LOGIN“I want you to be my personal maid and my s*x slave.” Si Señorito Maximo Felipe Montenegro ay isang bilyonaryong kilala sa malamig na pagkatao, matinding awtoridad, at ganap na kontrol sa kaniyang mansyon at negosyo. Lumaki siyang sanay na nasusunod ang lahat ng gusto niya, hanggang sa maging ugali na niyang angkinin ang anumang pumupukaw ng kaniyang interes. Ngunit nagbago ang lahat nang dumating si Ysabel Trinidad Samonte, isang desperadang katulong na nagtrabaho upang iligtas ang kapatid na may malubhang sakit. Sa unang pagkikita pa lang, may nakita si Maximo sa kaniya dahilan para mapukaw ang interes nito. Desperasyon at katapangan na tila umaakit sa pagkatao niya. “Sigurado ka bang gagawin mo ang lahat… ng gusto ko?” Isang kasunduang inihain sakanya, pang-aangkin na hindi niya lubos maintindihan, ngunit alam niyang wala nang atrasan kapag tinanggap niya. Bakit siya ang napili ni Maximo sa lahat? Dahil ba sa kaniyang desperasyon o sa kakaibang tapang na hindi niya inaasahang mapapansin ng isang lalaking tulad nito?
View MoreYsabel Trinidad’s point of view
Ngayon na ang araw na pagpunta ko sa mansyon ng mga Montenegro upang magsimulang magtrabaho. Araw na matagal kong pinaghandaan, ngunit ngayong narito na ito ay hindi ko pa rin maiwasang kabahan. Bago tuluyang magtungo roon, dumaan muna ako sa ospital upang mabisita si Valerian. Kailangan kong makapagpaalam nang maayos bago magsimula sa bagong trabaho. Hindi na sapat ang maliit naming ipon upang tustusan ang pagpapagamot sa kanya. Habang tumatagal ay lalo lamang lumalaki ang gastusin sa ospital. Kaya kahit gaano ako kinakabahan at natatakot, kailangan kong gawin ito. Pagdating ko sa silid ni Val, agad akong sinalubong ni Inay Violeta. "Oh, iha. Nandito ka na pala." Napangiti ako bago tumingin sa kapatid kong mahimbing na natutulog sa hospital bed. "Kamusta po siya, Nay?" "Maayos naman sa ngayon." Bahagya akong nakahinga nang maluwag. Nang magtanong ako tungkol sa operasyon ni Val, napansin kong agad na nalungkot ang ekspresyon ni Inay. "May inaayos pa ang doktor," mahina niyang sagot. Tumango na lamang ako. Hindi ko maiwasang maalala na kung hindi dahil sa aksidenteng nangyari kay Val, baka hindi pa namin nalaman na may cancer siya. Masakit man isipin, pero kahit paano ay nabigyan kami ng pagkakataong maagapan ang sakit niya. Maya-maya ay hinawakan ni Inay ang braso ko. "Sigurado ka bang gusto mong magtrabaho roon?" Ramdam ko ang pag-aalala sa kaniyang tinig. "Opo, Nay. Kailangan natin ito para kay Val." Bahagya siyang ngumiti ngunit halatang nag-aalala pa rin. Lumapit ako sa higaan ng kapatid ko at marahang hinaplos ang kanyang buhok. "Pagaling ka, ha?" mahina kong bulong. "Ipapagamot ka ni Ate. Pangako." Pagkatapos noon ay nagpaalam na ako. Hindi ko na rin nahintay pa ang Itayb na bumili ng makakain nila. Mahigpit kong niyakap ang bag na dala ko habang palabas ng ospital. Kaya mo 'to, Ysabel. Para kay Valerian. Para sa pamilya mo. Huminga ako nang malalim bago tuluyang sumakay sa pampasaherong sasakyan papunta sa mansyon ng mga Montenegro. Habang papalapit ang sasakyan sa destinasyon ko, lalo ring bumibilis ang tibok ng puso ko. Hindi ko alam kung ano ang naghihintay sa akin sa mansyon ng mga Montenegro. Ngunit kailangan kong maging matatag. Pagkababa ko sa