Share

Kotse

Author: Grace Ayana
last update Last Updated: 2025-02-14 16:18:15

Apektado siya sa presensya ni Sir Wade. Ang composure na dahan-dahan niyang na-build up sa harap ni Mr. Robinson kanina ay nangangambang maglaho.

Nagkita lang naman sila ni Sir Wade nang ilang ulit, hindi pa nga malalim ang kanilang pagkakakilala. Gayunpaman, hindi siya mapakali.

Hindi siya makagalaw ng tama. Tila lumulutang ang pakiramdam niya. Wari niya, hindi sumasayad ang pwet niya sa malambot na kutsong inuupuan. Umakyat sa napakataas na tuktok ang pagkailang hindi dahil sa hindi siya marunong gumamit ng mga kubyertos. Sa pag-aambisyon ng Tita Loida noon na umangat ang buhay, inaral nito ang lahat ng table etiquette at pati sila ay tinuruan. Naku-conscious siya dahil sa lalaking ito na nakaupo sa mismong tapat niya. Pakiramdam niya kasi, sinisayasat nito ang mga kilos niya.

‘Tinitingnan ba niya ako?’

Ewan.

‘Ano kaya ang iniisip niya tungkol sa akin?’

Marahil, masama.

‘Hinuhusgahan niya kaya ako?’

Malamang. Sumama siya sa isang matandang lalaki at ipinakilala pa bilang date nito. Baka akala niro, kaladkarin siyang babae. Kanina lang, habang ipinakilala siya ni Mr. Robinson kay Sir Wade, bumaon sa kanya ang mga titig nto. Siguro guni-guni lang niya pero ramdam niya ang pagpisil nito sa palad niya nang magdaop ang kanila.

Para na siyang baliw nito.

‘Lord, sana, matapos na ang gabing ito.’

Pero hindi dininig ang panalangin niya. Mistulang ang bagal ng pag-usad ng bawat sandali. Nasa anong course na ba sila pero mukhang pahapyaw pa lang ang usapan ng dalawa. Basta, take-over at buyout ng isang shipping line sa bandang South ang topic ng dalawa.

Buyout. Ibig sabihin, ganito kayaman ang isang Wade Carvajal. With that in mind, dahan-dahan niyang kinumbinse ang sarili na sa yaman nito, wala itong pakialam sa kanya. Nagkataon lang na ito ang nakakrus niya ng landas sa mga hindi kaaya-ayang sitwasyon gaya nito.

Sir Wade was only here for business, and he was quite good at that. Para itong si Professor Filomena, nakikinig ang lahat kapag nagsasalita na. Kuhang-kuha ni Sir Wade ang atensyon ni Mr. Robinson. Hindi assertive pero alam kung paano palulutangin ang paksa. Ika nga, he knows how to get things done.

"Here’s the catch, Mr. Robinson. Since you’re looking for a peaceful retirement from the business, why don’t we strike a pleasant deal?”

Mula sa ilalim ng kanyang mga talukap, kita niya kung paanong nagbago ng posisyon si Sir Wade. He leaned slightly forward as if showing interest and assertiveness. “I’d like to propose something I believe could be mutually beneficial.”

Naging mas interesado si Mr. Robinson.

"We're very interested in acquiring your business because we see great opportunities for collaboration and growth."

“Collaboration?"

Si Sir Wade na ang nagdomina sa usapan.

"We want to buy your company outright, but we also get how important your involvement is. Gusto naming manatili ka as part of the team. "How about this—we keep you on as a shareholder with, say, a 5-10% stake? That way, you’ll still have a say in the company’s future while ensuring a fair deal for you."

Tila napapaisip ang katabi. Ang ganda nga siguro ng offer. Wala naman siyang alam sa business.

"That's a pretty big offer. Kaya lang, being involved in the company's operations isn't really my goal anymore. Not at the moment." Sumandal si Mr. Robinson sa upuan. “I wanna retire and stay in Ontario and enjoy the view of the lake there from my cabin.”

Para itong nangangarap. Kumikislap ang mga mata habang nagsasalita. Siguro may lake house ito at paniguardong maganda. Bigla niyang na-miss ang Wawa. Kada umaga kasi, ang malawak na lake ang natatanaw niya sa paggising. Siguro ganoon ang nararamdaman ni Mr. Robinson. Gumuhit ang manipis na ngiti sa mga labi niya.

