“I, announce you as husband and wife. You may kiss the bride,” masayang sabi ng judge.
Nanginginig si Lianna dahil hindi niya pa naranasan ang mahalikan ng isang lalaki. Walang pinalampas na oras si Emmanuel at kinabukasan ay dinala siya nito sa kilala nitong judge upang ikasal sila.Malamig ang tingin ni Emmanuel sa kanya na parang pilit nitong pinapasok ang kanyang pagkatao. Napalunok siya dahil sa klase ng titing nito.Naramdaman niya ang paghalik ni Emmanuel sa kanyang labi. Matagal iyon at halos hindi na siya makahinga. Halos sakupin ni Emmanuel ang labi niya at parang may gusto pa itong angkinin.Tumikhim ang judge dahil sa matagal na paghalik ni Emmanuel sa kanya. Namula naman ang mukha ni Lianna dahil nahihiya siya sa nangyari.“You're my wife now, Lianna, and you're mine,” bulong ni Emmanuel.Dinala ni Emmanuel si Lianna sa mansyon ng mga Montecarlo. Napangiwi si Lianna ng nakita niya ang pagiging elegante ng mga miyembro ng pamilyang Montecarlo.“Emmanuel, hindi namin akalain na talagang pinakasalan mo pa ang babaeng 'yan?” sarkastikong sabi ni Claudia, ang pinsan ni Emmanuel.Napayuko naman si Lianna dahil sa sinabi ni Claudi, pakiramdam niya ay ayaw ng mga Montecarlo sa kanya. Masama siyang sinulyapan ni Claudia saka ngumisi na parang hinahamon siya.“Galing ka sa mahirap na angkan. Siguro naman hindi naman masama na pagsilbihan mo kami,” madiin na sabi ni Claudia. Muntikan ng manginig ang kamay ni Lianna dahil natatakot siya sa titig ni Claudia. Pakiramdam niya ay kaya siya nitong patayin kung kinakailangan.“Claudia, tumahimik ka na muna,” pagsuway ni Mauricio sa kanyang pamangkin.Tumingin ng seryoso si Mauricio kay Lianna. Mataman siya nitong pinagmasdan na parang kinikilala siya nito.“Lianna, asawa ka na ng anak ko. Gusto ko lang sabihin sa'yo na may nag-iisang batas dito sa pamamahay namin,” mahinang sabi ni Mauricio. Kinuha nito ang kopita ng alak saka marahan na tinikman ang mamahalin na alak na nakalagay roon.“Ang nangyayari sa loob ng bahay ay dapat nasa loob lang. Hindi namin gusto na may nakakaalam na ibang tao,” malamig na sabi ni Mauricio.Nakaramdam ng kaba si Lianna dahil pakiramdam niya ay nagkamali siya ng pamilyang pinasukan. Pakiramdam niya ay may mali sa pamilyang Montecarlo para ganito sila umasta.“Dad, don't scared her,” malamig na sabi ni Emmanuel ng makita niya ang pagiging aligaga ni Lianna.Tumawa si Mauricio saka sumulyap kay Lianna ng may mainit na tingin. Ilang minuto ay naging seryoso si Mauricio habang nakatingin pa rin kay Lianna.“Nagbibiro lang naman ako, pero sabi nga joke are half meant true. Lianna, hindi namin hinahayaan na ang mga impormasyon sa bahay ay lalabas at malalaman ng ibang tao. Sana naintindihan mo ang ibig kong sabihin,” walang emosyon na sabi ni Mauricio saka tinikman ang pagkain na nasa kanyang plato.Napalunok si Lianna. Sigurado siya na isa 'yong pagbabanta para sa kanya. Pakiramdam niya ay may tinatago ang pamilyang Montecarlo kaya ganito magsalita si Mauricio.“Late na ba ako?” biglang may nagsalita kaya napalingon sila sa lalaking bagong dating.“Ishmael,” nakangiting tawag ni Claudia sa lalaking bagong dating na lalaki.Napasulyap si Lianna sa lalaking bagong dating. Ang lalaking ito ay kahawig ni Emmanuel, ngunit ito'y palangiti. Kung si Emmanuel ay parang ang mahal ng bawat ngiti nito ang lalaking ito naman ang kabaliktaran ng kanyang asawa.Naramdaman ni Lianna ang pagkahawak ni Emmanuel sa kanyang bewang. Madilim na naman ang itsura nito bago tumingin sa kanya gamit ang matalim nitong mga mata. “Ayaw ko ng tumititig ka sa kapatid ko, Lianna,” bulong ngunit pagalit na sabi ni Emmanuel sa kanya.Pinilit ni Lianna ang ngumiti kahit nagmukha na iyong ngiwi sa mata ni Emmanuel. Hindi niya akalain na seloso si Emmanuel kahit nasa kontrata lamang ang lahat.