Share

Chapter 111

"Oh, bakit umalis na 'yung dalawang kaibigan mo?" tanong ni Yatco nang makalapit na siya sa 'kin.

"Naku, importante pa silang lakad kaya nagpaalam na," pagdadahilan ko.

"I see, akala ko e pinagalitan mo dahil nadulas sila sa 'kin kahapon," ngingisi-ngising sambit niya.

"Grabe ka naman sa 'kin, hindi ko naman sila papagalitan nang dahil lang do'n. Nakiki-chismis pa nga kung ano nangyari kahapon," turan ko.

"Naikuwento mo ba?" tanong niya na may halong pang-uusisa.

"S'yempre, hindi. Hindi ko naman na dapat pang ikuwento ang mga pribadong usapan. Mas masarap magkaroon ng tahimik na buhay," nakangiti kong sambit.

"Good girl," aniya sabay pisil sa pisngi ko.

"Oy, hindi ako aso," wika ko.

"Speaking of aso, kumusta na si Nestor? Hindi ba siya makulit?" tanong niya pa.

"Hindi naman, mabait nga, e. Tahimik lang siya sa isang sulok kapag hindi nakakulong. Introvert yata si Nestor," turan na may kasamang paimpit na tawa.

"Siguro, extrovert siya kapag maligalig na," segunda niya kaya nagtawanan
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status