“I guess, magugustuhan mo ang Canada, Ana.”

Parang nasamid siya ng sariling laway nang bigla na lang magsalita si Sir Wade. Siya ang kinakausap nito. Wala namang ibang Ana sa mesang ito kundi siya. Binanggit nito ang alias niya na nang may diin. ‘Yong mga mata nito na kanina ay halos ayaw hindi sumagi sa kanya, ngayon ay tumatagos sa buto ang pakirwari niya.

“A lakeshore is a nice place to spend time with a…special someone.”

May pambibitin sa huling sinabi ni Sir Wade. Ilang sandali rin ang lumipas na nasa kanyang mukha lang ito nakatutok. Ramdam niya ang pamumula ng mukha. Binawi niya ang paningin at binalingan ang juice. Tumilamsik pa nga ang maliit na laman dahil hindi niya makontrol ang paggalaw ng kamay.

“Pwede ko siyang imbitahan anytime. Right, Ana?”

Gusto niyang ibaba ng kamay niya na nakapatong sa edge ng mesa na bahagyang tinapik-tapik ng mga daliri ni Mr. Robinson. Para lang kasing naging mas matalim ang pagpukol ni Sir Wade ng mga titig doon. Siguro, nandidiri ito sa kanya. But no matter what, ang ipahiya si Mr. Robinson ang pinakahindi niya dapat gawin.

“Just sit there and be a good companion.”

Inalala niya ang mga bilin ni Tita Cornelia. Kaya, sa nalalabing oras na kasama niya si Sir Wade, hindi na niya malaman kung paano nag-survive. Basta nagkamayan sina Mr. Robinson at Sir Wade pati na ang isa pang kasama nito na bihira lang kung magsalita.

"Well, I’ll head out for the night. I’m sure you’ve got more important and interesting things to deal with, Mr. Robinson."

Sinadya man o hindi pero ramdam niya ang paghagod ng titig nto sa kanya partikular sa medyo sumilip niyang dibdib. Mabuti na lang at hindi pansin ni Mr. Robinson. Pasimple syang tumuwid sa pagkakaupo para mabanat pataas ang mas lumalim na neckline ng damit. Para lang kasing nakakapaso ang tingin nito na ipinukol sa kanya. Nang titigan niya ang mukha nito, nakita niya ang bahagyang pagsalubong ng mga kilay habang nakatitig sa magkaugnay pa ring mga kamay nila ni Mr. Robinson.

“Sir, shall we get going?” untag ng kasama ni Sir Wade.

Naputol ang paninitig nito sa untag ng kasama. Nakita pa niya kung paanong humugot ng malalim na buntong-hininga si Sir Wade bago tumayo. Another handshake at nauna nang lumabas ang dalawa na hindi nag-abalang tapunan siya ng sulyap..

Nandidiri nga talaga siguro.

"Well, the night's almost over, Ana."

Muntikan na niyang makalimutan na kasama pa pala niya si Mr. Robinson. Nakatitig pa rin kasi siya sa pintuang nilabasan nina Sir Wade. Nakakahiya naman sa taong nagbabayad ng oras niya. Friendly siyang ngumiti sa matanda.

“Ang lawak po ng ngiti ninyo, Sir.”

“Well, I did good tonight.” Ang saya lang nitong tingnan. “Maybe, because I have a lucky charm. Thank you, hija. Ang laking bagay na katabi kita. Nakalma ang mga ugat ko.”

Siya dapat ang magpasalamat. Maghihiwalay silang walang anumang masamang nangyari sa kanya.

“Shall I give you a ride home?”

“Thank you, Sir, pero may sundo po ako.”

Napatangu-tango ito. “Well, then, hindi na siguro masama na ikawit mo ang brasomo sa akin? I just missed my wife walking beside me in an evening like this.”

Lumambot ang puso niya sa sinabi nito. Ganito rin kasi noon ang tatay niya kapag naglalambing sa nanay niya. Nakangiti niyang pinagbigyan si Mr. Robinson. Sa matandang ito, wala siyang maramdamang malisya. Tama nga si Tashi ng piniling kliyente para sa kanya. Bago sumakay sa naghihintay na sasakyan nito, may isang bagay itong itinanong sa kanya.

“Do you happen to know, Mr. Carvajal?”

May napapansin bang kakaiba si Mr. Robinson sa mga kilos niya? Hindi ba niya nagampanan ang tungkulin niya?

