“Be my wife, Lianna.” Kapalit ng pagpapagaling ng kanyang ama na nasa kritikal na kondisyon ay napilitan si Lianna na kumapit sa isang bagay na wala siyang kaalam-alam kung ano ang magiging kalalabasan at nagpakasal sa isang bilyonaryong lalaki na si Emmanuel Montecarlo. Akala niya ay magiging masaya na ang lahat, akala niya ay maging kaaya-aya na ang kanyang buhay sa piling ng kanyang asawa ngunit tila nagkabaliktad ang mundo ng unti-unti niyang malaman madilim at mapanganib na sikreto nito pati ang pamilya Montecarlo. Ano nga ba ang magiging buhay ni Lianna sa likod ng maamong mukha at matatamis na ngiti ng mga taong nakapalibot sa mansyon ng Montecarlo? Ano nga ba ang mga sikretong kanyang malalaman upang maranasan niya ang mala-impyernong buhay sa loob ng pamamahay ng kanyang asawa? “Good girl, Lianna. Now, start taking off your clothes. I want you naked tonight,”
View MoreChapter 1
“I'm sorry, Ms. Alcantara, but your father won't have his surgery if you don't pay the surgical fee,” malungkot na sabi ng doktor kay Lianna.Pakiramdam ni Lianna ay nanghihina siya sa sinabi ng doktor sa kanya. Kailangan ng kanyang ama ang maopera sa puso ngunit saan siya kukuha ng ganoon kalaking pera.“Sir, baka naman po pwede na operahan po muna siya? Babayaran ko naman po kahit ilang taon pa 'yan,” pagod na sabi ni Lianna sa doktor. Tumingin lamang ng may simpatya ang doktor sa kanya saka umiling. Kaya napahawak si Lianna sa upuan dahil pakiramdam niya ay babagsak ang lahat ng pag-asa na pilit niya na inipon.“I'm sorry, Lianna. Kailangan mo muna talaga magbayad upang maoperahan ang 'yong ama. Ngunit 'yong doctor's fee hindi mo na kailangan bayaran 'yon dahil libre na ang gagawin kong serbisyo para sa iyong ama. Kailangan natin sundin ang protocols ng hospital,” mahinang paliwanag sa kanya ng doktor. Tinapik siya nito sa balikat upang iparamdam sa kanya ang pakikipagsimpatya nito mismo sa kanya.Bagsak ang balikat ng pumunta siya sa pinagtatrabahuan niya na coffee shop bilang part-time waitress. Halos pagurin niya na ang kanyang sarili upang makapag-ipon ngunit kulang pa rin talaga.“Good morning, sir!” pinilit ni Lianna na pasayahin ang kanyang boses ng narinig niya ang pagtunog ng bell. Nakayuko lamang siya habang nagpupunas ng lamesa ng narinig niya ang pasimpleng paghagigik ng kanyang mga kasamahan.Napalingon si Lianna at nakita niya ang seryosong mukha ng loyal customer nila. Sa pagkakaalam niya ay galing ito sa mayaman na angkan mula sa lalawigan nila.Napasulyap sa kanya ang lalaking si Emmanuel Montecarlo gamit ang seryosong mga titig nito. Hindi niya alam kung bakit parati niya ito nakikita na nakatingin sa kanya. Sa kada-araw na pumapasok siya ay palagi niya rin itong nakikita na bumibili ng kape sa mismong coffee shop nila.Lumipas ang ilang araw ngunit malapit na ang due date ng operasyon ng kanyang ama kaya mas lalong naging problemado si Lianna. Napatulala na lamang siya habang nginunguya ang pagkain na ibinaon niya pagkagaling niya sa hospital upang bantayan ang kanyang ama.“Lianna, right?” sambit ng baritonong tinig.Napalingon naman agad si Lianna ng narinig na naman niya ang swabeng boses ni Emmanuel Montecarlo. Umupo ito sa kabilang upuan saka marahan siyang tinitigan. Seryoso pa rin ang gwapong mukha nito at walang ka-emo-emosyon. “I discovered that you need money for your father's medical expenses,” malamig na sabi ni Emmanuel sa kanya. Tumango naman si Lianna sa sinabi ng lalaking nasa harapan niya.Nahihiya siya na kahit ang mga katrabaho niya ay namomoblema rin dahil sa problema niya. Kahit pagsama-samahin ang mga sahod nila ay hindi pa rin kaya na mabuo ang kailangan na pera para sa operasyon.