BAKAL NA REHAS

BAKAL NA REHAS

last updateTerakhir Diperbarui : 2026-11-05
Oleh:  JOELYSHENG Baru saja diperbarui
Bahasa: Filipino
goodnovel18goodnovel
Belum ada penilaian
10Bab
13Dibaca
Baca
Tambahkan

Share:  

Lapor
Ringkasan
Katalog
Pindai kode untuk membaca di Aplikasi

Siya si Luther Bartolome, Tondo Boy. Lumaki siya sa lansangan dahil iniwan niya ang taong nagpalaki sa kaniya dahil na rin sa kagaguhan ng anak nito. Dakilang kahihiyan siya kung ituring, kulot kung tawagin. Nilalait-lait dahil walang maipakilalang pamilya. Anak siya umano ng makati niyang Nanay sa hindi kilalang lalaki. Isa raw itong puta! Tanggap naman niyang wala siyang maipakilalang pamilya ngunit hindi niya kayang tanggapin na nilalait-lait na nga siya, wala na ngang maipakilalang magulang ay ipinangangaladkaran pa nila. Iyon ang nagpapainit sa ulo niya. Indeed! He is hot tempered but it's his asset at all. Dalawa sila ng kaibigan niyang si Mundo ay naging tanyag sila sa Tondo. As they grew older, makikilala nila ang dalawa pa nilang kaibigan na sina Ron-Ron at Bong-Bong. Laban ng isa ay laban nilang apat. Kahihiyan ng isa ay kahihiyan nilang lahat. Kaya nga sila tinawag na BAKAL NA REHAS Team dahil naging labas-masok sila sa Left Wing Jail. Ngunit paano kung sa paglalabas-masok nila sa kulungan ay makikilala ni Luther ang babaeng magpapatibok sa kaniyang puso? Ang babaeng walang kaarte-arte sa katawan. Dahil sa kagustuhang maisagawa ang shooting sa loob ng LWJ ay kinuha siya bilang substitute sa nawawalang leading man ng pilikula. Siya si Mariz Kaye Mondragon. Mariz Kaye Mondragon, ang babaeng ayaw makapag-asawa ng mayaman dahil marami raw kaagaw. Mas nanaisin pa niyang maghubnting ng farmer of her eyes. Ngunit hindi namam farmer ang nakasalubong ng landas niya kundi isang preso! Ang macho at curly boy, guwapo at matangkad na preso sa LWJ. Mahal nila ang isa't isa kaya't magtatanan sila. Wala silang pakialam sa sasabihin ng iba basta ang mahalaga ay nagmamahalan silang dalawa.

Lihat lebih banyak

Bab 1

ONE

"Lintik kasi ang magnanakaw na iyon eh. Kung namalimos na nga lang sana ay baka kinaawaan ko pa!" Ngitngit niya at kulang na lamang ay magpapadyak. 

Hindi naman sa wala siyang pakialam sa pera dahil buhay niya mahalaga. Ngunit mahalaga rin sa kaniya ang mga ID's niya. Dati-rati naman kasing namamasyal siya sa lugar na iyon. Subalit kailanman ay walang ganoong pangyayari. Kaya't nagmistula siyang bubuyog na bulong nang bulog.

Kaso!

Nasa ganoon siyang posisyon nang may biglang tumigil at nagsalita sa mismong harapan niya.

"Miss, tumayo ka na riyan. Baka isipin nilang may beautiful beggar na napadpad dito. Heto na ang bag mo, Miss." 

Ang tinig nito! Pamilyar ang boses nito. Kaya't bigla siyang nag-angat nang paningin. Hindi lamang iyon, bigla pa siyang napatayo at kung hindi siya naagapan ng kaharap ang biglaan niyang pagtayo ay maaring nabuwal siya.

Kaso!

"Luther Bartolome? Tama ikaw nga iyong---ahh salamat sa pagbawi mo sa bag ko. Paano mo nabawi itong bag ko sa magnanakaw na iyon? Lintik kasi iyon eh!" Hindi tuloy siya magkandatuto. Dahil na rin pamumula ng mukha.