“Wow! Totoo pala na nagpakasal ka na, Emmanuel,” nakangising sabi ni Ishmael. Napatitig ito sa inosenteng mukha ni Lianna na nakatingin lamang sa kawalan. “Sabagay kung ako ang unang nakakita sa kanya ay baka pakasalan ko siya. We, The Montecarlo loves those who are innocent,” dagdag ni Ishmael.Masamang tumingin si Claudia kay Lianna dahil sa pagpuri ni Ishmael kay Lianna. Siya ang nag-iisang babae sa Montecarlo ngunit mukhang wala na sa kanya ang spotlight dahil unti-unting mag-aasawa na ang mga lalaking Montecarlo upang makuha ang mamanahin sa ama nilang si Mauricio.Lumapit si Ishmael kay Lianna at saka muling tinitigan ang magandang mukha nito. Nakangisi ito ngunit ang mata nito ay walang emosyon.“Nice meeting you, Lianna,” malambing na sabi ni Ishmael. Hinawakan ni Ishmael ang kanyang kamay at saka pinatakan ng halik iyon.Hindi makapaniwala si Lianna nang naramdaman niya ang pasimpleng pagdila ni Ishmael sa kanyang kamay na ikinalaki ng kanyang mga mata. Hindi niya akalain na wala itong modo, kaya binawa niya ang kanyang kamay saka pinunas sa kanyang damit ang basang parte ng kanyang kamay.“Hmm.. I love it,” mahinang bulong ni Ishmael sa kanya saka lumayo na upang umupo sa bakanteng upuan. “Ishmael, ikaw ba ay kailan mag-aasawa?” tanong ni Mauricio sa kanyang panganay na anak. “Malapit na daddy. Ipapakilala ko siya sa inyo sa oras na magkaroon siya ng bakanteng oras. Galing siya sa mayaman na angkan kaya naiintindihan ko na masyado siyang busy,” nakangiting sabi ni Ishmael. Tumingin ulit ito kay Lianna nang may pang-aakit kaya tumungo si Lianna dahil hindi na siya komportable sa ginagawa nito.“Kung ganoon ay humahanga ako sa'yo, papuntahin mo siya para naman makilala namin siya, anak,” nakangiting sabi ni Mauricio. Nakasimangot naman ang mukha ni Claudia ngunit hindi na nagkomento. Sumulyap ito kay Lianna na nakatungo lamang at hindi tumitingin sa kanila.‘Bakit ba ang babaeng basura na ito ang pinili ni Emmanuel?’ galit na tanong ni Claudia sa kanyang isip. Nagngingitngit siya sa galit na may isang basura ang nakapasok sa mansyon ng mga Montecarlo.Laking pasasalamat ni Lianna nang matapos na ang hapag-kainan. Maglalakad na sana siya upang sumunod kay Emmanuel ng tawagin siya ni Claudia.“Hugasan mo ang pinagkainan natin, isa kang basura na kinuha lamang ni Emmanuel kaya magsilbi ka rito bilang katulong namin,” galit na sabi ni Claudia saka inirapan siya.Binangga pa ni Claudia ang balikat ni Lianna nang malakas kaya muntikan na siyang matumba. Huminga ng malalim si Lianna upang pakalmahin ang kanyang sarili.‘Magtiis ka, Lianna. Para kay tatay ito, kailangan niyang gumaling at magkaroon ng magandang kinabukasan,’ bulong ni Lianna sa kanyang isipan.Hinanap niya ang kusina at nakita niya ang mga katulong na inaasikaso ang mga ginamit nila nang sila'y kumain.“Mga ate, ako na po ang maghuhugas,” mahinang sabi ni Lianna. Napalingon ang mga katulong sa kanya at mukhang alangan ang mga ito.“Young lady, Lianna, hindi po yata maari na kayo ang maghugas dahil baka kami'y masisante,” natatakot na sabi ng katulong.“Ang sabi ni Claudia ay ako na ang maghuhugas kaya pabayaan niyo na ako,” nakangiting sabi ni Lianna.Tumulong siya sa paghuhugas ng mga pinagkainan nila ngunit ang mga katulong ay itinuro naman sa kanyang kung paano ang proseso. Magiliw naman na sumunod si Lianna sa sinasabi ng mga katulong sa kanya.