Share

CHAPTER 10 JEALOUS

Inis na hinarap niya ito at wala siyang pakialam kong galit ito.

"Hey! That's my phone! What's wrong with you? Give me my phone!" Pinamaywangan niya ito.

Hindi naman pinapansin ni Reed ang sinabi niya. Nilagay nito sa bulsa ng pants nito ang phone niya at saka mataman siyang tinitigan.

"I told you, we are going to the rocky outcraft! I'm waiting for you for a long hour. Nandito ka lang pala at nakikipag harutan sa phone." Iritableng singhal nito.

"Wow! Are you out of your mind! Ikaw ang wala sa mood diyan. Alangan naman sasama pa ako sayo." Inis na sumbat niya.

Bumuntong hininga ito at tiningnan siya mula ulo hanggang paa.

Bigla naman siyang na conscious dahil sa soot niyang red bikini. Ngunit hindi siya nag pahalata.

"I'm sorry, Baby! C'mon. I want to be with you tonight. I have a surprise for you!" Naging maamo ang mukha nito.

Hindi siya umimik at tinitigan niya lang ito. Kapag kuwa'y bumuntong hininga siya at nagsalita,

"Alam mo nakakainis ka! Ano ang ikinagalit mo sa tanong ko kanina?" Taas kilay na singhal niya.

"Please don't get mad at me. I'm sorry!" Pagsusumamo nito.

"May masama ba sa tanong ko? May mali ba? Kasi natatakot na akong sumugal sayo." Tinalikuran niya ito dahil ayaw niyang makita ang hinanakit na nararamdaman niya.

"Please, Baby, huwag kang mag-isip ng masama sa akin. Wala akong sabit, really." Hinawakan niya ito at pinaharap.

Yumuko si Aliyah at pinunasan ang butil ng luha.

Hindi niya maintindihan ang sarili basta nasasaktan siya.

Bumuntong hininga siya at umiwas ng tingin.

"Get back my phone. May kausap ako . Baka mag-alala iyon."

Nakasimangot pa rin na utos niya.

"No. Ako ang kasama mo kaya dapat mag-focus ka sa akin!" Tanggi nito at hinapit siya sa baywang, "Please huwag ka ng magtampo sa akin," pakiusap nito at naging malamlam ang mga mata.

"Focus? Are you kidding me? Dami mong alam! Tara na nga! Basta ayokong nakikita kang nakasimangot. Natatakot ako sayo, kapag seryoso ang mukha mo!" She pouted at padabog na pumasok sa loob ng kabahayan.

"Who is Darren?" Tanong ni Reed, habang hawak-hawak na ang phone niya . Nilingon niya ito.

"He's my friend. Give me my phone. Baka nag-alala na siya dahil bigla akong nawala." Hinintay n'ya itong makalapit sa kanya.

Nag ring muli ang phone niya, kaya nagkatitigan sila.Tumatawag muli si Darren.

Biglang sumimangot si Reed, at ibinigay ang phone niya.

"Kasasabi ko lang na natatakot ako sayo kapag nag-iiba ang mood mo."

Tinitigan niya ito ng matalim.

"I'm sorry, but I am jealous." Iritang sagot nito na nakapamewang.

"Friend ko nga lang si Darren. He is a good friend of mine."

"Hindi ba siya nanliligaw sayo? I don't believe you, If you say no. Walang lalaking hindi maaakit sa ganda mo." Frustrated na sinulyapan siya nito.

"Tsk. Huwag ka ng magtanong kung hindi ka rin lang naniniwala. Maka-asta ka para kang boyfriend ko. Pwede pa naman siguro ako tumanggap ng manliligaw." Tumalikod siya at sinagot ang tawag ni Darren.

"Hello Darren, I'm sorry kung bigla akong nawala. Huwag kang mag-alala sa akin. I am okay here.

Ingat ka. Bye." Malambing na sabi niya at hindi na hinayaan na makapagsalita pa ito

" Tell me, Is he your suitor?" Tanong nitong muli. Nasa likuran na niya ito at hindi pa rin maipinta ang mukha nito.Magkasalubong ang makapal na kilay nito habang nakapamewang.

" Hindi nga! Bahala ka dyan kung ayaw mong maniwala." Mahinang sagot niya, na napapatawa sa isip.

"Marami ka bang suitors, Aliyah?" Seryosong tanong nito.

"Syempre. Ikaw na rin ang nagsabi na walang makakatangging lalaki sa ganda kong ito," nakangiting pagmamalaki niya at kinindatan pa niya ito.

"Then e-basted mo na sila. Para hindi na umasa." Deritsang sagot nito sa kanya at niyakap sa baywang paharap.

"At bakit?" Pagtataray na tanong niya at tinulak niya ito sa dibdib , dahil nagliliparan na naman ang paro-paro sa tiyan niya dahil sa pagdidikit ng mga balat nila.

"Coz I'm here. Ako lang ang nababagay sayo. I like you so much and I feel jealous, big time right now. Kaya huwag mong ipakita sa akin ang Darren na yan." Pagsusungit nito.

