LOGINCHAPTER 7:
SAMANTALA, humugot ng isang malalim na buntonghininga si Diane, kinakabahan siya ngunit pinilit nyang pakalmahin ang sarili. Hinalukay niya ang kaniyang bag at kinuha ang isang makeup mirror para ayusin ang kaniyang makeup at buhok. Nandito siya ngayon para sa labas ng coffee shop para sa isang blind date kasama si Brielle Sebastian, ang kilala at makapangyarihang tao sa siyudad na matagal na niyang gustong makita at makasama sa personal. Para magkaroon ng pagkakataong maka-blind date,siya at ang kanyang ina na si Flor ay maingat na nagplano sa loob ng isang taon, nakipag-ugnayan sa maraming tao, at nakipag-ugnayan nang husto bago tuluyang makuha ang pagkakataong ito. Nagtanong na siya noon pa at nalaman niyang mahilig pala si Brielle sa mga babaeng dalisay at inosente, kaya espesyal siyang nagsuot ng puting bestida. Kailangan niyang maging maayos at kaaya-aya para kapag nakilala niya ang naturang lalaki,magustuhan siya nito sa unang pagkikita pa lamang nila. Matapos ayusin ang buhok at makeup, ngumiti si Diane nang malumanay at matamis, pagkatapos ay itinulak ang pinto ng coffee shop at pumasok sa loob. Inilibot niya ang tingin sa buong silid ngunit wala roon ang lalaki. Mangilan-ngilan lanh ang customer na naroon at pawang abala sa kani kanilang mga kausap. Dumaan ang isang waiter sa mesa at itinuwid ang numerong 6 na baluktot ang hugis at parang 9. Walang napansing kakaiba si Diane at naupo sa table number 6. Inayos ng kaniyang daliri ang kwelyo, dibdib, at baywang, inaayos ang bawat kulubot, at pagkatapos ay hinati ang hiwa sa palda para ipakita ang isang pares ng balingkinitang niyang mga binti. LUMIPAS ang oras, at kalahating oras na ang lumipas mula sa napagkasunduang oras, ngunit hindi pa rin lumilitaw ang lalaki Ang unang pananabik at pang-aasam ni Diane ay nauwi sa pagkabalisa. Inis na lamang niyang kinuha ang selpon sa bag at nag-dial ng numero. “Ma, bakit hindi pa dumarating si Brielle? Akala ko ba pupunta siya? Bakit hanggang ngayon wala pa siya?” “Baka na ipit lang sa matindind trapik, hintayin mo na lang at darating din iyon.” “Pero lagpas isang oras na akong naghihintay rito— wala pa ding Brielle Sebastian ang dumadating.” Maktol pa niya na ikinabuntonghininga ng ina sa kabilang linya. “Anak, alam mo namang hindi basta-basta ang lalaking katatagpuin mo ngayon. Kaya kung mahuli man siya, isang prebilehiyo pa rin iyon para sa iyo.” Sandaling napaisip si Diane, baka nga na traffic lang ito. Kaya hihintayin na lamang niya ito sa abot ng kaniyang makakaya. Hindi basta-basta ang lalaking katagpo kaya handa siyang maghintay kahit gaano pa ito katagal. “Okay . . . Maghihintay na lang ako.” ………… SA KABILANG DAKU, sina Janella at Brielle ay nakatayo sa harap ng mayor na magkakasal sa kanila. “Ganiyan lang ba ang isusuot ng bride mo, Brielle? Pabihisan mo naman iyan para magmukhang kasal talaga ang gagawin natin,” suhistyon pa nito. Napatingin si Janella sa kaniyang suot at nahihiyang inayos iyon bago nagpalipat-lipat nang tingin sa mga taong naroon. Kinuha nilang witness ang drayber at assistant pati ang vice mayor na kilala din ng lalaki. Tumango pa ang mga ito na tila sang ayon sa suhistyon ng mayor. “May extra kaming wedding gown rito, and I hope na kasya iyon sa bride mo,” dagdag pa nito. Suminyas ito sa sekretarya na agad namang sumunod at iginiya si