FAZER LOGINChapter 32Dahil nag-hire na si Brielle ng mga tutulong sa paglilipat nila Janella, ay hindi na sila nahirapan pa. Dalawang babae ang tumulong sa kaniya sa pag-iimpake ng kaniyang mga gamit, at dalawang lalaki naman ang tumulong sa kapatid.Habang ang assistant ni Brielle ay nanatili sa tabi ni Janella, at naghihintay sa susunod na gagawin.Nagsimula nang maghakot ang mga inukupang tutulong sa paglilipat nila. Kaya nagtungo na sila ni Janella sa sala upang doon naman magligpit. Pagtingin pa lang ni Janella sa mga naroon, napabuntonghininga siya. Sira-sira ang mga upuan, ang lamesa’y nagbabalat na at hindi sulit kung ito'y kanila pang dadalhin. Lalo na ang sirang bentilador na mukhang isang matandang naghihingalo na kapag ito'y bubuksan. “Itapon na lang siguro ‘to, dagdag kalat lang ito sa lilipatan namin.” naisambit niya. “Iyong dishwasher kaya, Ate? Kabibili mo lang nito sa isang garage sale sa kabilang eskenita ‘di ba? Tsaka mukhang bago pa naman, dalhin na natin.” Bahagyang ng
Chapter 31HINDI pa man sila tapos kumain, biglang tumunog ang selpon ni Brielle mula sa isang sekretarya ng isang opisyal ng gobyerno, na nagpapaalala na kailangan niyang dumalo sa isang pagpupulong kasama ang gobernador at ilang negosyante sa araw na iyon. “Ahm, pasensya na, kailangan ko nang umalis. Salamat pala sa masarap na hapunan at umagahan, miss Caballero.” “Busog na po ba kayo?” tanong ni Jake.Tumango si Brielle bilang tugon. Tumayo siya at naglakad palabas.Hindi na nagawang ihatid ni Janella si Brielle, bagkus, sinundan na lamang ng tingin ang likod ng lalaki habang binubuksan ang pinto hanggang tuluyan itong magsara.Nagpatuloy sa pagkain ang magkakapatid hanggang sa matapos sila. “Oo nga pala Jake ikaw na bahalang magligpit ng pinagkainan natin, ha.” “Sige po, Ate.” Tumayo at agad na kinuha ni Janella ang laptop sa kaniyang bag na nakapatong sa lamesa sa gilid ng sofa, bago umupo, at binuksan ang laptop. Naging abala siya sa pagkalikot roon, kaya hindi niya namala
Chapter 30PAGKATAPOS maligo at magpalit ng damit ni Janella, hindi pa lumalabas si Brielle Hindi siya pumasok sa kwarto para tumingin; sa halip, tumalikod siya at pumunta sa kusina para maghanda ng almusal.Dahil hindi niya alam kung ano ang gustong kainin ni Brielle, nagluto na lang siya ng poached egg, butter garlic toast bread, bacon, at sinangag na s'yang paborito ng kapatid. Nang matapos niyang maghanda, napatingin siya sa pinto ng kaniyang silid. Hindi pa rin ito lumalabas, kaya nagpasya s'yang puntahan at katukin ito. Itataas na sana niya ang kamay nang bigla iyong bumukas mula sa loob, at nakatayo sa harap niya ang lalaki. Nagtama ang kanilang mga mata.“Pasensya na, gusto sana kitang katukin para makakain ka na.” Kalmadong ngumiti si Brielle bilang tugon. Hindi na tumugon si Janella, tumalikod siya at naunang naglakad patungo sa lamesa.“Pagpasensyahan mo na, ito lang ang nakayanan ko. Ito lang din kasi ang laman ng fridge.” Napatingin si Brielle sa mga pagkaing nakah
Chapter 29Mag-aalas tres na nang magising si Brielle dahil sa init na naramdaman niya sa kaniyang bisig. Bahagya s'yang gumalaw ngunit natigilan din nang maramdaman ang bigat sa parteng iyon. Iminulat niya ang mga mata, at nakitang ang babae kanina ay nasa kabilang gilid lang ng kama ay nakahiga na sa bisig niya. Kapansin-pansin at nakasisilaw ang kanyang mga katangian kapag gising siya. Ngayon, natutulog, at nakayakap sa kanya, ang kanyang mahahaba at parang pamaypay na mga pilikmata ay nakalaylay, na nagbibigay sa kanya ng isang inosente na parang batang walang muwang.Parang bata na kailangan pa ng yakap at init ng ina kaya nakasuksok ito sa bisig niya.Sa init ng panahon, kapag ang dalawang katawan ay magkadikit, ang init ay medyo tumitindi. Sanay ang kaniyang katawan sa lamig, ngunit ang init na nanggagaling sa balat ng katabi ay may kakaibang epekto sa kaniya. Tiningnan niya ang babaeng mahimbing na natutulog, at ang kanyang pag-tap ay napalitan ng pagyakap at paghawak sa k
Chapter 28Patay ang ilaw at tanging liwanag lang na nagmumula sa sinag ng buwan ang nagsilbing liwanag sa loob ng silid ni Janella. Hindi nakasara ang pinto ng kwarto patungo sa balkonahe, at ang simoy ng hangin ng gabi ay mainit na pumapasok sa silid na nagbibigay ng maginhawang pakiramdam kay Janella. Nasanay na siya sa ganoong klima kaya kumportable siya. Walang aircon sa kaniyang kwarto, at tanging ceiling fan lang ang umiihip roon.Napalingon siya sa lalaki. Alam niyang hindi sanay ang lalaking nakahiga sa kabilang side ng kama, at naaawa siya dahil hindi maganda ang pakiramdam nito. Halos mahulog na rin ito sa kama. May harang na hotdog pillow sa pagitan nila, kaya sapat lang sa katawan nila ang espasyong hinihigaan.Kanina pa ito nakapikit magmula nang magdesisyon silang magpahinga, gayunpaman, panay ang balikwas nito tanda na hindi ito kumportable.Humarap siya sa lalaki at tinitigan ito, “Mr. Sebastian, okay ka lang po ba?” Humarap din ang lalaki, bago sumagot. “Ang init.”
Chapter 27Nahihilo man, pakiramdam ni Janella ay kulang pa ang nainom niya. Napakalinaw ng mga sensasyon; ang balat na hinalikan ng kanyang mga labi ay parang nag-iinit sa kaniyang pakiramdam na parang kuryenteng unti-unting dumadaloy sa kaniyang sistema.Hindi naman mapigilan ni Brielle ang sarili, hindi pa siya lasing pero pakiramdam niya'y sinisilaban siya lalo na nang idikit ng asawa ang labi nito sa dibdib niya. Nagsitayuan ang balahibo niya lalo na ang kaibigan sa ibaba. “Damnit! Babae, alam mo ba ang ginagawa mo?” Parang wala itong naririnig, patuloy lang ito sa ginagawa, bagay na hindi mapigilan ni Brielle ang sarili. Inilagay na njya ang palad sa likod nito at malakas itong ikinabig paharap.Hinawakan ang ulo at pinatingala ito dahilan para magtama ang kanilang mga mata.Dahil sa posisyong ito, mas madali sa kanilang dalawang halikan ang isa't isa. Mapang-akit na tumingin si Janella, saka inilapat ang labi sa labi nito na agad namang ginantihan ng banayad ngunit kalaunan







