author-banner
Xielyne J.
Xielyne J.
Author

Romane von Xielyne J.

THE BILLIONAIRE I SLEPT WITH IS NOW OBSESSED WITH ME

THE BILLIONAIRE I SLEPT WITH IS NOW OBSESSED WITH ME

Third-Person POVBillionaireHidden IdentityFlash MarriageLove after MarriageBlind DateGirl PowerIndependent
Isang gabing hindi inaasahan ang tuluyang nagbago sa buhay ni Janella Caballero. Mula noon, pinili niyang bumangon at baguhin ang sarili—hindi para sa kahit sino, kundi para sa sarili niyang kapayapaan. Ngunit sa kaniyang pagbabalik, may isang lalaking hindi siya kailanman nakalimot… isang lalaking handang guluhin muli ang mundong pilit niyang inayos. Sa gitna ng muling pagkikita, muling iigting ang damdaming pilit nilang ikinubli. Pero paano kung may mga taong handang sirain ang anumang meron sila? Kakayanin ba nilang ipaglaban ang isa’t isa, kung sa simula pa lang ay nabuo ang lahat sa isang kasinungalingan? At sa bawat hakbang palapit sa katotohanan, unti-unting mabubunyag ang mga lihim ng nakaraan—mga lihim na maaaring maglapit… o tuluyang magwasak sa kanila. Hanggang saan ang kaya nilang ipaglaban… kung ang katotohanan mismo ang susubok sa kanilang dalawa?
Lesen
Chapter: Chapter 196
Sa sala ng villa, nakikipagnegosasyon si Jake sa apat na lalaking binayaran para bantayan sila ni Blythe.Sa madaling salita, sinusubukan niyang suhulan ang mga ito.Buong kumpiyansa niyang itinaas ang kaniyang baba. “Magkano ang ibinayad sa inyo ng bayaw ko para bantayan kami ng munting prinsesa? Dodoblehin ko! Basta huwag ninyo kaming isumbong sa kaniya.”Walang emosyong sumagot ang isa sa mga lalaki. “sampong libong piso.”Napatigil si Jake.Sa sampung pisong laman ng bulsa niya, biglang nawala ang yabang niya.“Ah… ganoon ba?”Napatingin sa kaniya si Blythe. “Ano pang hinihintay mo? Ilabas mo ang dalawang daang libo!”Dahan-dahang nilingon ni Jake ang apat na lalaki.“Puwede bang perang pang-abuloy na lang sa patay?”Kumunot ang noo ng isa sa mga lalaki. “Kung may pera ka para sa yumao naming lola sa tuhod, tatanggapin namin. Sampung taon na siyang patay.”“Ah… ganoon ba?” Napalunok si Jake.“Baliw ka ba?” singhal ni Blythe.“Makinig ka, basta pera ang kailangan, may paraan akong
Zuletzt aktualisiert: 2026-10-16
Chapter: Chapter 195
Hindi naglaun, unti unti nang lumulubog ang araw sa kanluran, natanglawan ng ginintuang liwanag ang harding ilang oras pa lamang ang nakalilipas ay halos walang laman.Ngayon, napalilibutan na ito ng mga bulaklak na kanina lamang ay inilipat roon. Maayos na nakahanay ang mga ito sa magkabilang gilid ng daanan, habang ang ilan ay nakatanim sa malalaking paso sa ilalim ng mga punong nagbibigay-lilim sa hardin.Sa gitna ng lahat, nakatayo si Brielle habang hawak ang isang maliit na pandilig. May mga mantsa ng lupa ang kaniyang puting polo, at bahagyang nagulo ang buhok dahil sa maghapong pagtatanim. Halata rin sa mukha niya ang pagod, ngunit hindi iyon naging hadlang upang mapangiti siya habang pinagmamasdan ang mga bulaklak na sarili niyang itinanim.Lumingon siya kay Janella, na tahimik na nakatayo ilang hakbang ang layo.“Mrs. Sebastian, ano'ng masasabi mo sa mga itinanim ko?”Muling sinuri ng babae ang hardin bago ibinalik ang tingin sa asawa.“Mga bulaklak.”Natigilan si Brielle, un
Zuletzt aktualisiert: 2026-10-14
Chapter: Chapter 194
