MasukSi Mariel Dela Cruz ay isang simpleng babae na napunta sa mundo ng kayamanan at kapangyarihan nang maging personal assistant siya ng malamig at makapangyarihang CEO na si Craig El Greco. Sa likod ng pagiging ruthless billionaire, unti-unting nahuhulog si Craig kay Mariel—hanggang sa maging mapanganib na possessive na pag-ibig ang pagitan nila. Ngunit may lihim ang nakaraan: ang Dela Cruz at El Greco ay may madilim na kasaysayan ng paghihiganti at pagbagsak ng pamilya. Sa gitna ng galit, sekreto, at isang babaeng handang wasakin sila— maaari bang manatili ang pag-ibig kung ang katotohanan mismo ang kalaban nito?
Lihat lebih banyakMaingay ang buong ballroom.
Tunog ng mga baso.
Mahinang tugtog ng piano.
At ang bulungan ng mga taong sanay sa kapangyarihan.
Pero sa gitna ng lahat ng iyon—
isang pagkakamali ang sisira sa gabi ko.
“Miss, sigurado ka bang nandito ka dapat?”
Napahinto ako.
Humigpit ang hawak ko sa tray ng champagne habang nakatingin sa akin ang babaeng naka-pulang gown—mataas ang tingin, malamig ang ngiti.
Si Trixie Beltran.
Isa sa pinakamakapangyarihang babae sa mundo ng negosyo.
At halatang… hindi niya ako gusto.
“Staff ako dito,” mahinahon kong sagot.
Tumaas ang kilay niya, saka dahan-dahang ngumiti—yung tipong hindi umaabot sa mata.
“Staff?”
Tiningnan niya ako mula ulo hanggang paa.
“Interesting. Mukha kang… out of place.”
Parang kutsilyo ang bawat salita.
Pero hindi ako umatras.
Sanay na ako.
“Excuse me,” sabi ko, na pilit pinapanatili ang composure ko.
Akala ko matatapos na.
Pero mali ako.
Bigla niyang itinulak ang tray ko.
CRASH.
Bumagsak ang mga baso.
Nabasag.
Tumapon ang champagne sa sahig.
At sabay-sabay napatingin ang lahat.
Tumahimik.
Bigla.
“Oops,” mahina niyang sabi, pero may ngiti.
“Clumsy.”
Naramdaman kong uminit ang mukha ko.
Hindi dahil sa hiya.
Kundi sa galit.
“Hindi ko po kasalanan—” sabi ko sa kanila.
“Then whose?” putol niya, malamig.
Bago pa ako makasagot—
Isang boses ang pumutol sa eksena.
Mababa.
Malalim.
At may bigat na kayang patahimikin ang buong silid.
“Mine.”
Napalingon ang lahat.
At doon ko siya unang nakita.
Matangkad.
Naka-itim na suit.
Malamig ang mga mata—pero nakatingin diretso sa akin.
Craig El Greco.
Ang CEO.
Ang lalaking pinag-uusapan ng lahat.
At ang lalaking… hindi dapat lumapit sa isang tulad ko.
Naglakad siya papalapit.
Bawat hakbang—ramdam ng buong ballroom.
“Mr. El Greco,” agad na nagbago ang tono ni Trixie.
Mas malambing.
Mas kontrolado.
“Hindi mo kasalanan, Craig. This girl just—”
“Enough.”
Isang salita lang.
Pero sapat para patahimikin siya.
Hindi ko napigilang mapatingin kay Craig.
At sa unang pagkakataon—
may kung anong kakaiba sa titig niya.
Hindi galit.
Hindi inis.
Kundi… interes.
Lumapit siya sa akin.
Masyadong malapit.
Ramdam ko ang init ng presensya niya kahit malamig ang aura niya.
“Nasaktan ka ba?” mahina niyang tanong.
Napalunok ako.
“Hindi po.”
Saglit siyang tumingin sa akin—parang may binabasa sa mukha ko.
Then—
bigla niyang hinawakan ang pulso ko.
Dahan-dahan.
Pero mariin.
Parang ayaw akong pakawalan.
“Good,” sabi niya.
Tapos tumingin siya kay Trixie.
At doon ko nakita ang tunay niyang anyo
walang emosyon.
Walang awa.
“Anyone who humiliates my people… answers to me.”
