Share

Seatbelt

Penulis: Grace Ayana
last update Terakhir Diperbarui: 2025-02-14 16:18:51

“Seatbelt?”

Natatarantang inabot niya ang seatbelt sa gilid ng upuan at dali-daling ikinabit sa katawan. Kaya pala hindi muna pinaandar ni Sir Wade ang kotse kasi natatanga na naman siya. Parang nagising sa mahimbing na pagtulog na mabilis na kumilos. Parang hindi na kakayanin ng sistema niya kung ito pa ang magkakabit niyon sa katawan niya. Baka mas lalong magwala sa pag-iingay at kaba ang dibdib niya. Nasa mukha pa naman nito na naiinis pa rin. Nasa manibela ang mga kamay pero inis na tsinek kung tama ba ang pagkakakabit niya. Dating taxi driver ang tatay niya, alam niya kung paano.

Nang masigurong okay na siya, nagbigay ito ng tip sa valet at pinaharurot palayo ang kotse. Galit kaya ito? Ang bilis kasi ng takbo nila. Heto at mahigpit siyang napapakapit sa seatbelt at sa edge ng upuan. Sa minsang pagliko nito, halos sumubsob siya sa balikat nito sa lakas ng impact.

Syempre, takot siyang magreklamo. Bakulaw kaya ang lalaking ‘to.

“Damn!”

Ang lakas ng mura nito. Para itong may kinayayamutan na napahawak at napahilot pa ang kaliwang kamay sa sentido habang nanatili sa manibela ang kanan. Halos wala na ring gitla sa pagitan ng mga kilay nito nang lumingon sa kanya.

“Shit!”

Ano na naman? Nagmura na naman ito nang mapadako sa mga hita niya ang mga mata. Sinundan niya ang paningin nito at ganoon na lang ang pag-iinit ng sulok ng kanyang mukba nang makitang halos wala nang natatakpang bahagi ng mga hita niya. Sa bilis ng pagpapatakbo nito kanina, nalilis na palang lalo ang maikli na nga niyang damit.

Dali-dali niya iyong inayos at pinagdikit ang legs. Sobrang kahihiyan na talaga ito. Kagat niya ang ibabang labi na napatitig sa labas. ‘Di talaga kaya ng sikmura niya na tingnan si Sir Wade na may kung anong trip sa buhay.

Naramdaman niya na lang ang paghina ng takbo nila. Mas payapa na ang biyahe. Wala nang mura na mariirnig pa mula sa katabi. Over the next few minutes, ang tahimik sa loob ng sasakyan. Hindi niya alam kung saang parte na sila ng Makati o kung nasa Makati pa ba sila. Nag-alangan siyang magtanong kahit nang lumiko ang sasakyan sa isang drive-thru.

“Double cheeseburgers, large fries, coke and apple pie,” kausap nito sa crew pagkababa ng window.

Nagugutom ito? Tig-dalawa kasi ang inorder nito. Nakamamangha lang. Sa yaman nito, kumakain din naman pala ng fast food. Matapos magbayad at makuha ang order, inayos muna nito sa glass holders ng center console ng sasakyan ang dalawang containers ng coke at ang ibang pagkain at nag-drive ulit. Hindi kinain ang binili. Ginawa lang perfume at heto ang sikmura niya, nag-react kaagad.

Baka masunggaban niya ang pagkain, minabuti niya na lang na enjoy-in ang pagtitig sa paligid. Ang payapa ng bahaging ito ng lungsod lalo na sa gabi. Para silang sinisilip ng nagtataasang mga gusali at mangilan-ngilang mga puno sa paligid. Nakakagutom ang halimuyak. Kanina, hindi niya na-enjoy ang dinner. De numero kasi ang kilos niya.

“Sir, nasaan na po tayo?” ‘di nakatiis na tanong niya.

“Salcedo.”

Ang kuripot ng sagot.

Nag-menor ang kotse hanggang sa huminto sila sa harap mismo ng isang park. Jaime C. Villanueva Park ang nakalagay na pangalan sa pader. Ang ganda ng park sa gabi. May mga tao sa loob pero hindi naman ganoon karami.

