Share

CHAPTER 3

HILLARY'S POV

Isang linggo na ang nakalipas mula nang pumayag ako sa alok ni Juanito. At isang linggo na rin akong puyat dahil gusto ko maging hands on sa paghahanda ng kasal namin.

Mula sa cake tasting, gowns, foods, venue and reception. Lahat ng iyon ay pinagka-abalahan ko sa tulong na rin ng wedding organizers na kinuha ni Uan. 

Oo ako lang, habang 'yong magaling kong magiging asawa ay hindi mahagi-hagilap kahit ang anino nito.

Ito ba ang parusa niya sa akin?

Magpapakasal siya pero wala naman siyang pakialam? Sasaktan niya ako emotionally kasi alam niyang mahal ko pa siya.

Iyon ba 'yon?

Well, I'm sorry Mr. Fernandez. I won't give up lalo na kung puso mo ang premyo ng paghihirap na 'to.

"Ma'am, okay na po ba itong red velvet cake?" The staff asked me kaya nabalik sa realidad ang utak ko.

Nandito ako ngayon sa isang sikat na pasty shop para sa cake tasting since wala akong nagustuhan sa mga in-offer ng mga wedding organizer namin. Tumango na lang ako sa babae at sinabing approve na ang cake.

Masarap and favorite 'yon ni Uan. Simula noong nililigawan niya pa lang ako, ganoon na ang palagi naming kinakain sa bake shop ni Ms. Kitty. 

Sayang nga at sarado na ngayon ang pastry shop nila. Ang balita ko'y nakapag-asawa ito ng Amerikano at napagpasyahang manirahan sa Amerika.

"Noted Ma'am. Thank you po for trusting us," ani nito.

Ngumiti lang ako at nag pasalamat din. Nag martya ako papunta sa pintuan at paalis na sana ng pastry shop nang may mahagip ang mga mata. Pamilyar sa akin ang likod ng lalaking naka-upo habang may kasamang babae sa isang restaurant na hindi kalayuan sa kung saan ako nakatayo. 

Hindi ko sila masyadong makita nang maayos kaya tuluyan na akong lumabas ng shop at pinagmasdan ang na sa loob ng restaurant. Para naman akong nanlumo nang masigurado ang hinala. 

It was Juanito with his attitude secretary, eating and laughing na para bang magkasintahang may pinag-uusapang nakakatawa. 

Naks, normal pa bang kumain sa labas ang isang boss at employee?! 

Huminga ako nang malalim at kinalma ang sarili. Susugod ba ako? Ano naman ang gagawin ko kung na sa harapan na nila ako? Magmumukha lang akong tanga. 

Ang sakit lang talaga pero walang magawa, pvta.

Nasa kalagitnaan ako nang pag-iisip nang biglang may tumapik sa balikat ko. 

"What the hell, Dave?!" Hindi ko na napigilang mapasigaw sa gulat. 

"Hindi nga ako nagkamali. Sabi ko na nga ba ikaw 'yan eh. By the way good afternoon, my Lary... long time no see," mababa ang boses nitong wika at kumindat pa ang loko.

Agad ko naman siyang niyakap nang mahigpit. Bukod sa na miss ko itong kaibigan ko, mukhang kailangan ko ng masasandalan ngayon.

Pisting buhay talaga.

"Hey, hindi ako makahinga. Chill ka lang, puwede?" He laughs kaya natawa na rin ako bago siya pinakawalan mula sa yakap. 

We are friends, nagkita kami sa isang fashion show sa France last year. He is also a well-paid model and an endorser.

"There is something bothering you. Am I right?" 

Umiling na lang ako at ngumiti. Bumitaw ako sa pagkakahawak sa kaniya bago ito binalingan ng titig. Ang gwapo naman talaga nitong nilalang na ito pero mas gwapo pa rin 'yong isa d'yan.

"Alam kong gwapo ako, oo na," siga nitong pagmamayabang. I rolled my eyes kaya natawa na lang kaming pareho.

"Kain tayo?"

Paanyaya nito sabay ang ideyang pumasok sa utak ko. Kung hindi pa nga kami kasal, namba-babae na siya, aba dapat ako rin! 

Tignan lang natin. 

"D'yan nalang tayo sa restaurant na 'yan. Let's go, Dave." 

Hinila ko siya papasok sa loob ng italian restaurant and I confidently walk towards the vacant table and sat there. Doon talaga sa hindi kalayuan kung nasaan yung higad at yung boss niyang ubod ng sarap.

"Gutom na gutom ka na ba ha? Kung makahila eh." Parang batang hinawakan ni Dave ang kanyang pulsuhan na hinawakan ko kanina. Parang tanga eh ang hina lang no'ng paghila ko.

"Ang oa mo naman. Kaya ka hindi nag ka-kajowa eh!" Natatawa kong asar dito.

"Hindi ka sure d'yan. Baka malula ka sa dami ng mga pumipila para maging jowa ako, Lary," mayabang nitong bawi na kinatawa nalang naming dalawa.

I'm not sure kung napalakas ba ang tawanan namin to the point that I could sense some eyes that staring and observing us.

Nilingon ko ang lamesa kung na saan kumakain sina Juanito at na kompermang nakatingin nga ito sa amin- sa akin to be exact.

Napakaseryoso ng mukha nito habang nanlilisik ang mga mata. Pvta, siya pa ang may ganang magalit eh gumanti lang naman ako!