Nanigas si Trixie.
Pero hindi siya nagpatalo.
“Your people?” malamig niyang ulit.
“Since when do you care about staff?”
Ngumiti si Craig.
Pero hindi iyon ngiting mabait.
“Since tonight.”
Tahimik ulit ang paligid.
At ako—
hindi ko alam kung anong mas malakas—
ang kaba sa dibdib ko…
o ang kakaibang init na nararamdaman ko sa paraan ng paghawak niya sa akin.
Dahan-dahan niyang ibinaba ang kamay ko.
Pero bago siya umatras—
lumapit siya nang bahagya sa tenga ko.
At bumulong.
“Starting today… you work for me.”
Napasinghap ako.
“Ano po?”
Tumingin siya sa akin—diretso, at sigurado.
Parang wala akong choice.
“Personal assistant.”
At sa likod namin—
ramdam ko ang matalim na tingin ni Trixie.
Punong-puno ng galit.
Nag babala.
At pangakong—
hindi pa tapos ang laban.
Hindi ako agad nakasagot.
Parang biglang huminto ang mundo ko sa sinabi niya.
Personal assistant? Ako?
“Mr. El Greco, I think—” simula ko, pero agad niyang pinutol ang sasabihin ko.
“Craig.” sabi niya.
Napakunot ang noo ko.
“Ano po?”
“Call me Craig.”
Diretso ang tingin niya sa akin.
Walang bahid ng biro.
“Kung magtatrabaho ka sa akin… hindi mo ako tatawaging ‘sir.’”
Napalunok ako.
Hindi ko alam kung anong mas nakakailang—
ang lapit niya…
o ang paraan ng pagsasalita niya na parang matagal na niya akong kilala.
“Hindi pa po ako pumapayag,” mahina kong sabi.
Saglit siyang natahimik.
Then—
unti-unting ngumiti.
Hindi malawak.
Pero sapat para magbago ang aura niya.
Mas delikado.
“I’m not asking.”
Tumigil ang paghinga ko.
Bago pa ako makasagot—
“Craig,” singit ni Trixie, halatang pinipigilan ang inis.
“Be serious. You’re hiring her? Here? After that… display?”
Dahan-dahang lumingon si Craig sa kanya.
At sa isang iglap—
nawala ulit ang ngiti niya.
“Do you have a problem with my decisions?”
Malamig ang boses.
Nakakatakot.
Ngumiti si Trixie—pero pilit.
“Of course not,” sabi niya.
“Pero sana naman… you choose someone more… appropriate.”
Ramdam ko ang patama niya sa akin.
Pero bago pa ako makapagsalita—
Biglang hinila ni Craig ang baywang ko.
Napasinghap ako.
Masyado iyong malapit.
Masyadong biglaan.
“Careful, Mariel,” mahina niyang sabi, pero may babala.
“You might offend someone… important.”
Nanlaki ang mata ko.
Important? Ako?
Hindi ko alam kung matutuwa ako o matatakot.
Dahil sa likod ng salitang iyon—
parang may ibig sabihin na hindi ko pa naiintindihan.
“Let’s go,” sabi niya sa akin.
“At saan po?” naguguluhan kong tanong.
Hindi siya sumagot.
Hinawakan niya ulit ang kamay ko—
mas mahigpit ngayon.
Huwag mo na akong ino opo, ngumiti si Mariel bilang tugon sa sinabi ni Craig sa kanya.
At dinala nya si Mariel sa labas ng ballroom.
Tahimik ang hallway.
Malayo sa ingay ng party.
Malayo sa mapanuring mata ng mga tao.
Pero hindi bumaba ang kaba ko.
“Bitawan mo ako,” sabi ko sa kanya, bahagya akong nagpumiglas.
Agad siyang tumigil.
Pero hindi niya ako binitawan.
Sa halip—
dahan-dahan niya akong hinarap.
“Do you want to go back in there?” tanong niya.
Napatigil ako saglit.
Naalala ko ang tingin ni Trixie.
Ang hiya.
Ang galit.
“…Hindi.”
Tumango siya, parang inaasahan niya ang sagot ko.
“Then stop fighting me.”
Napatingin ako sa kamay naming magkahawak.
Sa totoo lang—
hindi ko alam kung bakit hindi ko ito agad binibitawan.
