PAREHO kaming walang kibo ni Thana habang lulan sa aking sasakyan. Ilang beses ko pa siyang sinulyapan para sana makakuha ako ng buwelo na kausapin siyang muli. Subalit nanatiling nakatuon sa labas ang kanyang atensiyon kaya naman nag-aalangan tuloy akong magsalita.
Maya-maya lang ay tumunog ang kanyang cellphone. Kaagad niya itong sinagot at napansin kong tila mas lalong naging malungkot pa ang awra ng kanyang mukha. Kaya naman mas lalo lang akong nawalan ng pag-asang makausap siya ng masinsinan.
"Uhm, sir... dito na po ang bahay namin." Aniya na halatang bigla itong naging balisa. "Salamat na lang po sa paghatid. Babawi na lang po ako sa susunod sir." Dagdag pa niya na hindi magkandaugaga sa pagbukas ng pintuan ng aking kotse.
"Hey! Are you okay?" Nag-aalalang tanong ko matapos niyang makababa ng sasakyan.
"Okay lang ako sir." Nakayuko niyang pahayag.
"Hindi ka okay! Kan
DAHAN-dahan kong iminulat ang aking mga mata. Kapagkuwa'y nagpalinga-linga ako sa paligid. At nang mapagtanto kong nakahiga ako sa hospital bed ay pilit akong bumangon. Ngunit muli rin akong napahiga matapos kong maramdaman'g kumirot sa may bandang likuran ko. Impit akong napadaing sa sakit kaya naman hinayaan ko na lamang ang aking sarili na mahigang muli. Maya-maya ay bumukas ang pinto ng ward at iniluwa no'n sina Molly at Matthew. Muli akong bumangon ngunit, mukha yatang mas lumala ang sakit na nararamdaman ng aking likod. "Oops...mahiga ka na lang kuya. Bawal ka pang bumangon dahil sariwa pa ang sugat sa likod mo." Ani Molly nang tuluyan ng makalapit saakin. "Daddy ko!" Tumatakbong lumapit sa'kin si Matthew."Miss na miss na kita daddy. Akala ko po mamamatay ka na kasi po hindi ka na sumasagot no'ng tinatawag kita. Tapos po nakit
HALOS isang oras na akong nagmamaneho subalit hindi ko pa rin natatagpuan sina Juliet at ang aking anak. Malapit na rin'g dumilim kaya mas lalo lang akong mahihirapan'g maghanap.Tinawagan ko si Margaret upang alamin kung may update na ba'ng ibinigay sa kanya ang mga pulis ngunit wala rin akong mabuting napala. Muli kong tinawagan si Molly ngunit panay ring lang ng cellphone nito. I also tried to call Iñigo but just like Molly, hindi rin siya sumasagot.Kaya't naiinis na ibinalibag ko sa upuan ang aking cellphone.Maya-maya ay tumunog ito ngunit hindi naman nakarehistro ang numero ng tumatawag kaya't tinitigan ko lang ito habang patuloy na tumutunog.Kalauna'y nagsawa rin ang caller kaya't ipinagpatuloy ko na ang pagmamaneho. Itinuon ko na lang sa unahan ang aking paningin ngunit muli na naman'g tumunog ang aking cellphone. At sa pagkakata
"ARE you out of your mind kuya?" Nanggagalaiting singhal saakin ni Molly matapos kong sabihin sa kanya na ini-urong ko na ang aking demanda laban kay Juliet."Alam mo, ikaw 'tong gumagawa ng paraan eh para sa ikakapahamak ng pamilya mo!" Giit pa niya."Huminahon ka nga! Molly, naging biktima lang tayo, pero hindi tayo masamang tao. May malinis pa rin naman tayo'ng konsensiya di'ba?""Hindi 'yan ang ipinupunto ko kuya! Wise na tao si Juliet, at wala akong tiwala sa taong 'yon. Nagawa ka nga niyang lokohin sa unang pagkakataon, malamang hindi na rin siya mangingiming ulitin pa 'yon." Patuloy na panggagalaiti ng aking kapatid."May sakit siya, marahil ay hindi niya na pagtutuonan ng oras at panahon ang paghihiganti saakin.""Hindi tayo nakakasiguro. Paano kung gamitin niya ang
KINABUKASAN ay maaga kong pinuntahan ang ina ni Juliet. Pagdating ko roon ay kakagising lamang nito kaya't natagalan pa ang paghihintay ko sa kanya."Naku, pasensiya ka na iho. Hindi ko kasi alam na masyado mo pa 'lang aagahan ang pagpunta rito." Hinging paumanhin ng ginang."Okay lang po 'yon. Maghihintay na lang po ako rito sa sala.""Maiwan na kita huh! Tatapusin ko lang ang niluluto ko sa kusina. Siya nga pala, nag-almusal ka na ba?""Opo." Tipid kong sagot.Iniwan na nga ako nito kaya't muli komg inabala ang sarili ko sa pagmamasid sa mga antigo niyang kagamitan.Nakaagaw ng pansin ko ang isang flower vase na may nakaukit na pangalan ni Juliet. Nilapitan ko iyon at pinakatitigan kong maigi."Siguro ay pamana ito ng mga lolo't lola ni Juliet para sa kanya." Wala sa sariling naisatinig ko."Tama ka! Regalo 'yan kay Juliet ng yumao niyang lola no'ng i
ALAS tres na ng madaling araw ay hindi pa rin ako magawang dalawin ng antok kaya naman naiinis na bumangon ako.Binuksan ko ang aking laptop at Sinearch ko ang ibang personal information patungkol kay Juliet.Hindi ko maintindihan ang aking sarili kung bakit ko nga ba ginagawa ito.Hanggang sa kusa na lamang na kumilos ang aking mga daliri. Hindi ko namalayan na tina-type ko na pala ang pangalan ng kanyang ina.Hinanap ko pa ang pangalan nito at kaagad ko naman'g nakita. Inalam ko kung saan nga ba ito nakatira.Hindi ko namalayan ang oras.Hindi na pala ulit ako nakatulog. Tirik na tirik na ang araw sa labas nang sinubukan kong sumilip sa bintana ng aking silid. Kaya naman, nagmamadaling tinungo ko na ang banyo at mabilis akong naligo.Kapagkuwa'y isinulat ko ang address ng ina ni Juliet at pagkatapos ay para akong baliw na hindi magkandaugaga sa paghahanap no
KINABUKASAN ay nagising ako na yakap ko pa rin ang larawan namin ni Thana."Good morning daddy!" masiglang bati saakin ng aking anak."Good morning din baby! How's your sleep?""Okay na okay po daddy! Maaga po akong pinatulog ni yaya kaya mahaba po ang oras na itinulog ko.""Wow, that's nice. Halika na, ipagluluto kita ng almusal para maaga kang makapasok sa school.""Yehey! Thanks daddy!"Magkapanabay kami'ng bumaba at dali-dali akong nagluto. Maya-maya pa ay hinatid ko na sila sa school. Binilinan ko rin si Margaret na hintayin ako mamaya dahil ako na rin ang susundo sa kanila."Bye daddy!"Pahabol na sigaw ni Matthew."Bye! Galingan mo ah!" Nakangiting tumango naman ito at sinabayan pa ng pagkaway.Dumiretso na ako sa aking kompanya matapos kong ihatid sina Matthew. Nakakatuwa lang na ang mga dating empleyado ni Juliet ay m