"Sa dinami-dami ng maari mong tandaan, Miss Mondragon ang tulad ko pa ang hindi mo nakalimutan. And yes tama ka, ako nga pero huwag ka ng magtaka kung bakit kami nandito ng mga kaibigan ko. Hindi naman siguro lingid sa kaalaman mo na suki kami ng Left Wing Jail. By the way, Miss Mondragon, ano ang ginagawa mo sa lugar na ito?" nakangiti at patanong na pahayag ni Luther.

Samantalang inabot muna ni Mariz Kaye ang bag saka isinukbit sa balikat. Ibubuka pa lamang niya ang labi upang muli sanang magsalita kaso naunahan siya ng kaharap.

"Check mo muna, Miss Mondragon baka may kulang sa laman niyan," anito.

'Darn it all!' Piping mura niya. Aba'y sa dinami-dami iba't-ibang uri ng taong nakasalamuha niya ay sa dating preso pa siya hindi magkandatuto. Nais tuloy niyang batukan ang sarili.

"Kung pera lang din ang nawala sa laman ng bag ko ay walang problema dahil ang mahalaga ay ang mga ID'S ko. Hmmm, gusto ko sana kayong anyayahan ng mga kaibigan mo upang magmeryenda or early dinner diyan bilang pasasalamat ko sa pagbalik ninyo sa bag ko. Maybe it's just a simple treat but it's from the bottom of my heart." Nakangiti niyang iginala ang paningin sa tatlong nasa likuran ng binata.

"Sure to the surest, Miss. Aba'y si Pareng Luther lang ang nakakilala sa iyo noong may shooting sa Left Wing Jail. Kaya't pagkakataon na rin namin ito upang makilala ng lubusan ang may-ari sa prestiyosong Herrera Theatre." Agad na pagsang-ayon ni Bong-Bong.

"Si Kuya naman maka-prestiyuso ay wagas. I'm just a mere manager doon dahil pag-aari iyon ng pamilya namin. By the way, to be formal ako pala si Mariz Kaye Hererra Mondragon," nakangiti niyang saad.

"Kilala ka namin by name Miss Mariz na lang ang haba kasi. Ako naman si Bong-Bong Escalante." Masayang inilahad ng binata ang palad.

"Ako naman si Edmundo "Mundo" Bejarin," saad din ni Mundo.

"And finally ako naman si Romulo "Ron-Ron" Pigurao. Pero mas kilala sa pangalang Ron-Ron. Ikinagagalak kong makilala at makadaupang palad ka, Miss Mondragon," ani Ron-Ron.

Isa-isa namang tinanggap ni Mariz Kaye ng walang pag-aalinlangan ang mga palad na nakalahad.  Hindi siya maselang tao kaya't wala siyang pakiyami kung makipagkamay sa ibang tao. Well, she is just a human being like them.

Kaso!

"Curly Boy, mukhang naumid ang dila mo ngayon? Magpakilala ka naman ng maayos." Mundo carelessly whispered. Kaya't mas lumawak ang ngiting nakabalot sa mukha ng dalaga.

"Huwag kang epal boy hayaan mo siyang magpakilala ng kusa." Panunulsol pa ni Bong-Bong.

Kaya naman ay napakamot si Luther sa ulo. Dahil sa lantarang pambubuyo ng mga luko-luko niyang kaibigan. Todo-protesta ang mga ito noong ipinahayag niya ang paghanga sa dalaga. Kaso mukhang nabaliktad na ang mundo, sila na mismo ang nambubuyo sa kaniya. Dahil ibubuka pa lamang niya ang labi upang gawin ang sinasabi nila kahit pa sabihing magkakilala na sila ay naunahan naman siya ng dalaga.