harap ng napakalaking gate ay halos mapahinto ako sa kinatatayuan ko. Napakalaki ng mansyon, mas malaki pa ito kaysa sa anumang naisip ko noon. Parang isa itong lugar na nakikita lamang sa telebisyon o sa mamahaling magazine. Napalunok ako bago lumapit sa isa sa mga katulong na nakabantay sa loob. "H-Hello po." Tinignan niya ako mula ulo hanggang paa. "Ikaw ba ang bagong maid?" “Opo." Sagot ko. "Halika." Tahimik akong sumunod. Habang naglalakad kami papasok, hindi ko maiwasang ilibot ang paningin ko sa paligid. Makikinang ang sahig, napakalalaki ng mga chandelier, at halos bawat sulok ng mansyon ay sumisigaw ng karangyaan. Pakiramdam ko ay hindi ako nababagay sa lugar na iyon. Pagdating namin sa servant quarters ay itinuro niya ang isang pinto. "Diyan ang kwarto mo." Napakurap ako. "May sarili po akong kwarto?" Tumango siya. "Lahat ng katulong dito ay mayroon." Bago pa ako makasagot ay may lumapit na babae sa amin. Malawak ang ngiti nito. "Ako nga pala si Amaris." "Ysabel." "Nice to meet you." Napangiti rin ako. Sa wakas ay may mukhang mabait akong nakilala at kaedad ko pa. Ngunit agad ding nagbago ang ekspresyon niya. Lumapit siya sa akin at ibinaba ang boses. "Darating si Señorito Maximo mamaya." Napakunot ang noo ko. "Si Señorito?" Tumango siya. "Mag-ingat ka." "Bakit?" Nagtataka kong tanong. Saglit siyang napalingon sa paligid bago muling tumingin sa akin. "Lahat ng tao rito ay takot sa kaniya." Bago pa ako makapagtanong ay may tumawag sa kaniya. “Amaris!” Agad siyang napalingon. "Kailangan ko nang umalis. Mamaya ulit." At mabilis siyang tumakbo palayo. Naiwan akong mag-isa at puno ng tanong. Sino ba ang Señoritong iyon? At bakit parang takot na takot ang lahat sa kaniya? Ilang sandali pa ay nakarinig ako ng katok mula sa labas ng kwarto ko. "Ysabel!" Agad ko iyong binuksan. "Andiyan na si Señorito!" Hindi ko alam kung bakit, pero tila sabay-sabay na bumilis ang tibok ng puso ng lahat ng tao sa paligid. Agad akong sumunod palabas, at habang papalapit kami sa malaking sala ay napansin kong tila mas lalong naging tahimik ang buong mansyon. Pagpasok namin ay agad kong nakita ang lalaking pinag-uusapan nila. Doon ko lang tuluyang naintindihan kung bakit kinatatakutan siya ng lahat. Napakataas ng tindig nito. Malamig ang ekspresyon. At kahit wala siyang ginagawa, ramdam na ramdam ang awtoridad na dala ng kaniyang presensya. Mukhang hindi siya ang tipo ng taong madaling suwayin. Habang tahimik na nakatayo ang lahat ay may isang katulong na humahabol na dumating. Agad itong napatingin kay Maximo. "S-Sorry po, Señorito." Hindi man lang siya tinapunan ng tingi nito. "You are late." Namutla ang katulong. "P-Pasensya na po—" "You are fired." Parang huminto ang buong paligid. Walang nagtangkang magsalita, walang nagtangkang magtanggol. Tahimik lamang na yumuko ang katulong bago umalis. Nanlaki ang mga mata ko. Isang pagkakamali lang at tanggal agad sa trabaho? Bigla akong nakaramdam ng kaba. Talaga ngang nakakatakot siya. Pagkatapos noon ay muli siyang nagsalita. "Where's the new maid?" Para akong nanigas sa kinatatayuan ko sa sobrang kaba. Lalo rin bumilis ang tibok ng puso ko. "A-Ako po." Bahagya akong humakbang papunta sa harap. At sa unang pagkakataon ay direktang nagtama ang aming mga mata. Biglang nawala ang lahat ng ingay