Share

Chapter 2

Nemesis's Point of View

" Hoy Nemesis! Bumangon kana jan! Aba hindi kita pinag aral para maging prinsesa ka. Hindi kita pinatuloy dito para lang magtamad tamaran ka."

Napapiksi ako mula sa bangungot ko na ewan kung saan ang mas bangungot, itong buhay ba o yung kabilang buhay.

Fuck, umaga nanaman.

Puro kalungkutan lagi ang panaginip ko. Wala nang pinagbago. Ganun din sa realidad

As usual I slept horribly and woke up horribly as well.

Bumangon na ako at lumabas sa kwarto. Tinignan ko ang bintana at napagtanto na hindi pa sumisikat ang araw.

" Gumising kana jan. May lakad kami. "

Napabuntong hininga nalang ako at bumangon dahil hindi naman ako maka imik ng tama. Nagsaing lang ako at nagluto ng kung anong pwedeng lutuin. Maya maya pa kasi ay kakain na ang mga amo ko. Amo my ass.

Nagtimpla lang ako ng kape. Ayos na sakin to kada umaga. Hindi naman ako kasali sa budget ng pagkain. Baka makita ako sa CCTV camera kapag tumikim ako ng pagkain nila. Automatic ang CCTV dito kasi may mga paa. Sa totoo lang sinisikmura ko nalang ang pag uugali nila dito.

Kung itatanong nyo ulit kung sino tong mga hukluban na to. Oo pamilya ko sila. Sila yung mga pulubing naiwan ng amain ko na nayumao na. Am I Cinderella?

Probably, but Cinderella is gorgeous and I am not.

Nang masiguro kong ayos na ang agahan nila ay nagtungo na ako sa silid ko sa labas para magready na sa school.

Bago ako lumabas ng gate ay pinakain ko muna ang aso nilang si Daisy. Ang Siberian Husky na hindi maingay at ang Saint Bernard na kakagising lang. Minsan mas aso pa ang ugali ng mga hukluban kaysa dito.

" Good morning." Bati ko sa mga aso.

Naglambing lang ng konti yung mga aso bago nila kinain yung dog food nila at gatas.

Naglakad lang ako patungo sa eskwelahan. After ilang minutes ay finally nakarating na rin ako ng skwelahan.

Ang Ebrahym Academy. Private School. Yeah nasa private ako dahil ipinasa ko ang scholarship. Too bad wala akong kaibigan but I don't mind at all as long as my grades are highly maintained.

As a 3rd year college, the adversity I'm facing is as heavy as the Cold Rock down the hill.

Gate palang alam ko nang hindi ako welcome eh. Paano ba naman pinagtitinginan kaagad ako ng mga matatalim na mata. Strange sight ako para sa kanila. A peculiar, weird and different kind of a person. Almost like a monster. Being bullied ng iilan but I dont seemed to care. No friends at my case. Alone in an empty world.

Pumasok na ako ng room namin which is ang HM 302. Wala pa ang teacher. Naupo nalang ako sa dulong upuan doon sa malapit sa bintana para kahit paano ay malayo ako sa mapanghusga nilang mga mata.

" My, is that Nemesis? She looks even more shameless than yesterday. Don't you think? May pa himatay effect pa para mapansin ng Student Body President." parinig ng kaklase ko na di ko kilala

" Her name doesn't fit in her whole being. Just look at her.Ang uniform nya hindi pa nadadaanan siguro ng flat iron." di ko din kilala bahala kayo

Sinalpakan ko nalang ng headset ang tenga ko.

Look Im not pretty. Im not sexy. Actually im super ugly and fat. Kilo ko?? Mga 110kg lang naman. 40 inches naman yung balakang ko at height ko 172 cm.

" Guys nandyan na si maam. Tigilan nyo na yan. Hindi naman kayo inaano nung tao." sabi ng class president. Buti pa to.

Pagkarinig ko nun ay agad kong tinago ang mp3 ko sa bag.

Pagkaharap na pagkaharap palang ni maam sa amin ay may bungad na agad.

" Good morn- Oh my gosh Nemesis bakit gulo gulo pa ang buhok mo. Kusot pa ang uniform mo . You are utterly unfit to be in this class lalo na at Hospitality Management ang kurso mo. Go and fix yourself young lady." sabi ni Maam.

Bumuntong hininga nalang ako at kinuha ang bag ko at lumabas.

Paglabas ko palang umaapaw na ang tawanan sa loob.