Janella sa isang silid. “Sumunod na lang po kayo, Ma'am.” Pumasok si Janella sa fitting area na naroon, at nadatnan niyang sira ang pinto at hindi maisara nang mahigpit, kaya may puwang na naiwang kapag ito ay isinara. Sinubukan niya nang dalawang beses, ngunit hindi niya maisara nang maayos ang pinto. May mga taong paroo't parito, at paminsan-minsan ay may mga lalaking dumadaan. Lingid sa kaalaman ni Janella, nakita pala ni Brielle ang sitwasyon. Tahimik kasi itong sumunod upang siguraduhing hindi ito tatakbo. Naglakad ito palapit, at tumayo sa harap ng pinto, ang kanyang matangkad at kahanga-hangang pigura ay nakaharang sa puwang. Nakatayo si Janella sa loob ng pinto at nakarinig ng isang malalim at magnetikong boses mula sa labas, “I'm here.” Nawala ang kanyang pag-aalala, at nagsimula siyang maghubad. Binuksan niya ang zipper, at lumikha iyon ng bahagyang tunog ng pagkapunit; kumiskis ang tela sa balat, na lumikha ng tunog ng kaluskos at hinubad ang palda at isinabit sa kawit sa likod ng pinto, na lumikha ng tunog ng pagkiskis. Ang maliliit na tunog na ito ay nakarating sa pandinig ng lalaki Tiningnan niya ang nakasisilaw na sikat ng araw sa labas ng pinto at biglang naramdaman na medyo mainit ang panahon ngayon. Lumabas si Janella pagkatapos niyang magpalit ng damit. “I'm done.” Lumingon si Brielle para tingnan siya, ang tingin nito ay bumaba sa katawan niya mula sa balikat niya. Pakiramdam niya tuloy ay matutunaw siya sa paraan ng pagtitig nito. “Good. Tara na, bumalik na tayo para matapos na ito.” Bumalik silang dalawa at ngayon ay nagsimula na ang seremonya. Ilang minuto rin ang nagtagal bago isinara ng mayor ang hawak na bible. “You may now kiss your bride.” Sabay silang napatingin sa mayor, nanlalaki ang mga mata sa gulat. Ngumiti ito saka sumenyas pa na halikan siya ng lalaki. “Kasal n'yo ‘di ba? Natural na hahalikan mo siya.” Pinandilatan iyon ni Brielle ngunit kalaunan'y bumalik ang tingin sa kaniya. Hinawakan nito ang kaniyang ulo at dahan-dahang inilapit ang labi sa kaniyang noo at hinalikan iyon. Nagulat pa siya ngunit tipid na lamang na ngumiti upang hindi makagawa ng ikakapahamak nila pareho. “Mabuhay ang bagong kasal!” sigaw ng drayber sa kanilang likuran dahilan para mapatingin ang lahat rito pati na ang lalaki. “Mabuhay ang bagong kasal,” unti-unting humina at kalaunan'y natahimik ito dahil tinapunan ng matalim na titig ni Brielle. Bahagya pang nahiya si Janella ngunit wala na siyang magagawa, kasal na siya sa lalaking bago pa lamang niya nakilala. Bigla tuloy s'yang pinagpawisan bagay na nagpaalam na muna siya upang makapagpalit ng damit. “Pwede na po ba akong magpalit ng damit? Medyo pinapawisan at nangangati na kasi ako.” “Samahan na kita.” NANG makapasok sa loob ng silid ay nakatayo at nakabantay uli si Brielle sa labas ng pinto. Rinig niya kung paano tanggalin ng babae ang suot nito, hindi niya alam kung bakit pero bigla s'yang nakaramdam ng kuryusidad at naisipang lumingon. Saktong pagtingin niya ay nakita niya mula sa repleksyon ng salamin ang isang magandang babae, may balingkinitan na baywang, matipunong balakang, malalaking suso, mahahabang binti, at maputi ang balat, at tanging panloob lang ang suot. Nakaramdam ng kakaibang init si Brielle bagay na madali s'yang lumingon pabalik. At ngayon ay nakahawak na sa ibabang parte ng kaniyang katawan. “D*mn! Ano