sa paligid. Pakiramdam ko ay ako lamang ang nakikita niya sa sandaling iyon. Malamig at mariin ang kaniyang titig. Parang sinusuri niya ang bawat detalye ng pagkatao ko. Hindi ko alam kung ilang segundo iyon tumagal. Ngunit sapat iyon upang makaramdam ako ng hindi maipaliwanag na tensyon. "Mhm." Iyon lamang ang sinabi niya. Pagkatapos ay tumalikod siya at nagpatuloy sa paglalakad. Napabuntong-hininga ako nang hindi ko namamalayan. Agad akong kinalabit ni Amaris. "Si Señorito Maximo Felipe Montenegro iyon." Napalingon muli ako sa direksiyong pinuntahan niya. "Ang nag-iisang tagapagmana ng pamilya Montenegro." Tumango ako, ngunit hindi pa rin maalis sa isip ko ang paraan ng pagtitig niya sa akin. "At isa pa," bulong ni Amaris. "Hm?" "Sa lahat ng taong nagtrabaho rito, ikaw lang ang nakita kong pinagtuunan niya ng pansin." Napakunot ang noo ko. “Huh?” "Ngayon lang siya tumitig nang ganoon sa isang katulong." Bago pa ako makasagot ay may matandang babae ang lumapit sa amin. "Maglinis na kayo at huwag magdaldalan. Kapag naabutan kayo ni Nanay Carlotta, siguradong mapapagalitan kayo." Agad kaming tumango. "Si Ate Leonor 'yan. Katiwala ni Nanay Carlotta, ang mayordoma ng mansion." Nagtungo kami sa second floor upang maglinis. Tahimik ang lahat habang abala sa kani-kanilang gawain. Ngunit habang tumatagal ay may kakaibang pakiramdam na unti-unting gumagapang sa akin. Parang may mga matang nakamasid. Huminto ako sandali at lumingon sa likod ko. Wala. Tumingin ako sa magkabilang dulo ng hallway. Wala rin. Napakagat ako sa ibabang labi. Baka guni guni ko lang. Ngunit kahit anong pilit kong balewalain ang nararamdaman ko, hindi nawawala ang pakiramdam na may isang pares ng mata na mariing nakatingin sa akin. At hindi ko alam kung bakit. Hindi ko alam na sa kabilang dulo ng mahabang palsilyo ay tahimik na nakatayo si Maximo Montenegro. Tahimik, mariin, at hindi inaalis ang tingin sa akin.Ysabel’s point of viewHindi ko agad ginalaw ang kahon.Nakatayo lamang ako sa harap nito habang pilit kong inaayos ang mga alaala na biglang nagsisiksikan sa isip ko. Isang hallway. Ang boses ni Papa. Si Veronica na umiiyak. Isang kamay na mahigpit na nakahawak sa akin.At isang pinto na tuluyang nagsara.“Ysabel.”Napalingon ako kay Maximo.“Okay ka lang?”Tumango ako kahit hindi ako sigurado.“I remember something.”“About that night?”“Yes.”Lumapit siya nang kaunti.“Ano?”“Hindi ko pa alam kung totoong memory iyon o fragment lang.”“Then don't force yourself.”Napatingin ako sa kahon.“But I need to know.”Hindi na siya umangal.Sa halip, yumuko siya at maingat na kinuha ang kahon mula sa sahig. Inilapag niya iyon sa mesa.“Everyone stays back.”Napatayo si Veronica sa tabi ni Mercedes.“Maximo, be careful.”“I'm aware.”Sinuri muna niya ang kahon bago marahang binuksan ang takip.Walang nangyari.Walang ingay.Walang kung anong biglang lumitaw.Simple lamang na bumukas ang luma