" Nemesis ang pangalan pero tignan mo naman." sabi ng lalake kong kaklase

" Buti nalang di ko sya kaibigan. Kakahiya sya!"

" HAHAHHAHAHAHAAH"

Sanay na ako. Sanay na akong masaktan. Habang tumatagal nagiging manhid na din ako. Di na ako nakakaramdam eh.

Hindi na ako nagpatuloy sa Office. Akyat bakod nalang ako at dumiretso sa lugar kung saan ako nababagay.

Bumili muna ako ng C2 at Pic-A sa 7-eleven na nadaanan ko. As usual pinagtitinginan ako. Humahagikhik pa yung cashier.

Umuwi muna ako sa bahay para magpalit ng damit. As expected wala na ang mga so called amo ko dito.

Bakit ko pa kasi naisipang mag- aral. Matalino naman na ako. Pero pagtyatyagaan ko ang Impyernong to at ang eskwelahan na yo. dahil alam kong makakatipid ako dahil sa scholarship ko.

Nagtungo nalang ako sa isang makitid na eskinita. I don't know kung makitid nga ba o malaki lang talaga ako dahil nasa pagitan sya ng dalawang commercial building eh. May madadaanan pa akong kakahuyan. Nasa likod na ako ng building. Sa di kalayuan ay tanaw ko na ang lumang Gazebo sa ilalim ng burol. Parang sinadya yata yun para sakin. I don't know lang dahil tuwing malungkot ako ay dito ako dinadala ng paa ko.

Mga Maglilimang oras din naman ako dun bago ko lisanin ang Gazebo. Sheesh alas dos na pala ng hapon. Yung MP3 kasi pinatulog ako.

Paalis na sana ako ng may matanaw ako sa malayo. I don't know pero lalaki yata at may bitbit syang chichirya na kulay black ang packaging.

Wala nagderetso nalang ako. Mukhang dito din ang punta nya.

Nang papalapit na sya sakin ay narecognize ko kaagad ang mukha nya. Fuck, eto yung Team Captain ng Varsity at sya din yung Student Council President at dinig ko sya din yung nagdala sakin sa clinic the other day. Holy ghost, nakakahiya.

Lalagpasan ko lang sana sya kaso nagsalita pa.

" Di ba ikaw si Nemesis Lopez?" tanong nya sakin

Sa paanong paraan nya nalaman yung pangalan ko?

" How did you know my name mister? Di tayo magkakilala. Excuse me ha pero uuwi na ako." sabi ko. Please wag kanang dumugtong. I had enough embarrassing moments yesterday.

Nginitian nya lang ako.

" I always saw you jumping over the fence. So I need to know your name and I searched for it miss Lopez. Besides, you owe me for taking you to the infirmary." Sabi nya

Shocks nakita nya ako? Nah It doesn't matter to me anyway. Who cares diba? No one.

" So? I dont care if you saw me. Give me all the punishments. I dont mind. My life is already a living hell. So wala na akong pakealam." sabi ko

"I won't do any punishments. Besides if you want me to be your friend I would gladly accept it." sabi nya

As if naman kailangan ko ng kaibigan.

" Sorry but I don't speak to strangers. So excuse me di kita kilala." Pagsisinungaling ko. Crush ko nga kasi kita pero nakakahiya ano.

" Is that so? Well in that case I'm Hezekiah Allard. So now kilala mo na ako pwede na ba tayong mag usap? Sa Gazebo nalang samahan mo ko." sabi nya

Aba't ano ka feeling close? Hiyanh hiya na ako dito makisama ka naman.

" Di mo ba nahahalata na ayaw ko ng kausap?" inis kong sabi

" Mas madali kasing masolve ang problema kung may kasama.I know you have many and so do I. Kaya isantabi mo na muna yang kasungitan mo sakin okay." sabi nya

Sasabihin ko na ba yung rason ko kung bakit ayaw ko ng kausap? Okay balaha na si Batman.

" Ang pangit ko na nga ang laki laki ko pa. Baka madagdagan pa yang problema mo kapag ako kinausap mo. Maghanap ka nalang ng iba okay?" sabi ko

Tatalikod na sana ako kaso may hirit pa.

" I don't care. You're still human. Dapat ba may basehan sa size at appearance?" sabi nya. Wala ba tong balak na pauwiin ako?

Di ko na sya sinagot basta agad akong tumakbo. Bahala na talaga si batman. Ang kupad ko pa naman tumakbo.

