LOGINNang makitang nakapikit ang mga mata nito at walang reaksyon, lalo pa siyang lumapit.Biglang may boses na nagbabala “Huwag kang lalapit pa.”Tumingala si Nancy para tingnan siya. Paano niya nalamang lumalapit siya kung nakapikit ang mga mata nito?“Hindi ko mapigilan. Natatakot ako na mahilo ako sa kotse mamaya.”Iminulat ni Oliver ang kanyang mga mata at tumingin sa kanya. “Hindi ka mahihilo kung sasandal ka sa akin?”“Hindi,” sabi niya. “Kasi mabango ka.”Mabangong chamomile ang damit ni Oliver—ang amoy ng chamomile pagkatapos ng ulan, medyo mapait at napakahinhin, isang bagay na hindi mo maaamoy maliban kung lumapit ka.Para sa isang taong naglilihi tulad niya, gumana ito nang maayos para pigilan ang pagkahilo.Habang nagtatake advantage sa katahimikan nito habang nakatikom ang mga labi, idinikit ni Nancy ang buong katawan sa kanya at, naging mas matapang, nakiikot ang braso sa kanya “Asawa ko, let me s
Inikot ni Nancy ang kanyang daliri sa gilid ng baso at kaswal na nagsalita, “Sa mga ganitong oras, wala nang iba kundi siya lang.”“Talagang nagmamalasakit sa iyo si Mr. Mendoza.”Nagbigay si Nancy ng isang mahiwagang ngiti “Tito Paul, nagbibiro ka. Kung hindi siya magmamalasakit sa sarili niyang asawa, bakit siya magmamalasakit sa ibang babae?”Nagulat si Paul “Kasal na kayo?!”“Oo. Kung hindi, bakit siya magpapasok ng pera sa Manalo Corporation?”Nanginig ang mga labi ni Paul “Aba, congratulations kung ganun.”Pinalabas ni Nancy na hindi niya ito narinig at kinuha ang kanyang baso upang uminom nang kaunti.Dahil sa kanyang pabebe at supladang kilos, mukhang spoiled na spoiled siya kay Oliver.Pinag-isipan ito ni Paul sa kanyang isip, tsaka pilit na ngumiti uli “Ano ba ang pinagkakaabalahan ng asawa mo kamakailan?”Inilapag ni Nancy ang kanyang baso “Tito Paul, may gusto ka bang pag-usapan?”L
Sa sobrang galit ni Nancy, gusto niya itong sipain. Ngunit nanghihina ang kanyang mga binti kaya napasandal na lamang siya sa pader at wala nang lakas na gumalaw.Inabot ni Oliver ang kanyang braso at itinayo siya.“Ihahatid na kita pauwi.”Nawalan ng balanse si Nancy at natisod, dahilan upang mapasubsob siya sa mga bisig nito.Humigpit ang panga ni Oliver at awtomatiko nitong niyakap ang kanyang baywang.“Hindi, hindi pa ako puwedeng umalis.”Kunot-noong nagtanong ito. “Bakit?”Humawak si Nancy sa braso nito upang makatayo nang maayos. Ibinaba niya ang tingin at huminga nang malalim nang ilang beses bago tumingin sa direksiyong pinuntahan ng lalaking nagmamasid.“Nakita niya tayong naglalambingan. Sigurado akong babalik siya kay Paul para magsumbong.”Dinilaan niya ang kanyang mga labi na may bahagyang kirot pa rin mula sa halik habang mabilis na nag-iisip.“Ito na ang pinakamagandang pagkakataon para lapitan siya…”Hindi pa siya tapos magsalita nang maramdaman niyang tila may mainit
Nanlamig ang tingin ni Oliver.“Kung wala ring pinagkaiba kung nandito ka man o wala, simula ngayon, kapag may nagtanong, sasabihin ko na lang na patay na ang asawa ko… Mmm.”Mahigpit na hinawakan ni Oliver ang kanyang baba. “Huwag kang masyadong matabil.”“Hindi ba totoo naman?”Itinaas ni Nancy ang kanyang mukha at hindi man lang umiwas ng tingin.Nag-atubili sandali si Oliver bago siya binitiwan. “Ano ang ginagawa mo rito?”Kumikislap ang mala-soro niyang mga mata na tila may manipis na luha, ngunit ang mga sulok ng kanyang labi ay may bahid ng mapang-akit na ngiti. “Naging goodwill ambassador ka ng charity—hindi ba dapat pumunta ako para suportahan ka?”Walang emosyon ang mukha ni Oliver. “Magsalita ka nang maayos.”Nawala ang mapanuyang ngiti ni Nancy at may halong inis siyang nagtanong.“Maganda ba ako?”“Espesyal akong nag-ayos ngayong gabi para sa'yo.”Nakatitig si Oliver sa kanyang mukha.Mapupula at mapuno ang kanyang mga labi, habang ang kanyang mga mata at kilay ay puno ng
Tumayo ang babae sa harap niya, namumula ang mga pisngi, mahigpit na hawak ang dalawang tiket sa kanyang mga kamay."Oliver, isa po akong estudyante na tinulungan ninyo. Ang pangalan ko po ay Zarj... Ako po yung nanalo ng pambansang gold award sa sining noong nakaraang taon, natatandaan niyo po ba?"Walang pakialam ang ekspresyon ni Oliver. Pagtingin niya sa mahiyain nitong ayos, ang kanyang mga mata ay nagbigay na ng sagot.Naramdaman ni Zarj ang pagkadismaya sa kanyang puso, ngunit nilakasan pa rin niya ang kanyang loob para iabot ang mga tiket: "Napili po ang aking likhang-sining para sa Youth Art Exhibition ngayong taon. Ito po ang mga tiket para makapasok... Gusto ko po, gusto ko po sana kayong imbitahan na panoorin ito."Ibinaba ni Oliver ang kanyang mga mata at sinulyapan ang mga tiket sa kanyang kamay, ngunit hindi niya ito kinuha."Naku, naku."Isang bulto na nakasuot ng kulay alak na pula ang banayad na naglakad palabas mula sa kanto ng pasilyo."Masyadong nagmamataas si Mr.
"Para sa panig ng Sky, kasuhan kung kailangan, at habulin ang mga utang kung kailangan. Ang isang bilyon ay hindi maliit na halaga; babawiin natin kung gaano man ang kaya natin. Tungkol naman kay Paul..."Isang kislap ng kalamigan ang dumaan sa mga mata ni Nancy. "Ngayong alam niyang muling nabuhay ang Manalo Group, gusto pa rin niyang makialam. Mabuti pang talunin natin siya sa sarili niyang laro.""Pero si Paul ay napakatuso. Hindi siya mahuhulog sa isang simpleng patibong."Bahagyang umangat ang sulok ng labi ni Nancy "Paano kung si Oliver?"Bumalik si Nancy sa kanyang kwarto. Orihinal niyang gustong kontakin si Oliver, pero alas-nuwebe pa lang ng umaga. Kilala niya ang ugali ng lalaking iyon ang paghahanap sa kanya sa ganitong oras ay parang pagpasok mismo sa panganib.Inayos na lang muna niya ang mga documents ng Sky.Nang matapos siya, madilim na.Tamang-tama ang pagtawag ni Jay sa sandaling iyon."Ate Cy, pumunta si Sir Oliver para dumalo sa isang charity party (piging para sa







