Share

Chapter Sixty-Nine

A U T U M N

Pagkatapos ng lahat ng nasabi, tila may bara pa rin sa lalamunan ko. Ang dahilan kung bakit tinutulungan ni Ellie si Rosie ay dahil nagkamali siya ng akala tungkol sa amin Nick at dahil na rin kay Ashton. Tumulong si Demetrius na sa parehong kadahilanan kagaya ni Ellie ay gustong gumanti sa nangyari kay Nick na natanggal sa team at nawalan ng pagkakataon sa scholarship. Sa kabilang banda, tumulong si Tyler kasi kailangan niya ng resources ni Rosie para makapaghiganti sa tatay niya. Si Shanelle naman, dahil iyon sa nangako si Rosie na ibibigay sa kanya ang lahat ng impormasyon na hawak nito tungkol sa half-brother niyang si Tyler.

Hindi ko maiwasang isipin na ang lahat ng ito ay nangyari dahil sa akin. Dahil tinulungan ko si Nick na naging dahilan ng hindi pagkakaintindihan. Kung hindi nangyari ang ‘di pagkakaintindihan na ito, sana hindi nangyari ang lahat ng ito. Wala sanang dahilan si Rosie at Ellie para gawin ang lahat ng ito.

Locked Chapter
Continue to read this book on the APP

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status