Little did I know may ugat na nakaharang kaya naman napatid ako.

Splak! Sa kasamaang palad sumemplang pa talaga ako. Ouch may pagka clumsy pa naman ako.

" Tumakbo ka pa kasi eh. Yan tuloy nagkasugat yung siko mo at saka tuhod mo. Patingin nga." titingnan nya sana pero hindi ko na tinanggap.

" Wag na. Okay na ako. Saka magkunwari ka nalang na hindi tayo nagkasalubong. Sige mauna na ako sayo." sabi ko

Good choice Nemesis. You must shut everybody from your life. Trust no one. Allow no one to know you.

" Kaloka teka lang naman!" may pahabol pa

Patuloy lang ako sa paglalakad kahit iika ika. Yung tuhod talaga eh. Tapos may kamay na kumapit sa braso ko.

" Tutal ayaw mo kong kausapin heto oh sayo nalang to, ibibigay ko ang dalawa kong chips sayo. Pampalubag loob lang yan. " tatanggi pa sana ako kaso ipinulupot na nya ang plastic sa kamay ko. Great.

" Salamat. But don't expect na maibabalik ko ang mga ginawa mo ngayon. Ikaw lang talaga ang mapilit." sabi ko saka tumalikod at naglakad pauwi.

Malayo layo na ako at medyo malapit na sa eskinita ng may marinig ulit ako.

" Bye Nemesis. See you sa school bukas. Wag ka nang tumalon sa Bakod ulit at baka masira." May pahirit pa.

Oo gwapo ka pero may pagka antipatiko ka din pala. Nahimatay pa ako sa kagwapuhan mo tapos maiinis mo ako ng ganito. Well played.

Tinakpan ko na yung tenga ko habang naglalakad ako kasi ayoko nang marinig ang

pahabol nya. Kaasar sabi nang hihirit ng matindi eh. Kaya nga ayaw kong makausap lahat ng tao. Dali dali nalang talaga akong naglakad. Basta wala nang lingon lingon pa. Ayoko na magkaroon ng taong kinakausap. Ayoko. Basta ayoko.

Pagkarating ko sa kwarto ko ay napasalampak nalang ako sa kama ko. Nakatingin lang ako sa puting kisame . Naaalala ko na naman ang lahat ng mga hindi dapat alalahanin.

Tiningnan ko ang puting plastik. No choice edi kainin tong mga chips. Kinuha ko ang dalawang chips tapos napansin kong may isang maliit na parang card sa loob. Akala ko resibo yun pala calling card ng bugok na president.

Sosyal naman ng calling card nya. But its useless. Tinapon ko nalang ang calling card sa basurahan.

Pagdating ng dapithapon ay pumasok ulit ako sa kusina kasi maya maya pa ay dadating na sila. Nagluto lang ako ng pagkain na isinulat nila sa note at idinikit sa pinto ng ref.

Pagkatapos ay lumabas na ako.

Bumili nalang ako sa labas at kumain lang ako ng dinner. Medyo maliit na apartment lang ang style ng kwarto ko. Diretso na ang sink at saka banyo.

Napahiga ako sa kama pagkatapos kong kumain.

Napansin ko na ang tahimik sobra. Kaya napagpasyahan kong magbasa ng libro habang kinakain ang chips na binigay ni Mr. President.

Kinaumagahan. Oh I dont think its still morning because its almost 12 noon. Nawili kasi sa kakabasa eh. Nakaubos ako ng dalawang libro kagabi. Alas tres na nga ako ng madaling araw nakatulog.

Wala din naman akong pasok. Tambay tambay nalang ako dito. Ano kayang gagawin ko ngayon?

Binuksan ko lang ang keyboard na nilagay nung mga so called amo ko dito dahil hindi na daw gagamitin kaya pinahintulutan nila akong gamitin ito.

Nagtipa lang ako ng nota at saka ko sinabayan ng kanta na kinanta ng L.A.S.

Title: Two different worlds

~ I'm staring at the dark black sky

~ Watching all the stars shine bright

~ I'm waiting to be with you tonight

~ But we are two different worlds

~ I always look at you from afar

~ And you probably wonder why

~ I like you boy but I wont say

~ Because we're two different worlds

" Ang gara naman, akalain mong ang galing mo palang kumanta no?" Nagulat ako dahil may biglang nagsalita sa likuran ko at hindi ko manlang natapos ang kanta ko.