“Woah! Natapos din tayo! Grabe ang dami pala ng ginagamit nila,” usal ni Lianna na ikinabungisngis ng mga katulong.“Maselan po ang pamilyang Montecarlo sa kanilang mga gamit. Dapat po ito ay malinis dahil talaga aalisin nila sa trabaho kapag hindi malinis ang trabaho,” kwento ng katulong sa kanya. Masyadong inosente ang mukha ni Lianna kaya naging madaldal na ang katulong sa kanya. Napasulyap si Lianna sa may tasa na mukhang mamahalin.“Sino ang gumagamit ng tasa na 'yon? Mukhang mamahalin,” anya ni Lianna.“Si sir Mauricio po,” sagot ng katulong. Ngumiti naman si Lianna saka sumulyap ulit sa tasa na nandoon. Natuwa siya dahil lubos siyang nagagandahan sa tasang iyon.“Maselan nga sila, kaya siguro halos hindi naalikabukan ang tasa na 'yon,” biro ni Lianna na ikinatawa naman ng mga katulong.Pagkatalikod ni Lianna ay ngumiti siya ng simple ngunit biglang sumeryoso ang kanyang mukha. Naglakad siya papunta sana sa magiging kwarto nilang dalawa ni Emmanuel ngunit hindi niya alam kung nasaan na 'yon.Nakarinig siya ng malakas na kaluskos at isang malakas na lagabog na nagbigay ng malakas na kaba sa kanya. Sobrang lakas ng tibok ng puso niya habang naglalakad.‘Ano 'yon?’ tanong ni Lianna sa kanyang sarili. Ito ang unang araw niya sa mansyon ng mga Montecarlo ngunit pakiramdam niya ay haunted mansion ang mansyon na ito. Dahan-dahan na naglalakad si Lianna ngunit napigilan niya ang pagtili ng makarinig na naman siya ng lagabog.Narinig din niya ang isang malakas na hampas sa isang bagay. Mas lalong bumilis ang tibok ng kanyang puso, pakiramdam niya ay may tinatago talaga ang mga Montecarlo sa labas ng mansyon."Ahh!" isang malakas na sigaw ng isang babae. Ngunit mukhang hindi ito nasasaktan dahil sa klase ng pagsigaw nito.Napatakbo si Lianna dahil sa sobrang takot ngunit biglang may tumakip ng kanyang bibig na ikinalaki ng kanyang mga mata.“Saan ka galing? Kanina pa kita hinihintay sa kwarto,” galit na sabi ni Emmanuel. Nakaramdam ng ginhawa si Lianna nang si Emmanuel pala ang lalaking 'yon. Hinila siya nito papunta sa kanilang kwarto ngunit madilim ang itsura nito.“Pasensya na po, inutusan kasi ako ni Claudia na maghugas ng pinagkainan kaya natagalan ako,” dahilan ni Lianna. Binuksan ni Emmanuel ang pintuan ng kanilang kwarto saka pumasok doon habang hila-hila pa rin si Lianna. Nagkaroon ng paghanga si Lianna dahil sa magandang kwarto ni Emmanuel.“Nakaligo na ako. Maligo ka na rin,” malamig na sabi ni Emmanuel. Napalunok naman si Lianna dahil alam na niya kung ano ba ang gagawin nila ni Emmanuel. Hindi naman na siya bata upang hindi maintindihan ang gusto nito.Parte ng kontra na kailangan niyang paligayahin si Emmanuel sa kung ano man ang gugustuhin nito kasama na ang pagpapaligaya sa kama. Tumango lamang si Lianna saka sinunod ang sinabi ni Emmanuel na maligo siya.Lumipas ang ilang oras ay lumabas na si Lianna galing sa banyo. Nanginginig ito habang naglalakad dahil kinakabahan siya. Napasulyap siya sa malaking kama ng kanyang asawa at hinihiling na sana ay tulog na lamang ito.“Bakit may takip ka pa rin?” biglang sabi ni Emmanuel. Nakatago lamang pala ito sa madilim na bahagi ng kanyang kwarto. Naglakad ito ng dahan-dahan papalapit kay Lianna. Malamig ang mukha nito at saka marahan na hinaplos ang kanyang mukha.“There's no turning back, Lianna. Alam mo naman 'yon hindi ba?” malamig na sabi ni Emmanuel. Napapikit si Lianna dahil sa marahan na paghaplos ni Emmanuel sa kanyang mukha.Mas lalong lumakas ang pintig ng kanyang puso na parang pinagbabantaan siya ni Emmanuel na hindi na siya pwedeng umurong dahil nandoon na siya sa pamilya Montecarlo.