“Sir?” untag niya rito pero mukhang wala naman itong narinig. Pinatay nito ang makina ng kotse at bumaba ng kotse na bitbit ang takeout food at ipinatong sa hood.. Maang na napatitig na lang siya rito mula sa salamin. Iniwan nito ang mga pagkain at naglakad palapit sa gawi niya at binuksan ang sasakyan.

“Get off.”

Dito na ba siya ibababa ng lalaking ito? Hindi siya pamilyar sa parteng ito.

“Baba ka na.”

Napaatras siya nang bahagya itong dumukwang at napalapit ang mukha nito sa kanya. Narinig na naman niya itong nagmura bago umalis sa pagkakaharang sa pintuan. Mabilis siyang bumaba at sumunod dito sa harapan ng sasakyan at tahimik niyang inantabayanan ang bawat kilos nito.

Balak ba nitong mag-picnic? Inilatag nito ang dalawang tissue sa ibabaw ng sasakyan at ipinatong doon ang takeout foods. Ang mas lalong nakamamangha ay nang ibigay nito sa kanya ang isang burger. This man just didn’t fail to surprise her.

“A-akin ‘yan?”

Palipat-lipat ang mga mata niya sa malaking sandwich at sa mukha nito.

“Habit mo ba talaga na laging nagtatanong?”

Nakakasorpresa lang kasi.

Napatitig siya sa burger. Sa likod ng kanyang utak, alam niyang ang dami pa niyang nakabinbing aralin sa boarding house pero mas nanaig ang gutom. Tutal, gutom na rin lang, tinanggap niya ang pagkain. Hindi na masyadong mainit pero hindi naman malamig at ang sarap ng aroma sa ilong. Sinimulan niya iyong balatan. Sa unang kagat, ramdam niya ang linamnam. Saktong sa pangatlong kagat ay napadako ang mga mata niya kay Sir Wade. Halos mabulunan siya nang matuklasang titig na titig ito sa kanya.

Nagmumukha na ba siyang patay-gutom? Mabilis niyang napahid ng tissue ang gilid ng bibig. Baka may nasamid na sauce.

“Huwag ka nang mahiya. Just eat it.”

Tinapik ni Sir Wade ang isang bahagi ng harapan ng kotse na kinasasandalan nito. Binibigyang utos siya na sumandal doon gaya ng ginawa nito. She found herself under his spell. Sinunod niya ito. Ngayon ay pareho na silang nakaharap sa park habang tahimik na kumakain.

“Madalas po kayo rito?”

“I come here when I need peace and quiet.”

Peace and quiet pala hanap nito kaya nanahimik siya. Sa pagkain siya nag-concentrate.

Malamig pa rin ang dampi ng hangin sa balat kaya halos yakap na niya ang sarili habang sumige sa pagsubo. She was munching while occasionally rubbing her arm with her hand. Ang lamig na lang kasi. Nang bigla ay maramdaman ang pagsayad ng kung ano sa balikat niya. Nabitin sa ere ang burger. Mulagat ang mga mata at namumutok pa ang pisngi na napatitig siya sa katabi. Nahubad na nito ang suot na executive jacket. It landed on her shoulders. Nabawasan ang panlalamig niya.

“Stop whining. It's cold.”

Inalis nito ang takip ng drink at inilang lagok lang ang mahigit na kalahating laman.

“P-paano po kayo?”

Baka kasi hindi ganoon kakapal ang undershirt nito. Baka tatagos sa tela ang lamig. Pero mukha namang hindi apektado ang bumakat nitong masels sa braso kada galaw nito.

“I’m fine.”

“Okay po. Thank you.”

ilang beses pa lang niyang nakasalamuha ang lalaking ito pero sa bawat pagkakataon, parang laging may sorpresa. Habang tinititigan niya ang mukha nito, napaisip siya, ang dami-dami pa sigurong magagandang bagay na masarap tuklasin tungkol sa lalaking ito. This man is more than just a handsome face who towered over her. Napahawak siya sa tela at dinama iyon. Heto na naman ang walang katuturang pagsikdo ng dibdib. Nang wala namang dahilan.

“Stop staring at me as if I did a crime.”

“Sorry.”