"Diyan na tayo sa restaurant magpatuloy ng kuwentuhan mga Kuya. Bilang celebrasyon sa bago nating friendship. Huwag n'yo nang kantiyawan si Curly Boy dahil tama kayo magkakilala na kami. Ayan oh namumula na ang mukha." Nakangiti pa nitong pangangantiyaw.

Samantalang sa narinig ay nagkatinginan ang magkakaibigan ngunit bago pa sila makapagsalita ay inunahan na sila ni Luther.

"Gusto ko iyan, Miss Mariz. Kaso nakigaya ka na yata sa mga kuwagong iyan sa curly boy ah. Magmeryenda tayo oo pero kami ang magbayad dahil ang sabi mo ay bilang selebrasyon ng new friendship natin. Hindi naman kami papayag na ikaw na babae ang manlibre sa amin," pahayag nito saka naunang lumakad papunta sa sikat na restaurant sa kabila ng kalsada.

"Tama si Curly Boy este si Pareng Luther, Miss Mondragon kami ang taya. Aba'y karangalan ng grupo ang maging kaibigan ka lalo at isa kang anak mayaman samantalang kami ay---"

"Never underestimate yourself, Kuya Bong. Alam ko ang karugtong ng linyang iyan. Kaya't pasensiya na kung pinutol ko ang pananalita mo. Hindi ako mapili sa mga magiging kaibigan ko. At bago pa mainip si Curly Boy sundan na natin siya." Sa pagkakaalala ng dalaga sa binatang nauna nang lumakad lalo at nakatingin sa kanila kahit pa sabihing ilang hakbang lang ang pagitan nila ay napahagikhik siya. Kaso agad-agad ding tinakpan ang bibig dahil ayaw din niyang ma-offend ang mga ito.

Kaso!

Ang hagikhik niya ay nauwi sa halakhakan. Dahil naguyo yata ang tatlo at nakisabay sa kaniya hanggang na napatawa na rin ang nakatingin sa kanilang si Luther. Unang araw nang pagkakaibigan nila pero sa paraan ng pakikipag-usap sa isa't-isa at pagtawa ay parang matagal na silang magkakilala. Kahit sa araw na iyon lang ulit nagkita simula noong may shooting sa LWJ.

SAMANTALA, sa kinaroroonan nina Romano at Boss niyang si Skyler.

"Ano ang balita sa labas, Romano? Aba'y anong petsa na nandito pa rin tayo sa kulungan?" iritableng tanong ni Skyler sa tauhan.

"Ayon sa nasagap kong balita kagabi wala raw sa siyudad ang misteryosong amo natin, Boss. Mukhang pinuntahan ang kaibigan niyang misteryoso rin kaso walang nakakaalam kung saan. Kung si Luther Bartolome naman ang itatanong mo ay pagala-gala na rin sa siyudad at mukhang tama ang hinala mong hindi siya ordinaryong preso," pahayag nito.

"Unang tingin ko pa lang sa kaniya dati ay alam ko nang kagaya lang natin siyang undercover. Kaya't hindi na iyan nakapagtataka. Nalaman mo ba kung saang departamento siya nabibilang?" tanong niyang muli.

"Pasensiya na, Boss. Pero wala akong maisagot diyan. Ang tanong nga bossing ay kung sino ang leader nila kasi sa unit natin ay ikaw. How about him and his colleagues, in what department or organisation do they belongs?" patanong din nitong pahayag.

SA tanong ng tauhan niya ay napaisip din si Sky. Kahit naman ipagkaila nito ang lahat ay hindi uubra sa kaniya. Unang tingin pa lang niya rito ay alam na niyang may nakatagong lihim sa pagkatao nito. At isa pa, parang may bumubulong sa kaniyang dikitan ito. Dahil malaki ang magiging bahagi nito sa kaniyang buhay. But his inner self, tells him that he is just fooling himself. At nasa ganoon siyang pag-iisip nang muling nagwika ang kausap.