“Parte ng kontrata na kailangan mong tiisin ang lahat ng gagawin ko sa'yo, tama ba? You're my property, Lianna,” may bahid na galit sa boses ni Emmanuel. Unti-unting tumango si Lianna dahil tama naman ang asawa niya.Naglakad papalayo si Emmanuel sa kanya saka may kinuha na alak. Nakangiti ito ngunit walang emosyon ang kanyang mga mata. Ibinigay niya kay Lianna ang isang kopita ng alak.“Drink with me,” malamig na utos ni Emmanuel. Napalunok si Lianna dahil hindi pa niya naranasan ang uminom ng alak. Natatakot siya na baka siya'y malasing.“This is my favorite wine, it costs 5 million for one bottle,” malamig na sabi ni Emmanuel. Saka tinikman ang wine na nasa kanyang kopita.“Inumin mo na ang 'yan, Lianna. Utos iyon na kailangan mong sundin,” dagdag ni Emmanuel.Pakiramdam ni Lianna ay napipikon na si Emmanuel sa kanya. Dahan-dahan niyang tinungga ang wine na ibinigay nito. ‘Kailangan mo siyang sundin, Lianna. Parte ng kontrata,’ paalala ni Lianna sa kanyang sarili.Napangiti naman si Emmanuel ng ubusin ni Lianna ang wine na nasa kanyang kopita. Ngunit naging madilim ang mukha nito habang nakatingin kay Lianna.“Good girl, Lianna. Now, start taking off your clothes. I want you naked tonight,” utos ni Emmanuel na ikinalunok ni Lianna.MALAKAS ang pagkabog ng puso ni Lianna ng mapatingin siya sa pintuan. Mas lalong lumakas din ang paghampas ni Emmanuel sa pinto na parang nasa peligro ang kanyang buhay.Agad niyang isinuot ang nilalagay niya sa kanyang mga mata upang hindi makilala ng kung sinu-sino. Madali lamang makilala na isa siyang Dela Gado kapag nakita ng mga tao ang kulay ng kanyang mga mata.Huminga siya ng malalim at tumitig sa salamin upang pakalmahin ang kanyang sarili.“Sh*t! What took you so long to open this damn door?” Malakas na boses ni Emmanuel ang bumungad sa kanya. Puno ng takot ang gwapong mukha nito na para bang mamamatay siya sa loob ng banyo.“E-Emmanuel, anong nangyari? Gumamit lamang ako ng banyo,”“Akala ko may nangyari sa'yo rito. Nakita ko si Savannah na papunta sa parking lot kanina,.. I thought she did something bad on you!”Kinagat ni Lianna ang kanyang labi habang nakatingin kay Emmanuel. Nagulat siya ng hilahin siya nito upang yakapin. Nahihirapan siyang lumunok dahil kahit parte ng
NGUMITI si Savannah sa kanyang asawa na si Ishmael. Base sa kanyang pagkakaalala ay galing si Lianna sa hindi kilalang pamilya. Daig pa nito ang isang kahig at isang tuka, kaya nagpakasal ito kay Emmanuel. Sino nga ba si Lianna at bakit malakas ang loob nito na banggain siya?“Bakit parang hindi ko nakikita si Lianna? Gusto ko sana na magpatimpla sa kanya ng kape,” Malungkot na sabi niya. Nakita niya ang pagbabago ng mukha ni Ishmael ng narinig niya ang pangalan ng babae.“Nasa hospital siya. Nadulas siya sa hagdan,” Gustong tumawa ni Savannah. Hindi naman siya tanga upang hindi malaman ang totoo. Nalaman niya sa mga katulong na tinulak ni Claudia si Lianna sa may hagdan. Umakto siya na nag-alala.“Kumusta raw siya? Buhay pa ba siya? Oops, I mean, okay lang ba siya?” Pinakita niya ang kanyang malungkot na mukha na para bang nag-aalala siya ng todo para sa babae.“Hindi pa namin alam. Hindi pa naman umuuwi rito si Emmanuel,”“Hmmm… Maganda yata na dalawin ko si Lianna. Bilang hipag ni