Ysabel’s point of view Hindi ko maalis ang tingin ko sa pangalan. Veronica Montenegro. Parang hindi sapat ang ilang segundo para tanggapin ng isip ko ang nakasulat. Dahan-dahan kong ibinaba ang papel. “She's the one who ordered Gabriel to take me?” Walang sumagot. Napatingin ako kay Veronica. Hindi siya gumalaw. Nakatingin lang siya sa papel na para bang nakita na niya iyon noon pa. “Is it true?” “Ysabel…” “Answer me.” Huminga siya nang malalim. “No.” Isang salita. Diretso. Walang pag-aalinlangan. “Then why is your name here?” “Because someone wants you to believe it.” Napailing ako. “Again?” “Hindi ako ang nag-utos kay Gabriel.” “Then who did?” “I don't know.” “Pero kilala mo siya.” “Yes.” “Alam mong kinuha niya ako.” “Yes.” “Alam mong may naghahanap sa akin.” “Yes.” Napahigpit ang hawak ko sa papel. “Pero hindi mo sinabi sa akin.” “I was trying to protect you.” “That's what everyone keeps saying.” Napayuko ako sandali. “Protect me from what?” Hindi
Ysabel’s point of view“Si Gabriel Montenegro iyon.”Parang biglang nawala ang ingay sa paligid ko.Nakatayo lang ako sa gitna ng lumang sala habang paulit-ulit na tumatakbo sa isip ko ang recording. Hindi ko kilala si Gabriel. Hindi ko man lang siya nakita nang personal. Pero sa paraan ng pagtugon nina Veronica at Mercedes, malinaw na hindi lang simpleng pangalan ang narinig namin.May bigat iyon.May history.At higit sa lahat, may koneksyon sa akin.“Impossible,” mahinang sabi ni Veronica.Tumingin sa kanya si Maximo.“Akala ko ba hindi mo alam kung nasaan siya?”“I don't.”“Then how did he know about Ysabel?”Hindi agad sumagot si Veronica.Lumapit ako sa kanila.“Hindi ba sinabi niya na siya ang kumuha sa akin?”“Yes,” sagot ni Maximo.“Then saan niya ako dinala?”Tahimik ang lahat.“Mercedes.”Napalingon siya sa akin.“Alam mo ba?”Hindi siya agad nakasagot.“Mercedes, please.”Huminga siya nang malalim.“Hindi ko alam kung saan ka dinala ni Gabriel.”“Pero alam mong siya ang ku
Ysabel’s point of viewHindi ko maalis ang tingin ko sa papel.Isabella Florentina Arietta Montenegro.Ilang beses kong binasa ang pangalan, pero hindi pa rin nagawang mag-connect ng isip ko sa kung ano ang ibig sabihin nito.Montenegro.Bakit may Montenegro sa pangalan ko?At bakit si Veronica ang nakalagay bilang guardian?“That's not possible.”Hindi ko namalayan na nasabi ko iyon nang malakas.Tahimik ang buong kuwarto.Si Veronica ang unang gumalaw. Lumapit siya sa akin, pero agad namang humakbang si Maximo sa pagitan namin.“Don't.”“Maximo, move.”“No.”Hindi siya sumigaw, pero sapat ang lamig ng boses niya para tumigil si Veronica.“Give me that document.”“No.”“That's mine.”“It's about Ysabel.”“And I know more about her than you do.”Napatingin ako kay Veronica.“Then tell me.”Natahimik siya.“Tell me why my name has Montenegro in it.”Hindi siya sumagot.“Tell me why you're listed as my guardian.”Still nothing.Napahigpit ang hawak ko sa papel.“Bakit?”Unti-unting nagb






Maligayang pagdating sa aming mundo ng katha - Goodnovel. Kung gusto mo ang nobelang ito o ikaw ay isang idealista,nais tuklasin ang isang perpektong mundo, at gusto mo ring maging isang manunulat ng nobela online upang kumita, maaari kang sumali sa aming pamilya upang magbasa o lumikha ng iba't ibang uri ng mga libro, tulad ng romance novel, epic reading, werewolf novel, fantasy novel, history novel at iba pa. Kung ikaw ay isang mambabasa, ang mga magandang nobela ay maaaring mapili dito. Kung ikaw ay isang may-akda, maaari kang makakuha ng higit na inspirasyon mula sa iba para makalikha ng mas makikinang na mga gawa, at higit pa, ang iyong mga gawa sa aming platform ay mas maraming pansin at makakakuha ng higit na paghanga mula sa mga mambabasa.