WARNING: THIS STORY MAY CONTAIN SEXUAL AND STEAMY ACTIONS, FRAUDULENT AND CRIMINAL ACTS, FOUL WORDS AND OTHER ILLEGAL DOINGS. VIEWER DISCRETION IS ADVISED. Dahil sa isang engkwentrong naganap sa kanilang delikadong misyon ay nabulag si Ramiro Castillejo at siya’y inalis sa Black Underground Organization. He worked alone, he became an outcast. Sa kanyang galing sa pagiging assassin ay nabansagan siyang “The Blind Hitman” ng mga taong nakakakilala sa kanya ngunit meron siyang isang napakalaking problema, iyon ay ang organization na binalikan siya at ngayon ay nakikita siya bilang isang kaaway at isang malaking banta na dapat ng patahimikin at iligpit. Dahil sa pagbabanta ng organization sa kanyang buhay ay natagpuan niya ang sarili sa isa sa mga malalaki at maiimpluwensyang crime family sa Pilipinas, iyon ay ang Casa Clemente at ang tumatayong Don ay ang matalik niyang kaibigan na si Aarav Clemente. Pinangakuan siya nito ang kayamanan at proteksyon sa isang kundisyon, iyon ay ang patayin ang kalabang crime family ng mga Clemente, ang mga Fortez at ang main target nito si Don Octavio Fortez. Handa na sana siyang patayin ito at gawin ang pinapatrabaho ni Aarav ngunit isang babae ang sisira ng mga plano niya. Si Eleizha Fortez na nag iisang anak ni Don Octavio. Eleizha is smart, fun, sweet and a cheerful lady at hindi niya akalaing anak ito ng mafia boss dahil mabait ito at mapagmahal. Nagustuhan at tinanggap siya ni Eleizha sa kabila ng kanyang kapansanan at ngayon lamang siya nakaramdam ng ganon sa tanang buhay niya. Magawa niya pa kayang patayin ang tatay nito kung may espesyal na puwang na sa puso niya ang dalaga?
view moreAko si Ramiro Castillejo A.K.A “The Blind Hitman” ‘yan ang bansag nila sa akin dahil sa aking kakayahan.
Dati akong nagse serbisyo sa Black Underground kasama ang mga magagaling na mga assassins. We were breathing the same blood air, the same adrenaline and the same dangerous paths ngunit nag iba ang mundo ko simula ng mabulag ako sa isang engkwentro na siyang nagpabago ng buhay ko. I was expelled or should I say… thrown out on the Black Underground Organization ngunit hindi ko sila masisisi dahil bulag na ako. Sino ba namang tatanggap pa sa isang bulag na kagaya ko para sa mga delikadong misyon? Your five senses are the most important part of your body ngunit sinong mag aakala na kung kailan ako naging kulang ay saka ko pa nabuksan ang aking sixth sense? Iyon ay ang lakas ng aking pandama na siyang sandata ko ngayon. I am working alone now. I became a hitman with no hideout. An outcast ngunit wala akong pinagsisisihan. Ito lang ang trabahong kaya kong gawin kaya hanggat kaya ko ay gagawin ko ang lahat para maka survive lang. Ngayon ay nasa bahay ako. It was an abandoned old Mansion. Well literally, not abandoned because I’m living here. Ipinamana ito sa akin ng mga magulang ko ngunit nang mawala sila ay kasabay non nawala ang mga kayamanan, pera, alahas at iba pang mga ari-arian namin. I was a prince in an old poor castle. They say someone stole it cleverly, ngunit wala ni isa sa mga tauhan namin ang makakapagsabi kung sino ang gumawa sa amin ng karumal dumal na krimen na iyon. kaya natuto akong mag isa sa madilim, marahas at delikadong paraan– ang kumitil ng buhay ng walang pag aalinlangan. My first crime was when I was sixteen years old. Nang malaman ko kung sino ang pumatay sa aking mga magulang. I put a gun on someone’s head and pulled the trigger and that was my uncle, who brutally murdered my mother and father. Naipaghiganti ko sila ngunit hindi nawala ang sakit at hirap at nananatili iyon sa puso ko hanggang ngayon and that was the time that the Black