“I have a proposition for you: in exchange, I will support you for your father's medical needs,” Emmanuel added.Nakuha ni Emmanuel ang kanyang atensyon dahil sa sinabi nito. Gusto ni Lianna na gumaling ang kanyang ama at kahit ano pa ang kapalit ay gagawin niya. Napalunok siya, paano kung hingin ni Emmanuel ang katawan niya? Makakaya niya ba na gawin ang bagay na 'yon? Kaya niya ba ang kumapit sa patalim?Napatitig siya sa gwapong mukha ni Emmanuel. Mukha naman itong matino na tao kaya hindi naman siguro masama kung ito ang makakakuha ng virginity niya?“In exchange, magpapakasal ka sa akin,” dagdag ni Emmanuel na ikinanganga ni Lianna.“P-Pero bakit ako? Hindi naman ako kagandahan para pakasalan mo,” agad na tanong ni Lianna. Gusto na niyang i-grab ang opportunity, hindi dahil mayaman si Emmanuel kundi para sa kanyang ama na kailangan ng maoperahan.“I find your purity appealing, so I wanted you to be my wife. But I will say this: You should carry out my spouse's duties for me,” Emmanuel answered.Napalunok si Lianna, naiintindihan niya ang sinabi ni Emmanuel. Ang kapalit ay magpapaka-asawa siya para sa lalaki kapalit ng paggaling ng kanyang ama. Hindi one-night stand ang gusto nito kundi ang pangmatagalan na kontrata.“Pwede ko po ba na pag-isipan?” inosenteng tanong ni Lianna sa lalaking nasa harapan niya.Tumango naman si Emmanuel sa kanya kahit puno ng init ang pagtingin niya kay Lianna. Nakaramdam ng pagkailang si Lianna ng makita niya ang pagtitig ni Emmanuel sa kanya.“Of course, Lianna. Pero malapit na ang due date ng operasyon ng tatay mo kaya tawagan mo na lang siguro ako,” malamig na sabi ni Emmanuel. Kinuha niya ang kanyang itim na calling card at saka ibinigay iyon kay Lianna.Napatitig naman si Lianna sa mamahalin na calling card ni Emmanuel. Tinanggap naman niya agad iyon kaya ngumiti si Emmanuel sa kanya.“If you've already made a decision, let me know so I can draft the contract for you to sign,” seryosong sabi ni Emmanuel bago siya iniwanan upang magpatuloy na siya sa pagkain.Napatitig si Lianna sa papalayong pigura ni Emmanuel, hindi niya alam kung maituturing niya ba itong blessing in disguise dahil isang Montecarlo ang gustong magpakasal sa kanya. Sinimulan niya ulit ang kumain upang mabigyan siya ng lakas dahil magbabantay siya ulit sa hospital pagkatapos ng kanyang trabaho.“Thank you, sir! Have a nice day!” masayang sabi ni Lianna sa papaalis na customer. Nakita niya si Emmanuel na nakatitig na naman sa kanya kaya nakaramdam siya ng ilang.Bakit ba parati itong nakatitig sa kanya? Pakiramdam niya ay binabasa nito ang kanyang kaibuturan.“Girl, nakita namin kayo ni sir Emmanuel na magkausap ah!” bulong ng kanyang kaibigan na si Jonah. Napangiwi naman si Lianna dahil mukhang pinagchismisan siya ng kanyang mga kasamahan.“Anong sinabi niya sa'yo? I-share mo naman sa amin. Masama ang magdamot!” dagdag ni Jonah dahil hindi man lang nagsasalita si Lianna.Huminga ng malalim si Lianna, alam naman niya na mapagkakatiwalaan si Jonah ngunit madaldal ito kaya nag-aalangan siya. Napanguso naman si Jonah habang nginunguso sa kanya si Emmanuel na may kausap sa phone nito.