Siguro dahil…
sa kabila ng pagiging dominante niya—
may kakaibang seguridad akong nararamdaman.
Delikado.
Pero totoo.
“Bakit ako?” tanong ko sa kanya.
“Sa dami ng tao… bakit ako ang gusto mong kunin bilang assistant?”
Hindi siya agad sumagot.
Saglit niya akong tinitigan—parang sinusukat.
Parang may hinahanap.
Hanggang sa—
“Because you didn’t bow.”
Napakunot ang noo ko.
“Sa kanya,” dagdag niya.
“Sa lahat ng nandun… ikaw lang ang hindi natakot sa akin.”
Natahimik ako sa sinabi niya.
Hindi dahil wala akong sagot.
Kundi dahil…
tama siya.
Ngumiti siya nang bahagya.
“At gusto ko ‘yon.”
Napakabilis ng tibok ng puso ko.
“Pero may kondisyon,” dagdag niya.
“Ano yon?”
Lumapit siya.
Hindi nagmamadali at hindi din marahas.
Pero sapat para mapaatras ako hanggang sa mapadikit sa pader.
Kinulong niya ako sa pagitan ng braso niya.
“Once you say yes…” mahina niyang sabi,
“you follow my rules.”
Napalunok ako.
“At kung hindi?” tanong ko sa kanya, na pilit pinapatapang ang tinig.
Saglit siyang natahimik.
Then—
lumapit siya sa tenga ko.
“Then I’ll make sure you regret walking away.”
Nanlambot ang tuhod ko.
Hindi dahil sa takot lang—
kundi sa paraan ng pagkakasabi niya.
Parang pangako.
Parang babala.
At parang… may halong pagnanais na hindi ko dapat maramdaman.
Paglayo niya—
nakatingin lang siya sa akin.
Naghihintay.
Ng sagot ko.
Pero bago pa ako makapagsalita—
tumunog ang phone niya.
Saglit niyang sinagot.
At doon ko nakita—
kung gaano kabilis magbago ang ekspresyon niya.
Mula sa pagiging kalmado—
naging madilim.
“Find it,” malamig niyang utos sa kausap.
“I don’t care how.”
Pinatay niya ang tawag.
At muling tumingin sa akin.
Mas seryoso na ngayon.
Mas mapanganib.
“Looks like…” mahina niyang sabi,
“you’re already involved.”
Kinabahan ako.
“Ano pong ibig nyong sabihin?”
Sandaling katahimikan.
Then—
isang pangalan ang lumabas sa bibig niya.
Isang pangalan na magpapabago ng lahat.
“Dela Cruz.”
Nanlamig ako.
Ngumiti siya—pero walang init.
“Your family…”
Humakbang siya palapit.
“…has a history with mine.”
At doon ko naintindihan—
na ang gabing akala ko simpleng trabaho lang…
ay simula pala ng isang gulo na hindi ko na matatakasan.
At sa dulo nito—
puso ko ang nakataya.
“…kung gusto nating mabuhay, kailangan nating umalis dito.” Nanigas si Mariel. “A-Ano?” Muling umalingawngaw ang putukan sa labas. BANG! BANG! “Perimeter breached!” “Fall back! FALL BACK!” Narinig nila ang sigaw ng isa sa private police bago tuluyang naputol ang komunikasyon nito. Mahigpit na napapikit si Craig. Alam niyang tapos na. Compromised na ang isla. Mabilis siyang tumayo at kinuha ang emergency bag mula sa ilalim ng mesa. May lamang cash, passports, gamot, at ilang magazine ng bala. “Craig…” nanginginig na sabi ni Mariel. “Saan tayo pupunta?” Saglit siyang natahimik. Parang may lugar siyang matagal nang iniiwasan balikan. “…sa pinakadulong probinsya na hindi nila agad iisiping puntahan.” “May kilala akong tao roon.” “Matagal na siyang wala sa system.” Mabilis niyang sinuot ang black jacket habang binibigyan ng baril ang isa sa natitirang bodyguards. “Prepare the boat.” “NOW.” “Yes, sir!” Sa labas ng cottage, nagkakagulo na ang pali
