Beranda / Semua / Sweet Escape (Trilogy #1) / CHAPTER 35 ~ Contented

Share

CHAPTER 35 ~ Contented

Penulis: Margarita
last update Terakhir Diperbarui: 2021-11-13 18:41:41

Chapter 35

NAPABALIKWAS ako ng bangon at hinihingal na napatayo. Tumingin ako sa bintana, madilim pa sa labas. Isang linggo na akong nananaginip at alam kong may koneksyon ito sa nawawala kong memorya. Sa loob ng isang linggo, paminsan-minsan ay sumasakit ang ulo ko sa tuwing pinipilit ko ang sariling alalahanin ang isang imaheng nakikita ko sa panaginip ko.

Tumingin ako sa katabi ko na mahimbing na natutulog, it's my son. He's sleeping soundly.

Tumayo ako at nagsimulang naglakad, hinay-hinay ang ginawa kong paglalakad para hindi magising ang anak ko. 

Nang makalabas ako ng tuluyan sa kwarto ay agad kong tinungo ang kusina para sana kumuha ng maligamgam na tubig  pero napahinto ako nang makita ko si Liandre na nakatayo malapit sa ref, tulala ito habang umiinom ng gatas. Parang ang lalim ng iniisip nito dahil hindi man lang niya ako naramdaman.

Isang linggo na akong nakatira sa bahay ng totoo kong mga magulang at paunti-unti na ring bumabalik ang alaala ko. Sa loob ng isang linggo ay hindi ko pinapansin si Liandre kahit panay ang lapit at kausap nito sa akin. I just don't like his presence.

Naglakad ako palapit sa kanya, tulala parin. Napailing nalang ako bago nagsalita. 

"Umiinom ka na pala ng gatas ngayon?" Sabi ko bago kumuha ng maiinom galing sa pitcher.

Nakita ko siyang napakurap-kurap at hindi makapaniwalang tumingin sa akin. Tinaasan ko siya ng kilay at uminom sa baso na may lamang tubig. 

"What?" Tanong ko ng hindi siya nagsalita at nanatiling nakatingin sa akin.

"Finally, you already talked to me. I thought you also lose your voice." Nag-iwas ito ng tingin sa akin, para bang may hinanakit itong dinadala.

Napailing ako at inubos ang tubig sa baso bago siya iniwan sa kusina. Hahakbang na sana ako nang bigla siyang magsalita.

"Do you want to regain your memories?" 

Napalingon ako sa kanya at nakita ko ang seryoso niyang mukha. Dahan-dahan akong tumango. 

Gustong-gusto kong bumalik ang alaala ko na kasama siya, gusto kong malaman kung bakit kami ikinasal, gusto kong malaman kung bakit sa picture na nakita ko sa tablet ni Clive ay puro ako lang at ang anak ko ang nandoon. Sa araw ng panganganak ko, wala siya dun. Sa mga birthday ng anak ko, wala siya dun. Gusto ko ng kasagutan.

Lumapit ako sa kanya na may umaasang tingin. "Anong dapat kong gawin?"

He looked at me with an emotion in his eyes that I can't name. He sighed and looked away. "Just ask me anything you want."

Huminga ako ng malalim para ihanda ang sarili na magtanong sa kanya.

"Bakit hindi mo ako hinanap agad nung maaksidente ako?" Panimula ko kaya mabilis niya akong tiningnan.

He sighed in disbelief. "Really, Addison? Yan talaga ang itatanong mo sa akin?" Hindi makapaniwalang sabi niya.

"Bakit? Hindi mo ba yun kayang sagutin?" Salubong ang kilay na tanong ko.

Nakita kong napailing-iling siya bago magsalita. "After that accident happened, hinanap kaagad kita if you didn't know. I paid millions just to find you, Addi, and don't you ever think that I didn't look for you cuz God knows how I've gone crazy worrying about how you are doing every day." Tumalim ang mga mata niyang nakatitig sa akin and it makes my heart jump out of joy knowing that he really paid someone just to look for me.

Lumambot ang puso ko sa nalaman ko mula sa kanya and I can't help but to smile genuinely.

"Thank you," nakangiting sabi ko sa kanya.

Akala ko talaga pinabayaan na ako ng mga kamag-anak at asawa ko. Pagkagising ko sa hospital, pakiramdam ko may darating na isa sa mga pamilya ko. Hanggang sa isang buwan akong nanatili sa hospital, wala pa rin. Sa loob ng isang buwan na yun ay namatay ang anak na nasa sinapupunan ko, ang sabi daw hindi na kinaya ng bata ang sobrang radiation kaya ito bumitaw.

