Chapter 344Pero hindi pa nga ako tuluyang nakakatulog ay bigla kong narinig ang marahang pagbukas ng pintuan.Dahan-dahan akong huminga at pinakiramdaman ang paligid. Kilala ko ang amoy na ‘yon—isang pamilyar na halimuyak na palaging nagbibigay ng kapanatagan sa akin.Si Jacob…Natural lang ang pabango niya, hindi matapang pero sapat para maalala ko kung gaano ako ligtas kapag nasa tabi ko siya.Kaya’t kahit gising pa ako, pinili kong magpatulog-tulogan. Ayokong makita niya ang tensyon sa mata ko. Gusto ko lang maramdaman ang presensya niya, ang init ng kanyang katawan sa tabi ko—dahil sa gitna ng kaguluhan, siya ang tahimik kong sandalan.Maya-maya’y naramdaman kong lumubog ang kama. Maingat siyang humiga sa tabi ko, at marahang hinaplos ang buhok ko.“Pagod ka na, mahal. Pahinga ka lang… ako ang bahala,” bulong niya, akala’y tulog ako.At sa sandaling iyon, kahit gising pa ang diwa ko, parang unti-unti nang pinanatag ng tinig niya ang lahat."Good night. Matutulog na din ako sa sil
Chapter 343 Jasmine POV Dinig na dinig ko ang kanilang pinag-uusapan. Naka-cross ang mga braso ko habang nakatitig sa monitor ng laptop sa tapat ko. Ilang linggo ko nang pinakikiramdaman ang paligid, at ngayon ko lang napatunayan kung gaano kahalaga na bantayan ko ang bawat sulok ng mansyon. Sa screen, nakita ko si Jacob, seryoso habang kausap ang pamilya niya tungkol kay Olivia. “Olivia Fernandez…” bulong ko sa sarili ko habang bahagyang napapikit. “Isang babaeng kailangan kong tapusin… para maging ligtas ang pamilya na ito.” Ang kamay ko ay dahan-dahang dumapo sa maliit kong tiyan. “Ayokong matulad ang anak ko sa mga batang lumaki sa takot at panganib. Hindi ko hahayaan ‘yon mangyari sa Montero family... lalo na kay Jacob.” Muling tumingin ako sa monitor—nandoon pa rin ang masiglang usapan nila, pero sa likod ng mga tawa at biruan, alam kong may banta. At ako lang ang makakatapos nito. Dahil hindi lang ako isang babae ni Jacob… Isa akong ina. Isa akong tagapagtanggol. Agad
Chapter 342 Ngumiti ako nang maluwag sa sinabi ni Dad. “Salamat po, Dad,” sagot ko habang kinukubli ang kilig sa likod ng baso ng juice na hawak ko. “Hindi biro ang pagpapakasal, anak,” seryosong dagdag ni Dad, si Daddy Christopher Montero na bihirang maging ganito ka-sentimental. “Pero sa nakita kong pagmamahal mo kay Jasmine… alam kong handa ka na.” “Dad, mahal na mahal ko po si Jasmine. At gagawin ko ang lahat para maprotektahan siya… lalo na ngayon, may baby na kami,” buong tapang kong sabi. “Awww! Kuya Jacob, iyak na yan!” biro ni Ellie habang pinupunasan ang kunwaring luha niya gamit ang tissue. “Hoy, Ellie!” sabay batok ko ng malambing sa kanya. “Ikaw talaga, palaging may punchline.” “Teka, teka,” singit ni Matias. “Kung kasal ‘to, dapat may bachelor party! Yung may—” “Matias!” singit ni Mommy Kara, sabay taas ng kilay. “Walang kung anu-anong party. Desente ang Montero wedding!” “Tama si Mommy,” sabat ko. “Simple lang pero elegant. Ang mahalaga, makasama ko si Jasmine s
Chapter 341"Sympre naman po, Manang. Gusto ko na malusog sila pareho," ngiti kong sabi habang tinitingnan ang tray ng pagkain.Napangiti rin si Manang Lita at marahang tinapik ang braso ko. "Aba'y kung ganyan ang mga lalaking magiging asawa, tiyak wala nang mag-aalangan. Swerte ni Jasmine sayo, hijo.""Swerte rin po ako sa kanya," sagot ko sabay hinga nang malalim. "Hindi lang siya matapang, maalaga pa. Napakaresponsable kahit sa sitwasyon niya ngayon."Bago pa man ako maiyak sa harap ng kusinera, kumindat ako at tuloy-tuloy na umakyat dala ang tray.Pagbukas ko ng pinto sa kwarto, nakita ko siyang nakahiga pero nakatingin sa labas ng bintana, tila malalim ang iniisip. Nang marinig ang tunog ng pagbukas ng pinto, agad siyang tumingin sa akin at ngumiti."Aba, may room service pala rito," biro niya.Ngumiti ako at nilapag ang tray sa maliit na mesa. "Hindi lang room service, may sweet delivery pa. Kumain ka na, Jas. Para sa inyo ni baby.""Salamat, Jacob," mahinang sagot niya habang i
Chapter 340Jacob POVPagkarating namin sa mansion galing Ilocos, halatang pagod ang lahat. Pero kahit anong pagod, hindi pa rin nawawala ang saya ko. Lalo na’t katabi ko ngayon ang babaeng pinakamamahal ko—si Jasmine.Habang tinutulungan ko siyang bumaba ng sasakyan, pinigilan ko siyang tumayo mag-isa."Easy lang, Jas. Baka mapaano ka. Hindi lang ikaw ‘yan ngayon, may bitbit kang espesyal," sabay haplos ko sa tiyan niya.Napailing lang siya pero may halong ngiti. Kahit daw kaya niya, gusto ko lang siguraduhing okay silang dalawa ng baby namin.Pagpasok namin sa loob, sumalubong agad ang malamig na hangin mula sa central aircon. Parang sinasabing, “Welcome home.”Narinig kong nagsisigawan ang mga kapatid ko papasok sa mga kwarto nila. Si Mommy naman, abalang-abala sa kakatawag kay Manang Lita.“Manang, siguraduhing espesyal ang hapunan, ha! Yung may sabaw! Para kay Jasmine—at sa apo ko!”Napangiti ako. Hindi lang dahil excited si Mommy, kundi dahil tinuring na talaga nilang bahagi ng
Chapter 339 Bumalik si Demon—este Mr. Hilton kuno—sa cottage kung saan kami nagkukulitan at masayang nagkukwentuhan. Pero halatang nagmamadali ito at may kung anong bumabagabag sa isipan niya. “I have to go. I have important meeting today. Nice meeting all… and you, Maricar!” may kasamang ngiti at konting diin sa huling pangalan. Napatingin kaming lahat. Napasinghap si Maricar habang si Ellie ay halos mauntog sa pagkakiling sa akin. “Teka… ano ‘yun? Bakit parang may spark?” pabulong niyang tanong habang sinisiko ako. Ako naman, hindi mapigilan ang pigil na tawa. Aba, may pa-special goodbye pa si Demon ah! Habang lumalakad ito palayo, hindi ko maiwasang mapatingin sa kanya. Hindi ko pa rin sure kung may tinatago pa siyang motibo… o baka naman tinatamaan na rin sa karesma ng kapatid ni Jacob. Napailing na lang ako. “Good luck, Demon. Good luck… lalo na kung si Maricar ang kaharap mo.” "You know,what. I like her attitude," biglang wika ni Ellie. " Oh akala ko bay may pagdudud