LOGINCHAPTER 6:
SAMANTALA, nakaabang na ang drayber at assistant ni Brielle sa kaniyang paglabas sa naturang coffee shop. Atat na atat na ang dalawang malaman ang resulta ng blind date ng amo—at syempre, sa kung sino ang mananalo. Mataas ang kumpyansa ng assistant ng makitang bumukas ang pinto at lumabas mula roon ang amo. Mag-isa ito lang ito kaya napapalakpak siya “Oh, kita muna?! Nanalo ako sa pustahan natin —sabi na kasing bokya na naman si boss ngayon!” Mabilis na inilahad ng assistant ang kaniyang palad sa kasama. “Akin na ang dyes-mil mo—talo ka na eh.” “Ang malas naman!" Bagsak ang balikat na dinukot ng drayber ang kaniyang wallet sa bulsa niya, at ang kasama naman ay nakaharap sa kaniya at atat na atat makuha ang panalo nito. Ngunit nang iangat ng drayber ang ulo, nanlaki ang kaniyang mga mata nang makitang isinara ng amo ang pinto matapos lumabas ang isang babae. “Mukhang hindi pa final kung sino ang mananalo o matatalo ngayon,” may ngiting sambit niya bagay na mapakunot saka mapalingon ang kasama. Gaya ng reaksyon ng drayber kanina —ganon din ang naging ekspresyon nito. Takang-taka ang dalawa habang mariing tinititigan ang amo na ngayon naglalakad palapit na may kasamang isang babae. “What the—! Anong nangyari?” Mabilis na nagtuwid ng tayo ang assistant gano'n din ang drayber saka pilit na ngumiti sa paparating na amo at kasama nito. At saka mabilis na binuksan ang pinto. Agad namang tinungo ni Janella ang kabilang pinto ng kotse at inabot ang handle ng pinto, ngunit isang maputi at maugat na kamay ang lumapat at binuksan ang pinto bago pa niya ito magawa. Dumampi ang mga daliri nito sa likod ng kamay niya, at parang may mahinang boltahe ng kuryente ang dumaloy sa mga dulo ng daliri niya, na nagpapadala ng kakaibang init sa buong sistema niya. Nang lingunin niya ito, nakatayo si Brielle sa tabi niya na parang isang magiting na ginoo, ang isa nitong kamay ay nakapatong pa sa bubong ng kotse. Hilaw na nginitian ni Janella ang lalaki bago marahang umupo sa loob ng sasakyan. “Salamat.” Hindi umimik ang lalaki, sa halip ay isinara nito ang pinto at mabilis na umikot papunta sa kabilang side ng kotse. Nasaksihan ng assistant ang lahat ng ito at nanatiling nakatayo sa kanyang kinatatayuan, na parang gulat na gulat. Nasa tabi siya ng amo sa loob ng maraming taon, at ito ang unang pagkakataon na nakita niyang binuksan ng amo ang pinto ng kotse para sa ibang tao. And worst, sa isang estrangherang babae pa. Dati, kahit anong okasyon ang puntahan nito palaging may ibang taong nagbubukas ng pinto ng kotse para sa kanya. Subalit, ngayon ay kusa nitong pinagbuksan ang babaeng kasama. Tiningnan muli ng assistant ang babaeng nasa loob, na napuno ng paggalang ngunit halata ang kuryusidad ang kanyang mga titig. Kumibit-balikat na lamang ito at lumipat sa unahang pinto at binuksan iyon. “Sir, saan po tayo?” tanong ng driver. “Sa Civil Registrar Office,” sagot ni Brielle rito. Akmang papasok na sana ang assistant, ngunit nadulas ang kanyang paa, at nauntog ang kanyang ulo sa bubong sa gulat pagkarinig sa sinabi ng amo. Halos nakakita siya ng mga bituin sa nangyari. Nasapo niya ang ulo at kunot-noong napatingin sa amo. “R-Registrar Oficce, B-Boss? Bakit po kayo pupuntang Registrar Office? Akala ko…?” “None of your business. Hindi ko kailangang ipaalam kung kailan at kung saan ko gustong pumunta ngayon.” Napatango na lang ito saka tinikom ang bibig na naupo sa front seat. Makahulugan namang natawa at nailing ang drayber habang tinitingnan ang katabi na ngayon ay himas-himas ang parte ng nauntog sa ulo. Bago tuluyang binuhay at pinaharurot ang sasakyan. Habang paalis sila sa naturang coffee shop, pamilyar kay Janella ang babaeng makakasalubong nila. Si Diana iyon, suot nito ang isang simple ngunit halatang mamahaling white dress, mataas na heels, at magandang