Share

CHAPTER 9 ALONE

It was late in the evening when Aliyah woke up, and Reed was no longer beside her. She slowly stood up and she was still rubbing her eyes when the door opened.

"Good evening sleepy head?" Nakangiting bati nito sa kanya at hinalikan ito sa noo.

"Bakit hindi mo ako ginising? Hindi ba dapat nasa yatch mo tayo kanina?" Nakangusong himutok niya.

"Ang himbing ng tulog mo eh! Bukas na lang tayo lalayag. Dinner is ready! Let's go?" Aya nito, at tinulungan siyang tumayo.

"Dumating na ba sina Reem at Grey?" Tanong niya, habang inaayos ang kulot na buhok niya.

"Hindi pa e. Sabi ni Grey sa resort lang daw muna sila. Gusto yata masolo ang pinsan mo!" Sagot nito sabay kindat sa kanya.

"Kayo talagang mga lalaki, para-paraan lang lagi." Irap niya dito.

Napatawa lang naman ito sa kanya.

"You looked cute when you rolled your eyes! Dati kapag iniirapan ako. I'm getting pissed off. But if you're the one who does it.

I didn't feel irritated." sabi nito.

"Whatever Mr. Sebastian." Himutok niya sabay lakad at nagpatiuna nang lumabas ng silid nito.

Sumunod naman ito na nakatawa.

"Can you go with me tonight?" Tanong nito habang nakasunod sa likuran niya.

"Where?" Nilingon niya ito.

"Sa Rocky outcraft." Sagot nito na tiningnan ang mukha niya.

"Hindi mo talaga nakalimutan noh? Sige, sasama ako sayo." Sang-ayon niya dito at nagpatuloy na sa paglalakad.

"Of course not! My memory na ako doon eh! Kaya lang gusto kong palitan ng good memory," nakangisi nitong sagot.

" Hmmm. Ayoko ng surprise Reed, nakakatakot ang ngisi mo. Baka tuluyan na akong malunod " Sabi niya at niyakap ang sarili dahil pumasok sa isip niya ang unang pagtatagpo nila nang muntikan na siyang malunod.

" Malulunod ka talaga sa pagmamahal ko, Baby!" He said and winked at her.

Pinamulahan naman siya sa kapreskuhan nito.

"Ang dami mong alam. Ganyan ka ba talaga sa mga babae mo?"

"No. Only for you!" Sagot nito.

Nakarating sila sa dining area at ipinaghila siya nito agad ng upuan.

------❤️------

Habang kumakain sila ay pasulyap-sulyap si Reed sa kanya.

"What? Don't look at me like that! Para mo akong hinubaran," saway niya sabay subo sa kutsara na may laman na pagkain.

"Nakakagana ka kasi! Walang arte kong kumain. Hindi ka katulad ng ibang mga babae, kahit gutom nag-iinarte pa rin." Sagot nitoya at sumubo na din.

"Bakit naman ako mag-iinarte. Sa ganito ako, eh! Isa pa hindi ako katulad ng mga nakakasalamuha mong mga babaeng maarte. " She rolled her eyes at nag patuloy sa pagkain.

"I like the way you are! Cool! At least ngayon, nagiging kampanti ka na sa akin," sabi nito habang nakangiti at kinindatan pa siya bago sinubo ang natitirang pagkain sa plato nito.

"Pwede magtanong? Wala ka ba talagang girlfriend? O asawa? Huwag mong sabihin na wala ka pa ni isa sa dalawang iyan? Sa gwapo mong iyan?! Yong seryoso?" Tanong niya kahit parang tinutusok ang puso niya sa magiging sagot nito.

Biglang nagdilim ang mukha nito at tumayo,

" I'm done eating! If you want to go with me later, just give me a knock in my room," he said and walked away.

Napatigil naman sa pagkain si Aliyah.

"What's wrong with that man! Tsk! bahala ka nga sa buhay mo!" Na sabi na lang niya sa sarili at nagpatuloy sa pagkain sa natitirang pagkain sa plato niya.