“Gusto niya akong tulungan sa operasyon ni tatay,” bulong na sagot ni Lianna.Napalingon agad si Jonah sa kanya saka napakunot ang noo na parang may iniisip. “Girl, kapalit ba ay ang katawan mo?” biglang tanong ni Jonah. May pag-aalala sa boses nito habang nakatingin sa kanya.“Parang, ngunit gusto niya na magpakasal kami,” sagot ni Lianna. Napangiwi na rin si Jonah dahil mukhang parehas sila ni Lianna ng iniisip.“Papayag ka ba? Malapit nang operahan ang tatay mo,” tanong ulit ni Jonah.“Gwapo si sir Emmanuel at kilala ang pamilya niya bilang pangalawang pinakamayaman sa lalawigan natin. Ngunit hindi pa rin sapat na dahilan 'yon para pumayag ka sa long-time commitment. Hindi natin sila kilala,” sabi ni Jonah sa kanya. Biglang nag-ring ang phone ni Lianna kaya mabilis niya na sinagot iyon ng nakita niya na number ng hospital ang tumatawag sa kanya.“H-Hello,” kinakabahan na sabi ni Lianna. Narinig niya ang maingay na paligid sa hospital at mukhang nagkakagulo ang mga tao roon.“Ms. Alcantara, kailangan mo po pumunta rito. Nasa kritikal na sitwasyon po ang tatay niyo ngayon,” agad na sabi ng babae sa kabilang linya. Biglang napaluha si Lianna dahil natatakot siya na baka mawala ang tatay niya sa kanya.Namatay ang tawag at pinayagan siya ng boss niya na umalis agad sa trabaho. Nanghihinayang man siya na baka maging half day ang bayad sa kanya ay hindi na niya inisip iyon. Ang mahalaga sa kanya ay mailigtas ang kanyang ama.“Ihahatid na kita,” Hindi alam ni Lianna na sumunod pala si Emmanuel sa kanya. Seryoso ang mukha nito saka kinuha ang kanyang susi sa bulsa upang mabuksang ang mamahaling kotse nito.“Bilisan mo para malaman natin kung ano nga ba ang nangyari,” anya ni Emmanuel sa kanya kaya nagmadali siya nagmadali siya na pumasok sa kotse nito.Tanging pagluha na lamang ang nagawa ni Lianna habang nakatulala siya sa bintana. Mabilis naman ang pagmamaneho ni Emmanuel ng kanyang sasakyan papunta sa hospital.“P-Paano mo nalaman na dito ang hospital na pupuntahan ko?” tanong ni Lianna. Umiwas naman ng tingin si Emmanuel sa kanya saka hinila siya papasok ng hospital.“I have a lot of contacts and am wealthy, so I know what it has to know about you, Lianna. And your father is not an exception,” malamig na sagot ni Emmanuel.Pakiramdam ni Lianna ay hindi talaga ordinaryong tao si Emmanuel kaya bakit siya nito gusto na mapangasawa? Ngunit nawala ang lahat ng agam-agam sa puso niya ng sinabi na naman ng doktor na kailangan na ng pera upang bayaran ang operation ng tatay niya.“Be my wife, Lianna. And I'll take care of anything your father needs,” bulong ni Emmanuel sa kanya. Madilim ang mukha nito at nakatitig lamang sa kanya. Hinihintay nito ang magiging desisyon niya.“If you agree to become my wife, your father will get the operation he needs,” Emmanuel added.Umiiyak na napalingon si Lianna sa gwapong mukha ni Emmanuel. Hindi niya alam kung bakit alinlangan at natatakot siya ngunit para sa kanyang ama ay handa siyang tiisin kung ano nga ba ang magiging kapalit ng lahat ng iyon.Tumango si Lianna kaya napangiti si Emmanuel at mas lalong nakita niya ang mainit nitong titig sa kanya.