Underground adopted me. They trained me. Lahat ng alam ko at natutunan ko ay utang na loob ko sa kanila, simula sa paghawak ng mga armadong baril, mga pag iinstall ng security systems, pagha-hack ng mga computers at maging ang mga pagsabak ko sa mga delikadong misyon, lahat ng iyon ay dahil sa tulong nila. I became a skilled murder machine. An ace assassin of the organization. Hindi ko alam kung nabaliw ba ako o talagang nauntog ang ulo ko ng malakas at bigla ko na lang nagustuhan maging assassin. It may be someone’s father or someone’s mother, someone’s brother but I don't care, ang mahalaga ay ang kapalit ng bawat buhay na kukunin ko. ~On a dark desert highway, cool wind in my hair Warm smell of colitas, rising up through the air~ Biglang tumugtog ang kantang Hotel California sa radyo na pinapakinggan ko habang naliligo ako kung kaya’t sinabayan ko ito ng pagkanta. “And I was thinking to myself, 'This could be Heaven or this could be Hell'” Relax na relax ako habang naghihilod at kumakanta, nakabukas ang shower at malamig ang tubig na inilalabas nito. “Welcome to the Hotel California, whoo! Such a lovely place (Such a lovely place)” Feel na feel ko ang kanta ng bigla na lang nawalan ng kuryente. “Putang ina!” singhal ko na nainis. Naalala ko bigla na hindi pa pala ako nagbabayad ng kuryente ngunit maya maya ay sunod sunod na putok ng baril ang narinig ko sa buong kabahayan kung kaya’t napayuko ako at kinapa ang patayan ng tubig sa shower. Nakakabahala ang katahimikan pagkatapos non. Kaagad kong kinuha ang towel ko at itinali iyon sa aking bewang at saka mabilis na kinapa ang baril ko. “Ramiro Castillejo! lumabas ka dyan!” Nakilala ko kung sino ang may ari ng boses at iyon ay si Iñigo. “Tang ina mong ulupong ka! pupunta ka lang dito sa bahay ko maninira ka pa ng gamit!” singhal ko sa kanya. “Hindi ka pa rin nagbabago, gago!” singhal naman ng kasama nito na si Tyrone na naroon din pala. Sila ay mga assassin din sa Black Underground Organization at hanggang ngayon ay naroon pa rin. “Mga putang ina ninyo!” sigaw ko at narinig ko ang pagsipa ng mga paa nila sa pinto upang bumukas iyon. “Sumama ka sa amin ngayon din, may trabaho ako para sayo, Ramiro,” saad ni Iñigo “Trabaho? tss, hindi niyo ba nakikita, naliligo ako?! mga istorbo kayo!” singhal ko sa kanila at saka tumalikod. “Ramiro, alam kong nagdaramdam ka pa rin hanggang ngayon dahil tinanggal ka sa serbisyo,” saad ni Tyrone. “Tyrone, bakit naman ako magdaramdam? mas maganda nga ang ganito eh, maluwag na ako, hawak ko na ang oras ko, malaya akong gawin kung anong gusto ko,” “Tss, pwede ba Ramiro, kilala ka namin, iniyakan mo nga yan eh,” saad naman ni Inigo. “Gago ka ba?! hindi naman ako umiyak dahil tinanggal ako sa organization eh, umiyak ako dahil nabulag ako,” paliwanag ko sa kanila. “Come on, they are harsh when it comes to decision making but please, understand that they need to do that,” “I know,” saad ko habang nagbibihis na, nasanay na rin naman ako kahit na hindi ko nakikita ang mga damit na sinusuot ko. “Alright, game time, naaalala mo pa ba yung huling misyon mo bago ka umalis?” tanong ni Tryone. “Uhm,” saad ko na napakamot ng ulo at pilit iniisip kung ano nga ba yung huling ginawa ko bago ako umalis sa org. “The documents… you give it to Lieutenant Mantala, right?” saad ni Inigo. “Ahh, oo naaalala ko na, yung mga documents, na kay Dove, bakit? ano na naman ang kailangan nila this time?” tanong ko. “We need to get it, Ramiro,” saad ni Tyrone. Natawa ako ng bahagya, “Well, goodluck with that, alam niyo naman si Lieutenant Mantala, buti kung ibibigay niya sa akin,” saad ko na nananantiya habang nakangisi. “That’s