MasukJust like that, pinasok niya ang trabahong mahigpit niyang inayawan noon. But desperate moments require a desperate measure. Ngayon lang naman. Pangako niya sa sarili, hindi na mauulit. Habang napapasubo sa ganitong ‘trabaho’, pipilitin niyang gawing tama ang tsansa na ibinigay ni Tita Cornelia sa kanya. Kahit pa nga binubugbog ng kaba ang dibdib niya at pinuputakte ng hiya ang sarili.
Mula sa taxi’ng kinauupuan, bumaling siya sa labas ng bintana. The last twenty-four hours had been rigid. Sa loob lang ng maikling panahon, nag-transform siya bilang ibang babae. Ni hindi niya mapaniwalaan ang nakitang ayos sa salamin.
Ang bilis lang ng mga pangyayari. Kahapon, dinala siya ni Marie sa malaking bahay ni Tita Cornelia. Ipinakilala at sinabi ang kailangan niya.
“She’s fresh, innocent, alluring. Konting ayos lang at mas lulutang ang ganda mo,” si Tita Cornelia habang binabaybay ng titig ang kabuuan niya. “You could be our clients’ favorite.”
“Dun…dun lang ako sa hanggang…companionship lang po, Tita Cornelia.”
Huminto ang babae sa mismong harapan niya at tinitigan siya sa mukha.
“We are a high-end escort service. I can guarantee you, kung ano ang nakasaad sa kontrata, ‘yon lang ang gagawin mo. No more, no less. The client cannot impose on you. Unless, gugustuhin mong kumita ng extra. Any man wouldn’t think twice na i-upgrade ang services na kaya mong ibigay.”
“Pang-tuition lang po, sapat na.”
Bahagyang ngumiti ang babae. Tila sinasabing, “Marami na ang nagsasabi niyan.” Sa dami ng mga babaeng sumuko sa kawalan, Tita Cornelia knew too well.
Matapos ang ilang minutong biyahe, narating niya sa wakas ang Makati Shangrila. Habang nababasa ang iconic na pangalan nito, binulabog na naman ng kaba ang dibdib niya na pansamantala niyang naisantabi kanina. Halos bumaon na ang mga kamay niya sa purse na nakapatong ngayon sa kanyang exposed na mga hita.
Kung nagsu-shorts man, madalas ay halos hanggang tuhod niya na. Ngayon, umabot lang sa gitna ng mga hita ang suot niyang kulay itim na damit nang makaupo. Kahit hindi man hapit na hapit sa katawan, sabi ni Marie, lumitaw ang kurba niya. In Marie’s words, bagay sa kanya. Hindi siya magmumukhang cheap sa isang dinner date.
Date.
She had never been on date, pero ngayon, magiging escort siya ng isang may edad na kliyente. Sana nga lang, hindi bastos ang makakasama niya.
“Kapag binastos ka ng ka-booking mo, tumawag ka kaagad, okay?”
Sana rin, kasama niya ngayon si Marie. But tonight, she was on her own.
“Alas diez, susunduin kita rito,” si Kuya Pepot, ang driver na naghahatid sa kanya ngayon. Minsan na niya itong nakita noong minsang ihatid nito si Marie mula sa raket nito.
“Sge po, Kuya. Salamat.” Isang hugot ng malalim na buntong-hininga at itinulak niya pabukas ang pintuan ng taxi. Yumakap kaagad sa balat niya ang malamig na simoy ng hangin pagkababa ng sasakyan. Pinakatitigan niya ang façade ng main entrance ng hotel at isang malalim na buntong-hininga muna ang pinakawalan bago nagsimulang humakbang papasok. Kada hakbang niya, ramdam niya ang pagkabog ng dibdib. Naiisip niya ang Tita Merriam at ang mga kapatid. Walang kaalam-alam ang pamilya kung ano ang pinasok niya sa gabing ito.
‘Ngayon lang naman ito.’
She was now in the grand lobby. Ang sarap titigan ng unique pattern ng marble sa pinakagitna niyon. At least, learning experience na rin para sa kanya.