---Sa hardin, patuloy na naghuhukay si Brielle sa ilalim ng tirik na araw.Samantala, nakatayo si Janella sa lilim ng puno habang pinagmamasdan ang asawa.Ilang minuto na niyang pinapanood ang lalaki. Sa tuwing yumuyuko ito upang maghukay, nakikita niya ang mga ugat ng braso nito sa ilalim ng nakatiklop na manggas. Kapag inaayos naman nito ang mga punla, maingat ang bawat kilos, na para bang may hawak itong isang bagay na napakahalaga.Hindi niya namalayang napapangiti na siya.Maya-maya, humingi siya ng payong sa katulong at lumapit kay Brielle.Nang tumapat ang anino niya sa ulo ng lalaki, tumingala ito."Ano'ng ginagawa mo rito? Hindi ba't sinabi kong manatili ka sa lilim?"Inangat ni Janella ang payong."Sinusuri ko lang kung ginto ba ang pala mo."Napatingin si Brielle sa hawak niyang kagamitan."Gusto mo bang tingnan?"Iniangat niya ang pala na para bang isa itong mamahaling bagay na ipinagmamalaki sa isang eksibisyon.Natawa si Janella."Oo naman. Baka sakaling may nakatagong
Zuletzt aktualisiert: 2026-10-14
Chapter: Chapter 193
Pagkatapos ng tanghalian, dumating sa mansiyon ang isang malaking kahon na naglalaman ng mga imported red lilies at hydrange na espesyal na ipinabili ni Brielle mula sa ibang bansa.Maingat na ibinaba ng mga tauhan ang mga kahon mula sa sasakyan. Sa loob ng mga iyon ay nakabalot ang mga punla at tangkay ng hydrangea, na sadyang pinili ni Brielle para sa hardin ng mansiyon.Hindi naman kailangang personal niyang asikasuhin ang pagtatanim. May mga hardinero silang nakatalaga sa pag-aalaga ng buong bakuran, at sapat na ang isang utos niya upang matapos ang lahat.Pero sa pagkakataong ito, may sarili siyang plano. Gusto niyang siya mismo ang magtanim ng mga bulaklak.Ang mga red lillies ay madalas iugnay sa matinding pag-ibig, paghanga, at pagnanasa. Sa ilang pagkakataon, sumasagisag din ang mga ito sa kagandahan at marubdob na damdamin.At iyon mismo ang nais ipahiwatig ni Brielle, kahit hindi pa niya kayang sabihin nang direkta sa asawa.Nang marinig ni Janella na pumunta ang lalaki sa
Zuletzt aktualisiert: 2026-10-13
Chapter: Chapter 192
Napangiti si Jake."Opo! Kaya nga masakit na masakit—""Kung ganoon, bakit may pulang tinta sa puwitan mo?"Nawala ang ngiti ni Jake.Saglit siyang hindi kumurap.Pagkatapos ay dahan-dahan niyang ibinaba ang tingin sa sarili.May malaking pulang mantsa sa likod ng pantalon niya.Eksaktong kung saan niya ipinahid ang tinta kanina.“Patay.”Subalit huli na. Sa sobrang taranta, bigla niyang pinagkrus ang mga binti at umusog sa upuan. Ngunit huli na ang lahat. Nakita na ni Brielle ang lahat, pati ang pekeng dugong ipinagmamalaki nila kanina."Kung hindi mo sinabi na sugatan ang tuhod mo," dagdag ni Brielle, "iisipin kong may regla ka. Wala naman sigurong lalaking nireregla ‘di ba?"Napahawak si Janella sa bibig upang pigilan ang tawa.Namula naman ang mukha ni Jake hanggang leeg."Kuya! Hindi mo naman kailangang ipagsigawan ‘yon.” "Kung ayaw mong mapahiya, huwag kang gumawa ng kalokohan."Napakagat-labi si Jake. Gusto niyang sumagot, pero nang makita niya ang ekspresyon ni Brielle, nilun
Zuletzt aktualisiert: 2026-10-13
Chapter: Chapter 191
Saglit na natigilan ang lalaki.Pagkatapos ay tumalikod siya at naglakad patungo sa hapag-kainan na para bang wala siyang narinig."Ang mabuti pa, kumain na lang tayo. Baka lumamig ang pagkain. Masama pa namang paghintayin ang grasya."Napakurap si Janella."Hoy! Huwag ka ngang change topic!"Hindi lumingon si Brielle."Halina kayo. Mainit pa ang sabaw. Sayang naman kung hindi natin makakain."Napatitig si Janella sa likod ng asawa.Bigla niyang naalala ang usapan nila nong isang gabi.“Bakit parang ang husay mo nang humalik ngayon?” “Natuto lang ako nang mag-isa.” naging sagot nito sa tanong niya.Dahan-dahang napunta ang tingin ni Janella sa labi ng lalaki.Pagkatapos ay napakagat siya. “Talaga bang nag-aral lang siya nang mag-isa?” tanong ng kaniyang isipan. Sa hapag-kainan, magkatapat na nakaupo sina Janella at Brielle. Habang kumukuha ng ulam ang lalaki, hindi maiwasang sumulyap ng babae sa labi nito.Namumula pa rin ang mga iyon.Napakurap siya at mabilis na ibinaba ang tingi
