Chapter 39 "Palayain mo muna siya, habang nililinis mo ang pangalan ng pamilya nya at ibalik ang negosyong pinabagsak mo. D'yan mo simulan upang unti-unting bumalik ang kanyang tiwala sayo!" dagdag niyang sabi. Napalunok ako sa sinabi ni Richard. Palayain siya? Paano ko magagawa iyon kung siya na lang ang natitirang dahilan kung bakit patuloy akong lumalaban? Pero alam kong tama siya. "Kung mahal mo siya, hayaan mo siyang maging malaya," seryoso niyang dagdag. "Huwag mo siyang pilitin, Chris. Dapat niyang makita na kaya mong itama ang pagkakamali mo nang hindi mo siya kinokontrol." Napahawak ako sa sintido ko, pilit iniisip kung paano ko sisimulan ang lahat ng ito. Pero may isang bagay akong sigurado—gagawin ko ang lahat para maibalik si Kara sa akin. "Saan ako magsisimula?" tanong ko, tila walang direksyon. "Hanapin mo ang totoo," sagot ni Richard. "Kung may kinalaman nga sa pagkamatay ng ama mo ang paghihiganti sa kanyang pamilya, ilabas mo ang katotohanan. Itatama mo ang okas
Chapter 40 "Pero, uncle. Makinig ka naman minsan sa akin. Bilang isang babae, lalo't may malaking kasalanan ang isang lalaki sa amin kapag malaman naming sinusundan kami ay mas lalong lalayo at magalit kami. Pabayaan mo muna si Kara, Uncle. Hayaan mo munang buuhin ang kanyang sarili na winasak mo. Ayusin mo muna ang mga dapat mong ayusin bago mo siya suyuin mula.' Napabuntong-hininga ako sa sinabi ni Mara. Alam kong may punto siya. Alam kong tama siya. Pero paano ko hahayaang lumayo si Kara kung bawat segundo ng pagkawala niya ay parang unti-unting pinupunit ang puso ko? “Mara… hindi ko alam kung kaya kong gawin ‘yon,” mahina kong sagot. Hinawakan niya ang braso ko at seryosong tumingin sa akin. “Kaya mo, Uncle. Kung talagang mahal mo si Kara, matuto kang maghintay. Huwag kang kumilos nang padalos-dalos. Hayaan mo siyang buuin ang sarili niya habang inaayos mo ang gulo na ginawa mo noon.” Napalunok ako. Napayuko. Alam kong kailangan kong ayusin ang mga pagkakamali ko—hindi lang p
Chapter 41 Napasandal ako sa aking upuan, mahigpit na hinawakan ang mga papel. Gaano ako katanga para hayaang ang galit ko ang magdikta sa akin noon? Dahil sa galit at paghahanap ng hustisya, nasaktan ko ang mga taong walang kasalanan—lalo na si Kara. Hindi ko na mababawi ang mga masasakit na salitang binitawan ko noon. Pero kaya kong itama ang mga maling desisyon ko. At sisimulan ko ito sa paghahanap ng hustisya—hindi lang para sa aking mga magulang, kundi para rin sa pamilya ni Kara.Agad kong pinindot ang intercom na konektado kay Mara, ang aking pamangkin at secretary.“Mara, pumasok ka sa opisina ko. May ipapagawa ako sa’yo,” seryoso kong sabi.Ilang minuto lang ay bumukas na ang pinto at pumasok siya, may bitbit pang mga folder. “Yes, Uncle? Ano yun?” tanong niya habang inilapag ang mga dala niya sa mesa.Tiningnan ko siya ng diretso. “Gusto kong ipahanap lahat ng impormasyon tungkol kay Vincent Salazar. Anumang transaksyon niya sa kumpanya ni Dad bago ang aksidente, sino
Chapter 42 Napalunok ako. Hindi pa ito ang tamang panahon para suyuin siya, pero hindi ibig sabihin na susuko na ako. "Fine," sagot ko. "Ipasa mo sa legal team ko ang mga papeles, at pag-uusapan natin ang terms ng deal." Tumango siya, saka tumalikod na walang anumang pag-aalinlangan. Habang pinapanood ko siyang lumabas ng opisina, napapikit ako at napabuntong-hininga. Hindi ko siya basta-basta pakakawalan. Kahit sabihin niyang tapos na ang lahat sa amin, gagawin ko ang lahat para maibalik siya sa buhay ko. At magsisimula iyon sa pagbawi ko hindi lang sa kumpanya—kundi pati sa tiwala niya. "Patawad, Kara. Dahil sa pangalawang pagkakataon ay nasaktan kita!" bulong ko sa sarili habang nakatingin sa kanyang nilabasan. Naiwan akong nakatayo sa harap ng desk ni Mara, pinagmamasdan ang pintong isinara ni Kara. Ramdam ko ang bigat sa dibdib ko—hindi lang dahil sa mga salitang binitiwan niya, kundi dahil sa katotohanang muli ko siyang nasaktan. Sa pangalawang pagkakataon, hindi