“Well, I just thought you knew each other.”

Tuluyan nang lumulan ang matanda sa sasakyan. Ngayon, mag-isa na lang siyang nakatayo sa entrada ng hotel. She is done for the night. Natapos ang gabi na halo-halo ang emosyon sa dibdib niya. She is done and hopeful enough na sana, hindi na mauulit na kakapit muli sa sitwasyong ito.

“Cross your fingers, Tashi.”

Hinugot niya ang phone sa purse at tinawagan niya si Tita Cornelia. Protocol na kailangan niyang ipaalam na tapos na siya sa transaction sa gabing ito.

“Make sure to come by tomorrow. Hintayin mo na ang sundo mo.”

“Thank you po, Tita Cornelia.”

“Thank me later kapag nasa iyo na ang pera.”

Natapos ang usapan.

Sana lang ay dumating kaagad ang driver. Marami pa siyang aaralin pagdating sa dorm. Habang naghihintay, inubos niya ang oras sa pagmamasid sa paligid. Patingin-tingin siya sa lahat ng bahagi ng hotel at manaka-nakang tumitingin sa main entrance. May humintong taxi pero nagbaba lang ng pasahero. Medyo nababahala na siya nang halos kalahating oras na ay wala pa rin si Kuya Pepot. Nayayakap na niya ang sarili dahil nakaramdam siya ng panlalamig. Medyo maulan pa naman. iginalaw-galaw na nga niya ang katawan para lang mabawasan ang lamig.

Sana pala, nagdala siya ng sweater.

‘Dumating ka na kasi, Kuya.’

Kinuha niya ang phone at tinawagan si Marie pero walang sumasagot. Nagsimula na siyang maging aligaga. Naroroong napapahakbang na siya ng isa, dalawa, tatlo, at napapatingala sa maitim na langit o ‘di kaya ay napapalingon sa loob. Alanganin din kung babalik sa loob. Isang text pa ang pinadala niya kay Tita Cornelia at naghalughog pera sa purse. Unfortunately, pabango at pang-retouch na hindi rin naman niya nagamit ang laman niyon. Naalala niya, nasa bahay ni Tita Cornelia ang bag niya at hindi niya alam kung ano ang eksaktong address nito.

“Paano na ‘to? Paano ako uuwi?”

Ang tanga niya talaga. Ang tanga-tanga! Nagbabadya pa namang umulan. May stand-by taxi naman ang hotel pero ang problema, wala siyang pambayad.

“Your date dumped you on a misty evening like this?”

Natigil ang paghalughog niya nang marinig ang pamilyar na boses na ‘yon. Nag-angat siya ng mukha. Si Sir Wade ang nakatayo ngayon sa kanyang tabi, nakasuksok sa dalawang bulsa ang mga kamay at pormal na nakatitig sa kanya.

‘Akala ko umuwi na siya?’

“Need a ride?”

Pinakahuling taong inaasahan niyang mag-o-offer sa kanya ng libreng sakay. Hindi naman friendly ang bukas ng mukha nito, pati na ang tono.

“M-may…may…susundo po sa akin.”

Nakagat niya ang ibabang labi. Nag-stutter siyang bigla. Nai-intimidate na naman siya sa lalaking ito.

Wala nang kasunod sa tanong nito. Naghari ang katahimikan sa pagitan nila ni Sir Wade. Ngayon ay hindi niya malaman kung ano ang gagawin o kailangan bang may sabihin siya. Nakakaasiwa lang kasi talaga na katabi niya ito ngayon at halos magbungguan na ang mga siko nila. Umusog siya ng kaunti at ginaya na lang ang ginawa nitong pagtitig sa unahan. But as the seconds had passed, mas lalo siyang naiilang sa katahimikan.

May humintong magarang sasakyan sa harapan nila. Binuksan iyon ng doorman pero isang marahang senyas lang sa kamay ang ginawa ni Sir Wade. Umandar muli ang kotse hanggang sa nawala sa paningin nila. Ibig sabihin, lalawig pa ang mga sandali na magtatabi sila.

‘Kasi naman si Kuya Pepot, eh.’

Nanlilitid na ang ugat niya sa leeg kakasilip kung dumating na ba ang taxi niya.

“I can drive you home.”

Suntok sa buwan pero magalang siyang tumanggi“Sige lang po, Sir. Darating na rin ‘yong sundo ko.”