HINDI mapakali si Claudia dahil sa nangyari. Hindi umaayon ang lahat sa kanyang plano. Paano kung may gawin si Emmanuel sa kanya? Hindi pwede 'yon lalo nat malapit na siyang ikasal sa isang miyembro ng mga Bautista.‘Masamang damo ka talaga, Lianna! Bakit ba hindi ka pa namatay sa isang tulak lang,’ Galit na sabi niya sa kanyang isip. Ilang beses na siyang pabalik-balik sa loob ng kanyang kwarto.Nagulat siya ng narinig niya ang malakas na katok sa pintuan. Tumigil siya sa paglalakad at saka tinitigan ang pintuan. Paano kung si Emmanuel ang kumakatok? Bigla siyang nakaramdam ng takot.He knows what Emmanuel was capable of. Sadyang nahuli lamang siya nito sa akto. Si Emmanuel ang isa sa iniiwasan niyang miyembro ng mga Montecarlo. Tahimik lamang ito sa isang tabi, at mahirap malaman kung ano nga ba ang nasa isip nito.“Claudia, buksan mo ang pintuan,” Nakahinga si Claudia ng maluwag ng narinig niya ang boses ni Ishmael. Nagmadali siyang buksan ang pintuan at niyakap si Ishmael ng nakap
ANG MABILIS na pagbagsak ni Lianna ay ikinatili ng mga nakasaksi sa mga nangyari. Hindi makapaniwala si Claudia na nasa mansyon si Emmanuel. Palalabasin niya sana na aksidente ito ngunit nakita mismo ni Emmanuel ang pagtulak niya rito.Ang malakas na sigaw ng mga katulong ang nagkuha ng atensyon ni Jaime. Nanglaki ang mga mata nito at agad pinuntahan si Lianna na wala ng malay.“You, fucking bitch! Anong karapatan mo na itulak ang asawa ko!” Malakas na sigaw ni Emmanuel. Agad niyang hinaklit si Claudia saka ito gigil na sinakal.Hindi makapaniwala si Emmanuel sa ginawa ni Claudia. Ang pasimple nitong pagmamaltrato ay pinapabayaan lamang niya ngunit ang itulak sa hagdan si Lianna ay hindi na maari.“Hindi ka talaga natatakot sa akin, Claudia! Ang lakas ng loob mo dahil ba kabit ka ni Ishmael!” Tanging pula na lamang ang nakikita ni Emmanuel. Halos hindi na makahinga si Claudia dahil sa pananakal ni Emmanuel sa kanya. Bakas ang takot sa kanyang mga mata, hindi niya kayang banggain si E
NANGLAKI ang mga mata ni Lianna ng narinig niya ang sinabi ni Mauricio. Pakiramdam niya ay isang malaking kapahamakan kung malalaman niya ang sikreto nito. Dahan-dahan siyang naglakad papalabas ng daanan na 'yon. Nakahinga siya ng maluwag kaya agad siyang naglakad papunta sa kanilang kwarto ni Emmanuel.Anong ibig sabihin ni Mauricio? Pinatay ba nito ang kanyang kapatid? Akala niya ay nag-iisa lamang itong anak ng Montecarlo kaya namana nito ang kayamanan ng mga Montecarlo.“Saan ka galing?” Kinabahan si Lianna ng narinig niya ang boses ni Emmanuel. Bakas sa mukha nito ang galit habang nakatingin sa kanya. Napalunok siya saka dahan-dahan humarap dito.“Nag-ikot-ikot lamang ako sa mansyon. Nagtatagal na ako rito ngunit hindi ko pa kabisado,” Dahilan niya. Napapikit siya upang alisin ang nerbyos na nararamdaman niya.“Ganoon ba? Bakit kailangan mong libutin ang mansyon, Lianna? Baka naman kasama mo si Jaime” “Hindi ko alam kung nasaan si Jaime, Emmanuel. At saka pupunta na talaga ako s
ILANG araw na hindi napalagay si Emmanuel dahil sa mga sinabi ni Lianna. Hindi niya alam kung bakit ganoon ang nagiging epekto ng mga salita ni Lianna sa kanya. Hindi bat tanging kontrata lamang ang namamagitan sa kanila? Ngunit bakit ngayon ay para mas gusto niyang palalimin ang lahat ng mayroon sa kanilang dalawa. Masyadong bago sa kanya ang kanyang nararamdaman. At ang emosyon na iyon na pilit pumapasok sa kanyang puso ay hindi niya gusto. Hindi niya gusto na magkagusto kay Lianna dahil hindi nakaj siya sigurado kung may nararamdaman ba ito sa kanya. Paano kung wala? Ano ang kanyang gagawin sa susunod?Napalingon siya kay Jaime at Lianna na nakangiti sa isat isa. Nagdidilig ng mga halaman si Lianna ng dumating si Jaime upang kulitin ito. Kung tutuusin ay konti lamang ang taon ng pagkakaiba nila Jaime at Lianna.‘Anong ginagawa na naman ni Jaime? Hindi niya ba alam na nandito ako!’Malalim na huminga si Emmanuel saka mas pinanood ang mga gagawin ni Jaime sa kanyang asawa. Gusto niy