Nilipat niya ang paningin sa unahan at nilunok ang bukol ng pagkain sa kanyang bibig. Kung criminal man ito, ito na siguro ang pinakagwapong criminal sa balat ng lupa. Kuripot man sa ngiti pagdating sa kanya, nasisilip niya naman ang mabuti nitong kalooban.

“Sir?”

Bahagyang sulyap lang ang tugon nito.

“Salamat dito sa pagkain. Salamat sa lahat.”

“I’m hungry as well. That’s it. Don’t be too sentimental. Don’t mistake it for charity.”

Napangiti siya. Sa mundong laging maramot ang mga tao, may isang Wade Carvajal na nagbibigay ng unsolicited na tulong sa kanya kahit ‘di niya hilingin. It was more than enough to be thankful for. For the next few minutes, they ate silently. Naubos ang pagkain nang walang anumang pinag-uusapan.

“Saan kita ihahatid?”

Nasa loob na sila ng sasakyan at kasalukuyan nitong bunubuhay ang makina.

“Doon lang po sa may malapit lang po sa TIP.”

Muli nilang binaybay ang kahabaan ng kalsada sa malamig na gabi. Ng tahimik at walang pinag-uusapan. Hanggang sa narating nila ang tinutuluyan. Ilang metro ang layo mula sa boarding house siya nagpahinto. Magtataka ang mga kasama niya kapag nakita siyang umibis sa isang magarang kotse at nakasuot pa ng ganitong damit. Akmang huhubarin niya iyon para isoli pero umayaw ito.

“Mas kakailanganin mo ‘yan.”

Bumaba ang paningin ni Sir Wade sa kanyang mga hita. Namula ang mukha niya. Ang iksi nga naman ng damit niya.

“Keep it.”

“Sige po, salamat po ulit, Sir Wade.”

Hindi na niya hinintay na pagbuksan siya nito. Kusa na siyang umibis ng sasakyan. Pero matigas nga yata siguro ang ulo nito. Natuklasan niya na lang na nakatayo na ito sa labas ng sasakyan nito. Naipagpasalamat niya na lang na medyo malalim na ang gabi. Wala nang masyadong tambay sa labas, wala nang mga boardmates na nakikitang pagala-gala sa katabing karenderya at computer shop.

“Tashi?”

Nagtatakang napalingon siya sa lalaki. Tashi at hindi Ana ang binanggit nitong pangalan niya.

“Bakit?”

Naging matiim ang mga titig ni Sir Wade. He was pensive.

“Why do you have to do it?”

Matapos ang mahaba-habang sandaling tila tinimbang nito ang mga sasabihin, namutawi sa bibig nito ang tanong na iyon.

“Why did you have to come with...”

Nag-pause si Sir Wade at tumitig muna sa paligid. Parang sinisiguradong walang sinumang makakarinig sa sasabihin nito. Alam na niya ang ibig nitong sabihin.

“Kailangan ko ho ng pang-tuition.”

Wala siyang mabasang reaksyon mla rito. Nahulog ito sa malalim na pag-iisip. Bumuntong-hininga ito pagkatapos. “You had a long day, Tashi. Pumasok ka na. Kailangan mo nang magpahinga.”

She bet there was more to that question. Nagpatuloy siya sa paghakbang. Bago tuluyang pumanhik sa main entrance ng tinutuluyan, nilingon niya pa ang kinaroroonan ni Sir Wade. Nakatayo pa rin ito kung saan niya ito iniwanan, nakatitig sa kanya, parang nakaantabay kung kailan siya makakapasok ng safe.

That act alone made her heart melt.

Pagdating niya sa floor nila, sumilip pa siya sa kalsada.

“Bakit hindi ka pa umaalis?”

Nakasandal pa rin ito sa hood ng sasakyan at nakatungo.

“Ano ba kasi ang iniisip mo?”.

Umalis siya sa bintana nang makarinig ng kaluskos sa may hagdanan at dali-daling pumasok sa loob ng kwarto. Ang landalady niya iyon, tsinek kung nakauwi na ba ang lahat. Alas onse na kasi, curfew na nila. Katunayan, tulog na nga ang mga kasama niya sa silid. Hinubad niya ang high heels at naglakad palapit sa deck niya. Inalis niya ang make up at maingat syang nagbihis. Tinupi ng maayos ang itim na damit na pinahiram ni Tita Cornelia sa kanya pero ang blazer ni Sir Wade, itinabi niya sa kama.