Nag-iwas nalang ako ng tingin at hindi na siya pinansin pa pati ang higad niyang kanina pa nagsasalita ng walang kwenta as if naman nakikinig sa kanya si Uan.

"Waiter..."

Inorder ko lahat ng  nakita kong mukhang masarap sa menu dahil alam ko namang si Dave ang magbabayad. Sa sobrang dami, parang ayaw na umorder ng kaibigan ko pero nang tarayan ko siya ay napailing nalang at natawa.

After a minute, our foods arrived at agad naman akong kumain. Ghad mapapalaban ako ng work-out pagkatapos nito. Hindi naman pu-puwede at makatarungan na mukha akong balyena sa araw ng kasal ko. 

"Silly, slow down. Ang dumi mo kumain kahit kailan talaga," malambing ang tonong paninirmon ni Dave. 

Gan'yan talaga ang boses niya, parang nanghaharot na ewan. Kaya nga madaming na fa-fall dito eh kasi lakas maka assume, except lang sa akin s'yempre.

Sanay na ako sa kaniya.

"Let me wipe it for you."

Hindi na ako naka-angal pa nang tumayo na ito at pinunasan ng puting tela ang gilid ng labi ko. Ngunit bago pa man maka react ay may malapad na kamay ang tumapik sa kamay ni Dave. 

Napunta sa lalaking na sa kanan ko ang atensyon naming dalawa. He's two thick brows met and he looks annoyed too.

"No one have the right to lay their fingers to my fiancé. Don't you dare, man. Hindi ka santo para kaawaan kita," matigas na pananalita nitong pagbabanta bago ako hinila palabas ng restaurant.

What the hell, Juanito Gabriel!

-

"Sakay," madiing wika na utos nito.

Wala na akong nagawa at tuluyan na lang na sumakay sa kotse. Nanginginig ako sa hindi ko malamang dahilan. 

Dahil ba sa pagtawag nito sa aking fiancé niya o dahil sa galit nitong mukha? Hindi ko rin talaga alam.

"Shit shit shit!"

Halos mapatalon ako sa gulat nang hinampas-hampas nito ang manobela nang tuluyan itong maka-upo sa driver's seat. Pinaharurot niya ang sasakyan at wala ni isa sa amin ang nagsalita as silence won.

"Paano yung sekretarya mo? Iniwan mo lang," wala sa sariling tanong ko. 

"Don't act as if may pakialam ka kay Venus." 

So, Venus pala ang pangalan ng babaeng 'yon. Infairness bagay naman sa kanya kasama ang ka lahi niyang aliens. Total kamukha niya ang mga 'yon.

Nabawasan ang bigat na nararamdaman ko dahil sa kalokohan at mahinang natawa.

"Gusto mo ba siya? Kaya ba ayaw mo siyang tanggalin bilang sekretarya, ganoon ba?"

Naninikip na naman ang puso ko dahil sa sariling tanong. Hindi naman ito sumagot at nagpatuloy lang sa pagmananeho sa kung saan mang lumalop ng Manila ang rota. Putik, bakit ko pa kasi tinanong e halata naman na ang sagot. 

Kung gusto niya pala ang sekretarya niya, sana pala siya nalang niyaya nitong pakasalan at gantihan. 

Tsk.

Ang hindi ko lang din maintindihan ay kung bakit parang galit na galit ito nang makita niya akong kasama si Dave. At 'yong pinagsasabi niya. 

Mukhang may pag-asa pa naman ako, kaya hindi pu-pwedeng sumuko.

"Baba." 

Napalingon ako rito bago binalingan ng pansin ang labas ng bintana.

Huminto ang sasakyan sa harap ng tailoring na pinapatahian namin para sa mga damit for our wedding. Nagtatakang nilingon ko si Uan na seryoso pa rin ang ekspresyon ng mukha.

"Anong gagawin natin dito? Natapos ko ng ipalista lahat ng details para sa mga gown at sa ibang suit sa tulong na rin ng wedding team. It's all set, Juanito," mahinahon kong sabi ko sa kanya pero parang bingi lang ito at parang walang narinig bago bumaba ng sasakyan.

Bumaba na rin ako sa kotse niya at sinundan ito. 

"Juanit---" 

"Look Hillary. Nandito tayo kasi may sasabihin ako sa kanila about sa details na gusto ko for the wedding. Kasal ko rin naman ito kaya may karapatan naman siguro ako, hindi ba?” Inis ang mukha nitong nagpatuloy. “O baka yung lalaking singkit na mas maputi pa sa harina talaga ang gusto mong pakasalan, sabihin mo lang para hindi masayang ang lahat ng 'to."

I smiled and just nodded. At least naman pa rang pinahahalagahan niya rin itong kasal namin kahit pa-paano. Pero napawi ang sayang nararamdaman ko nang magsalita itong muli. 

He took a deep breath as if he's calming himself before he speaks. "Don't get me wrong. 'Yong kanina, ginawa ko 'yon hindi dahil mahal pa kita o nagseselos ako. For fucking sake, ilang taon na rin ang lumipas tapos mamahalin ko lang ang kagaya mo? Ang baba naman yata ng standards ko kung ganoon. Ginawa ko lang 'yon dahil hindi kita hahayaang maging masaya sa kahit na anong paraan, Hillary. Taste my fvcking revenge because you deserve this."

Bago pa tumulo ang mga luha ko, agad itong tumalikod at naglakad papasok ng tailoring. Leaving me alone with my tears.

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status