Nagdesisyon siyang huwag na lang sumama kay Reed, dahil nakita niya kung paano nagdilim at nag-iba ang mood nito. Ang malamig na tingin niya kanina ay katulad nang una nilang pagkikita, baka ihulog pa siya sa dagat ng hindi oras sa inis nito sa kanya. Napapailing siya sa naisip.

Parang may kurot sa puso niya sa pag-iwas nito sa simpleng tanong niya. May bad experience ba 'yon sa love?

Napailing siya at naglakad papunta sa pool.

"Buti pa, mag-swimming na lang ako!

Nasaan na ba kasi ang mga tao dito!

Kainis!

Mabilis siyang nagbihis at pumunta sa pool,

"What a life! Ang bruhang Reem, hinayaan niya na lang ako dito. Makikita mong babae ka! Kukurotin talaga kita sa singit." Kausap niya ang sarili dahil wala naman siyang pwedeng makausap.

Nasa gilid siya ng pool , nakaupo habang nakatingin sa mga bituin sa langit.

Ang ganda ng panahon ngunit sobrang tahimik ang paligid.

Si Reem naman nagpakasawa na sa jowa niya. At siya, heto! Nag-iisa! Na miss niya tuloy ang Mommy at Daddy niya.

Tatawagan na lang niya ang mga ito.

Inabot niya sa table ang pouch na pinaglagyan niya ng mobile phone niya.

Bumalik siya sa pagkakasandig sa bedday at pina-ring ang phone ng mommy niya.

Sinagot naman ito agad sa kabilang linya, "Hey, Dear! How are you?" Masayang bungad agad ng mommy niya.

"Mommy, I'm pretty good. How are you and Dad, Mom?" Bungad niya agad ng marinig ang boses ng ina.

"I'm good, Sweetie! Nasa bed na kami ngayon ng Dad mo!" Sagot ng Mom niya sa kabilang linya.

"Hello Sweetie! Kumusta ka na diyan? Kayo ni Reem?" Sabat ng Dad niya na nakikinig sa usapan nila.

"Where doing good here, Dad. The place is so amazing. Take note! Kilala ni Kuya Azzam ang may-ari ng resort kung saan kami ngayon." Masiglang sagot niya.

"Sino? Gwapo ba?" Tanong ng Daddy niya.

" Hmmm. Pwede na rin." Sagot niya na hindi mapigilang mapatawa.

"Sweetie, hinahanap ka ng mga manliligaw mo dito. Si Dad mo ang humaharap. Nakakatawa lang dahil namumutla ang mga mukha nila kapag kaharap si Daddy." Nakangiting balita ng Mom niya. May pagka marites din talaga ng mommy niya.

"Baka tinakot ni Dad, Mom! Paano yan, wala na naman akong manliligaw!" napapatawang sagot niya habang napapailing.

"Hayaan mo ang mga walang bayag na manliligaw mo. Tinitisting ko lang naman kung hanggang saan ang tapang nila sa panliligaw sayo." Depensa naman ng Dad niya na nanunudyo pa.

"Whatever Dad, hangga't hindi ako nakakatagpo ng katulad mo! Hindi ako magbo-boyfriend." Nakangiting sambit niya.

"Sweetie, walang katulad ang Dad mo. Nag-iisa lang siya. Baka tumandang dalaga ka na bago mo makita ang hinahanap mo!" Napapatawang wika ng Mom niya.

Nawala ang lungkot niya habang kausap ang mga magulang niya.

Sana tulad ng Mom and Dad niya ang magiging lovelife niya someday.

" Sige na po, Dad, Mom, magpahinga na po kayo. I'll give you a call if uuwi na kami." Paalam niya sa mga ito.

"Okay, Sweetie, we love you! Take care of yourself there. Wala pa naman ako diyan! Ang pagkain mo. Baka nagpapalipas ka na naman ng gutom." Paalala ng Mom niya na todo bilin na naman sa kanya.

"No worries po! Mom, I can handle myself here. Goodbye Mom, Dad!" Malambing na paalam niya sabay end ng call at binalik ang phone sa table.