"Boss, ano kaya kung lalabas ulit ako mamayang gabi? Malay natin nasa gilid-gilid lang pala ng kalsada ang kasagutan sa mga gumugulo sa isip mo. At isa pa, ayon sa kasama natin sa labas mukhang nagkakaigihan sila ng may-ari sa Herrera Theatre." Pagkukuwento nito.

Marahil nga ay napalalim ang pag-iisip niya pero maliwanag pa naman sa pandinig niya ang mga binitawan nitong salita. Kaso ang kaalamang napapalapit ito sa dalagang Mondragon ay ibang usapan iyon. At dahil dito ay mas tumibay ang kutob niyang may katungkulan sa gobyerno ang lalaking nakasama nila sa loob ng kulungan ng ilang araw. 

"Sige gawin mo ang bagay na iyan Romano at siguraduhin mong may maibabalik kang good news sa akin dito lalo at hindi natin alam kung kailan tayo lalabas dito. Bilinan mo ang ilan sa mga kasama mo na bantayan ang bawat kilos ng dalagang Mondragon. Tell to do it in secrecy lalo't galing sa mayamang pamilya iyon. I'm so much sure that she has a lot of securities. Kaya't siguradong mahigpit ang seguridad nila both sa kajilang tahanan at kumpanya. Ang Curly Boy na iyon ang pinakaimportante sa lahat, Romano. Huwag mong kalimutan iyan," mahaba-haba niyang pahayag. Pero ang mga mata ay nakatanaw sa bintanang kulang na lamang ay mawasak ito.

"Masusunod, Boss. Huwag kang mag-alala dahil tayo pa rin ang magwawagi sa bandang huli. Kung si Curly Boy ang iniisip mo ay babalik din iyon dito lalo  na kung tama ang ating hinala na kagaya lang natin siya," tugon nito.

SA narinig ay agad siyang bumaling dito. Mukhang may nais itong tumbukin. Hindi siya manghuhula pero sa bawat salitang binibitawan nito ay may nakapaloob na mensahe.

"Bakit mo nasabi iyan, Romano? Nakikita mo na ba ang hinaharap? O nanaginip ka sa labas kagabi?" aniya.

"None of the above, Boss. Ngunit may taka akong sagot diyan. Ganito iyon, Boss, kung kagaya natin siya ay babalik siya dito upang ipagpatuloy ang misyon niya. Dito man sa wing na kinabibilangan natin o sa ibang bahagi ng LWJ ay darating siya sigurado ako riyan. Pero kung puro tayo making akala ay kahit maghapon, magdamag tayong dilat pustahan tayo, Boss. Walang Curly Boy na magpapakita dito," pahayag nito.

Tuloy!

Napatitig siya rito. Totoo naman kasi ang tinuran nito. Walang magtitiis sa masikip na lugar na iyon kung walang dahilan. Hindi magtatagal ang sinumang ordinaryong preso sa kulungan lalo na kapag may sala. Wala man sigurong death penalty sa bansa pero sa mga criminals lalo na sa mga murderers ay mga kapwa preso ang papatay. 

"You deserve to be promoted, Romano. Hayaan mo paglabas natin dito ay magiging unit leader ka na rin. Hindi masasayang ang lalim ng pag-iisip mo." Napangiti siya hanggang sa tinapik-tapik ang balikat nito.

"Never, bossing. Hindi kita ipagpapalit sa anumang promosyon. Kagaya nang ipinangako ko noong inampon mo ako ay sa iyo lang ako habang-buhay. Kung sakali mang hindi ako magtatagal dito sa mundo ay gusto kong sa palad mo mamamatay kaysa sa ibang tao. Salamat na lang bossing pero hindi ako interesado roon dahil ang mapagsilbihan ka ay masaya na ako." Agad nitong salungat.

Ano pa nga ba ang aasahan niyang sagot mula rito. Hindi na iyon bago sa kaniya dahil sa tuwing binabanggit niya ang tungkol sa promusyon ay ganoon ang sagot nito. Mahigit sampung taon na rin itong nasa kaniya at napansin na niya ang talento nito noong nagsisimula pa lang siya sa pagiging undercover.