Pagkalabas ko ay sinisi ko agad ang ama ng anak ko. Sabi ko sa sarili ko na kung may bata sa tiyan ko, malamang may asawa ako at siguradong hahanapin niya ako, pero hindi yun nangyari. Walang tao ang kumuha sa akin.

Pero. . . hinanap pala talaga ako ng asawa ko, siguro natagalan lang kasi hindi niya alam kung nasaan ako. Ang bahay kasi na tinitirhan namin nila nanay at tatau ay malayo sa bayan, kailangan mo pang sumakay ng sasakyan ng isang oras para makarating sa amin.

"Akala ko kasi wala na kayong pakealam sa akin. At saka, miraglo yung nangyari sa akin. Sabi ng doktor maswerte daw ako kasi nabuhay ako." Pagsisimula ko habang nakatingin sa baso na inilapag ko sa lamesa.

Mapakla akong tumawa. "Nabuhay nga ako pero andami namang nawala sa akin."

"I lost my baby, my memory, my happiness, and my worth as a mother. Pakiramdam ko wala akong kwentang ina dahil hindi ko nagawang mailabas ng buhay ang anak ko." Nabasag ang boses ko habang nagkukwento.

And as expected, umiiyak na naman ako. Masakit parin talaga ang nangyaring pagkawala ng anak ko. Remembering back that day when the doctor announced that they have to get my baby out to my womb kasi delikado daw kung magtatagal pa ito sa tiyan ko habang wala ng buhay. And as a mother, I felt useless and worthless.

"Hindi totoo yan." Biglang sabi niya kaya nilingon ko siya. Nakatingin siya sa akin.

"You raised our son well, you raised him alone and I can say that you are not just a good mother but also a loving one. Yes, you lose our child but that doesn't make you less as a mother." 

Nawala ang kaninang pangungulumbaba na nararamdaman ko at napalitan iyon ng saya at  pagkakontento. Pero. . . ano daw? I raised our son alone?

"Anong ibig mong sabihin sa mag-isa kong pinalaki ang anak ko? Wala ka ba sa tabi ko nun?" Takang tanong ko.

Nakita ko na napalunok siya at namumutla. Nagtaka ako sa ikinikilos niya, parang kanina lang ay okay naman kaming nag-uusap tapos ngayon, grabe siya kung mamutla, para bang may mali siyang sinabi.

"Inaantok na ako. Goodnight, wife." Pagkasabi ay inilapit niya ang mukha niya sa noo ko at pinatakan ng isang halik. Forehead kiss. 

Natulos lang ako sa kinatatayuan ko hanggang sa makaalis siya. Kaagad ding kumunot ang noo ko sa kinilos niya. Is he avoiding my question? Did he spill something he didn't want to?

Napabuntong hininga nalang ako kaya naisipan kong bumalik sa kwarto namin ng anak ko at matutulog ulit. 

NANG makahiga ako sa malambot na higaan, naging malikot na naman ang aking isipan. Gustong-gusto ko talagang malaman ang nakaraan ko, lalo na yung sinabi niya ang bagay na yun. Mas lalo tuloy akong naguluhan. Ano bang pinagsasabi niyang mag-isa kong pinalaki ang anak namin? 

Hindi ba mag-asawa kami? Napabuntong hininga nalang ako marahas na ipinikit ang mata. I have to get the answer pero sa ngayon, matutulog muna ako. Bukas nalang ako magtatanong at sana, makakuha ako ng matino at totoong sagot.

NAGISING AKO NANG biglang kumalam ang tiyan ko. Bumangon ako at nagmumog bago bumaba para mag-almusal. Buhaghag pa ang buhok ko nang makasalubong ko si Liandre na kasalukuyang kumakain mag-isa sa dining area.

Tulala ito habang kumakain. Parang ang lalim naman ng iniisip nito. Napakibit-balikat nalang ako at kumuha ng sariling pinggan para na rin makisabay sa kanya.

Nang makaupo ako sa bakanteng upuan na nasa harapan niya ay hindi pa rin niya ako napansin. Grabe naman, ano kayang iniisip nito? Tungkol ba ito sa pinag-usapan namin kanina?

Napailing-iling nalang ako at kumuha ng bacon at scrambled egg. Nagsimula akong kumain pero ganun pa din siya, tulala at parang wala sa sariling kumakain.

I sighed and snapped my fingers at him. "Hello! Earth to Liandre."

Napakurap-kurap siya at wala sa sariling dumighay. Nanlaki pa ang mga mata niya habang nakatingin sa akin.

"Oh? Ba't ganyan ka makatingin?" Natatawang tanong ko sa kanya.

