RAMIRONahawakan ko ang leeg niya ng mahigpit na akmang sasakalin siya ngunit binali ko na kaagad ang buto niya. Bigla namang may sumugod mula sa likuran ko, kaagad kong kinuha ang patalim ng patay kong kalaban at saka itinarak sa kakampi niyang nasa likod ko, tinamaan ito sa binti at saka bumagsak sa sahig, hindi pa ako nakuntento at inapakan ko pa ang binti niya at napasigaw siya sa sakit. Nakakita ako ng upuan kung kaya’t inihagis ko iyon sa mga natitirang kalaban ngunit narinig ko bigla si Nico. “Boss, salo!” sigaw niya na ibinato sa akin ang isang samurai. Anak ng teteng talaga ‘to si Nico, akala ko naman granada o baril ang ibabato, samurai pala, alright. This would be fun! Natanggal mula sa takip ang samurai habang pabulusok sa ere at lumitaw ang patalim non at nakuha ko naman at iniharap sa aking mga kalaban. Pumorma na ako at hinawakan ito ng mahigpit. Isa-isa ko silang pinuruhan, ang iba ay hiwa ang natamo habang ang iba naman ay naputol ang iba’t ibang parte ng katawan
ELEIZHABumalik na nga ang lakas ko kung kaya’t bumaba na ako ngunit ang naabutan ko lang doon ay si Cheat na ngayon ay nanunuod lang ng T.V“Ma’am Eleizha, gising ka na pala, kamusta ang pakiramdam mo? Ayos ka na ba?” tanong niya sa akin.“Oo, ayos na,” Napangiti naman siya sa akin at saka iginiya ako sa sala upang manuod kaming dalawa ngunit nag aalala ako kay Ramiro. Siguro ngayon ay nasa Fortez Mansion na sila. Maya maya naman ay may kumatok, kaagad na tumayo si Cheat.“Sandali lang Ma’am Eleizha, ako na ang magbubukas,” saad ni Cheat at saka kinuha ang hawak niyang malaking baril. Naalarma naman ako at natakot dahil wala naman kaming inaasahang bisita ngunit iniluwa ng pinto ang daddy ko na ngayon ay nakasuot ng shades at may hawak na baston. “Daddy?” saad ko ngunit napatayo at napatakbo na ako at sinalubong ng yakap si daddy.“Daddy! Takot na takot ako! Ang buong akala ko ay patay ka na!” saad ko na humagulgol ng iyak sa kanya. “Wag ka ng mag alala Anak, hindi na tayo magka
RAMIRO“Boss, pinapatanong ni Boss Aarav kung handa ka na daw ba,” saad ni Nico na kumatok sa pinto. “Kamo, naghahanda na,” sigaw ko kay Nico upang marinig niya. “Ano iyon? Anong binabalak niyo?!” naalarmang tanong ni Eleizha.“This is what we’ve actually waiting for Eleizha, we’re going to hunt Warren down,”“Ano?”“Wag kang mag alala, your dad, me and Aarav are a team,” “Ano? Pero paano?” “I’ll explain everything to you when I get back, I’ll put an end to it once and for all,” “Mag iingat ka, don’t die please,” puno ng pag aalalang saad niya.“Baby, I’m Ramiro Castillejo, one of the best assassins of the Black Underground Organization. I won’t die easily,” saad ko sa kanya at saka ginawaran siya ng masuyong halik sa labi.“Alam mo, ikaw, napakayabang mo talaga kahit kailan ka,” saad niya, natawa naman ako. “Aanakan pa kita ng isang dosena, kaya hindi pa ako pwedeng mamatay,” saad ko sa kanya na tatawa tawa. “Hayop ka! Sige na, umalis ka na, turuan mo ng leksyon ang Warren na
RAMIRONang matapos akong maligo ay naisipan kong tawagan si Don Octavio. Nag ring ito at sumagot kaagad.“Don Octavio, si Ramiro ho ito, there's something you need to explain to me,”“I know and I'm expecting it sooner but you only did it just now,” “Listen, I had a girl before, her name is Elise Gonzales, pero nung nakita ko si Eleizha sa unang pagkakataon ay kamukhang kamukha niya si Elise. Hinukay ko rin ang puntod ni Elise at walang laman iyon,” paliwanag ko kay Don Octavio. “Iyon ay dahil si Elise at Eleizha ay iisa. You see, I’m a strict father so she hides her true identity to you just to be with you. You met my daughter when she was only eighteen and I can't blame her, you're a decent man kaya inutusan ko ang mga tauhan ko na i background check ka at nalaman kong isa ka sa mga assassin ng Black Underground Organization kaya natakot ako para sa anak ko,” “Damn it, I swore, I also hid my identity from her. Ang pakilala ko sa kanya businessman ako eh, ayokong ngang sabihin na
RAMIRONapakasayang libangan non para sa katulad kong nagbakasyon lamang pansamantala ngunit hindi ko akalain na siya ang magiging buong buhay ko sa sandaling pagkakataon na iyon. Nang matapos ang bakasyon ko ay doon na nagkanda letse letse ang lahat. Minamanmanan pala ako ng organization sa buong bakasyon ko nang hindi ko man lang nalalaman.Sapilitan nila akong ibinalik sa organization at napahamak pa si Elise. *Flashback* “Mag tanan na lang tayo Ramiro, sige na please, gusto kong sumama sayo,” “Elise hindi pwede ang gusto mo, you’re eighteen, magagalit ang mga magulang mo sa akin,” “Pero… ayokong malayo sayo Ramiro, isama mo na lang ako please,” “Masyadong mapanganib ang lugar na pupuntahan ko Elise, alam mo na ang trabaho ko diba?” “Mag iingat naman ako eh, sige na,” “Hindi pwede, umuwi ka na, papunta na sila dito ngayon,”“Kung mahal mo ko isasama mo ako, hindi mo ako iiwan dito mag isa,”“Elise naman, wag mo akong pahirapan, pinoprotektahan lang kita. Babalik ako, pangak
RAMIRONang magising si Cheat ay kaagad kaming nag usap.“Ikaw ang ama ng batang dinadala ni Ma’am Eleizha Ramiro, hindi si Warren,” saad ni Cheat na diretso ang tingin sa akin. Naikuyom ko naman ang palad ko. “Noong paalis kayo ni Don Octavio, inutusan niya ako na bumili ng pregnancy test, sinamahan ko siya non at nang makita namin na positive yung result ay sinabihan niya ako na i-sikreto na lang muna namin iyon. Pinagbawalan niya akong sabihin sa kahit sino dahil alam niyang hindi ka aalis at sasama kay Don Octavio pag nalaman mong buntis siya,” paliwanag ni Cheat.Naihilamos ko ang mga palad ko sa mukha ko dahil naisahan na naman ako ni Eleizha. Balak niya pala talagang itago sa akin iyon dahil sa business trip namin ni Don Octavio.“Alam kong masama ang loob mo kay Ma’am Eleizha dahil nagpakasal siya kay Warren pero hindi niya kasalanan iyon dahil naaksidente siya at nawalan ng alaala kaya nakikiusap ako sayo Ramiro, wag ka ng magalit sa kanya,” “Marami kaming dapat pag usapan