Humugot siya ng malalim na buntong hininga. At ilang saglit lang nilubog niya ang mga paa sa tubig.

Ang lamig!

Kasing lamig ng pag-ibig niya!? Tudyo ng isip niya sa kanya.

Para na siyang baliw, kinakausap na niya ang sarili niya.

Ang ganda talaga ng mga bituin sa langit, sana someday, ganyan ka ningning ang lovelife ko.

Usal niya habang nakatingin doon.

Ilang saglit siyang nag-stay sa may pool side.

Ngunit hindi nagtagal, nag-ring ang phone niya. Tumayo siya at tiningnan ang caller.

Nang makita niya ang pangalan ng caller ay napangiti siya.

"Darren....." Masayang tili niya.

"Aray! Babasagin mo ba ang eardrum ko? Saan ka bang bruhilda ka at hindi ka man lang nagpaalam sa akin na nagbakasyon pala kayo ni Reem!" Pagtataray nang nasa kabilang linya.

"I'm sorry Dear, hindi kita makontak eh! Teka! Nakauwi ka na ba?" Nakangiting tanong niya.

Si Darren ay kaibigan niyang bakla. Nakilala niya ito sa business world. Sa isang fashion show dati na pinuntahan niya. Gwapo at makisig kaya lang bakla pero hindi naman siya tulad ng ibang bakla na nagsusuot ng pang-girl. Parang lalaki pa rin siya kung kumilos at walang ibang nakakaalam sa status niya as gay. Kundi si Aliyah lang.

"Of course! Guess what? May fafable na naman ako bakla!" Kilig na balita nito.

"Duh! May bago pa ba?" She rolled her eyes.

"Syempre! Bagong fafa na yummylicious! Inggit ka besh! Dahil sa kakapili mo. Hanggang ngayon wala ka pa rin jowabels!" Napahalakhak na tukso nito.

"Excuse me! Kapag ako nagkaroon! Who you ka sa akin!" Maarteng sabi niya saka matamis na ngumiti dahil naisip niya si Reed.

" Hay naku, bakla! Hindi pa napanganak ang destiny mo." Sagot naman nitona nang-aasar.

"Huwag ka nga dyan! Baka maudlot pa."

"M-Maudlot? You mean, meron ka ng prospect? Oh! My god!" Excited na wka nito.

Napahalakhak siya ng malakas at kinikilig na nagkwento.

"Dear, ang lakas ng appeal niya. I can't resist his charm! Ano ba ang dapat kong gawin?" Napapakagat labi na tanong niya dito.

"Bakla ka! Grab na! Magpapaka-choosy ka pa ba girl! Ipakilala mo sa akin, huh!"

"Oo na! Mas excited ka pa sa akin sa lagay na yan!" Nakangiting wika niya.

"Syempre! First time mo magka-jowa kaya dapat kilatisin natin siyang mabuti. Baka cassanova pa iyan!"

"Anong kilatis ba ang gagawin mo? Huwag kang harsh sa kanya, huh! I like him, Baklah! But I'm scared!"

"Excited na tuloy akong makita siya, Baklah! Nahihiwagaan ako sa kanya! Mag-send ka nga ng photo niya, or complete name niya para stalk ko." Excited na utos nito.

"Okay, Dear! I promise. Pero wag muna ngayon. Kapag nakauwi na lang ako." Pambibitin niya sa kaibigan.

"Ang sama mo talaga. Hindi ako makakatulog nito, eh!"

" Basta. Wait at the right time, Sasagutin....." Hindi na natapos ang sasabihin ni Aliyah, dahil biglang may umagaw sa phone niya.

Nang lingunin niya kung sino.

Si Reed, na matalim na nakatitig sa kanya.

Comments (1)
goodnovel comment avatar
Jocelyn Pioquinto Armario
hay naku reed ang moody mo simple lang naman ang tanong ni aliyah hindi mo pa masagot ganun ba kagrabe ang ginawa ng ex mo
VIEW ALL COMMENTS

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status