makeup. Bahagya pa nitong hinawi ang halatang bagong rebound na buhok papunta sa likod ng tainga. Saka malalim na bumuntonghininga. Napalingon pa si Janella bagay na sundan ito ng tingin ng katabi. “Do you know her?” Mabilis s'yang lumingon rito saka umiling. “No.” Marahan naman itong tumango bago dumeretso ng tingin sa kalsada at hindi na muling umimik pa. “I'm sorry, Diane, walang Brielle Sebastian, ang haharap sa iyo ngayon.” Isang makahulugang ngiti ang pinakawalan niya bago tuluyang itinuon ang paningin sa labas ng bintana.Sa sala ng villa, nakikipagnegosasyon si Jake sa apat na lalaking binayaran para bantayan sila ni Blythe.Sa madaling salita, sinusubukan niyang suhulan ang mga ito.Buong kumpiyansa niyang itinaas ang kaniyang baba. “Magkano ang ibinayad sa inyo ng bayaw ko para bantayan kami ng munting prinsesa? Dodoblehin ko! Basta huwag ninyo kaming isumbong sa kaniya.”Walang emosyong sumagot ang isa sa mga lalaki. “sampong libong piso.”Napatigil si Jake.Sa sampung pisong laman ng bulsa niya, biglang nawala ang yabang niya.“Ah… ganoon ba?”Napatingin sa kaniya si Blythe. “Ano pang hinihintay mo? Ilabas mo ang dalawang daang libo!”Dahan-dahang nilingon ni Jake ang apat na lalaki.“Puwede bang perang pang-abuloy na lang sa patay?”Kumunot ang noo ng isa sa mga lalaki. “Kung may pera ka para sa yumao naming lola sa tuhod, tatanggapin namin. Sampung taon na siyang patay.”“Ah… ganoon ba?” Napalunok si Jake.“Baliw ka ba?” singhal ni Blythe.“Makinig ka, basta pera ang kailangan, may paraan akong
Hindi naglaun, unti unti nang lumulubog ang araw sa kanluran, natanglawan ng ginintuang liwanag ang harding ilang oras pa lamang ang nakalilipas ay halos walang laman.Ngayon, napalilibutan na ito ng mga bulaklak na kanina lamang ay inilipat roon. Maayos na nakahanay ang mga ito sa magkabilang gilid ng daanan, habang ang ilan ay nakatanim sa malalaking paso sa ilalim ng mga punong nagbibigay-lilim sa hardin.Sa gitna ng lahat, nakatayo si Brielle habang hawak ang isang maliit na pandilig. May mga mantsa ng lupa ang kaniyang puting polo, at bahagyang nagulo ang buhok dahil sa maghapong pagtatanim. Halata rin sa mukha niya ang pagod, ngunit hindi iyon naging hadlang upang mapangiti siya habang pinagmamasdan ang mga bulaklak na sarili niyang itinanim.Lumingon siya kay Janella, na tahimik na nakatayo ilang hakbang ang layo.“Mrs. Sebastian, ano'ng masasabi mo sa mga itinanim ko?”Muling sinuri ng babae ang hardin bago ibinalik ang tingin sa asawa.“Mga bulaklak.”Natigilan si Brielle, un
---Sa hardin, patuloy na naghuhukay si Brielle sa ilalim ng tirik na araw.Samantala, nakatayo si Janella sa lilim ng puno habang pinagmamasdan ang asawa.Ilang minuto na niyang pinapanood ang lalaki. Sa tuwing yumuyuko ito upang maghukay, nakikita niya ang mga ugat ng braso nito sa ilalim ng nakatiklop na manggas. Kapag inaayos naman nito ang mga punla, maingat ang bawat kilos, na para bang may hawak itong isang bagay na napakahalaga.Hindi niya namalayang napapangiti na siya.Maya-maya, humingi siya ng payong sa katulong at lumapit kay Brielle.Nang tumapat ang anino niya sa ulo ng lalaki, tumingala ito."Ano'ng ginagawa mo rito? Hindi ba't sinabi kong manatili ka sa lilim?"Inangat ni Janella ang payong."Sinusuri ko lang kung ginto ba ang pala mo."Napatingin si Brielle sa hawak niyang kagamitan."Gusto mo bang tingnan?"Iniangat niya ang pala na para bang isa itong mamahaling bagay na ipinagmamalaki sa isang eksibisyon.Natawa si Janella."Oo naman. Baka sakaling may nakatagong