‘Ikaw muna ang magiging kumot ko ngayon.’

Dinala niya sa ilong ang isang bahagi niyon at ninamnam ang bango. Her breath caught as she inhaled his scent, a blend of warmth and familiarity and it wrapped around her like a blanket. Saka niya natagpuan, nakangiti na pala niya iyong sininghot. Para lang kasing ang gaan ng pakiramdam niya. Parang may kung anong pintong nagbubukas sa puso niya at pumasok ang kakaibang pakiramdam. Kahit sa pagtulog, hindi nawala ang ngiti niya.

 

Lanjutkan membaca buku ini secara gratis
Pindai kode untuk mengunduh Aplikasi

Bab terbaru

  • THE CEO'S SWEETHEART   Closer

    Kakaiba ang gising niya sa umagang ito. Magaang lang sa pakiramdam. Bigla na lang siyang naging excited sa pagpasok. She didn’t know what would await in the office but she harbored what Wade said last night.“Let’s be civil with each other.”Sino ba naman kasi ang ayaw na magtrabaho na walang bangayan, walang ilangan?Tinapos niya ang chocolate at nag-ayos ng sarili. Pagbukas niya ng closet, ang naakahanay na mga iniwang damit ni Myrtle ang tumambad sa mga mata niya. Ilan sa mga iyon, hindi pa nagagamit. Naglakbay ang mga daliri niya at isa-isang sinilip ang naka-hanger na mga damit at huminto ang kamay niya sa pulang damit na sa tantiya niya ay hanggang itaas ng hita ang length. Medyo hapit iyon sa baywang at may kalaliman ang neckline.“Too provocative.”She settled for that classic corporate look.“Magtrabaho ang pakay mo, Tashi, hindi magpa-impress.”Inalis ang tuwalya sa ulo at nagsimula nang magbihis at bumaba.She was earlier than usual. May time pa siyang dumaan sa isang baker

  • THE CEO'S SWEETHEART   Almost

    Tahimik lang silang nagbiyahe ni Wade. She could tell he was mad. Mariin ang pagkakahawak nito sa manibela habang tuwid lang na nakatitig sa daan. Not until she found out where Wade had parked his car.Nagtatanong ang mga mata niyang napatingin sa katabing lalaki. Sa mismong tapat ng condo na tinutuluyan sila humantong. Kasalukuyan nang nagtatanggal ng seatbelt si Wade pero hindi niya pa rin niya magawang tuminag.“Bumaba ka na.”Nabuksan na pala ni Wade ang passenger’s side at naghihintay na ito sa pagbaba niya. Paglingon niya rito, nakita niya kung paanong naging kulay kape ang bandang kanan ng puting long sleeves ng amo.Nakaka-guilty lang.Kaya naman, nagmamadali siyang umibis at sumunod sa lalaki patungo sa elevator. Alam na ni ni Wade kung anong floor ang pipindutin, at ang unit na tutunguhin. Ito lang naman ang may-ari ng tinitirhan.Pagbukas ng pinto basta na lang nito initsa sa wooden center table ang phone at car keys. Nagmamadali itong naglakad patungo sa banyo habang sinim

  • THE CEO'S SWEETHEART   Saved

    Simula nang araw na iyon, sinikap ni Tashi na hindi sila nagsasabay sa pag-uwi ni Wade. Lagi siyang nauunang lumabas ng opisina. Madalas din naman kasi itong wala sa oras ng uwian. Nag-iiwan lang ito ng mga notes ng mga kakailanganin niyang ihanda. Siya lang yata ang sekretarya na hindi masyadong updated sa kung anong pinaggagagawa ng boss niya.But then, a busy week was inevitable. Sa linggong ito, kabilaan ang meetings at submission of reports. Madalas silang magkasama, madalas na gabing umuwi. Yet, the offer to take her home never happened again. And he never once asked for coffee…not even once.Duda nga siya na baka itinapon nito ang kapeng tinimpla niya noong nakaraan. Pero ayos na rin. Nababawasan ang pagkaasiwa niya. Mas nagiging kampante siyang makasama ito. Mukhang wala na talagang interes si Wade sa kanya.Pero minsan, hindi niya maiwasang magtanong sa sarili kung wala lang ba talaga sa kanya ang lahat ng nangyari noon. Habang tumatagal, may mga pagkakataong gusto niyang mag

