LOGINAlthea Virelle Montemayor—a billionaire CEO known for her cold elegance and ruthless decisions. She built her empire with her own hands, kaya wala siyang kinatatakutan… except one thing: Her own loneliness. After divorcing her cheating husband na si Darius Kade Villanueva, akala niya tapos na ang lahat. But Darius refuses to let her go. Kahit may kabit siya, he keeps coming back—possessive, obsessive, as if si Althea pa rin ang pag-aari niya. Pagod na sa katahimikan ng penthouse at sa sarili niyang tinatagong pangangailangan, Althea makes a decision she never imagined she would— She pays a man. Enters Caelum Riven Arce, a college student na tahimik, matalino, at halatang may tinatagong lalim. Desperado siya sa pera, kaya tinanggap niya ang alok ni Althea: a no-strings-attached arrangement. No feelings. No attachments. Just needs. Pero habang tumatagal, nagiging komplikado ang lahat. Because Caelum isn’t just a student. Siya pala ang nawawalang apo ni Valerian Arceo—ang pinakamalaking business rival ni Althea. At nang lumabas ang katotohanan… Love becomes a battlefield. Between power and desire. Between revenge and forgiveness. Between a woman who owns everything—and a man who was destined to take it all away.
View MoreNakakabinging katahimikan ang lumulukob sa loob ng conference room—na tanging ang tunog ng air conditioner lamang ang pumapailanlang sa paligid.
Prenteng nakaupo si Althea Virelle Montemayor sa kabisera ng mahabang mesa habang mahigpit ang pagkakahawak sa ballpen na parang doon niya ibinubuhos ang lahat ng hindi niya sinasabi. Nasa harap niya ang isang puting folder na may nakasulat sa cover nito. Divorce Papers. Huminga siya ng malalim bago binuklat ang folder. Inilapit niya ang dulo ng pen sa papel, bahagyang tumigil—hindi dahil nagdadalawang-isip, kundi dahil gusto niyang siguraduhin na kapag ginawa niya ito, wala na siyang babalikan pa. Sa kabilang dulo ng mesa, nakasandal sa kinauupuan si Darius Kade Villanueva, kumportableng nakaupo na parang nasa casual meeting lang at hindi sa pagtatapos ng kasal nila. Nginisihan siya nito na ikinairap niya. “Ganun na lang?” Darius broke the silence between them. “That easy?” Hindi agad sumagot si Althea. Pinirmahan niya muna ang unang pahina, pati ang ikalawa, na kahit mabigat para sa kanya ay kinakailangan niyang gawin. Kung noon ay umiiyak siya kapag hinahamon siya nito ng hiwalayan. Pwes, ngayon, tototohanin niya ang kahilingan nito. Saka niya isinara ang folder at bahagyang itinulak iyon palapit sa gitna ng mesa. “Hindi naman naging madali,” aniya sa kalmadong boses. “Matagal ko ng pinag-isipan ‘to.” Napangiti si Darius, isang pilit na ngiti. “Talaga? Kasi parang ang bilis mong sumuko.” Doon siya napatingin ng matalim sa lalaki. This man. This man was her first in everything. Ngunit dahil sa kapusukan nito sa ibang babae ay tuluyang nasira ang kanilang limang taon na pagsasama. “Sumuko?” inulit niya ang sinabi nito. Hindi niya naiwasang pagtaasan ito ng kilay. “You cheated, Darius. Ilang beses pa nga, hindi ko na binilang. Ano pa bang hinihintay mo—na magpanggap pa ako na okay lang?” Muli na namang natahimik ang silid. Tumuwid si Darius at bahagyang yumuko, nakapatong ang mga siko sa mesa habang pinag-aaralan ang mukha niya. “You’re making it sound worse than it is,” sambit nito, na parang simpleng bagay lang ang pinag-uusapan nila. Pagak na natawa si Althea. “Pinapasok mo sa buhay natin yung ibang babae,” aniya sa halos pabulong ngunit matalim na tono. “Sa tingin mo ay hindi pa ‘yon sapat?” Hindi siya agad sinagot ni Darius. Tinitigan lang siya nito, saka bahagyang ngumiti. “And yet, you stayed.” Animo’y may parte ng kaniyang dibdib ang biglang kumirot, pero hindi na niya iyon pinagtuunan pa ng pansin. Kung