Zuletzt aktualisiert: 2026-10-13
FROM STRANGER TO DADDY: THE BILLIONAIRE'S LITTLE MIRACLE

FROM STRANGER TO DADDY: THE BILLIONAIRE'S LITTLE MIRACLE

Third-Person POVDramaFast-Paced PlotBillionaireHero/HeroinGenius BabyBetrayalFace-SlappingBabywingman
Sa gabi ng kaniyang ika-18 kaarawan, gumuho ang buong mundo ni Audrey Cayetano. Sa likod ng engrandeng selebrasyon, lihim siyang nilason ng anak ng kaniyang madrasta, at ipinain sa isang planong sisira sa kaniyang pangalan. Ngunit sa pagtakas niya, hindi niya inaasahang mapupunta siya sa silid ng isang misteryosong lalaki… isang pagkakamaling magbabago sa kaniyang kapalaran magpakailanman. Kinabukasan, natuklasan niya ang mas masakit na katotohanan—ang kaniyang ama, ang taong pinaniwalaan niyang kakampi niya, ay isa palang traydor na matagal nang ninanakaw ang lahat mula sa kaniyang pamilya. Tinapon, pinahiya, at iniwan… pinili ni Audrey na mawala. Ngunit makalipas ang apat na taon, muli siyang bumalik—hindi na bilang mahina at inosenteng dalaga, kundi bilang isang babaeng handang bawiin ang lahat. Kasama ang kaniyang anak… at ang lihim na maaaring magpabagsak sa lahat ng sumira sa kaniya. Ngunit paano kung ang misteryosong lalaking minsang tumulong sa kaniya… ay ang parehong taong muli niyang makakaharap? At ang taong makakatulong sa kaniyang anak? Sa laban ng pag-ibig, kapangyarihan, paghihiganti at pag-asa—sino ang tunay na magwawagi?
Lesen
Chapter: Chapter 4
Chapter 4: FOUR YEARS LATER…. Sa loob ng isang malaking shopping mall sa City, isang napakagandang babae ang agad na nakatawag ng pansin ng lahat. Maputi ang kanyang balat na tila porselana. Mahaba at makinis ang kanyang buhok. Nakapatong sa kanyang ulo ang isang malaking pares ng sunglasses. May matangos siyang ilong at mapupulang labi. Suot niya ang isang fitted T-shirt, beige trousers, at isang pares ng flats na bumagay sa kaniyang simple ngunit eleganteng ayos. Ngunit kahit propesyonal na modelo ay kaniyang mahihigitan sa elegante niyang paglalakad. May itinutulak siyang shopping cart. Nakaupo roon ang isang maliit na batang lalaki. Suot nito ang pulang cap, basketball jersey, denim overalls, at puting sneakers, na lalong nagpatingkad sa cute at sporty nitong itsura. Bagama't natatakpan ng sumbrero ang malaking bahagi ng mukha nito, makikita pa rin ang mapupula nitong labi at guwapong panga. “Mommy, tama na po itong pinamili natin. Sobrang dami na po.” Napangiti si Audre
Zuletzt aktualisiert: 2026-07-14
Chapter: Chapter 3
Chapter 3:MATAPOS ang mainit na kumprontasyon, maghapong nagkulong sa kaniyang silid si Audrey. Umiiyak siya habang paulit-ulit na sinasabunan ang sarili. Nang magsawa ay isinubsob niya ang kaniyang ulo sa unan at doon muling Ibinuhos ang lahat. Hanggang sa hindi niya namalayang nakatulog siya sa buong hapon na pag-iyak. Maghahating gabi na nang magising si Audrey. Pakiramdam niya ay lumiliyab ang kaniya balat. Nanunuyo ang kaniyang lalamunan, kaya kahit masakit ang kaniyang buong katawan, bumangon siya upang kumuha ng tubig sa ibaba. Habang naglalakad sa pasilyo, napansin niyang bukas ang ilaw sa master bedroom Nang palapit na siya sa naturang silid, aksidente niyang narinig ang usapan ng ama at madrasta sa loob. “Mahal, hindi ka ba natatakot na malaman ni Audrey…na kasabwat tayo sa plano ni Sam? Nagsumbong sa akin ang mga katulong, sinampal at inakusahan niya si Sam kanina.” “Umabot nga sa akin ang balitang iyan. Pero hangga't hindi umaamin ang anak mo…hindi niya malalaman na
