NAGISING ako sa sikat ng araw na dumarampi sa aking pisngi.
Nakatulugan ko palang bukas ang bintana ng aking kuwarto.Bumangon ako at inihanda ang sarili sa pagpasok sa opisina kahit
pa nag-leave ako para sa wedding na hindi naman natuloy. “Margaux, bakit pumasok ka na? Dapat ay nagpahinga ka muna.”
Bakas ang gulat sa boses ni Karen na siya kong sekretarya. Parang kapatid ko na siya kung ituring kaya hindi na siya iba kung makipag-usap sa akin.
“Maloloka ako kung magmumukmok lang ako sa condo ko. Besides, maraming gagawin dito ngayon. Magha-holidays na naman,” sambit ko. Nakasuot ako ng sunglasses kaya ’di niya pansin ang namumugto kong mata. Deretso ako sa aking opisina.
“Talaga bang ayos ka lang?” nag-aalalang tanong niya.
Ngumiti lang ako sa kaniya at tinanggal ang sunglasses bago humarap sa mga papeles sa aking lamesa.
“Margaux, kung kailangan mo ng kausap, ’wag kang mag-atubiling tawagin ako,” saad niya sa mababang tinig.
“I’m okay, Karen. Ayoko na lang munang pag-usapan ang mga nangyari. I’ll call you when I need something,” wika ko sa kaniya.
“Okay.” Tumalikod na siya palabas ng pinto.
Inumpisahan ko ang trabaho. Ayokong mabakante ang utak ko kahit sandali. Hanggang sa tumunog ang intercom sa aking lamesa na siya kong sinagot.
“Lester is on the line. You wanna talk?” ani Karen sa kabilang linya.
Mariin muna akong pumikit bago sumagot. “I’ll talk to him.” “Hello?” sabi ni Lester sa kabilang linya, ngunit hindi ako sumagot.Paano’y hinihiwa ang puso ko nang marinig ang boses niya. “Margaux, puwede ba tayong mag-usap?”Tumulo ang aking mga luha.“Baby, mahal kita . . . Alam kong alam mo ’yan. May bigla lang kasing nangyari and I couldn’t make it to our wedding. Please, I need to talk to you,” nagmamakaawang sabi niya. “Babe?”
Humugot muna ako ng malalim na hininga bago magsalita. “Okay. Mag-usap tayo pagkatapos ng office hour.” Matapos ay mabilis kong ibinaba ang tawag.
Mabilis lumipas ang maghapon dahil ginawa kong busy ang aking sarili.
“It’s Lester again,” Karen said on the intercom.
Pinindot ko ang enter button. “Hello?”
“I’m outside your office,” sabi niya.
“Okay, bababa na ako.”
Hindi na ako nag-abalang mag-ayos pa, ’di kagaya dati na todo lipstick pa ako. Ngayon, kahit powder ay hindi ako naglagay.
Paglabas ko ng building ay nakita ko agad si Lester na nakasandal sa kaniyang kotse. Tumahip nang malakas ang d****b ko. He was wearing a white V-neck shirt, bleached jeans, and rubber shoes. Mukha siyang bagong paligo na tila nakalimutang mag-shave. Mukhang wala pang tulog dahil sa lalim ng mga mata. Sa kabila niyon, guwapo pa rin siya. Pansin ko ring may hawak siyang sigarilyo.
Nang mapansin niya ako’y agad niyang tinapon ang sigarilyong hawak at sinalubong ako. Hahalikan na sana niya ako sa pisngi ko pero mabilis akong umiwas.
“Ano pa ba ang pag-uusapan natin?” I said in irritation.
“Let’s talk in some other place,” aniya sa mababang tono. Iginiya niya ako papasok ng kaniyang kotse.
“No, thanks,” mariin kong tanggi. “I better use my car.” Nagpunta kami sa isang restaurant.
“What do you want to eat?” tanong niya nang makaupo kami. “Tubig lang ako,” I answered kahit kanina pa kumukulo ang tiyan
ko sa gutom. Ayoko na kasing magtagal pa na kasama siya.
“Marg, baby . . .” Hinawakan niya ang kamay ko na nakapatong sa lamesa.
“Don’t you f*cking call me that!” madiin kong sabi at hinila ang
aking mga kamay bago humalukipkip.“Look, Margaux . . . I’m sorry for what I did. Hindi ko ginusto na hindi ka siputin sa kasal natin. May nangyari lang talaga na hindi ko inaasahan,” aniya sabay iling.