  • THE CEO'S SWEETHEART   Turmoil

    “Mistakes can happen anytime, hijo.”It was a relief. Ang lawak ng pang-unawa ni Sir Preston Samaniego. Mabait ang ama niya, pero ‘di hamak na mas mukhang makatao ang lalaking ito. Jacob was lucky enough to have been raised by this man. Ni minsan, wala siyang narinig na masamang balita tungkol kay Sir Preston.“Thank you, Sir. Thank you for understanding.”“We’ve been business partners far too long to let our partnership be tarnished by one accidental mistake. Huwag lang mauulit.” Pareho silang tumayo ni Sir Preston at nagkamay.“Hindi na po mauulit, Sir.”“Well, your secretary vowed to not let it happen again,” nakangiti nitong dagdag.“My…secretary,” he repeated, brows furrowing.Lumawak ang ngiti ni Sir Preston. “She sent a letter of apology. Inako niya ang kasalanan. She specifically stated that you had nothing to do with it.”Malamig ang pakikitungo nila ni Tash isa isa’t-isa. Hindi nga matatawag na civil. Tashi could simply choose to rejoice in his suffering. Pwede pa niyang isi

  • THE CEO'S SWEETHEART   Guilty

    Sinigurado niyang mas una siyang dumating kay Wade kinabukasan. Thankfully, bandang alas nuebe na ito pumasok. As usual, Wade was in his cold and professional demeanor.“Have my schedule for today ready in five minutes.”Dumiretso ito sa opisina. Sabi ni Myrtle, unang-una nitong ginagawa pagdating ay magtsi-tsek ng mails. Tinantiya niya munang tapos na ito sa ginagawa bago lakas loob na pumasok na dala na ang hiningi nito. Una niyang inilapag ang schedule na nakasulat sa papel.Napatingin ito doon.She was supposed to read the schedule straight from the digitized planner pero walang anumang sumunod na puna mula rito. Kinuha niya na ang pagkakataon. Itinabi niya roon ang kahapon pa niya ginawang resignation letter.Wade nonchalantly accepted and read the letter. Pagkatapos pasadahan, diretso itong tumitig sa kanya.“May ibang trabaho ka bang malilipatan?”“Maghahanap ako.”Umangat ang kilay nito. Sumandal si Wade sa upuan at basta siya tinitigan na tila isa siyang nakakatawang tanawin.

  • THE CEO'S SWEETHEART   Decide

    Hindi niya alam kung paano na-survive ang nagdaang mga sandali na ipinakilala siya ni Myrtle sa boss niya. Basta, ang naalala niya lang, tila ayaw nang umapak sa lupa ang mga paa niya. Namamanhid ang mga paa niya, nanlalamig ang mga palad.Nagsalpukan ang lahat ng emosyon sa kanyang dibdib. Hinanakit, hinampo, galit, pagtataka. Pagtataka dahil matapos ang lahat, ang lalaki pa ang may ganang umaktong parang hindi siya kilala. Ito pa ang may kakayahang maging malamig ang pakikitungo.Siya dapat ang nagagalit, ‘di ba?Siya ang pinangakuan na babalikan pero pinagmukha nitong tanga.Siya ang nadehado at nalugmok.“The boss has a way of mesmerizing anyone.”Nakakapanibago pa rin na iisiping amo na niya ang lalaking minsan niyang naging…Ano nga ba sila dati? Parang ganito rin lang naman. Amo ito, empleyado siya. Kaibahan nga lang, katawan ang binibinta niya noon. Ngayon, serbisyo niya ang babayaran.“Okay ka lang?”Hindi. Pero kailangan niyang sagutin ng Oo. Paano ba naman siya magiging oka

Bab Lainnya
Jelajahi dan baca novel bagus secara gratis
Akses gratis ke berbagai novel bagus di aplikasi GoodNovel. Unduh buku yang kamu suka dan baca di mana saja & kapan saja.
Baca buku gratis di Aplikasi
Pindai kode untuk membaca di Aplikasi
DMCA.com Protection Status