Pagkatapos ng tanghalian, dumating sa mansiyon ang isang malaking kahon na naglalaman ng mga imported red lilies at hydrange na espesyal na ipinabili ni Brielle mula sa ibang bansa.Maingat na ibinaba ng mga tauhan ang mga kahon mula sa sasakyan. Sa loob ng mga iyon ay nakabalot ang mga punla at tangkay ng hydrangea, na sadyang pinili ni Brielle para sa hardin ng mansiyon.Hindi naman kailangang personal niyang asikasuhin ang pagtatanim. May mga hardinero silang nakatalaga sa pag-aalaga ng buong bakuran, at sapat na ang isang utos niya upang matapos ang lahat.Pero sa pagkakataong ito, may sarili siyang plano. Gusto niyang siya mismo ang magtanim ng mga bulaklak.Ang mga red lillies ay madalas iugnay sa matinding pag-ibig, paghanga, at pagnanasa. Sa ilang pagkakataon, sumasagisag din ang mga ito sa kagandahan at marubdob na damdamin.At iyon mismo ang nais ipahiwatig ni Brielle, kahit hindi pa niya kayang sabihin nang direkta sa asawa.Nang marinig ni Janella na pumunta ang lalaki sa
Napangiti si Jake."Opo! Kaya nga masakit na masakit—""Kung ganoon, bakit may pulang tinta sa puwitan mo?"Nawala ang ngiti ni Jake.Saglit siyang hindi kumurap.Pagkatapos ay dahan-dahan niyang ibinaba ang tingin sa sarili.May malaking pulang mantsa sa likod ng pantalon niya.Eksaktong kung saan niya ipinahid ang tinta kanina.“Patay.”Subalit huli na. Sa sobrang taranta, bigla niyang pinagkrus ang mga binti at umusog sa upuan. Ngunit huli na ang lahat. Nakita na ni Brielle ang lahat, pati ang pekeng dugong ipinagmamalaki nila kanina."Kung hindi mo sinabi na sugatan ang tuhod mo," dagdag ni Brielle, "iisipin kong may regla ka. Wala naman sigurong lalaking nireregla ‘di ba?"Napahawak si Janella sa bibig upang pigilan ang tawa.Namula naman ang mukha ni Jake hanggang leeg."Kuya! Hindi mo naman kailangang ipagsigawan ‘yon.” "Kung ayaw mong mapahiya, huwag kang gumawa ng kalokohan."Napakagat-labi si Jake. Gusto niyang sumagot, pero nang makita niya ang ekspresyon ni Brielle, nilun
Saglit na natigilan ang lalaki.Pagkatapos ay tumalikod siya at naglakad patungo sa hapag-kainan na para bang wala siyang narinig."Ang mabuti pa, kumain na lang tayo. Baka lumamig ang pagkain. Masama pa namang paghintayin ang grasya."Napakurap si Janella."Hoy! Huwag ka ngang change topic!"Hindi lumingon si Brielle."Halina kayo. Mainit pa ang sabaw. Sayang naman kung hindi natin makakain."Napatitig si Janella sa likod ng asawa.Bigla niyang naalala ang usapan nila nong isang gabi.“Bakit parang ang husay mo nang humalik ngayon?” “Natuto lang ako nang mag-isa.” naging sagot nito sa tanong niya.Dahan-dahang napunta ang tingin ni Janella sa labi ng lalaki.Pagkatapos ay napakagat siya. “Talaga bang nag-aral lang siya nang mag-isa?” tanong ng kaniyang isipan. Sa hapag-kainan, magkatapat na nakaupo sina Janella at Brielle. Habang kumukuha ng ulam ang lalaki, hindi maiwasang sumulyap ng babae sa labi nito.Namumula pa rin ang mga iyon.Napakurap siya at mabilis na ibinaba ang tingi
CHAPTER 14 “SHIT—” nagising si Janella, magkahalong kaba at gulat ang nararamdaman niya. Hindi siya makapaniwalang ang lalaking napanaginipan niya ay naging si Brielle. “Shit, bakit naman siya ang napanaginipan ko?” naibulong niya habang iniiling ang ulo. Siguro dahil iniisip niya ang lala
CHAPTER 7: SAMANTALA, humugot ng isang malalim na buntonghininga si Diane, kinakabahan siya ngunit pinilit nyang pakalmahin ang sarili. Hinalukay niya ang kaniyang bag at kinuha ang isang makeup mirror para ayusin ang kaniyang makeup at buhok. Nandito siya ngayon para sa labas ng coffee shop par
Chapter 5SAMANTALA, marahang itinulak ni Janella pabukas ang pinto ng naturang coffee shop. Hindi agad siya nakapasok kanina dahil may tinawagan siya.Kasabay niyon ay pagpasok ng simoy ng hangin sa loob, kinakalaskas nito ang mga pahina ng mga libro sa mesa, na lumikha ng malakas at malinaw na tu
Chapter 4KASALUKUYAN ngayong nakaupo si Brielle sa table 6. Pumapasok mula sa bintana ang sikat ng araw at tumamatama iyon sa kaniyang mukha na lalong nagbigay liwanag sa guwapo at matingkad niyang mukha. Suot niya ang puting kamiseta at itim na suit, tuwid siyang nakaupo habang nakasandal ang lik