why we need you, Ramiro, you are one of Dove’s closest friend, imposibleng hindi ka niya aaregluhin,” saad ni Inigo ngunit nagulat ako ng bigla kong naramdaman na tinakluban nila ako ng tela sa ulo at saka dinakip. “Fuck! ano ba?! bitiwan niyo ako!” singhal ko na pilit nagpupumiglas. “Wala kaming tiwala sayo, Ramiro at alam naming hindi ka sasama samin kaya ginawa namin ‘to!” singhal naman ni Inigo. “Ingay mo pre!” singhal ni Iñigo. “Pakawalan niyo ako dito, hoy! mga putang ina niyo pag ako nakawala dito, babasagin ko yang bungo niyo pareho! pakawalan niyo ko dito!” singhal ko ngunit tinakpan nila ang ilong ko ng kung ano dahilan upang mawalan ako ng malay.RAMIROIt was an ordinary day that day. Pumasok sa eskwelahan ang mga bata habang ako naman ay pumasok din sa opisina. Si Eleizha naman ay nagpaalam na mag go grocery lang daw. Walang naiwan sa Mansyon ngunit hindi pa rin ako kampante matapos ang natanggap kong tawag mula kay Nico. Ang sabi ko ay magkita kami dito sa opisina pagkatapos ng trabaho ko dahil marami akong aasikasuhin. “Wendy?” tawag ko sa secretary ko, kaagad naman itong lumapit. “Amin na yung mga project proposals, pipirmahan ko na lahat para mai-go na natin,” saad ko sa kanya at kaagad niya namang kinuha iyon. “Ito na po sir, yung ngayong month,” saad nito at ibinigay iyon sa akin. “Pakitawag na rin si Devon,” utos ko, si Devon ay sa mga malapit sa akin na investor at consultant ko. Nang makapasok si Devon sa opisina ko ay hinatak ko pababa ang mga blinds. “Mukhang seryoso pag uusapan natin ah,” saad pa nito. “Uhm oo, listen, uhm, kapag one week na tapos hindi pa rin ako pumapasok Sabihin mo sa lahat na nag vaca
RAMIRO“Come on boy, he’s the one who killed your father, pull the trigger,” saad sa akin ni Master Chi habang hawak ang kamay ko gamit ang isang baril. Tandang tanda ko pa kung paano magmakaawa ito para sa buhay niya ng mga oras na iyon. “Ramiro, wag! Wag mong papakinggan ang bawat sabihin nila, mga mamamatay tao ang mga yan!” “Avenge your father, boy, sumisigaw ng hustisya ang dugo ng iyong ama. Wag mong hayaang makalusot pa ang walang hiyang ‘to. There are no second chances,” saad ni Master Chi. “Ramiro, nakikiusap ako sayo,” saad naman ng aking tiyuhin. Hawak hawak siya ng ilang mga tauhan ni Master Chi, pinaluhod nila ito sa harapan ko habang duguan ang mukha. “Pull the trigger,” utos ni Master Chi. Naguguluhan ang isip ko ng mga oras na iyon. Ayokong patayin ang tiyuhin ko ngunit sa sama ng loob ko dahil sa pagkamatay ng aking ama ay gusto kong sundin si Master Chi at kalabitin ang gatilyo. Maya maya ay nararamdaman ko ng inaalalayan ni Master Chi ang daliri ko upang kal
RAMIRO5 YEARS LATER…Nagsilang si Eleizha ng isang malusog na batang lalaki at pinangalanan namin siyang Ram Elizalde, para sunod sa pangalan naming dalawa. Nanirahan kami sa Castillejo Mansion at lumaki si Ram na puno ng pagmamahal at pangaral.Nagawa kong ibangon muli ang kumpanya ng aking ama at ako na ngayon ang nagpapatakbo nito at dahil na rin sa tulong ni Don Octavio ay nakapag aral ako at nakapagtayo ng isa pang modular company; Ang RMDC Modular Lab. kung saan kumokontrata kami ng mga projects katulad ng kitchen renovations, countertops, loft type bed, cabinets, TV Console, wardrobe, hotel media console, kiosk in shops, study and office tables at marami pang iba. Naghire din ako ng mga skilled workers upang may mas matutunan pa ako sa kanila sa paggawa ng modular.Ngayon ay nasa kumpanya ako at nakaupo habang nagka kape. Bigla namang lumapit ang aking anak na si Ram na sumampa at umupo sa hita ko. “Daddy, I have a question,” saad ni Ram.“Yes?”“Daddy, did God create evil?”