“Good girl. Tama ako na masunurin ka,” bulong ni Emmanuel bago siya tinalikuran upang iasikaso ang lahat ng kailangan ng kanyang ama.Napakagat si Lianna sa kanyang labi dahil sa biglaang desisyon niya sa buhay niya. Hinihiling niya na sana ay tama ang desisyon na pinili niya.MALAKAS ang pagkabog ng puso ni Lianna ng mapatingin siya sa pintuan. Mas lalong lumakas din ang paghampas ni Emmanuel sa pinto na parang nasa peligro ang kanyang buhay.Agad niyang isinuot ang nilalagay niya sa kanyang mga mata upang hindi makilala ng kung sinu-sino. Madali lamang makilala na isa siyang Dela Gado kapag nakita ng mga tao ang kulay ng kanyang mga mata.Huminga siya ng malalim at tumitig sa salamin upang pakalmahin ang kanyang sarili.“Sh*t! What took you so long to open this damn door?” Malakas na boses ni Emmanuel ang bumungad sa kanya. Puno ng takot ang gwapong mukha nito na para bang mamamatay siya sa loob ng banyo.“E-Emmanuel, anong nangyari? Gumamit lamang ako ng banyo,”“Akala ko may nangyari sa'yo rito. Nakita ko si Savannah na papunta sa parking lot kanina,.. I thought she did something bad on you!”Kinagat ni Lianna ang kanyang labi habang nakatingin kay Emmanuel. Nagulat siya ng hilahin siya nito upang yakapin. Nahihirapan siyang lumunok dahil kahit parte ng
NGUMITI si Savannah sa kanyang asawa na si Ishmael. Base sa kanyang pagkakaalala ay galing si Lianna sa hindi kilalang pamilya. Daig pa nito ang isang kahig at isang tuka, kaya nagpakasal ito kay Emmanuel. Sino nga ba si Lianna at bakit malakas ang loob nito na banggain siya?“Bakit parang hindi ko nakikita si Lianna? Gusto ko sana na magpatimpla sa kanya ng kape,” Malungkot na sabi niya. Nakita niya ang pagbabago ng mukha ni Ishmael ng narinig niya ang pangalan ng babae.“Nasa hospital siya. Nadulas siya sa hagdan,” Gustong tumawa ni Savannah. Hindi naman siya tanga upang hindi malaman ang totoo. Nalaman niya sa mga katulong na tinulak ni Claudia si Lianna sa may hagdan. Umakto siya na nag-alala.“Kumusta raw siya? Buhay pa ba siya? Oops, I mean, okay lang ba siya?” Pinakita niya ang kanyang malungkot na mukha na para bang nag-aalala siya ng todo para sa babae.“Hindi pa namin alam. Hindi pa naman umuuwi rito si Emmanuel,”“Hmmm… Maganda yata na dalawin ko si Lianna. Bilang hipag ni
HINDI mapakali si Claudia dahil sa nangyari. Hindi umaayon ang lahat sa kanyang plano. Paano kung may gawin si Emmanuel sa kanya? Hindi pwede 'yon lalo nat malapit na siyang ikasal sa isang miyembro ng mga Bautista.‘Masamang damo ka talaga, Lianna! Bakit ba hindi ka pa namatay sa isang tulak lang,’ Galit na sabi niya sa kanyang isip. Ilang beses na siyang pabalik-balik sa loob ng kanyang kwarto.Nagulat siya ng narinig niya ang malakas na katok sa pintuan. Tumigil siya sa paglalakad at saka tinitigan ang pintuan. Paano kung si Emmanuel ang kumakatok? Bigla siyang nakaramdam ng takot.He knows what Emmanuel was capable of. Sadyang nahuli lamang siya nito sa akto. Si Emmanuel ang isa sa iniiwasan niyang miyembro ng mga Montecarlo. Tahimik lamang ito sa isang tabi, at mahirap malaman kung ano nga ba ang nasa isip nito.“Claudia, buksan mo ang pintuan,” Nakahinga si Claudia ng maluwag ng narinig niya ang boses ni Ishmael. Nagmadali siyang buksan ang pintuan at niyakap si Ishmael ng nakap