Mabilis na bumukas ang pinto ng cottage. Paglabas ni Craig, agad siyang sinalubong ng malamig na hangin ng gabi. Tahimik ang buong isla— pero hindi tahimik para sa mga sanay manghuli. Nararamdaman niya iyon. May ibang presensya sa paligid. Sa may dalampasigan, agad lumapit ang dalawang armadong private police na naka-itim na tactical uniform. “Sir Craig,” mahina ngunit alertong bati ng isa. “Motion sensor east perimeter triggered. Sector Three.” Mahigpit ang hawak ni Craig sa baril habang mabilis na gumagalaw ang mga mata niya sa dilim ng kagubatan. “Ilang tao?” “Hindi pa sigurado, sir. Pero may nakita kaming movement malapit sa north trail.” “Body heat?” “Possible two… maybe three.” Tahimik na napamura ang isa pang guwardiya habang may pinapakinggang static sa earpiece. “Sir… nawalan ng signal ang Team Bravo.” Biglang bumigat ang hangin. Dahan-dahang humigpit ang panga ni Craig. Hindi ordinaryong intruder ang mga ito. Dahil ang mga tauhan niyang dating military at private
Malamig ang hangin nang gabing iyon. Tahimik ang buong isla— pero ramdam ni Craig ang kakaibang galaw ng paligid. Nakatayo siya sa may dalampasigan habang nakatitig sa maliit na ilaw sa gitna ng dagat. Palapit ito. Dahan-dahan. Kontrolado. Napahigpit ang hawak niya sa kutsilyong dala niya. Hindi siya kumikilos. Nakamasid lang. Mula sa likod niya, lumapit si Mariel. “Ano ‘yon…?” mahina nitong tanong. Hindi agad sumagot si Craig. Hanggang sa— may narinig silang mahinang tunog ng makina. At maya-maya— lumitaw ang isang maliit na speedboat mula sa dilim. Tatlong lalaki ang naroon. Pawang naka-itim. Armado. Agad tumigas ang ekspresyon ni Mariel. “Craig—” “Wait.” Hindi pa rin inaalis ni Craig ang tingin sa mga ito. Paglapit ng bangka sa mababaw na bahagi ng dagat— isa sa mga lalaki ang unang bumaba. Matangkad. May pilat sa gilid ng leeg. At nang makita niya si Craig— agad siyang yumuko. “Sir.” Napatigil si Mariel. Napatingin siya kay
Sumiklab ang tensyon sa hangin. Hindi na simpleng komprontasyon ang nangyayari— parang may dalawang bersyon ni Craig na naglalaban sa loob ng iisang katawan. Tahimik. Mabigat. “…Craig?” mahina pero desperadong tawag ni Mariel. Dahan-dahang bumaling ang ulo ni Craig sa kanya. Sandali. Isang iglap— at parang bumalik ang dating siya. “Run…” paos niyang bulong. “Anong—” “NOW.” Hindi na siya nagtanong pa. Biglang hinila ni Craig si Mariel— sabay iwas sa paparating na atake ng lalaki. BOOM! Nabasag ang pader sa likod nila. “Hindi pa kayo tapos…” malamig na sabi ng lalaki, nakangisi pa rin. “Kahit saan kayo magtago— mahahanap ko kayo.” Hindi na lumingon si Craig. Sa kabila ng panghihina— tumakbo siya. Hinila si Mariel palabas ng hallway, pababa sa emergency exit na tanging siya lang ang may alam. “Craig— saan tayo pupunta?!” hingal na tanong ni Mariel habang pababa sila ng madilim na hagdan. “Safe zone…” saglit siyang napapikit, par






Maligayang pagdating sa aming mundo ng katha - Goodnovel. Kung gusto mo ang nobelang ito o ikaw ay isang idealista,nais tuklasin ang isang perpektong mundo, at gusto mo ring maging isang manunulat ng nobela online upang kumita, maaari kang sumali sa aming pamilya upang magbasa o lumikha ng iba't ibang uri ng mga libro, tulad ng romance novel, epic reading, werewolf novel, fantasy novel, history novel at iba pa. Kung ikaw ay isang mambabasa, ang mga magandang nobela ay maaaring mapili dito. Kung ikaw ay isang may-akda, maaari kang makakuha ng higit na inspirasyon mula sa iba para makalikha ng mas makikinang na mga gawa, at higit pa, ang iyong mga gawa sa aming platform ay mas maraming pansin at makakakuha ng higit na paghanga mula sa mga mambabasa.