Zuletzt aktualisiert: 2026-07-14
Chapter: Chapter 2
CHAPTER 2:KINABUKASAN, napakunot-noo si Audrey ng bahagyang tumama ang sikat ng araw na tumagos mula sa maliit na siwang ng kulang asul na kurtina. Nang akma na sana siyang bumangon, naramdaman niyang may mabigat na nakadagan sa kaniyang baywang. Napadako ang kaniyang tingin doon, nanlaki ang kaniyang mga mata ng makitang kamay iyon ng isang lalaki.Nakayakap ito sa kaniya mula sa likuran. Mahimbing itong natutulog habang magkadikit ang kanilang katawan. Natuod siya sa kaniyang hinihigaan. Isa-isang bumalik sa kanyang alaala ang nangyari sa nagdaang gabi.Mahigpit s'yang napahawak sa kanyang bibig, hindi makapaniwala, at pilit pinoproseso ang mga nangyari.Makalipas ang ilang sandali, dahan-dahan niyang inalis ang braso ng lalaki sa kanyang baywang, marahang bumangon, at isa-isang pinulot ang nagkalat niyang damit saka isinuot iyon at nagmamadaling tumakas. Hindi na niya nagawang lingunin pa ang lalaki at wala siyang balak makilala ito. Nang maisara ang pinto, dahan-dahang nagmu
Zuletzt aktualisiert: 2026-07-14
Chapter: Chapter 1
Chapter 1:Sa isang luxury hotel sa BGC idinaraos ni Audrey Cayetano ang kaniya ika-18 birthday, kasama ang ilang kaibigan pati na rin ang anak ng kaniyang madrasta na si Samantha Delos Reyes o kilala bilang Sam.Noong una'y, masaya ang lahat ngunit di nagtagal ay nakaramdam ng pagkahilo si Audrey, na agad namang inalalayan ni Sam.“Oh, my gosh, what happened?” nag-aalalang tanong nito, sabay hawak sa braso niya.“Nahihilo ako.”“Nasobrahan ka siguro sa pag-inom. Hindi porket nasa tamang edad ka, eh aabuso ka na. Ang mabuti pa magpahinga ka na muna sa kuwarto sa itaas.”Tumango si Audrey, sabay pikit ng kaniyang mga mata.Ngunit ang hindi alam ni Audrey, lihim na napangiti si Sam habang siya'y inalalayan.---Sa loob ng isang executive suite sa naturang hotel, nakahandusay sa malambot na karpet si Audrey. Nakalatag ang mahaba niyang maitim na buhok na bahagyang tumatakip sa kanyang mukha.Lumapit si Sam na nakatayo sa likuran ng nakahadusay na dalaga, yumuko, at marahas na itinabi ang
Zuletzt aktualisiert: 2026-07-14
THE BILLIONAIRE'S REGRET: When His Wife Bloomed without Him

THE BILLIONAIRE'S REGRET: When His Wife Bloomed without Him

Third-Person POVFast-Paced PlotDramaActor / ActressBillionaireBetrayalSecond ChanceRegretRuthless
Tatlong taong naghintay si Criszah Montalban na mahalin ng lalaking pinakasalan niya. Si Jude De Leon, ang CEO at namamahala ng De Leon Empire. Tatlong taon siyang nanatili sa isang kasal kung saan siya lang ang lumalaban. Hanggang sa isang araw, napagod na rin siya. “Jude, kung sakali bang mawala ako balang araw, hahanapin mo ba ako?” Ngunit hindi alam ni Jude na sa pagkakataong iyon, hindi na pagmamahal ang hinihingi ni Criszah—kundi isang dahilan para manatili. At nang hindi niya iyon maibigay, pinili ni Criszah na umalis. Ngunit kapag ang babaeng minahal ka nang buong puso ay tuluyan nang bumitaw... Mababalik mo pa ba siya kapag ikaw naman ang natutong magmahal?