siya pa iyong dating Althea, malamang ay halos lumuhod na siya hindi lamang siya iwan ni Darius. She’s really head over heels in love to him. But now, everything has to change. “Not anymore,” mahinahon niyang sabi, saka itinuro ang folder na nasa mesa. “Your turn.” Kinuha ni Darius ang pen, pinaikot-ikot ito sa pagitan ng mga daliri na parang wala itong pakialam. “Alam mo? Hindi ko lubos maisip ang magiging kalagayan mo kapag wala na ako.” Hindi na siya nag-abala pang sumagot. Bahagya siyang sumandal sa kinauupuan at pinakatitigan ang dating asawa. “Try harder.” She arched her brow when Darius started signing the papers. Napangisi siya nang makita ang multo ng ngiti sa mga labi nito. “Tuwang-tuwa pa ang kumag na naghiwalay na kami,” bulong niya sa sarili. Matapos magpirmahan ay tumayo na si Althea, inayos ang laylayan ng blazer niya, at kinuha ang bag. “That’s it,” aniya na parang nakatapos ng isang major conference. She stood up and was about to walk away. Ngunit bigla siyang napahinto nang tawagin siya nito. “Yeah?” Narinig niya ang paggalaw ng upuan at ang marahang paghakbang ni Darius palapit. Nang lumingon siya ay nasa harapan na niya ito. “Do you really think this ends here?” mahinang sambit nito. “It should,” aniya at diretso niya itong tinitigan sa mata. Bahagyang ngumiti si Darius, pero may kung anong mabigat sa ekspresyon ng mukha nito. “You don’t walk away from me that easily.” Hindi umatras si Althea. Taas noo niyang pinakatitigan ang dating asawa. “I just did.” Muling namagitan ang katahimikan sa kanila. Sinamantala ni Darius ang pagkakataon na mas lumapit pa. At halos isang hakbang na lang ang pagitan nila. “You were my wife,” mariing paalala nito. “Hindi ‘yan basta nawawala dahil lang sa pirma.” “And you were my husband,” ganti niya na hindi inaalis ang tingin. “Hindi rin ‘yan nawawala dahil lang sa kabit mo.” Napasinghap ng bahagya si Darius, ngunit mabilis din itong nakabawi. Bumalik ang maliit na ngiti sa labi nito. “You’ll come back to me,” puno ng kumpiyansang sambit ni Darius. Umiling si Althea. “Not a chance.” Tinalikuran na niya ito ng tuluyan at naglakad palabas ng conference room. Hindi na siya lumingon pa, kahit nararamdaman niya ang tingin nito sa likod niya. Dire-diretso lang siya hanggang sa makalabas ng building, saka lang siya huminga ng malalim nang makasakay sa kotse. Animo’y doon lamang naramdaman ni Althea ang kaginhawaan. Finally! She’s free. Samantala, sa loob naman ng silid, naiwan si Darius, nakatayo at nakatingin sa pintong nilabasan ni Althea. Ilang segundo siyang hindi gumalaw, bago dahan-dahang napabuntong-hininga. “You really think you’re done with me…” pagkausap niya sa sarili. Umangat ang isang sulok ng labi niya sa isang maliit at mapanganib na ngiti. “Let’s see.”Hindi agad nakabalik sa trabaho si Caelum matapos ang usapan nila ni Althea. Naiwan lang siya sa mesa, nakatitig sa tasa ng kape na iniwan nito—halos kaunti lang ang nabawasan. Manipis na usok na lang ang natitira, unti-unting nawawala. Hindi niya maiwasang isipin kung gaano kadali para kay Althea ang umalis na parang wala lang, samantalang siya, parang naiwan sa gitna ng isang bagay na hindi niya pa kayang galawin.“Caelum, orders!”Napakurap siya at saka bumalik sa reyalidad. “Ah—opo!” sagot niya, sabay tayo at halos nagmamadaling bumalik sa counter. Pilit niyang ibinalik ang sarili sa trabaho, paulit-ulit na sinasabihan ang sarili na mag-focus lang, na trabaho lang ‘to. Pero kahit anong pilit niya, hindi niya mahanap ang ritmo niya ng mga sandaling iyon. Minsan mali ang naiaabot niyang order, minsan napapatigil siya sa gitna ng ginagawa, parang nawawala sa huwisyo.“Okay ka lang?” tanong ng katrabaho niya habang inaabot nito sa kanya ang tray.“Yeah,” sagot niya agad, pero hindi n