RAMIRO“It’s up to you if you will pull the trigger now or kiss me, handa akong mamatay para sayo Siobeh,” saad ni Aarav ngunit tumulo na ang dugo mula sa kanyang bibig. “No, you can’t die, I’m pregnant,” saad ni Siobeh at saka walang kagatol gatol na hinalikan si Aarav at hindi na nakatiis ngunit pagkatapos ng halik na iyon ay bumagsak ang katawan nito kay Siobeh. “No! no! no! Aarav!” saad ni Siobeh na nagpapanic habang inaalalayan ang katawan ni Aarav dahil wala ng malay ito. “Halika na! I know a place where he can be cured!” saad ko na kaagad na tinulungan si Siobeh na buhatin si Aarav, tumulong na rin si Nico at isinakay namin si Aarav sa kotse. Nagmadaling magmaneho si Nico at pumunta kami sa clinic ni Gaia.“Anong nangyari sa kanya?” tanong ni Gaia.“He lost his empire to a mafia heiress,” saad ko naman at napailing na lang si Gaia. Kaagad naming dinala si Aarav sa emergency room at doon ay ginamot siya ni Gaia. Habang ginagamot siya ay panay ang pagsisisi ni Siobeh sa nang
RAMIRONang makalapag kami ay naghanda na kami ni Nico ngunit napag alaman ko na pinadala din pala ni Eleizha ang mga bodyguard niyang si Diamond at Cheat kung kaya’t sabay sabay na kaming pumasok sa loob at saka inatake ang lahat ng humaharang sa amin papasok ng shopping centre. Nang makapasok kami sa pinakaloob ay nakarinig kami ng mga putok ng baril kung kaya’t nagtago kami sa mga pader habang hawak ang mga baril namin. “Boss, dito tayo!” saad ni Diamond na itinuro sa akin ang daan. “Kabisado ko dito, alam ko rin ang mga pasikot sikot,” saad naman ni Nico.“Okay, you lead the way,” saad naman ni Cheat.Paano ba namang hindi niya makakabisado ang lugar na ito? eh nagtrabaho siya dito. Dumaan kami sa likod kung saan iyon ay secret passage papunta sa private office ni Aarav ngunit ang gago, wala doon! nasaan na kaya iyon?! Kaagad kong tinawagan si Aarav. “Hoy, Ulupong nasaan ka?! sumagot ka!” “Dito na sa parking lot, bilisan niyo, putang ina! hindi ko sila kayang ubusin!” saad
RAMIRONgayon ay nasa front deck na kami ni Eleizha at kami na lamang dalawa ang naroon. Tahimik na rin ang mga bisita at ang iba naman ay mga lasing na kung kaya't nagsitulog na. “Are you happy now, Hon?” tanong ko kay Eleizha na niyakap siya mula sa likod. “Alam mo hindi nangyari yung perfect wedding na gusto ko eh pero binigyan ako ni Lord ng wedding na sobrang worth it at sobrang unforgettable,” saad niya na ngumiti at lumingon sa akin. “Aba, kung hindi ikaw ang pakakasalan ko hindi ako magtitiis na magpakabasa doon, ganyan kita ka-mahal kahit na topakin ka,” saad ko na inilagay sa kanya ang suot kong baseball cap dahil mahamog na sa labas at balabal lang ang suot niya at maxi dress. “Bahala ka ngayon dyan, ako na si Mrs. Eleizha Fortez-Castillejo, kaya tiisin mo talaga ang topak ko dahil asawa mo na ako,” “Eh ano pa nga ba? Pero seryoso, salamat sa hindi pag iwan sa akin simula noon hanggang ngayon, hindi mo ako iniwan kahit na nabulag ako, tinanggap mo pa rin ako, hanggang
Maligayang pagdating sa aming mundo ng katha - Goodnovel. Kung gusto mo ang nobelang ito o ikaw ay isang idealista,nais tuklasin ang isang perpektong mundo, at gusto mo ring maging isang manunulat ng nobela online upang kumita, maaari kang sumali sa aming pamilya upang magbasa o lumikha ng iba't ibang uri ng mga libro, tulad ng romance novel, epic reading, werewolf novel, fantasy novel, history novel at iba pa. Kung ikaw ay isang mambabasa, ang mga magandang nobela ay maaaring mapili dito. Kung ikaw ay isang may-akda, maaari kang makakuha ng higit na inspirasyon mula sa iba para makalikha ng mas makikinang na mga gawa, at higit pa, ang iyong mga gawa sa aming platform ay mas maraming pansin at makakakuha ng higit na paghanga mula sa mga mambabasa.
Mga Comments