Naguhitan ng inis ang mukha ng lalaki. “May pamasahe ka ba?”

Natameme siya.

“I see.” Kinuha nito ang phone sa bulsa at may kinausap. “I need the car now.”

Wala pang dalawang minuto, papasok na ang magarang sasakyan na pinaalis ni Sir Wade kanina. Binuksan iyon ng doorman at umibis ang valet mula sa kotse. Aalis na si Sir Wade. Maiiwan siyang mag-isa rito.

“I am offering you a ride home. Choice mo kung sasakay o hindi.”

Napatingin siya sa paligid. Nagsimula nang umambon.

“Okay lang po ba talaga, Sir?”

Nadipina ang inis sa mukha ni Sir Wade. “Just get your ass in here,” naiinis na turo nito sa loob ng kotse na niluwangan nito ang pagkakabukas ng pintuan ng passenger’s side.

Atubili siyang kumilos. Sa isang iglap, nakaupo na siya sa malambot na upuan. Parang nahihiya pa ang pwet niya na sumayad sa malambot na kutson at ganda ng upholstery sa loob. Mula sa salamin ng kotse hindi niya maiwasang sundan si Sir Wade ng titig na ngayon ay lumigid sa kabilang side at umupo sa harap ng manibela.

Nagpunta siya sa hotel na ito na ibang sasakyan ang gamit. Uuwi siyang ang lalaking ito ang maghahatid Fate must have played a trick on her. In silence, she sat there, wondering how she had ended up beside him.

Continue to read this book for free
Scan code to download App

Latest chapter

  • THE CEO'S SWEETHEART   Julian

    They stayed like that for some moments. Nakaupo siya sa kandungan nito, magkayakap, habang panay ang kintal ni Wade ng halik sa kanya. Ganoon din ang ginagawa nitong paghagod sa likod at maging sa braso niya.“I believe you have a passport.”“Uhm,” sagot niya nang hindi nagbabago ng posisyon. Ang sarap lang kasi ng ayos niya.“That’s a relief.”Bahagya siyang lumayo rito at tiningnan ang mukha nito. Para nga itong relieved sa kung anong bagay.“Dala-dala mo ba?”“Nasa condo.”Tumingin si Wade sa wristwatch niya. “We still have time. As much as I enjoy cuddling, may importante tayong gagawin.” Maingat siya nitong inalalayan makatayo, at tumayo na rin ito kasunod niya.“May appointment ka bang nakaligtaan ko?” tanong niya habang inaayos ang suot at sumisilip sa organizer sa mesa.“Tayo.”He was being playful. Imbes na palawigin ang sagot, kinuha nito ang kamay niya, sabay abot ng keys at phone, at inakay siya palabas ng opisina. Bumaba sila ng building at nag-drive patungong condo para

  • THE CEO'S SWEETHEART   Prayer

    Umuukilkil ang matinis na tunog ng alarm clock na nsa bedside table sa kanyang tenga. It was exactly six in the morning. Bago pa niya iyon maabot para patayin, may mas malaking kamay na ang nauna sa kanya. Gaunpaman, bumangon na rin siya pero kaagad ding napahigang muli nang hilahin siya ng matipunong brasong iyon pabalik sa kama.“Come back to bed,” ang naglalambing na bulong ni Wade kanyang tainga.The moment he pulled her close, lumingkis agad ang braso nito sa katawan niya at ibinaon ang mukha sa kanyang leeg. He was sniffing her skin, eyes still closed. Nakikiliti naman siya sa pagsayad ng mainit nitong labi sa kanyang balat.“May importante kang meeting today,” paalala niya, kahit halos mabasag ang boses niya sa kiliting dinudulot nito. She needed to remind him. Baka kagaya noong isang araw, pareho silang tanghali nang pumasok dahil sa kapilyuhan ng lalaking ito.“I hate coming to that meeting.”His words were almost muffled. Nakadikit pa rin kasi ang bibig nito sa leeg niya. Na