bang iniisip mo?!” tahimik niyang saway sa sarili. SAMANTALA, kinakabahan at pinagpapawisan pa rin si Janella habang tinitingnan ang kabuuan sa salamin. Kasal na sila ng lalaki, kung ano-ano na ang pumapasok sa isip niya sa mga oras na iyon: mga posibilidad na mangyayari sa hinaharap at mamayang gabi. Sumilip siya sa lalaki sa labas mula sa siwang ng pinto, naroon pa rin ito, nakatalikod at tahimik na naghihintay sa paglabas niya. “Gosh, handa na ba talaga akong makasama siya?” natampal pa niya ang sarili, “Tanga ka ba? Ngayon mo pa talaga naisipang tanungin ang sarili mo kung kelan kasal ka na?” Animo’y baliw na pinapagalitan ang repleksyon at dinuroduro pa. “Hayst… bahala na si batman, tapos na kaya go with the flow na lamang.”“Grabeng gulat naman iyan.” Sabay subo ng karne sa kaniyang bibig at dahan-dahan iyong nginuya. “Eh kasi naman, nakakagulat talaga iyon girl! Kasal kayo tapos di pa kayo ng kiss?” “Wala naman akong sinabi, nag-ano kami pero… iyong french kiss —hindi ko pa naranasan.” Pagkatapos ihain ng waiter ang pagkain at ipakilala ang dish, aalis na sana ito, kaya lang napahinto ito at nag-aatubiling umalis.Yumuko siya at tumayo sa tabi ng mesa, hinawakan ang isang bagay at tiningnan iyon, tila abala, ngunit sa totoo lang, hindi niya alam kung ano ang kanyang ginagawa.Maya-maya pa, nakaramdam si Janella ng lamig sa kanyang kamay, napatingin siya rito, at saka tumingala sa waiter. “Hey, tingnan mo ang ginagawa mo,” kalmado niyang sabi. Doon pa lang larang natauhan ang waiter. “Naku! Pasensya na po,” mabilis na kumuha ng tissue ang waiter para punasan ang mga kamay ni Janella.Bakas sa mukha ng waiter ang guilt at takot, sa pagkataranta, dumampi sa mesa ang braso nito. Kasabay niyon ay ang ma
Sa oras na iyon, tila tumahimik ang buong opisina. Parang lahat gustong marinig ang sagot ni Janella. Ngunit tila walang balak na sagutin iyon ni Janella, nanatili s'yang kalmado at tikom ang bibig.“Ayaw ni President ng tsismis tungkol sa’kin,” sagot niya kalaunan. “Kaya wala kayong makukuha sa akin.”“Paano pala kayo nagkakilala? May relasyon ba kayo?” tanong ulit ni Adrian, halos pabulong pero halata ang kilig.Ngunit bago pa makasagot si Janella, umalingawngaw ang tunog ng matataas na takong sa training hall.Lumapit si Camille habang nakapamewang, at halatang irritable.“Adrian! Oras ng trabaho, puro ka tsismis. Kung tapos ka na sa ginagawa mo, maghanap ka ng ibang pagkakaabalahan. Huwag mong istorbohin ang mga nagtatrabaho.”Umirap naman si Adrian.“Naku, Manager Camille. Maaga pa para sermunan mo ako. Kumalma po muna kayo, sige ka, mababawasan iyang ganda mo kapag nakasimangot ka.”“Sorry, but I'm not buying your joke. Tingnan mo nga sarili mo. Araw-araw kang pumapasok para ma
MATAPOS ang mahaba-habang biyahe, sa wakas ay tanaw na ni Janella ang parking lot ng kumpanya. Agad s'yang nag-ayos at sumulyap kay Brielle na tahimik lang buong biyahe. “Dito na lang ako habang wala pa masyadong tao,” saad niya bago pa man makalapit ang sasakyan sa parking area ng kumpanya. Kumunot naman ang noo ni Brielle. “Bakit?” “Maglalakad na lang ako, malapit na rin lang naman.” nakangiting sagot niya rito. “Uhm.” Kinatok ni Brielle ang partition, na agad namang bumaba. “Itabi mo.” maotoridad niyang utos sa drayber. Pagkahinto ng sasakyan sa gilid ng kalsada, lumabas si Janella at inayos ang sarili. “Sandali lang,” sabi ni Brielle.Bumaba rin ito ng sasakyan.Napatingin si Janella sa kanya, halatang nagtataka dahil nagmamadali ito at malapit nang umalis papuntang airport."Uy, ba't ka lumabas?" luminga-linga pa siya sa paligid, baka sakaling may makakita.Inabot ni Brielle ang thermos sa kamay niya.“Nakalimutan mong bitbitin. Huwag mo ring kalimutang uminom nito araw-
