LOGINThe project is almost officially done. Lumipas ang mga araw at linggo na tanging sa pagbubuo ng disenyo lang nakatutok ang kanyang atensyon. Sa mga pagkakataong kinailangan niyang bumalik sa site, walang Wade na lumalapit. Ang mga taga-gym din naman, walang nagkukusang lumapit sa kanya. Para bang may silent protocol na hayaan lang siya sa ginagawa.Kadalasan din naman, hindi siya nagtatagal. Nag-aalburuto siya kapag nakikita ang babaeng iyon. Kahit yata masyadong pormal ang pakikitungo niya, ngumingiti pa rin ito sa kanya. Maricar was annoyingly friendly. Narinig niyang tinawag ito sa ganoong pangalan at ito ang tumatayong manager ng gym.“Need anything?”Napapikit siya. Lumapit pa talaga noong huling balik niya.“No, thank you, I can manage.”Nakaya niyang suklian ng kapormalan ang magandang bukas ng mukha nito.“Ow, okay,” nasabi na lang nito na nabawasan ang ngiti. “Tawagin mo lang ako ha?”Ano ba ito ni Wade? Lagi kasing bumubuntot-buntot dito sa gym at mukhang close ng lahat, pat
Hanggang ngayon, nahihirapan siyang isipin na kagagaling lang ni Wade dito sa bahay nila. Nakahiga na siya sa kama pero hindi niya pa rin maiwasang paulit-ulit na balikan ang lahat ng kaganapan buong araw.Wade was a regular. ‘Yon ang napag-alaman niya. Kahit ang aso nilang si Puggy, kilala si Wade. Mistulang normal na rin para sa lalaki ang i-tsek ang dispenser kung may laman pang tubig o wala na, at nagagawa itong utus-utusan ng tita niya.Habang hindi maiwasang magkasalo sila sa hapag, may mga bagay siyang nalaman. Kung paanong alam ni Wade ang importanteng mga araw sa buhay ng pamilya. It was as if, naghiwalay lang sila pero hindi ito lubusang umalis.“Kumain ka ng marami.”Daig pa yata si Ma’am Feliza kung estimahin ni Tita Merriam si Wade. Halos bundok na ang pagkaing isinalin nito sa plato ng huli. Ang saya pa ng kwentuhan ng dalawa. Parang anak si Wade na nagbabalita ng mga kaganapan sa buhay nito sa buong araw. While she was there, sitting silently feeling her invisibility. H
“Have a seat, Architect.”Parang lumaylay ang mga balikat niya. Architect. Hindi Tashi, ’di rin sweetheart. God, ano ba kasi ang inaasahan niya? Siya itong nagtulak kay Wade palayo sa kanya, sa huli, siya rin ang makakaramdam ng matinding paghahanap sa dating init nito.Where had all the warmth gone?Bravely, she looked into his eyes. May hinahanap siyang kislap, pero siya namang pag-iwas nito ng tingin at pagtayo. Namalayan na lang niyang halos mapapikit siya nang masamyo ng kanyang ilong ang kaaya-aya nitong bango nang lumapit ito sa kinaroroonan niya para maghila ng upuan.She stood there, momentarily frozen, mesmerized by him, and by the coldness. Parang natatangang sinusundan ang bawat kilos nito.“Will you keep on standing?”Para siyang nagising sa malalim na pagkakahimbing nang marinig ang nami-miss niyang boses. Gathering all courage, she acted okay. Masyado siyang nakakahiya na parang asong ulol na naglalaway sa harapan nito. She even held her head high and said, “Thank you.”
She was home again after a long time. She had touched down Manila. Nilibot niya ang paningin sa paligid. Five years ago, mag-isa niyang tinungo ang Japan nang hindi nagpahatid sa Tita Merriam sa airport. Ngayon, mag-isa ding umuwi. Walang pamilya ang nakaabang sa kanya. Hindi kagaya ng iba na may mga marker pang itinataas sa ere para sa mga sasalubunging kamag-anak o kaibigan ng mga ito.Clutching her luggage, she continued walking. As the sliding door opened, a wave of noise crashed over her. For the first time since the plane landed, the weight of being back really settled in. Ang alinsangan, ibang-iba sa lamig ng Tokyo.“Welcome home, Tashi,” mahinang turan niya sa sarili habang naghahanap ng taxi’ng masasakyan. Nang makalulan ng taxi, hinubad niya na ang suot na blazer at isinampay na lang sa kanyang braso. Mas nakagiginhawang sleeveless white blouse na lang ang pang-itaas. Sumandal siya sa upuan at pinagkasyang ilinga ang mga mata sa paligid.“Saan tayo, Ma’am?”Nakalimutan niya
The leaves of the sakura tree had begun to fall, and the petals were just starting to bloom. Ang ganda na ng paligid, pero mas lalo pa itong pinatingkad ng mga cherry blossom na kasisimula pa lang mamukadkad.Spring never failed to make Tashi’s heart flutter. Bawat taon, ito ang pinakahinihintay niya. Noong mga unang taon niya sa Japan, ang mga Sakura, at ang kagandahan ng paligid, ang naging sandalan niya laban sa lungkot, sakit, at kalungkutan.She gathered the placket of her trench coat. Lumalamig na kasi ang paligid, pero ‘yong lamig na hindi naman nanunuot sa buto, kaaya-aya lang sa pakiramdam. Napatingla siya sa itaas, sa tila canopy na nilikha ng halos magkakadikit na mga Sakura trees.It was so scenic. It never failed to mesmerize and impress her, every single time.Pumulot siya ng isang petal at inilagay sa kanyang nakadipang palad.“Ang ganda.”How she wished, nakikita ito ng pamilya. One day, dadalhin niya ang mga ito sa Japan. Ngayon, kaya na niyang gawin iyon.Tumunog ang
Nagising si Wade sa amoy ng mainit na kape na tila nanunuot sa kanyang ilong. Pagmulat niya, ang umuusok na mug na hawak ni Tita Merriam ang bumungad sa kanya. Bigla siyang napabngon, dahilan para mahulog ang fleece blanket na malamang, ang babae ang naglagay sa kanya.“Good morning po.”Bahagya itong tumango at inilapit ang tasa.“Hindi ko kabisado ang timpla mo, pero pagtiyagaan mo na.”Inabot niya ang kape at nagpasalamat."Gising na siya,” dagdag ng babae. “Hindi ka ba papasok?"Kaba. Excitement. Takot. Nagsalpukan sa dibdib niya ngunit mas nangibabaw ang takot."Galit po ba siya sa akin?"Naupo ang Tita Merriam sa tabi niya. "Pumasok ka nang malaman.”Napakalunok siya. Damn, Naglalaro sa isip niya ang lahat ng posibleng kahihinatnan ng paghaharap nila ni Tashi, ang ang panunumbat, ang galit, o mas masahol pa, ang malamig na galit.Galit kaya ito sa kanya? Makakaya niya kayang salubungin ang panunumbat nito? O ang malamig na galit?God.“Ubusin mo na muna ‘yan at pumasok ka na.”T