Luminga siya sa paligid at hinanap sa mga naroroon ang ‘kliyente’. Mr. Robinson. ‘Di nagtagal, nakita niya ito. Kampanteng nakaupo sa isa sa mga upuan sa lounge area. Nakatingin din pala ito sa kanya at hinintay ang paglapit niya. Isang mestisuhin at matangkad na lalaki katulad ng nasa larawan. Pormal ito at mukhang dignified. Malayo sa iniisip niya na dirty old man.
“Mr. Robinson?”
Napanatili niyang steady ang boses kahit pa nga nininerbyos siya. This is survival. Pang-tuition lang.
“Ana, right?”
Muntikan na siyang mag-mental block. Ana nga pala ang ibinigay na alias ni Tota Cornelia sa kanya mula sa buong pangalan niyang Anastasha.
“Yes, Sir.”
Gaya ng bilin ni Tta Cornelia, siya ang unang naglahad ng palad. She just hoped, hindi masyadong mahahalata ang panginginig ng palad niya.
“Sir is too formal.” Friendly ang ngiti ng lalaki. Tumayo ito at inahad ang kamay sa kanya. Muntikan niyang mabawi ang kamay nang halikan ni Mr. Robinson ang likod ng palad niya. “Don’t get me wrong, Ana. I was just showing my appreciation for keeping an old man like me company.”
“P-pasensya na po.”
Takot niya lang na baka sumablay kaagad.
Ngumiti ito. “Be yourself, hija.”
Mukha namang harmless si Mr. robinson. Kung susumahin, mas mukha itong tatay na nagpapalagay ng loob ng anak kesa sa isang estrangherong bwetre na nakahandang manlapa sa kanya. Mas palagay niya ngayong Ikinawit niya ang isang kamay sa nakaumang nitong braso at tahimik na sumunod kung saan man nito dalhin. Habang naglalakad sila sa lobby ng hotel, hindi maiwasang may mga mga matang nakatitig sa kanila. May nanghuhusga kaya sa kanya? Malamang. Pwede ring wala.
Pumasok sila ni Mr. Robinson sa isang private meeting room at naupo sa pang-apatang mesa sa pinakagitna. Aside sa mesa, may mga facilities din doon na naaangkop para sa isang business meeting. She wondered: ano kaya ang gagawin niya sa loob ng mga oras na makikipag-usap si Mr. Robinson sa ka-meeting nito?
Bahala na. Mananahimik at maghihintay ng utos nito. And always, act cool and flash her best smile, ayon kay Marie.
Habang hindi pa dumating ang business associate ng kliyente, manaka-nakang nagkukuwento si Mr. Robinson tungkol sa buhay nito. Mataman naman siyang nakinig. Sabi ni Marie, the best customers daw are people like Mr. Robinson. ‘Yong companionship kesa sex ang hanap. Sa gitna ng pagsasalita nito, biglang may pumasok na call.
“Excuse me, Ana.”
Sinagot ni Mr. Robinson ang nag-iingay na phone.
“Finally! Akala ko wala nang sisipot sa akin.” Himig itong nagbibiro. Ang lawak pa ng ngiti. ‘Yon na siguro ang hinihintay nilang tao. Hindi pa man natatapos ang tawag, bumukas ang pintuan ng private room. Nabaling doon ang atensyon niya. Isang matangkad na lalaking kasalukuyang nagpapagpag ng medyo nabasang damit kasunod ang isa pang lalaki na may bitbit na laptop bag. One can simply tell, who has the air of authority between the two men.
Nang tumayo si Mr. Robinson, alanganin na rin siyang tumayo. Umalis ito sa kinaroroonan at nilapitan ang mga bagong dating. Binati ni Mr. Robinson sa hindi pa niya nakikitang dalawang lalaki na pumasok. "Thank you for giving an old man some of your time."
The handshake was firm. Nakaharang si Mr. Robinson sa paningin niya kaya, hindi niya makita ang mukha ng bagong dating. But one thing was noticeable. Tila may pamilyar na bango na bigla na lang nanuot sa ilong niya sa pagpasok nito.
"This meeting has been long overdue. I won’t let this opportunity slip by, Sir."
Natigilan siya. Ang boses na iyon- sobrang pamilyar.
"I figured your dad would be the one coming tonight."
“Papa’s currently out of the country, so he sent me here on his behalf. Would you prefer my dad's presence? We can cancel this meeting right now."