“My God, Lester, wala akong maapuhap na dahilan para umatras ka sa kasal natin. I thought we both wanted this ever since I said yes to you. What we had for almost three years, gano’n mo na lang tinapon!” “Believe me, I really want to spend the rest of my life with you . . .” napapaos niyang sabi saka muling kinuha ang kamay ko matapos ay
hinalikan.
Tinitigan ko siya nang maigi. Guwapo pa rin siya sa ganoong anggulo. May malamlam na mata, matangos na ilong, at mapupulang labi. Mala-Adonis kung titingnan. Sa unang pagkikita pa lang namin ay nabighani na niya ako.
Biglang napalitan ng kirot ang nasa puso ko. Ayokong umiyak sa harapan ni Lester ngunit gusto nang tumulo ng mga luha ko anumang sandali.
“Please tell me, Les . . . what happened between us? Nasaan na ang pangako mong ’di ako sasaktan? Bakit mo ako pinaasa sa wala? Pati mga magulang natin, sinaktan mo sa ginawa mo!” Pumatak ang luha mula sa mga mata ko.
“Sssh, please don’t cry, babe.” Pinunasan niya ang mga luha ko. “Stop it! Bullsh*t!” Hinawi ko ang kamay niya, dahilan para
makakuha na kami ng atensiyon ng ibang customer na kumakain. “Please, baby, just give me one more chance. Maaayos ko rin
itong napasukan ko,” he begged.
“Kung anuman ang dahilan kung bakit hindi ka sumipot sa kasal natin ay ayoko nang malaman. I guess this will be the end for both of us, tutal hindi na rin naman natin maibabalik pa sa dati ang lahat dahil sinira mo na!” Tumayo ako at lumabas sa naturang restaurant.
“Margaux!” Hinabol ako ni Lester at nang maabutan ay hinawakan nang mahigpit ang braso ko.
“Let go of me!” marahas kong hablot sa aking braso.
“No, Margaux. Hindi pa tayo tapos mag-usap. Pumasok ka ulit sa loob, please . . .” pagmamakaawa niya na tila nauubusan na ng pasensya.
“Wow! Gusto mong sundin kita? There’s nothing between us, Lester! We’re through!” may diin kong sinabi.
“Hindi ako papayag na iwan mo ako. Humihingi lang ako sa iyo ng
kaunting panahon para maayos ko itong gulong napasok ko. Believe me, after this, kahit saang simbahan, papakasalan kita. Please, baby . . .”His voice is gentler pero hindi iyon sapat para maantig ang puso ko. Isang malakas na sampal ang pinalipad ko sa pisngi niya na nagpawindang sa kaniya. Hawak niya ang pisnging nasaktan.
“F*ck you! Hindi ako aso na puwede mong iwan kung saan at babalikan mo kung kailan mo gusto!” hinihingal na sigaw ko. “You are my first love, my first boyfriend, and the person I wanted to spend the rest of my life with,” patuloy kong sabi. Wala akong pakialam kung pagtinginan man kami ng mga tao sa labas ng restaurant. “Binigay ko sa iyo ang lahat, pero hindi pa pala sapat! Ang sakit lang dahil ikaw ang una kong minahal pero ikaw rin pala ang unang wawasak sa akin.”
Tears fell down on my face. Labis kong pinagsisihan ang pag-iyak sa harapan niya kaya mabilis kong pinahid ang mga luha bago tumalikod para takbuhin ang aking sasakyan.