Hindi na nawala sa isip ni Caelum ang usapan nila ni Althea kahit natapos na ang shift niya. Pag-uwi niya, tahimik na ang bahay. Patay na ang ilaw sa sala, pero nakapatong pa rin sa mesa ang mga resibo—parang iniwan lang saglit pero hindi na binalikan. Dumaan siya roon at saglit na tumigil, kinuha ang isa sa mga papel. Electric bill. Malapit na ang due date. Napabuga siya ng hangin at ibinalik iyon sa mesa bago dumiretso sa kwarto niya. Hindi siya nag-ilaw agad. Umupo lang siya sa gilid ng kama, nakayuko, magkahawak ang mga kamay. Tahimik ang paligid, pero sa loob niya, magulo. Hindi siya sanay sa ganito—yung hindi niya alam kung anong tamang gawin. Maya-maya, kinuha niya ang phone niya. Walang message. Walang kahit ano. Hindi niya alam kung anong mas nakakainis—yung offer o yung totoo na parang kay dali lang para kay Althea na iwan sa kanya ang desisyon. Parang wala lang kung tumanggi siya. Parang wala rin kung pumayag siya. Napailing siya at humiga, tinakpan ang mukha gamit
Hindi naging maayos ang tulog ni Caelum ng gabing iyon. Paikot-ikot lang siya sa kama, nakatitig sa kisame ng maliit niyang kwarto habang paulit-ulit na bumabalik sa isip niya ang usapan nila ni Althea. Kahit anong pilit niyang iwasan, bumabalik pa rin ang lahat—yung diretsahang paraan nito ng pag-alok sa kanya, yung kalmadong boses na parang siguradong-sigurado sa bawat sinasabi, at yung offer na hanggang ngayon hindi pa rin niya alam kung paano tatanggapin. Napabuntong-hininga siya at tumagilid, sinubukang ipikit ang mga mata, pero ilang segundo lang, muling dumilat. “Ang gulo,” marahas niyang bulong habang napapahilamos sa mukha. Alam niyang hindi siya ganitong klase ng tao. Hindi siya basta pumapasok sa mga bagay na hindi niya kontrolado. Pero ngayon, parang hindi niya hawak ang sarili niyang desisyon.Kinabukasan, maaga siyang nagising kahit kulang sa tulog. Hindi na siya nag-aksaya ng oras at dumiretso sa kusina. Tahimik ang bahay, pero may ilaw na sa sala. Naroon ang Tita
Ilang hakbang lang ang inilayo ni Caelum mula sa mesa ni Althea nang mapahinto siya. Hawak pa rin niya ang notepad, pero hindi na siya nakatingin dito. Sa halip, napabuntong-hininga siya at bahagyang napakamot sa batok Hindi niya alam kung matatawa siya o maiinis.“Ang gulo,” bulong niya sa sarili bago sumulyap muli kay Althea.Nandoon pa rin si Althea, prenteng nakaupo sa parehong pwesto habang hawak nito ang tasa ng kape saka dahan-dahang sumimsim. Masyado itong kalmado na parang isang laro lamang ang mag-aya ng lakaki. Hindi ito normal. Alam niyang hindi.Pero hindi rin siya makaalis.Maya-maya ay may lumapit na kasamahan niyang waiter na nakangisi. “Hoy, ayos ka lang? Kanina ka pa lutang.” Napalingon si Caelum at pilit na ngumiti. “Okay lang. May iniisip lang.” “Siguraduhin mo lang na hindi mo makalimutan yung table mo,” biro nito bago umalis. Napailing si Caelum, pero hindi pa rin nawawala ang bigat sa dibdib niya. Hindi siya sanay sa ganitong sitwasyon. Hindi rin siya yung






Maligayang pagdating sa aming mundo ng katha - Goodnovel. Kung gusto mo ang nobelang ito o ikaw ay isang idealista,nais tuklasin ang isang perpektong mundo, at gusto mo ring maging isang manunulat ng nobela online upang kumita, maaari kang sumali sa aming pamilya upang magbasa o lumikha ng iba't ibang uri ng mga libro, tulad ng romance novel, epic reading, werewolf novel, fantasy novel, history novel at iba pa. Kung ikaw ay isang mambabasa, ang mga magandang nobela ay maaaring mapili dito. Kung ikaw ay isang may-akda, maaari kang makakuha ng higit na inspirasyon mula sa iba para makalikha ng mas makikinang na mga gawa, at higit pa, ang iyong mga gawa sa aming platform ay mas maraming pansin at makakakuha ng higit na paghanga mula sa mga mambabasa.