Street fighter ito at doon niya ito nakilala. Napag-alaman niyang wala itong pamilya at nabuhay lang sa kalsada sa mga tira-tirang pagkain. Pinagmasdan niya ito ng ilang araw bago nilapitan, mula noon hanggang sa kasalukuyan, sa hirap man o ginhawa ay kasama niya ito.

"Thank you, Romano. Sige na magpahinga ka na muna para may lakas ka mamayang gabi," ugon na lamang niya. But deep inside of him, he's so lucky to have him as his man. Hindi lang sa talento maaasahan kundi all around.

"Ikaw din, boss," sagot nito saka nahiga sa sariling higaan sa loob ng kanilang selda.

AS the days goes on!

Naging kapansin-pansin ang saya ng dalaga lalo na kapag kasama ang mga bagong kaibigan. Alam ng mga magulang niyang may mga bago siyang kakilala pero lingid sa kanila ang katauhan ng mga ito. Ang hindi niya alam ay lingid din sa kaalaman niya ay kinausap ng secretary niya ang mga magulang niya. Marahil nga ay hindi nakatiis ang mga magulang niya at kinausap siya tungkol dito.

"Hindi sa pakikialam sa personal mong buhay, anak. Pero alam mo naman siguro kung ano ang buhay mayroon ang mga iyon kaya't habang maaga pa ay iwasan mo na sila," ani MaCon.

"Tama ang Mommy mo, anak. Hindi kami namimili ng magiging kaibigan ninyo ng mga kapatid mo. Pero sa pagkakataong ito makikialam kami dahil para rin ito sa kaligtasan mo. Don't take it personally, Hija. It's for yourself." Sang-ayon naman ni Clarence.

Pero umiling-iling lamang si Mariz. Dahil sasalungat siya sa mga magulang sa unang pagkakataon. Alam niya ang pinupunto ng mga ito pero kahit saang anggulo niya tingnan at pag-aralan ay hindi pumapayag ang puso niya sa nais iparating ng mga ito.

"No, Mommy, Daddy. I won't do that because he's here already. I know what you wanted me to realize but I just can't do that and besides I'm secured every time that I'm with them. I'm a sister to them and my instinct never fails me. That man(Luther) feels the same way around." She firmly pointed her heart.

No one can stop her on what she wanted to do. For the first time in her life since she knew the meaning of love, she feel inlove with Curly Boy. And besides, instantly she had a four strong men as his bodyguards who stay with her wherever she wishes to go.

Tampilkan Lebih Banyak
Bab Selanjutnya
Unduh

Bab terbaru

Bab Lainnya

To Readers

Maligayang pagdating sa aming mundo ng katha - Goodnovel. Kung gusto mo ang nobelang ito o ikaw ay isang idealista,nais tuklasin ang isang perpektong mundo, at gusto mo ring maging isang  manunulat ng nobela online upang kumita, maaari kang sumali sa aming pamilya upang magbasa o lumikha ng iba't ibang uri ng mga libro, tulad ng romance novel, epic reading, werewolf novel, fantasy novel, history novel at iba pa. Kung ikaw ay isang mambabasa, ang mga magandang nobela ay maaaring mapili dito. Kung ikaw ay isang may-akda, maaari kang makakuha ng higit na inspirasyon mula sa iba para makalikha ng mas makikinang na mga gawa, at higit pa, ang iyong mga gawa sa aming platform ay mas maraming pansin at makakakuha ng higit na paghanga mula sa mga mambabasa.


Tidak ada komentar
10 Bab
Jelajahi dan baca novel bagus secara gratis
Akses gratis ke berbagai novel bagus di aplikasi GoodNovel. Unduh buku yang kamu suka dan baca di mana saja & kapan saja.
Baca buku gratis di Aplikasi
Pindai kode untuk membaca di Aplikasi
DMCA.com Protection Status