"B-Bakit ka andito?" Hindi makapaniwalang tanong niya.

Tumaas ang dalawang kilay ko sa tanong niya. Anong pinagsasabi nito?

"Bakit? Bahay naman to ng mga magulang ko ah, malamang andito ako." Sabi ko sabay kain.

Dinig ko ang malalim na paghugot niya ng hininga habang itinuon ko naman ang buong atensyon ko sa kinakain ko.

"I mean, you're joining me—"

"Shhh! Kumain ka nalang, ang daming tanong. Ako dapat ang magtanong sayo eh." Sabi ko pero hindi naman siya nagsalita.

Tahimik kaming kumakain hanggang sa matapos ako ay nag-angat ako ng tingin at nakitang nakatingin siya sa akin. Umangat ang dalawang kilay ko at nanunudyong ngumiti.

"Ang ganda ko ba?" Biro ko at binuntutan pa yun ng tawa sa huli.

Hindi pa rin siya sumagot at nanatiling nakatingin lang sa akin.

"Okay ka lang ba?" Nag-aalalang tanong ko nang mapansin ang pagod niyang mga mata. May mga tumutubo na ding mga maliliit na balbas sa kanyang baba, may eye bags din siya. Pero hindi naman nabawasan ang pagkagwapo niya.

"Do you really want to bring your memories back, wife?" May lungkot sa boses niya.

Tumango ako. "Of course! Para naman hindi na ako mabagabag. Ayokong mabuhay ng wala ang memorya ko noon, para na din akong nabuhay na walang laman."

Nagbaba siya ng tingin bago bumuntong-hininga. Parang ang bigat ng dinadala niya.

"Why don't we just make new memories with our son?" Mahinang bulong nito kaya hindi ako sigurado kung ano talaga ang sinabi niya kaya napakunot ang noo ko.

"Ano?" Tanong ko at nag-angat siya ng tingin. Malungkot ang mga mata niya sabay ngiti ng peke.

"Wala. Kumain ka nalang," sabi niya sa akin bago tumayo.

He kissed my forehead for five seconds and leaves.

Bumilis ang tibok ng puso ko sa ginawa niya. It's just a simple gesture but it makes my heart jumps in happiness. Parang nabuo ang sarili ko, I suddenly feel contented with the type of his kiss.

***

DYK?

A forehead kiss is a sign of care and sincerity. When someone kisses you on the forehead, it means that he will always be there for you and will always love you with all his heart. At dahil bitter ako, makikiSANAOL nalang ako.

Lanjutkan membaca buku ini secara gratis
Pindai kode untuk mengunduh Aplikasi

Bab terbaru

  • Sweet Escape (Trilogy #1)   EPILOGUE

    Epilogue ~ Sweet Escape IT was devastating for him. Akala ni Liandre ay madali lang ang magpalaki ng anak. Pakiramdam niya mababaliw na siya ka sobrang kakulitan ng mga anak niya. Masyado itong malikot at matitigas ang mga ulo. But he can't just let his twin play around their mansion, siya ang malilintikan ng asawa niya. "H-hey! Get down here, Adonis!" Sigaw niya sa lalaki niyang anak. His son is sliding on the stairs railing. Mabilis niya itong kinuha at maingat na inilapag sa carpet. Nakahinga ng maluwag si Liandre ng makitang umupo ito ng maayos sa sofa at pinakialaman ang cellphone niya. Hindi na niya talaga alam ang gagawin sa mga ito. Kakausapin niya pa sana ni Adonis, ang lalaking anak nila ni Addison, ng may biglang humiyaw mula sa kanyang likuran. Nilingon niya ag pinangggalingan nun. "Fuck!" Malutong siyang napamura

  • Sweet Escape (Trilogy #1)   CHAPTER 51 ~ Wedding Day (2/2)

    Chapter 51NAG-UMPISA na ang seremonya ng kanilang kasal. After they exchanges 'I do' to the priest's question, their cute and adorable son handed over the ring to them.Si Liandre ang unang kumuha ng singsing sa lalagyan saka sinuot iyon sa daliri ni Addison habang matiim na nakatingin dito."I have so many vows in my head while preparing for our wedding." Panimula ni Liandre habang hawak-hawak ang kamay ng asawa at matiim na nakatitig dito, puno ng pagmamahal at senseridad ang mga mata niya. Gusto niyang ipakita dito na taos-puso ang bawat salitang lumalabas sa bibig niya. "I also have many doubts and what ifs in my mind but now, as I stood in front of you, I realize that I don't need to pledge anything to you. I'll just do it with all I can and with all my heart. Because as what they said, promises are meant to be broken. If someone promised something, someone will expect, and expectation might lead to d

