit nila palagi. At kapag tinitingnan ako ng mga tito at tita ko, kahit hindi sila magsalita ay ramdam ko sa kaloob-looban ko ang pangungutya at pagkainis nila sa akin.

Simula kasi noong aminin ni Lolo Alfonso sa kanila na farmer ang ka-red string ko ay mabilis na nag-switch ang pakikitungo nila sa akin. Kahit wala pa naman akong nagagawang kasalanan noon ay sinasabihan na nila akong black sheep. I've always tried to prove them wrong, pero never nilang in-acknowledge ang actions ko. Kaya naman ito ang nangyayari sa akin ngayon. I've become what they've always say and think about me.

They always made me feel like I'm the worst person in our family. Kaya naman ito ang realidad ko ngayon.

Tumagilid ako ng higa. Sa hindi maipaliwanag na dahilan ay lumitaw sa isipan ko ang magandang mukha niya. Bumilis ang tibok ang puso ko. Parang mali.

Kinuha ko ang iPhone ko at may id-in-ial na number. Dalawang beses itong nag-ring bago sagutin. I needed him as my love advisor, don't get me wrong.

"Hello?" Maganda at malalim ang boses niya. Pumikit ako. Nakaramdam kaagad ako ng kapayapaan sa isang salita lang niya. "Sino 'to?"

Siguro, kung magkakaroon kami ng mahabang usapan ay baka makalimutan ko kahit saglit ang problema ko. Nakamamangha kasi talaga ang boses niya.

"Onalisa Gwen." Wala akong responde na narinig. Tiningnan ko pa ang screen ng iPhone ko para matiyak kung may kausap pa ba ako o wala na. "Hello? Si Seth ba 'to?" I wanted to make sure. Baka pinagti-trip-an lang niya ako noong ibinigay niya ang number niya.

"Yes. Bakit ka . . . napatawag?"

Napalunok ako. Tangina, bakit ako kinakabahan? Wala namang mali sa pagtawag ko, a?

Fine. Medyo nahihiya ako. Pero slight lang naman. "Sabi mo, tawagan kita kapag kailangan ko ng love advice. Well, I need you right now." Napakagat ako sa ibabang labi ko. Nagiging conscious ako sa sarili ko ngayon. Feeling ko, pangit ang tone of voice ko.

"Patungkol ba 'to sa boyfriend mo ngayon?" aniya.

Aba, ano ba'ng akala niya sa akin, papalit-palit ng lalaki? "Yes, sa 'min ni Sandro."

"Wait lang, lalabas ako. Bakit kasi 1 a.m. ka pa tumawag?"

"At bakit naman gising ka pa?" nakangising sabi ko kahit hindi naman niya nakikita.

"I can't sleep."

"Same here."

Tumayo na rin ako at lumabas din sa may balcony. Narinig ko pa ang pagtahol ng mga aso sa kabilang linya. So, marami siyang dogs? Ano kaya'ng breed?

"Ano'ng itatanong mo?"

Umupo ako sa wooden stool na naroon at tumingala sa mga bituin. Bigla akong nakaramdam ng lungkot sa di-maipaliwanag na dahilan. "Naalala mo 'yong huli nating pag-uusap? Tinanong mo ako kung na-meet ko na ang parents niya."

"I remember that."

"For two years of being in a relationship with him, my answer is no. Kaya naman niyaya ko siya sa theatre para makilala niya ang mga pinsan at tito ko. Pumayag siya, pero agad ding nagbago ang isip." Nilamig ako sa pagkakaupo ko kaya pumasok akong muli sa kuwarto at kumuha ng shawl para ibalot sa katawan. Niyakap ko ang sarili ko dahil sa sobrang lamig. "And now, I've realized why."

"Why?"

Dalawang oras kaming nag-usap. Hindi ko ine-expect na marami akong makukuwento. Akala ko nga, mabo-bore siya. Pero habang tumatagal, parami nang parami ang tanong niya. Halatang interesado siya. At gusto ko rin ang mga advice.

Kahit paano ay gumaan ang pakiramdam ko. Nakalimutan ko saglit ang problema ko.