"At sino ka para pagsabihan ako ng ganyan? You are not my boyfriend. Hindi pa nga naging tayo, makaasta ka, wagas na." Tinulak na niya ito ng tuluyan para makawala na siya dahil hindi na siya comfortable sa posisyon nila.

"What is mine. Only mine. I didn't share my property." Matiim siyang tinitigan nito.

Tumikhim si Aliyah dahil sa pamumula ng pisngi niya.

Maka-mine 'to wagas!

"Mine mo mukha mo. Maka- property ka wagas! Kung sakali man na magka-boyfriend ako. Ayoko ng possessive. Ayoko ng maraming bawal." Nakahalukipkip na sinalubong ang tingin nito.

"Then let see, kung sino ang masusunod sa ating dalawa." Inilapit nito ang mukha sa mukha niya.

Akala mo matatakot ako sayo!

Bulong niya sa isip habang naghihintay ng susunod na gagawin nito.

" Hindi mo ako masisindak Mr Reed Sebastian. Baka nakakalimutan mo ang angkan ko ang pinakamakapangyarihan sa lugar namin." Matapang na sagot niya at pilit na nilalabanan ang pagkailang na nararamdaman at hindi mautal sa pagsasalita dahil sa lapit ng kanilang mga mukha.

"At baka nakakalimutan mong sa lahat ng angkan mo, ikaw ang pinaka mahina." Bulong ni Reed habang hinahaplos ang maamo niyang mukha, "Kahit anong gawin mong pag tapang-tapangan, wala sa hilatsa ng kagandahan mo ang galit." Malambing at paos ang boses nito.

Naitulak niya ito palayo, dahil hindi na niya kayang magkunwari pa. Ang bilis ng mokong na makalapit sa kanya.

Nanlalambot na ang tuhod niya dahil sa marahan na paghaplos nito sa mukha niya. Ang lakas ng tibok ng puso niya at hindi niya kayang salubungin ng matagal ang mga titig nito na tumatagos sa kaibuturan ng kanyang puso.

"Whatever Mr Sebastian. Lumalalim na ang gabi. Umalis na tayo." Nagpapadyak na naglakad siya papasok sa kabahayan.

Napahalakhak naman ito sa kanya at mabilis siyang sinundan nito.

"Hey! Change your clothes. Are you going to Rocky Outcraft with your bikini?" Paalala nito.

Napahinto siya sa paglalakad. At na-realize niyang hindi na pala niya soot ang cardigan niya.

Lalong nag-init ang mukha niya dahil sa kahihiyan. At hindi na nilingon pa si Reed na nakatawa sa reaction niya.

"Aliyah, tanga ka talaga kahit kailan!" Singhal niya sa sarili.

"Well, okay lang naman kung ganyan ang isoot mo," Panunukso nito, "Kung alam mo lang kanina pa nagwawala ang buddy ko."

"Pwede ba Reed, tumahimik ka na, baka magbago pa ang isip ko at hindi na ako sumama sayo. Maghintay ka diyan at magpapalit ako ng damit." Inis na sabi niya at pabalibag na sinara ang pinto.

Nakahinga siya ng maluwag nang nasa loob na siya ng silid.

"Bilisan mo, or else ako ang magbibihis sayo diyan. I don't like waiting." Dinig niya na sigaw nito sa labas.

"Haist! Oo na!"

Naghalungkat siya ng damit sa mga binili nito para sa kanya.

Nakita niya ang white polo dress na V-neck ang style. At hapit na hapit sa katawan niya.

Nagmamadali siyang nagbihis at nilugay ang mahaba at kulot na buhok niya.

Tiningnan niya ang sarili sa malaking salamin.

"Magaling din naman pa lang pumili ng damit ang mokong," nakangiting suri niya sa sarili at nagpaikot-ikot siya na parang baliw sa harapan ng salamin.

Nang makontento siya sa ayos ng mukha. Binuksan niya ang pintuanat napa tanga siya nang mapagbuksan si Reed. Nakasoot ito ng white polo at pants na bagay na bagay sa kakisigan nito.

"You look gorgeous, Baby!" Matiim siyang tinitigan.

Nabalik siya sa h'wesyo niya at ngumiti ng matamis.

"You look handsome too. Let's go?" Aya niya at umiwas ng tingin.

Tumango si Reed ngunit bago siya makapaglakad mabilis na kinabig siya sa batok niya at mabilis siyang hinalikan sa labi

"What the!?" Pinalo niya ito sa braso nang bitawan ang labi niya.

"Let's go!" Nakangiting hinila siya nito. Hindi na siya nakaangal pa dahil para siyang lutang at namumula pa ang pisngi niya dahil sa ginawa nitong paghalik sa kanya

"Baliw ka talaga! Lagi ka na lang nanghahalik ng walang paalam." Kinurot niya ito sa tagiliran.

Ngunit hinwakan lang nito ang kamay niya at pinagsalikop ang mga palad nila.

Mga Comments (1)
goodnovel comment avatar
Jocelyn Pioquinto Armario
ay grabe talaga tong si reed hindi pa man sila pero laging nkahalik
Tignan lahat ng Komento

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status