  • Sweet Escape (Trilogy #1)   CHAPTER 50 ~ Wedding Day (1/2)

    Chapter 50LIANDRE IS SWEATING bullets while standing on the right side of the altar with his best man beside him, which is Channing. Hindi siya mapakali habang naghihintay sa altar kahit pa sinabi na ng organizer na dumating na ang asawa. Pero lampas na sampung minuto ay hindi parin ito dumadating."Why are you taking so long, love?" He nervously muttered. "don't you dare escape on me, again."Dinig niya ang mahinang pagtawa ng katabi niya, ang best man niya na si Addison ang pumili. "You look like a sh-- I mean, you look restless, man." May panunudyo sa boses nito.Pinukol niya ito ng masamang tingin bago humugot ng malalim na hininga. "Sino ang hindi kakabahan. My wife is still not here, baka kung ano na ang nangyari sa kanya, o baka naman ay nagbago na ang isip niya." Masama parin ang tingin niya dito. Gusto niyang magmura pero nasa loob sila ng simbahan.Bumunt

  • Sweet Escape (Trilogy #1)   CHAPTER 49 ~ Preparation

    Chapter 49ONE MONTH. One month's preparation for the wedding and it's all to Liandre. He doesn't want to stress his wife so he decided to take all the responsibilities just to make their wedding perfect, though no one is perfect, he just wants to impress his wife and give her the most superb wedding. In one month, he keeps on worrying about Addison's condition.She will suddenly run into the bathroom and keep on vomiting. There are times that she doesn't eat the food he cooks. Sometimes, she will push him away telling him that she doesn't want to see him and feel his presence. But at the end of the day, maglalambing ito sa kanya ang they'll cuddle all night long and ended up making love.Napailing nalang si Liandre habang nakatingin sa mga papeles na nakatambak sa harapan niya. He's really busy this following weeks, ang daming trabahong dapat gawin, idagdag mo pa ang preparation sa kasal nila. Para

  • Sweet Escape (Trilogy #1)   CHAPTER 48 ~ Yes!

    Chapter 48ADDISON IS WEARING a decent white dress, above the knee. Inilugay niya ang buhok niya and she didn't bother to put some makeup on her face. She knew that her husband will just appreciate her natural beauty. Nakaflat shoes lang siya kasi hindi niya feel ang magtakong.Nang makababa siya ay kaagad niyang hinanap ang kapatid at natagpuan iyon sa likod ng bahay nila, kung saan nandoon ang swimming pool nila, at may kausap sa cellphone.Maingat ang bawat hakbang ni Addison para hindi siya marinig ng kapatid niya. Gusto niyang malaman kung sino ang kausap nito, panay kasi ang pagbuntong-hininga nito."Come on, Vivian. You owe me a dinner...magtatampo talaga ako—no! You have to accompany me. And I don't take no as an answer.... No buts, Vivian— 8 AM. I'll send you the address. DON'T. BE. LATE." Pagkasabi ay inilagay nito ang cellphone sa sariling bulsa at nan

  • Sweet Escape (Trilogy #1)   CHAPTER 47 ~ Cuddle

    Chapter 47KANINA PA MASAMA ang tingin ng Kuya kono ni Addison kay Liandre. Nagtataka si Liandre kung bakit kanina pa ito nakatingin ng masama sa kanya. As far as he remembers, hindi niya ito kilala at mas lalong wala siyang ginawang masama dito. Pero kung makatingin, parang ang laki-laki ng atraso niya sa lalaki.Kapatid daw ito ni Addison pero hindi naman sila magkamukha. Ni wala ngang parte ng mukha nila ang magkapareho eh."Hey, love. Bakit ganyan makatingin sa akin yang kapatid mo? Kunti nalang, masasabi ko ng may pagnanasa yan sa akin." Bulong niya kay Addison habang hindi parin tinatanggal ang tingin sa kapatid nito.Nakaupo sila sa dining table at kasalukuyang kumakain ng hapunan. Magkatabi sina Addison at Liandre habang nasa harapan naman nila si Bao at ang kapatid ni Addison. Ang Mommy at Daddy naman ni Addison ay nasa magkabilang upuan na nasa pinakaharapan.&nbs

Bab Lainnya
Jelajahi dan baca novel bagus secara gratis
Akses gratis ke berbagai novel bagus di aplikasi GoodNovel. Unduh buku yang kamu suka dan baca di mana saja & kapan saja.
Baca buku gratis di Aplikasi
Pindai kode untuk membaca di Aplikasi
DMCA.com Protection Status