“Hindi ka na mabiro," agarang sagot ni Mr. Robinson. "I know you. You're just as reliable a businessman as your father. Isa kang Carvajal." Himig namang nagbibiro ang kausap ni Mr. Robinson."
Tuluyang umalis si Mr. Robinson sa pagkakaharang sa kausap nito. Nahantad sa kanya ang kabuuan ng taong ‘yon. Sapat para tila may humarang sa kanyang lalamunan. Biglang naging masikip ang silid para sa kanya. Sa likod ng utak niya, gusto niyang tumakas at magtago.
Too much coincidence. Of all people, ang lalaking ito na naman ang nakatagpo niya sa gabing ito. Sa isang nakakaasiwa pang tagpo.
Parang slow motion na hinintay niyang mapadako sa kanya ang paningin ng lalaki. Nang tuluyang mabaling sa kanya ang mga mata nito, doon mas lalong nagwala ang dibdib niya lalo na nang makita kung paanong nawala ang ngiti sa mukha nito. Nakita niya kung paanong humagod ang titig nito sa kanya. She felt embarrassed at that instant. Nagawa niya na naman sanang ibulsa ang hiya at pangmamaliit sa sarili kanina, ngayon, ibang usapan na.
Wade. Wade Carvajal. Ito ang business associate na sinabi ni Mr. Robinson. Hindi pa man, alam na niyang magiging mahirap at nakakailang ang gabing ito.
Kakaiba ang gising niya sa umagang ito. Magaang lang sa pakiramdam. Bigla na lang siyang naging excited sa pagpasok. She didn’t know what would await in the office but she harbored what Wade said last night.“Let’s be civil with each other.”Sino ba naman kasi ang ayaw na magtrabaho na walang bangayan, walang ilangan?Tinapos niya ang chocolate at nag-ayos ng sarili. Pagbukas niya ng closet, ang naakahanay na mga iniwang damit ni Myrtle ang tumambad sa mga mata niya. Ilan sa mga iyon, hindi pa nagagamit. Naglakbay ang mga daliri niya at isa-isang sinilip ang naka-hanger na mga damit at huminto ang kamay niya sa pulang damit na sa tantiya niya ay hanggang itaas ng hita ang length. Medyo hapit iyon sa baywang at may kalaliman ang neckline.“Too provocative.”She settled for that classic corporate look.“Magtrabaho ang pakay mo, Tashi, hindi magpa-impress.”Inalis ang tuwalya sa ulo at nagsimula nang magbihis at bumaba.She was earlier than usual. May time pa siyang dumaan sa isang baker
Tahimik lang silang nagbiyahe ni Wade. She could tell he was mad. Mariin ang pagkakahawak nito sa manibela habang tuwid lang na nakatitig sa daan. Not until she found out where Wade had parked his car.Nagtatanong ang mga mata niyang napatingin sa katabing lalaki. Sa mismong tapat ng condo na tinutuluyan sila humantong. Kasalukuyan nang nagtatanggal ng seatbelt si Wade pero hindi niya pa rin niya magawang tuminag.“Bumaba ka na.”Nabuksan na pala ni Wade ang passenger’s side at naghihintay na ito sa pagbaba niya. Paglingon niya rito, nakita niya kung paanong naging kulay kape ang bandang kanan ng puting long sleeves ng amo.Nakaka-guilty lang.Kaya naman, nagmamadali siyang umibis at sumunod sa lalaki patungo sa elevator. Alam na ni ni Wade kung anong floor ang pipindutin, at ang unit na tutunguhin. Ito lang naman ang may-ari ng tinitirhan.Pagbukas ng pinto basta na lang nito initsa sa wooden center table ang phone at car keys. Nagmamadali itong naglakad patungo sa banyo habang sinim