"Salamat, Seth."

"You're welcome, ma'am."

***

ALAS-kuwatro ng madaling-araw nang magising ako dahil sa masamang panaginip. Nalipat ang atensiyon ko sa malaking picture frame na nakadikit sa tapat ng kama ko.

Isang babaeng may misteryosong mukha at may ngiting nagbabago. Kapag masaya ka, masaya ang ngiti nito. Kapag malungkot ka, malungkot din ito. Nag-iiba ang ngiti depende kung paano mo ito gustong tingnan. And she was just like my reflection.

Mona Lisa is one of the famous paintings in the universe. At sa painting na ito nakuha ni Daddy ang pangalan kong

Onalisa.

At kung tatanungin kung anong ngiti ang nakikita ko sa kanya? Naka-fake smile siya. Masaya siya sa panlabas na anyo, pero puno ng dark clouds ang puso.

Masaya naman ako sa pag-uusap namin ni Seth kanina, pero bakit biglang bumigat ang pakiramdam ko?

"Ma'am Onalisa!"

Agad akong napabalikwas sa aking pagkakahiga dahil sa sigaw ng aming katulong. Umiiyak siya habang nakahawak banda sa puso dahil sa paghahabol ng hininga. Mukhang tumakbo pa siya paakyat ng floor.

"Si CEO—" Hindi niya matuloy-tuloy ang sasabihin dahil sa pag-iyak.

"Ano'ng meron kay Daddy?"

"Bumagsak ang eroplanong sinakyan niya." Bigla itong lumuhod. "Sorry, ma'am, wala na po ang daddy mo. Wala na po si CEO Christopher."

***

Nasa isang island kami kung saan ay siyam na oras ang biyahe mula sa Manila. Nakaupo ako sa buhanginan habang nakatulala sa alon ng tubig. Maingay ang paligid dahil maraming search-and-rescue team at pulis na nag-iimbestiga. Pahirapang makilala ang mga bangkay dahil sunog na ang mga ito at lumobo pa ang katawan dahil sa tubig.

One hundred eight ang sakay ng eroplano at twenty-five pa lang ang nahahanap. Sa ilalim ng dagat kasi ito bumagsak kaya naman delikado kung lulusungin pa.

Malakas ang alon at may bagyong paparating ayon sa weather forecast kaya naman ay umaasa na lang kami sa mga lulutang na katawan.

"You should take a rest." Mainit ang kamay ni Sandro na lumapat sa likuran ko. "Pinapalit ko ang room mo sa mas malaking suite."

Bigla akong napatayo nang may makitang katawan sa dagat. "May bangkay sa malaking bato!" sigaw ko sabay turo sa gawing iyon. Isang rescue team agad ang pumunta roon gamit ang maliit na bangka. Marami rin ang pumunta sa gilid ng dagat para salubungin sila.

"Ona, it's been two weeks. You should take your rest, please."

Huminga ako nang malalim. "Malaki na ako. Hayaan mo ako sa buhay ko." Hindi ko alam bakit pa niya ako bine-baby. Hindi naman siya ang magulang ko para mangialam nang ganito. At hindi ko rin alam kung ano ang ginagawa niya rito. Si Tita Susane at si Maximo nga, tatlong araw lang nag-stay sa island.

"Hindi gusto ni CEO na magkasakit ka."

Tumalim ang tingin ko sa kanya. Magkahalong galit at kirot ang nararamdaman ko ngayon. Gusto ko siyang maglaho sa paningin ko. "Hindi mo alam ang gusto niya para sa 'kin."

"I know what he wanted for you. He wanted you safe."

Tumingin na lamang ako sa dagat. Wala akong ibang masisisi sa pagkamatay ni Daddy kundi ang pilot na nagpabagsak ng eroplano—at ang lalaking nasa gilid ko ngayon. Dahil siya ang dahilan kung bakit nangibang bansa si Daddy. Tiyak akong nandito lang siya dahil nagi-guilty siya sa nangyari.