  • THE CEO'S SWEETHEART   Heat

    Halos mabingi siya sa malakas na kabog ng puso niya.Hinaklit siya ni Wade sa beywang at niyakap. Isang yakap lang at nagbabanta na naman siyang malunod sa mga pamilyar na pakiramdam. Gayunpaman, pinilit niyang manulak. Napabitiw siya sa lalaki.“Lasing ka. Umuwi ka na.”Tinangka niyang isarado ang pinto pero mabilis iyong napigilan ni Wade. The door swung open. Napaatras siya at napapikit nang pabalandra iyong ibinalya ni Wade. She could see the urgency in his eyes, along with the anger he was trying to control.Humakbang ito, umatras siya.Habang nakakulong sa silid na ganito ang ayos ng lalaki, alam niyang hahantong sila sa hindi maganda. Because right now, she was feeling emotions she should never allow herself to feel again. Maiisantabi na naman ang tatag niya kagaya kahapon.“Hindi ako lasing,” mariin ang boses ni Wade. He was determined. Humakbang ito ng isa pa. Kada abante, napapaatras naman siya hanggang sa bumunggo siya sa dingding. Wade cornered her with his massive body. P

  • THE CEO'S SWEETHEART   Tormented

    She acted as normal as possible, but shame got the better of her. Ang tapang niyang gumawa ng mali kanina, pero ngayon, nilukob ng hiya ang buong pagkatao niya. Ginugulo ng halik na ‘yon ang buong pagkatao niya. That kiss occupied her thoughts. Too occupied that she even startled when the intercom buzzed.Ang security ang tumawag.“Nandito na po sa baba si Mr. Samaniego, Ma’am.”“Paakyatin na lang ho ninyo, Kuya.”Tumayo siya at hinintay ang panauhin sa foyer. Hindi naman natagalan, bumukas ang elevator at iniluwa ang isang batang executive. Kagaya ni Wade, malakas ng dating ng bagong dating. May nakahandang ngiti kaagad at mukhang ang gaan lang ng personality. She must say, ang saya nito, nakikita sa kislap ng mga mata.“Good day, Sir. I am Miss Dizon, Mr. Carvajal’s secretary. Let me escort you to his office.”“So, you’re the new secretary.”Naglahad ng kamay ang lalaki, at tinanggap niya iyon. Pagkatapos ay iginiya niya ito patungo sa opisina ni Wade. Inihatid niya lang si Mr. Sama

  • THE CEO'S SWEETHEART   Closer

    Kakaiba ang gising niya sa umagang ito. Magaang lang sa pakiramdam. Bigla na lang siyang naging excited sa pagpasok. She didn’t know what would await in the office but she harbored what Wade said last night.“Let’s be civil with each other.”Sino ba naman kasi ang ayaw na magtrabaho na walang bangayan, walang ilangan?Tinapos niya ang chocolate at nag-ayos ng sarili. Pagbukas niya ng closet, ang naakahanay na mga iniwang damit ni Myrtle ang tumambad sa mga mata niya. Ilan sa mga iyon, hindi pa nagagamit. Naglakbay ang mga daliri niya at isa-isang sinilip ang naka-hanger na mga damit at huminto ang kamay niya sa pulang damit na sa tantiya niya ay hanggang itaas ng hita ang length. Medyo hapit iyon sa baywang at may kalaliman ang neckline.“Too provocative.”She settled for that classic corporate look.“Magtrabaho ang pakay mo, Tashi, hindi magpa-impress.”Inalis ang tuwalya sa ulo at nagsimula nang magbihis at bumaba.She was earlier than usual. May time pa siyang dumaan sa isang baker

  • THE CEO'S SWEETHEART   Almost

    Tahimik lang silang nagbiyahe ni Wade. She could tell he was mad. Mariin ang pagkakahawak nito sa manibela habang tuwid lang na nakatitig sa daan. Not until she found out where Wade had parked his car.Nagtatanong ang mga mata niyang napatingin sa katabing lalaki. Sa mismong tapat ng condo na tinutuluyan sila humantong. Kasalukuyan nang nagtatanggal ng seatbelt si Wade pero hindi niya pa rin niya magawang tuminag.“Bumaba ka na.”Nabuksan na pala ni Wade ang passenger’s side at naghihintay na ito sa pagbaba niya. Paglingon niya rito, nakita niya kung paanong naging kulay kape ang bandang kanan ng puting long sleeves ng amo.Nakaka-guilty lang.Kaya naman, nagmamadali siyang umibis at sumunod sa lalaki patungo sa elevator. Alam na ni ni Wade kung anong floor ang pipindutin, at ang unit na tutunguhin. Ito lang naman ang may-ari ng tinitirhan.Pagbukas ng pinto basta na lang nito initsa sa wooden center table ang phone at car keys. Nagmamadali itong naglakad patungo sa banyo habang sinim

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status