Simula nang araw na iyon, sinikap ni Tashi na hindi sila nagsasabay sa pag-uwi ni Wade. Lagi siyang nauunang lumabas ng opisina. Madalas din naman kasi itong wala sa oras ng uwian. Nag-iiwan lang ito ng mga notes ng mga kakailanganin niyang ihanda. Siya lang yata ang sekretarya na hindi masyadong updated sa kung anong pinaggagagawa ng boss niya.But then, a busy week was inevitable. Sa linggong ito, kabilaan ang meetings at submission of reports. Madalas silang magkasama, madalas na gabing umuwi. Yet, the offer to take her home never happened again. And he never once asked for coffee…not even once.Duda nga siya na baka itinapon nito ang kapeng tinimpla niya noong nakaraan. Pero ayos na rin. Nababawasan ang pagkaasiwa niya. Mas nagiging kampante siyang makasama ito. Mukhang wala na talagang interes si Wade sa kanya.Pero minsan, hindi niya maiwasang magtanong sa sarili kung wala lang ba talaga sa kanya ang lahat ng nangyari noon. Habang tumatagal, may mga pagkakataong gusto niyang mag
“Mistakes can happen anytime, hijo.”It was a relief. Ang lawak ng pang-unawa ni Sir Preston Samaniego. Mabait ang ama niya, pero ‘di hamak na mas mukhang makatao ang lalaking ito. Jacob was lucky enough to have been raised by this man. Ni minsan, wala siyang narinig na masamang balita tungkol kay Sir Preston.“Thank you, Sir. Thank you for understanding.”“We’ve been business partners far too long to let our partnership be tarnished by one accidental mistake. Huwag lang mauulit.” Pareho silang tumayo ni Sir Preston at nagkamay.“Hindi na po mauulit, Sir.”“Well, your secretary vowed to not let it happen again,” nakangiti nitong dagdag.“My…secretary,” he repeated, brows furrowing.Lumawak ang ngiti ni Sir Preston. “She sent a letter of apology. Inako niya ang kasalanan. She specifically stated that you had nothing to do with it.”Malamig ang pakikitungo nila ni Tash isa isa’t-isa. Hindi nga matatawag na civil. Tashi could simply choose to rejoice in his suffering. Pwede pa niyang isi
Sinigurado niyang mas una siyang dumating kay Wade kinabukasan. Thankfully, bandang alas nuebe na ito pumasok. As usual, Wade was in his cold and professional demeanor.“Have my schedule for today ready in five minutes.”Dumiretso ito sa opisina. Sabi ni Myrtle, unang-una nitong ginagawa pagdating ay magtsi-tsek ng mails. Tinantiya niya munang tapos na ito sa ginagawa bago lakas loob na pumasok na dala na ang hiningi nito. Una niyang inilapag ang schedule na nakasulat sa papel.Napatingin ito doon.She was supposed to read the schedule straight from the digitized planner pero walang anumang sumunod na puna mula rito. Kinuha niya na ang pagkakataon. Itinabi niya roon ang kahapon pa niya ginawang resignation letter.Wade nonchalantly accepted and read the letter. Pagkatapos pasadahan, diretso itong tumitig sa kanya.“May ibang trabaho ka bang malilipatan?”“Maghahanap ako.”Umangat ang kilay nito. Sumandal si Wade sa upuan at basta siya tinitigan na tila isa siyang nakakatawang tanawin.
Hindi niya alam kung paano na-survive ang nagdaang mga sandali na ipinakilala siya ni Myrtle sa boss niya. Basta, ang naalala niya lang, tila ayaw nang umapak sa lupa ang mga paa niya. Namamanhid ang mga paa niya, nanlalamig ang mga palad.Nagsalpukan ang lahat ng emosyon sa kanyang dibdib. Hinanakit, hinampo, galit, pagtataka. Pagtataka dahil matapos ang lahat, ang lalaki pa ang may ganang umaktong parang hindi siya kilala. Ito pa ang may kakayahang maging malamig ang pakikitungo.Siya dapat ang nagagalit, ‘di ba?Siya ang pinangakuan na babalikan pero pinagmukha nitong tanga.Siya ang nadehado at nalugmok.“The boss has a way of mesmerizing anyone.”Nakakapanibago pa rin na iisiping amo na niya ang lalaking minsan niyang naging…Ano nga ba sila dati? Parang ganito rin lang naman. Amo ito, empleyado siya. Kaibahan nga lang, katawan ang binibinta niya noon. Ngayon, serbisyo niya ang babayaran.“Okay ka lang?”Hindi. Pero kailangan niyang sagutin ng Oo. Paano ba naman siya magiging oka







