เข้าสู่ระบบNagmadali na akong bumaba sa mahabang grand staircase. Hapong- hapo ako ng nasa baba na ako. Nasaan kaya ang kitchen rito. Napakapayak kasi ng bawat palibot wala man lang kadesenyo- desenyo, kumbaga aesthetic view maliban na lang nga sa mamahaling chandelier. Tanging white wallings at matayog na puting pader. Walang kung anik- anik o furnitures na makikita kaya’t naninibago ako. Hindi kasi katulad sa ancestral home namin sa probinsiya na punong- puno ng mga bagay- bagay na mayroong mga sentimental value. Tulad na lang nga ng lumang piano ng aking abuelo at abuela at mga paintings at photo frames na kuha naming magpamilya. Hindi lang iyon pati mga lumang stuff toys at laruan ko ay naroroon pa rin na nakadisplay sa lumang kahoy na estante na sa tingin ko ay mas matibay pa kaysa sa mga bagong labas ngayon na kagamitan. Sinuyod at inilibot ko aking paninin para hanapin ang kusina. Iba na talaga ang pakiramdam ko. Hindi pa naman ako sanay na nalilipasan ng gutom dahil inaatake ako ng
Ako naman ay natuod na lang sa pagtunghay kay Hansel na sinasagot ang telepono. Hindi man lang ito tumalikod at lumayo sa akin mas minauge pa nitong makipagtitigan rin sa akin habang kinakausap ang nasa kabilang linya. “Alright, I will be there right away, don’t do stupid move, wait for me!,” may diin at dominante nitong tugon sa kausap at agad na ring ibinaba ang tawag at ibinalik sa bulsa ang telepono. Makailang katahimikan ang bumalot sa pagitan namin at si Hansel ang bumasag nun. Tumikhim ito ng malalim bago nagsalita muli. “I hate to leave you at this moment Leana but I had to… some emergency came up and I had to attend to this immediately. So, feel free to do what you want here, okay?,” pahayag pa nito na hahakbang na sana palabas ng silid ngunit pinigilan ko ito. “Wait… iiwan mo ako dito mag-isa? Are you out of your mind? Baka anong mangyari sa akin dito… hindi ba puwede akong sumama!,” untag ko pa. “No… you can’t!!! You better stay here at isa pa sabi mo pa nga gusto
Tuloy hindi ko mapigilang mapagmasdan ang kanyang matambok na pang-upo na bawat hakbang paakyat ay tila gumegiwang- giwang. He looks so yummy and sexy in his own pace. Kinastigo ko ang aking maharot na isipan. Kaya’t agad ako nagbaba ng tingin sa aking mga paa na ngayon ko lang na napagtanto na nakayapak lang pala ako. Haist… bakit ba talaga nawawala ako sa aking sarili at nakakalimutan ang mga bagay- bagay kapag napapalapit ako kay Hansel? Pagkarating namin sa taas ay ilang hakbang ang ginawa ni Hansel at huminto ito sa katapat na pinto. Maige nitong niluwagan ang pagbukas ng pinto at isang malawak na silid ang tumambad sa akin. Pinauna nito akong papasukin sa loob at sumunod siya sa akin sa loob .Agad nitong inilock ang pinto sa likod niya. Kinabahan naman ako sa kaisipang kami lang dalawa sa loob ng silid at baka ano naman ang gagawin nito sa akin. Hindi pa rin kasi ako nakakapag- adjust sa bagong sitwasyon ko ngayon at sa tingin ko ay hindi talaga mangyayari iyon. “Hmp… c’
Buti na lang ay nakapiring ang aking mga mata kung kaya’t hindi niya makikita ang tunay kong nararamdam. Sabi kasi nila ang mga mata raw ang salamin ng ating totoong damdamin. Pero hindi ko mapipigilan ang malakas na pagtahip ng aking puso. Bahala na nga kung maririnig niya! It is inevitable and I can’t suppress my heart to beat faster. Hindi ko alam kung pag-ibig na ba ito o sadya lang na nabibighani ako sa pinapakita niyang affection at sweetness sa akin. “It is normal wifey! My heart also leap for joy to be closer with you like this!,” parang nahulaan niya ang laman ng utak ko habang naglalakad ito na pasan- pasan ako. Tumigil siya sa paglalakad at parang may pinasukan na pinto. Nakaramdam ako ng bagong temperatura. Hindi na malakas ang bugso ng hangin. Tila nasa loob na kami ng bahay pero hindi ko naman naramdaman ang pagbaba ni Hansel ng hagdan. Maya-maya ay tila nakaramdam ako na para kaming umuuga na tila sakay kami ng elevator. Tama nga ang hula ko dahil hindi rin nagta
“Oo nga, akala ko kasi foam… sorry ah!!,” tatawa kong bungat ko sa kanya as if naman magaling akong komedyante pero sige na nga baka bumenta pa sa kanya. “You can lay your head on my chest any time you want if that is want you want Leana,” sumeryoso ito at inayos ang mga takas kong buhok sa aking taenga. “Well, thanks… puwede na ba tayong bumaba gusto ko na ring makapagpahinga ng maayos!,” ako na mismo ang nag-iba ng usapan. “As you wish… pero, don’t tell me pagod ka pa rin hindi naman kita pinagod kagabi!,” his teasing voice sent quivering chills in my spine but I tried to suppress it, not this time. “Of course not sadyang hindi lang ako sanay gumala at maglakad- lakad tulad ng ginawa natin kahapon!,” dahilan ko pa. “Whatever Leana, all I thought you are an adventurous woman, loves getaways and free-spirited!,” pahayag pa nito. “Puwes mali iyong naresearch mo tungkol sa akin!,” ganti ko sabay tayo upang humakbang na pababa ng private jet. “It does not matter anymore, wi
“Let’s go!,” wika pa ni Hansel na nakaabang na pala sa labas ng pinto. Humalukipkip ito at tiningnan ako mula ulo hanggang paa. Ang mga mata nito ay mapanuri at patango- tango na tila aprubado at nagustuhan niya ang suot ko. “Hmp… can you change your jeans it is too fitting and your boobs are really expose with that blouse!,” reklamo pa nito na ikinainis ko akala ko pa naman ay nagustuhan niya. “Hay naku! Malay ko bang hapit na hapit sa akin ang mga ito, ikaw naman kasi ang naglagay ng mga ito sa loob alangan namang hindi ko suotin eh, hindi ko alam kung saan mo nilagay ang mga damit ko kahapon,” supalpal ko sa kanya. “Ah… I don’t like it. It is too sexy and daring, mabuti pa siguro patungan mo na lang nito,” nabigla ako ng may nakuha itong telang binalabal sa akin. “Ano ito? Haist… kainis ka ang init init gusto mong balutin ko ang sarili ko nitong tela, hindi ka na sana nag- abala pang bilhan ako ng mamahaling jeans at blouse kung hindi mo gustong makita ng iba ang hubog n