Masyado busy sa kabi-kabilang business trip si Brielle. Kaya naman laking gulat ng lahat nang makabalik ito, sa halip na tumungo sa kumpanya, direkta itong sumulpot sa group chat ng education and training company. Kaya naman hindi mapigilan ni Camille ang mapangiti. Ganoon ba siya kahalaga kay Mr. Sebastian? Sa pagkakaalala niya kasi, minsan niya itong in-invite sa GC pero hindi man lang nito pinansin—hanggang ngayon. Kahit hindi naman siya nakikita nito, agad siyang kumuha ng maliit na salamin upang ayusin ang kanyang buhok, muling lagyan ng kulay ang kanyang mga labi, at inayos ang kanyang makeup. Masaya niyang kinuha ang kanyang telepono, ngunit agad ding naglaho ang ngiti sa kanyang mukha nang makita ang bagong notification: Brielle Sebastian added Janella Caballero. Natigilan si Camille at napatitig sa screen. Si Mr. Sebastian mismo ang nagdagdag kay Janella sa grupo! Hindi pa niya kailanman nakita na personal na nag-imbita ang presidente ng kahit sino sa anumang work grou
Dahil unang araw niya sa trabaho matapos tuluyang gumaling ang kaniyang paa, agad na binuksan ni Janella ang company group chat upang makita kung ano na naman ang pinagkakaabalahan ng kaniyang manager at mga katrabaho. Ilang araw din kasi s'yang hindi nagagawi sa GC nila. Camille: [Guys, remember! Ang isang mahusay na team ay dapat laging masigla at positive ang energy! Walang puwang dito ang tamad at reklamador! Sabay-sabay nating isigaw: Ako ay magiging isang mabangis na lobo!] Agad namang typing ang ilang myembro saka nag-send ng message. Employee A: [Ako ay magiging isang mabilis na agila!] Employee B: [Ako ay magiging isang matapang na leon!] Employee C: [Ako ay magiging isang walang takot na buwaya! Handang lumapa kahit sino ka pa!] Adrian: [Ako ay magiging isang black sheep.] Camille: [?] Mga empleyado: [?] Camille: [Anong ibig mong sabihin? Ulitin mo nga.] Adrian: [Ako ang magiging taga-salo ng sisi!] Camille: [??] Mga empleyado: [???] Camille: [Bibig
Nang matapos silang kumain, muling umakyat si Janella. Kinuha niya ang kaniyang bag, naglagay ng light makeup, at naghanda na rin para pumasok sa trabaho. Pagkalabas niya ng entrada, huminto sa harap niya ang kotse na ginamit nila kagabi. Nang makita ang sasakyan, hindi niya maiwasang maalala ang eksena nila ni Brielle kagabi, kaya bigla siyang namula sa mga naiisip. Sa totoo lang, ayaw niya talagang sumakay sa kotse, lalo na’t may sarili ring lakad si Brielle. Ayaw niyang makaabala pa. “Baka mahirapan kang pumasok sa trabaho ngayon, kaya ihahatid na lang kita sa opisina bago ako bumiyahe papuntang airport,” biglang sabi ni Brielle mula sa likuran niya. Dahil mabuti naman ang intensyon nito, wala nang dahilan si Janella para tumanggi. Bahagya siyang tumango bago sumagot, “Sige.” Pasulyap-sulyap pa siya sa lalaking nasa driver’s seat. Hindi siya mapakali; paulit-ulit niyang pinaglalaruan ang kaniyang mga daliri sa kaniyang hita na para bang may sinusulat doon. “Sino ang n