Lesen
Chapter: Chapter 28
Sunod-sunod ang pag-click ng mga kamera habang sinisikap ng mga reporter na makakuha ng magandang kuha sa mukha ni Criszah. Halatang naghihintay ang mga ito ng anumang reaksiyon mula sa aktres na maaari nilang gawing new trending topic sa social media.“Pasensya na po,” mahinahong saway ng isang miyembro ng production team. “Ang mga tanong lamang na may kaugnayan sa teleserye ang maaari naming sagutin sa ngayon.”Hindi naman basta nagpatalo ang mga reporter.“Kung ganoon, Miss Montalban, maaari po ba naming malaman kung ano ang pamantayan ninyo sa isang mahusay na artista? At ano ang masasabi ninyo sa pagganap ninyo bilang supporting lead. At ano naman ang masasabi n'yo sa dalawang bidang artista?”Anuman ang maging sagot ni Criszah, may posibilidad na may masaktan siyang panig.Hindi lingid sa kaniya na may kanya-kanyang tagahanga ang mga bidang artista ng teleserye. Kapag nagkamali siya ng sagot, maaari siyang kuyugin ng mga tagasuporta ng magkabilang panig.Ngunit nanatiling kalmad
Zuletzt aktualisiert: 2026-10-15
Chapter: Chapter 27
---SA KABILANG DAKU, tahimik na nakaupo sina Jude at Rena sa loob ng luxury van."Hey, ang tahimik mo naman," malambing na tawag ni Rena.Bahagyang ibinaling ng lalaki ang tingin sa kaniya."Tungkol pala sa acquisition ng Vinson Corporation, hayaan mo na akong humawak sa project na iyon. Gusto kong patunayan sa 'yo na kaya kong pamahalaan ang ganoong kalaking deal."Buong kumpiyansang nagsalita si Rena.Ngunit sa likod ng kaniyang mga salita ay may mas malalim siyang gustong ipahiwatig.Gusto niyang patunayan na hindi lamang siya isang babaeng lumaki sa marangyang buhay.Karapat-dapat siyang tumayo sa tabi ni Jude.Karapat-dapat siyang maging bahagi ng pamilya De Leon.At higit sa lahat, siya ang babaeng tunay na nababagay sa lalaki.Bahagyang itinaas ni Jude ang kaniyang mga mata.Ngunit hindi siya sumang-ayon.Hindi rin siya tumanggi.Nang makitang walang balak magsalita ang lalaki, agad na ngumiti si Rena at iniba ang usapan."Ako na muna ang bahala sa jacket mo, ha? Ipapalinis ko
Zuletzt aktualisiert: 2026-10-11
Chapter: Chapter 25
NANG makita ni Jude De Leon si Criszah, bahagyang sumilay ang pagkagulat sa mukha nito.Samantala, nakapatong ang isang kamay ni Rena Amares sa sandalan ng upuan. Mula sa kinatatayuan ni Criszah, para bang halos nakasandal na ang babae kay Jude.Ngumiti si Rena bago nagsalita sa mahinahong tinig."Ayos lang naman kung ayaw mo. Hindi ka naman namin kakainin nang buhay ni Mr. De Leon."Sa kabila ng magaan na tono ng pananalita nito, lalo lamang kinabahan ang mga miyembro ng production team.Ramdam ni Criszah ang mga matang nakatuon sa kaniya. May mga nagmamakaawang sumunod na lamang siya, may mga nag-aalala, at mayroon ding tila natutuwa sa nangyayaring eksena.Maging ang kamay ni Director Rodriguez na nakahawak sa baso ng alak ay bahagyang pinagpapawisan.Nang makitang hindi pa rin kumikilos si Criszah, napakunot ang noo ni Jeff Chui."Ano, Miss Montalban ? Bakit ka nakatayo lang riyan? We are all waiting.” Ayaw naman ni Jude na makitang nagsisilbi ng inumin si Criszah sa ibang tao.K
Zuletzt aktualisiert: 2026-10-11
Chapter: Chapter 25