"Onalisa . . ." Hinawakan niya ang kamay ko. Bigla akong nangilabot. Galit lamang ang namumuo sa puso ko.

"Let's break up, Sandro." Inalis ko ang kamay niya sa akin. Ilang linggo ko ring pinag-isipan ito.

Umiling lamang siya. "I won't let you decide while you're in this situation. You're just mad." He let out a sigh. "Babalik na ako sa hotel." Tinalikuran na niya ako at lumakad na palayo.

Aba! Walkout lang? Duwag talaga siya kahit kailan! Kainis!

"Kung si Daddy, nagawa mong gamitin para sa ikakayaman mo; puwes ako, hindi!" Kung naririnig lang kami ni Seth, siguradong proud siya para sa akin dahil ang dami kong na-realize sa mga advice niya.

Tumigil siya sa paglakad. May isang metro pa lang ang layo namin kaya tumakbo ako palapit at humarang ako sa harapan niya. "Wala na si Daddy kaya wala na akong silbi sa 'yo! I can't help you build your business empire so it's better for us to part ways!"

"You're not getting it, Onalisa. It's not about the money."

"Talaga? Samantalang hindi naman maaaksidente si Daddy sa eroplano kung hindi lang niya ginustong tulungan ka sa business mo!"

"Walang kinalaman ang daddy mo at ang business sa relasyon natin." Mahina ang boses niya at mabagal na parang nahihirapang magsalita. I saw him gulped.

Hindi ko mabasa ang ibig sabihin ng mga mata niya. Para bang puno ng misteryo.

"Nagkakamali ka, Sandro. Malaki ang kinalaman ng dalawa kung bakit naging tayo," sagot ko. May namumuo nang luha sa mga mata niya. Kung gaano siya nasasaktan sa mga sinasabi ko ay ganoon naman ako kasabik na magpakatotoo. "Kung hindi dahil kay Daddy at sa business . . . malamang na walang tayo, tandaan mo 'yan!"

Umiling siya. I could see the ghost of pity and sadness in his eyes no matter how he denied it. "You're just mad about what happened to your father. Clouded lang ang utak mo ngayon because you're mourning about what happened."

"Sandro, we never celebrated monthsary and anniversary. You never bought jewelry or heels for me. And you never invited me to watch cinemas or go to romantic places. You're so plain and boring. Tell me . . . how can I like you?

Huh? Did you ever treat me like a . . . princess?"

Seth, nasaan ka na ba? Bakit ang bilis kong natuto sa mga lesson mo sa akin?

"Hindi mo naman hiniling ang mga 'yan," was his lame excuse.

"Hindi ka lang pala plain and boring. Wala ka rin palang common sense." I sighed. "Si Daddy lang talaga ang dahilan kaya naging tayo."

"Ona . . . alam kong minahal mo ako."

"Kung totoo man, bakit wala akong maramdaman dito?" Sabay hawak ko banda sa puso. "My heart is empty for two years because of you, Sandro. Never kong naramdamang minahal kita kasi never mo akong binigyan ng dahilan para mahalin ka. You know what? Mag-focus ka na lang sa mga pangarap mo. I hope this will be our last talk. Thanks for not-so-memorable memories with you. I will never regret breaking up with you."

Umalis na ako. Binilisan ko ang pagtakbo para matiyak na hindi niya ako masusundan. At tama nga—hindi niya ako pinigilan. Pinatunayan lang niya lalo na wala akong halaga.

Nagtago ako sa malaking puno at doon umiyak. Dahil sa mataas na pangarap ni Sandro ay napahamak si Daddy. Bakit ba kasi ang pursigido niyang mag-business? Bakit gusto niyang maging successful nang sobra? He is still young. Hindi ba niya na-realize na pansamantala lang ang kayamanan sa mundong ito?

Kung iibig ako ulit, gusto ko iyong lalaking may simpleng pangarap lang pero mahal ako nang husto.

Seth was right. There's someone half-openbetter for me. Someone who will treat me like a princess.

Kinuha ko ang iPhone ko at id-in-ial ang number niya. Wala pang limang segundo ay sinagot na niya.

"Seth . . ."

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status