ANG MABILIS na pagbagsak ni Lianna ay ikinatili ng mga nakasaksi sa mga nangyari. Hindi makapaniwala si Claudia na nasa mansyon si Emmanuel. Palalabasin niya sana na aksidente ito ngunit nakita mismo ni Emmanuel ang pagtulak niya rito.Ang malakas na sigaw ng mga katulong ang nagkuha ng atensyon ni Jaime. Nanglaki ang mga mata nito at agad pinuntahan si Lianna na wala ng malay.“You, fucking bitch! Anong karapatan mo na itulak ang asawa ko!” Malakas na sigaw ni Emmanuel. Agad niyang hinaklit si Claudia saka ito gigil na sinakal.Hindi makapaniwala si Emmanuel sa ginawa ni Claudia. Ang pasimple nitong pagmamaltrato ay pinapabayaan lamang niya ngunit ang itulak sa hagdan si Lianna ay hindi na maari.“Hindi ka talaga natatakot sa akin, Claudia! Ang lakas ng loob mo dahil ba kabit ka ni Ishmael!” Tanging pula na lamang ang nakikita ni Emmanuel. Halos hindi na makahinga si Claudia dahil sa pananakal ni Emmanuel sa kanya. Bakas ang takot sa kanyang mga mata, hindi niya kayang banggain si E
NANGLAKI ang mga mata ni Lianna ng narinig niya ang sinabi ni Mauricio. Pakiramdam niya ay isang malaking kapahamakan kung malalaman niya ang sikreto nito. Dahan-dahan siyang naglakad papalabas ng daanan na 'yon. Nakahinga siya ng maluwag kaya agad siyang naglakad papunta sa kanilang kwarto ni Emmanuel.Anong ibig sabihin ni Mauricio? Pinatay ba nito ang kanyang kapatid? Akala niya ay nag-iisa lamang itong anak ng Montecarlo kaya namana nito ang kayamanan ng mga Montecarlo.“Saan ka galing?” Kinabahan si Lianna ng narinig niya ang boses ni Emmanuel. Bakas sa mukha nito ang galit habang nakatingin sa kanya. Napalunok siya saka dahan-dahan humarap dito.“Nag-ikot-ikot lamang ako sa mansyon. Nagtatagal na ako rito ngunit hindi ko pa kabisado,” Dahilan niya. Napapikit siya upang alisin ang nerbyos na nararamdaman niya.“Ganoon ba? Bakit kailangan mong libutin ang mansyon, Lianna? Baka naman kasama mo si Jaime” “Hindi ko alam kung nasaan si Jaime, Emmanuel. At saka pupunta na talaga ako s
ILANG araw na hindi napalagay si Emmanuel dahil sa mga sinabi ni Lianna. Hindi niya alam kung bakit ganoon ang nagiging epekto ng mga salita ni Lianna sa kanya. Hindi bat tanging kontrata lamang ang namamagitan sa kanila? Ngunit bakit ngayon ay para mas gusto niyang palalimin ang lahat ng mayroon sa kanilang dalawa. Masyadong bago sa kanya ang kanyang nararamdaman. At ang emosyon na iyon na pilit pumapasok sa kanyang puso ay hindi niya gusto. Hindi niya gusto na magkagusto kay Lianna dahil hindi nakaj siya sigurado kung may nararamdaman ba ito sa kanya. Paano kung wala? Ano ang kanyang gagawin sa susunod?Napalingon siya kay Jaime at Lianna na nakangiti sa isat isa. Nagdidilig ng mga halaman si Lianna ng dumating si Jaime upang kulitin ito. Kung tutuusin ay konti lamang ang taon ng pagkakaiba nila Jaime at Lianna.‘Anong ginagawa na naman ni Jaime? Hindi niya ba alam na nandito ako!’Malalim na huminga si Emmanuel saka mas pinanood ang mga gagawin ni Jaime sa kanyang asawa. Gusto niy
Maligayang pagdating sa aming mundo ng katha - Goodnovel. Kung gusto mo ang nobelang ito o ikaw ay isang idealista,nais tuklasin ang isang perpektong mundo, at gusto mo ring maging isang manunulat ng nobela online upang kumita, maaari kang sumali sa aming pamilya upang magbasa o lumikha ng iba't ibang uri ng mga libro, tulad ng romance novel, epic reading, werewolf novel, fantasy novel, history novel at iba pa. Kung ikaw ay isang mambabasa, ang mga magandang nobela ay maaaring mapili dito. Kung ikaw ay isang may-akda, maaari kang makakuha ng higit na inspirasyon mula sa iba para makalikha ng mas makikinang na mga gawa, at higit pa, ang iyong mga gawa sa aming platform ay mas maraming pansin at makakakuha ng higit na paghanga mula sa mga mambabasa.
Comments