---SAMANTALA, lumabas si Jude sa pribadong silid upang sagutin ang isang tawag.Nang makabalik siya, napakunot ang noo niya nang mapansing mas dumami ang mga tao sa loob.Ngumiti si Rena at agad siyang nilapitan.“Kuya Jude, ipinapakilala ko sa iyo si Director Rodriguez. Ang De Leon ang isa sa mga kumpanyang namuhunan sa proyekto niya.”Tumango si Jude bilang pagbati.“Director Rodriguez.”“Nice to meet you, Mr. De Leon,” magalang na sagot ng direktor.Pormal ang pakikitungo ni Jude. Hindi na siya nag-abala pang makipagkuwentuhan nang mahaba. Matapos bumati, ibinalik niya ang pansin sa mga taong kausap niya kanina.Hindi niya nilibot ang tingin sa buong silid.Kaya hindi niya napansin si Criszah na tahimik na nakaupo sa isang sulok.Hindi rin niya alam na nasasaksihan ng asawa ang bawat kilos niya.---Habang nagpapatuloy ang salu-salo, sunod-sunod na nag-alok ng tagay ang direktor at ang ilang producer kay RenaBagaman hindi ito sanay uminom nang marami, hindi rin nito madaling mata
Zuletzt aktualisiert: 2026-10-10
Chapter: Chapter 24
SAMANTALA, pagdating sa ikalawang palapag ng club, sinalubong si Director Rodriguez ng isang lalaking naka-suit.“Director Rodriguez, ako po ang assistant ni President Jeff Chui. Inaanyayahan po niya kayo sa private room na inukupa niya.”Napangiti ang direktor.“Salamat. Halika, sumama na kami.”Ngunit bago pa sila makalakad, may isang artistang napabulalas sa pagkagulat.“Wait– tama ba ang narinig ko?! Si President Jeff Chui po ba ng ChuiJi ang tinutukoy ninyo?”Tumango ang assistant.Agad na nagkatinginan ang ilang artista. Halatang hindi nila inaasahang magkakaroon sila ng pagkakataong makilala ang isang kilalang negosyante sa gabing iyon.Si Criszah naman ay bahagyang natigilan.Kilala niya ang pinag-uusapan nila.Kaibigan iyon ni Jude mula pa noong kabataan nila.Sa kabila ng tatlong taong pagsasama nila ng lalaki, hindi siya kailanman ipinakilala ng asawa sa mga kaibigan nito sa paraang maipagmamalaki niya bilang asawa.Ngayon, sa isang pagkakataong hindi niya inaasahan, muli n
Zuletzt aktualisiert: 2026-10-10
Chapter: Chapter 23
Napaka-natural ng pag-arte ni Criszah kaya matapos niyang bigkasin ang mga linya, halos lahat ng staff sa set ay napahinto at naparamdam ang bigat ng eksena. Pagkasigaw ng direktor ng, “Cut!” Biglang napaiyak si Kiarah. “Ate Criszah! Acting lang ‘to, hindi mo kailangang manakit nang sadya!” Tahimik naman na tumingin si Criszah sa kanya. Pagkatapos, ginaya niya ang kilos nito kanina—tinakpan ang bibig at bahagyang napangiwi. “Ay, sorry… nadala lang ako sa role.” Walang kumampi kay Kiarah. Sa totoo lang, alam ng lahat ang nangyari. Kahit pinahiya siya kanina, tiniis lang iyon ni Criszah. Kaya ngayong gumanti siya— Walang may ganang magsalita. “Criszah,” tawag ng direktor, halatang impressed, “ang ganda ng reaction mo. Ulitin natin.” Hindi nakaimik si Kiarah. Wala s'yang nagawa kundi sumunod. Nang matapos ang eksena, halata ang limang marka ng daliri sa pisngi ni Kiarah. Pagkatapos ng shooting, hindi agad makatayo si Kiarah . Tuloy-tuloy ang pagdaloy ng kaniyan
Zuletzt aktualisiert: 2026-08-17
Das könnte dir auch gefallen
His cruel ways her ambition's
His cruel ways her ambition's
Romance · Hilarityfierce
3.5K Aufrufe
A Sinful Obsession
A Sinful Obsession
Romance · Yvette Stephanie
3.5K Aufrufe
Mark Me, Mr. Lawrenceville
Mark Me, Mr. Lawrenceville
Romance · APHRODITE
3.5K Aufrufe
Accidentally His
Accidentally His
Romance · Lovely Crow
3.5K Aufrufe
The Sin of Loving You
The Sin of Loving You
Romance · Raven Sanz
3.5K Aufrufe
Entdecke und lies gute Romane kostenlos
Kostenloser Zugriff auf zahlreiche Romane in der GoodNovel-App. Lade deine Lieblingsbücher herunter und lies jederzeit und überall.
Bücher in der App kostenlos lesen
CODE SCANNEN, UM IN DER APP ZU LESEN
DMCA.com Protection Status