" Anong ginagawa mo dito? Pano ka nakapasok?" gulat kong sabi sakanya dahil hindi ko alam kung paano sya nakarating dito. Its none other than the President of SSC.

" First I pay you a visit because hindi kita nakita sa school. Yung corcern ko kasi yung tuhod mo . Then nakapasok ako dahil bukas ang gate at hindi ka naman sumasagot and third hindi naman lock yung pinto mo at narinig kong kumakanta ka. Lastly sinundan kita kahapon." Nakangiting sabi nya

" Look ayoko sa corcern mo ha. I don't know kung anong motibo mo pero please lang. Get out. Hindi mo to bahay at lalo nang hindi ka tagarito." sabi ko

" Kakarating ko nga lang eh. By the way maganda boses mo. Pa studio kita gusto mo?" sabi nya

" Alin ba sa sinabi kong Get out ang di mo maintindihan?" naggigigil ko na sabi .

Napabuntong hininga sya sabay lahad sakin ng supot.

" Here napadaan ako sa 7 eleven sa malapit . Panglunch ko sana yan kaso naalala ko rin na kailangan kitang daanan." sabi nya

Tiningnan ko ang loob ng paper bag. May dalawang burger at isang large na siopao.

" I dont need it. Besides bakit masyado kang pushy? Look I'm getting this ominous feeling. May motive ka eh. Anong purpose mo at nakikipag close ka sakin?" tanong ko

" No reason." tipid nyang sagot

"No reason mo mukha mo. Bumalik ka nalang sa school. Wala kang mapapala sakin saka wala kaming klase kapag byernes." Sabi ko

" Papasok ka ba bukas?" tanong nya

" Hindi ako papasok" sabi ko dahil lecture lang naman at iaang subject lang.

" Edi babalik ako dito araw araw since hindi ka papasok."

" Umalis ka na nga. Nasisira araw ko eh may pa no reason no reason ka pang nalalaman." Pagtataboy ko sakanya.

" Okay. Alis na ako. Bye! I'll be back tomorrow kahit sabado!" agad syang umalis

" Hoy yung lunch mo!" sigaw ko sakanya dahil naiwan nya kasi

But then nakaalis na sya.

Great.

Kinabukasan ay maaga akong nagising para pumasok. Litsi, mapapagalitan talaga ako kapag balik ng balik yung unggoy na yun dito. Medyo inayos ko yung sarili ko dahil baka palabasin na naman ako ng adik kong prof.

Gate palang talaga mukhang ayaw na akong papasukin.

And then as usual pagtitinginan ako at sabay maghahagikhikan. Hindi ko na pinansin dahil masyadong irrelevant kung papansinin ko pa sila.

" Nemesis! Hey!" napaface palm ako sa tumawag

Pinagtitinginan ulit tuloy ako.

" Ano bang problema mo?" bungad ko sa papalapit na si Mr. president

" Wala lang." tipid nyang sabi nya atsaka ngumiti ng malapad

" Eh bakit ka sumigaw?"

" No reason."

Ayan na naman ang nakakairita na 'NO REASON' nya.

" Tsk dyan ka na nga" nagdiretso na ako sa room pero hinigit nya yung kamay ko.

" 8 pa naman klase mo ah. Tara may alam akong tambayan dito" sabi nya saka ako hinila

But hindi ako nagpahila

" Magpahila ka naman. Ang laki mo kaya." sabi nya

" Edi wag mo kong hilahin." kinuha ko na yung kamay ko saka naglakad.

Tinatawag nya ko pero di ko nalang pinansin. Tsaka what's with him? Last day di kami magkakilala then this day pafeeling close. I just hope its not for the worst.

Pagkarating ko ng room ay wala pa masyadong tao. Actually nag iisa lang. Ang student model na si Sierra at ang kakambal nyang si Villiene. Cute nga nila eh kaso ang tahimik. Cold masyado at hindi palakaibigan.

Pumasok lang ako sa room at saka naupo sa upuan ko which is sa pinakadulo nga.

" Goodmorning Miss Lopez. Buti nakapasok ka today. " Bati ni Villiene Ako naman nagulat dahil sa pagpansin nya.

" Ah oo napagtripan lang."

" Ah nga pala yung finals is next week, And then 1 more month and then poof Summer na. You shouldn't absent that much dahil mag iinternship na tayo." sabi naman ni Sierra

Tumango lang ako sa sinabi ni Sierra.