WakasThe WeddingParang gusto kong maiyak na matawa sa sinabi niya. Muli kong binalik ang tuon sa gandan nang City dahil wala akong maapuhap na Isagot."Bukas pakakasalan kita, gusto kong makasiguro na hindi mo na ako muling iiwan, na hindi kana muli pang makakatakas sakin." Napalunok ako ng sunod-sunod sa aking narinig."Pumapayag kaba?" Nadepina ang mga labi ko sa tanong niya. Alam kong wala na akong dahilan pa para tumangi pero bakit napaka bilis yata? Bukas agad?"Masyadong mabilis kung bukas, hindi pa tayo preparado."He groaned, he licked his lips and it became redder."Matagal ang one week para sa preparasyon. I make sure that everything will be finalize and perfectly polished before I discuss this to you."Napa awang ang labi ko sa kaniyang rebelasyon. So, ito pala ang dahilan ng halos isang linggo niyang hindi pag paparamdam."I hate you!"Nag umpisa ng mag init ang dalawang mata ko. Kumalas ako mula sa
ForgiveHindi ako pumasok kinabukasan dahil sa masamang pakiramdam. Isa pa duma mdagdag pa ang Ilang araw naming hindi pagkikita ni Lawrence.After what happened at the party ay hindi ko na ito kinausap pa. I don't think it is the right thing to do right now. Pero ito nalang siguro ang pinaka mabuting gawin sa ngayon.Kung itutuloy ko pa ang pakikipag relasyon kay Lawrence ay sigurado akong wala ng matitira dito. Pati ang lahat ng pinaghirapan niya'y mapupunta sa wala. Siguro mas mabuti ngang sundin ko nalang ang gusto ng kaniyang ama. Ang tuluyan na itong hiwalayan."Margaux can we talk?"Boses ni Cindy ang nagsalita mula sa labas ng pinto."Please Margaux!" aniya sa kabila ng sunod-sunod na pagkat
Her Revenge"Karen sino nag padala nito?" Tawag ko dito ng maabutan ang punpon ng rosas sa aking lamesa."Ah, hindi ko din nga alam, pero may message yata d'yan di ko binasa," aniya ng sumulyap sa bukas na pinto."Sige, Salamat!"Binuklat ko ang nakalagay na sulat at mahinang binabasa."For you my Lady!"Iyon lang ang nakalagay sa card. Kumunot ang noo ko at napa-isip sandali. Bigla ay ganoon nalang ang kaba ko nang mapagtanto kung sino ba ang maaring magpadala sa akin ng bulaklak.Naupo ako sa swivel chair matapos ay hinilot ang sentido. Kasabay non ay tumunog ng telepono sa aking lamesa."Yes, Karen?" Sagot ko."It's Franco Fuent
PhotosPinarada ni Lawrence ang sasakyan nito sa tapat ng isang sikat na hotel. Binigay nito sa valet ang susi ng kaniyang kotse matapos ay inalalayan na ako papasok sa loob nito.My jaw dropped open as I wandered around the lobby. This is actually my dream hotel. Pinangarap ko noon na makapasok dito noong bata palang ako. Iba talaga kasi ang ganda at kalidad ng lugar. It was a Mediterranean inspired, from the terra-cotta roofing to the white tile floor. Hindi rin biro ang laki nito sa mismong loob."Good evening Mr. President!" The one who's wearing a uniform greeted him.Biglang lumipad ang tingin ko kay Lawrence na may pagkamangha sa mata, "This... is yours?!"He looked at me over his shoulder and smiled broadly.
Heart StrongIsang linggo na rin mula ng maging opisyal ang engagement namin ni Lawrence, very smooth ang naging relasyon namin. Nagulat man sila Mom and Dad sa narinig ay hindi rin maitatangi na masaya sila para sa amin.Sa Hotel na ako pumapasok dahil ako na ang bagong Presidente ng Collin's hotel, maaga pa naman para mag resign ay mas pinili ni Dad na magpahinga na para magkaroon sila ng quality time ni Mommy at para gugolin ang panahon kay Clarence na malapit na mag-isang taon.Sunod-sunod ang magagandang nangyayari sa buhay ko. Una na ang pag paplano namin ng kasal ni Lawrence. Simula ng engkwentro namin sa San Felipe ay hindi ko na muli pang naka-usap ang kaniyang Daddy. Marahil ay may alam na ito sa takbo ng relasyong meron kami ng Lawrence ngayon.
The ProposalBakit pag masaya ka, mabilis din binabawi? Mas masakit at mas malalim ang kirot. Kung pwede lang sa bawat pag pikit ko ay mawala ng lahat nang problema ko ay gagawin ko.Kung pwede ko lang ibalik yung mga panahon na hindi ko nalang sana siya nakilala, hindi ko nalang sana siya minahal. Pero alam kong hindi ko na maibabalik pa and dati, dahil nandito na ako nag bunga na at niyayakap ang katotohanan kahit masakit.Isa-isa na kaming bumaba ng sasakyan. Malalakas pa rin ang tawanan dahil sa di ma-ampat na kwentuhan na ang bida mismo ay si Santino.Magka-hawak kamay kami ni Lawrence na pumasok sa loob ng mansyon. Ngunit ganoon na lamang ang gulat ko ng mabungaran sa sala si Samuel na kalong si Clarence, katabi mismo nito si Elliesse sa sofa.