Share

Chapter 26

Hindi kami nagkasabay ni Angelica ngayon sa sakayan ng jeep. Baka napaaga ang pasok ko kaysa sa kaniya. Hindi ko pala naitanong kung bumalik na sila sa dati nilang tahanan. Or puwede rin may kakilala siyang taga rito at nakitulog lamang siya.

Pagkarating sa unibersidad, agad akong tumungo sa ilalim ng punong mangga dito sa may building namin. Habang inaantay ko ang dalawa kong kaibigan, may bigla namang nagtakip ng aking mga mata.

Base sa amoy niya, matapang ang kaniyang pabango kaya tiyak na lalaki siya. Mukhang malalaki rin ang kaniyang daliri. Hindi ko siya kilala at wala akong ideya kung sino siya.

"Sino ka?" tanong ko.

"Hulaan mo," aniya habang nakangisi.

Hindi na ako nagdalawang isip at hinawakan ko na ang kaniyang kamay para matanggal ito sa aking mga mata.

"Yieee, hinawakan niya ang kamay ko," pambubuska niya.

Hindi na ako natutuwa sa kaniya kaya sa sobrang inis ko, buong puwersa kong tinggal ang mga kamay niya at saka ko siya hinarap.

"Anong kalokohan ba 'to, ha? At sino ka
Locked Chapter
Continue to read this book on the APP

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status