Wait a minute. I'm having a convo with these girls here. Isn't it wierd.

" Ah Oo nga , Salamat sa reminder." sabi ko

" Want to have lunch with us later?"

What?

" Okay na ako. " sabi ko. Gusto ko lang kasi magsolo dahil hindi ako sanay na may kasamang kumain.

" Are you sure? Masarap pa naman kumain ng may kasama." sabi ni Villiene

I don't think so. I prefer to be alone.

" Ryle is coming. We'll talk to you again later miss Lopez. I expect it to be yes." Singit ni Sierra

Napalingon ako. Ah okay yung laging nambubully sakin.

Si Sierra at Villiene ay umayos na ng upo at nagpatuloy sa pagbabasa ng libro.

Bakit kaya nila ako kinausap? First the SSC prez and now the student Models? I don't care but seriously what's with this turn of events?

"Lalim ng iniisip ahh?" sabi ng tao sa likod ko .

Nasa pila kasi ako sa canteen kasi wala pa yung professor namin. Wengya nag effort pa akong pumasok tapos sya tong late.

" Oo umabot nga ng marianas trench eh" pabalang ko na sagot

" Sungit naman. Pasalamat ka nga kinakausap pa kita. By the way birthday ko bukas. Punta ka ha."

Nginitian ko ng sarkastiko saka bumanat.

" Sige punta ako don. Tas pasusuotin moko ng Costume para maging clown. Ganun ba? Pwes di moko maloloko jan ka na nga. Nakakasira ka naman ng araw."

" Hindi mo naman kailangan ng costume eh. Mukha kanamang mascot." Sagot nya

Pumintig yata lahat ng ugat ko sa utak nang sabihin nya yon.

" Biro lang. Invite kita kasi magkaibigan naman tayo. Halika na maghanap tayo ng table. "

Nabigla naman ako ng bigla nyang hawakan yung braso ko. Aray ha.

" Ano ba yan. Bat sa braso buti nalang di ko nabitawan yung tray ko."

" Di ko mahawakan masyado Balikat mo eh. Makinig ka nga muna kasi. "

Aray ha. Bat ko pa kasi itinanong. Bwisit na to.

" Fine sa Table nalang. Ano ba kasi yun?"

" Pa hard to get pa eh ."

" Mag uusap ba tayo o magbabangayan?" Singhal ko sakanya

" Heto na nga oh. Hahanap na ng table."

Hindi paman sya nakaupo ay lumabas nalang ako ng canteen dahil hindi na talaga ako kumportable.

Hayy napasalampak nalang ako sa upuan ko pagkabalik ko ng classroom.

" Oh hinay hinay lang baka masira"

HAHAHHAHAHHAAHAHHAH

Di wow. Pake ko ba kung masira.

" Shhh hirit na. Padating na si Prof." sabi ni ahh di ko kilala. pa

Pake ko ba ulit dito.

So ayun nga nakinig nalang ako until matapos ang halos isang oras na last period. Kaytagal ng isang oras.

Nag aayos na ako ng gamit ko dahil maglalunch na ako nang may biglang sumitsit sa likod ko.

" Pssst."

" Ako?" sagot ko sa bumibitbit na libro na Sierra

" Tayong dalawa lang naman nandito edi malamang ikaw. Tara na?"

" Ah saan?"

" Tsk. Maglalunch ikaw ha Kinalimutan mo usapan natin. I considered it as a yes kaya tara na."

Napa snap naman ako. Nakalimutan ko nga, ang tanga ko.

So ayun pumunta na kami sa Canteen para mag lunch. Pagkatapos nito ay uuwi na ako. Tapos nadin naman ang klase.

" So, do you have any plans today? Tutal wala naman nang klase." Tanong sakin ni Villiene

Umiling lang ako. " Uuwi ako." Sagot ko

" That's a shame. We should hang out after school to loosen up." Singit ni Sierra.

" Oo nga, we're friends now aren't we? We should shop hopping sometimes or window shopping. " segunda ni Sierra

" Hindi ako mahilig sa mga ganyan eh. Saka wala akong pera. Kaya kayo nalang siguro." Sagot ko.

" Okay, but next time sama ka ha. We'll treat you." Nakangiting sabi ni Sierra.

Hindi ko alam pero masama ang pakiramdam ko sa pakikipag usap ko sa dalawang model at sa campus President.

Nakakapag overthink ako.

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status