Chapter 43Mara POVHabang nakaupo sa opisina ni Uncle Christopher, hindi ko maiwasang mapabuntong-hininga. Hindi biro ang responsibilidad na iniwan niya sa akin, pero hindi ko rin siya masisisi. Alam kong marami siyang inaasikaso—lalo na ang tungkol sa totoong nangyari sa kanyang mga magulang.Muli kong binalikan ang kanyang bilin bago umalis. “Kung dumaan muli si Kara, kunin mo lang ang files. Pagkatapos, umuwi ka na din.”Napailing ako. Alam kong sinusubukan niyang bigyan si Kara ng espasyo, pero halata rin na gusto niyang magkaroon ng kahit anong balita tungkol sa kanya.Bigla akong napalingon nang bumukas ang pinto. Pumasok ang isa sa mga empleyado, dala ang ilang papeles. “Miss Montero, may iniwang documents si Attorney Zai para kay Mr. Montero.”Kinuha ko ang mga iyon at tumango. “Salamat. Ako na ang magbibigay sa kanya.”Pagkatapos ay bumalik ako sa trabaho. Pero sa likod ng isip ko, hindi ko maiwasang mag-alala para kay Uncle. Kaya mo pa ba talaga, Uncle?Habang abala ako sa
Chapter 44Kara POVPagkatapos naming mag-usap sandali ni Mara at pagsuli sa mga gamit ni Chris ay agad din akong sumakay sa taxi para magpahatid sa airport.Aalis ako, pupunta ako sa ibang bansa upang makalimot sa sakit na dinulot ni Chris sa akin.Dinukot ko ang aking phone saka ako ng type ng isang mensahe."Mara, please! Take care my son."Pagkatapos kong ma-send ang mensahe ko ay s'ya namang tumunog. Kaya agad ko itong sumagot."Kara, asan kana?" tanong nu Zai ang aking abogado na matalik kong kaibigan."On the way na ako!""Mabuti, Kara. Sigurado ka na ba talaga sa desisyon mo?" may pag-aalalang tanong ni Zai mula sa kabilang linya.Napatingin ako sa labas ng bintana ng taxi habang mabilis naming tinatahak ang daan papunta sa airport. Ang daming alaala ang dumaan sa isipan ko—ang masasayang sandali namin ni Chris noon, ang sakit ng mga kasinungalingan niya, at ang kawalan ng tiwala na tuluyang bumura sa aming pagmamahalan."Zai, pagod na ako," mahina kong tugon. "Gusto ko nang m
Chapter 45 Napahinga ako ng malalim at muling ipinikit ang aking mga mata. Ayokong bumalik sa mga alaala ng kahapon, pero hindi ko maiwasang mag-isip. Sa kabila ng sakit, alam kong kailangan kong magpatuloy—hindi lang para sa sarili ko kundi para sa anak ko. Isang mahinang paggalaw ang naramdaman ko sa aking tiyan. Napangiti ako ng bahagya. “Mukhang gising ka, baby. Huwag kang mag-alala, mommy will protect you.” Ilang oras pa ang lumipas, at narinig ko na ang anunsyo ng flight attendant. "Ladies and gentlemen, we are now approaching our destination. Please fasten your seatbelts as we prepare for landing." Hinanda ko ang sarili ko. Ito na ang simula ng bagong kabanata sa buhay ko. Alam kong hindi magiging madali, pero handa akong lumaban. Pagdating ko sa bagong bansa, isang bagay ang una kong ginawa—binura ko ang nakaraan. Ako na ngayon si Kara Smith Curtis. Wala na ang Kara Montero na nagmahal, nasaktan, at nagdusa sa isang maling relasyon. Simula ngayon, ako ay isang
Chapter 46 Kinabukasan, maaga akong nagising. Ramdam ko ang excitement at kaba sa unang hakbang ko sa bagong buhay na ito. Habang hinihigop ang mainit na kape, nagpasya akong tingnan ang sarili sa salamin. "Hindi na ako ang dating Kara Montero," bulong ko sa sarili. "Ngayon, ako na si Kara Smith Curtis. At simula ngayon, ako ang may hawak ng buhay ko." Ilang sandali pa, dumating na si Lancy para sunduin ako. "Bestie! Ready ka na?" masigla niyang tanong. "Ready na," sagot ko habang inaayos ang blazer ko. Kahit kinakabahan, pinilit kong magpakita ng kumpiyansa. Pagdating namin sa opisina ng event planning company, sinalubong kami ng isang babaeng nasa early 40s, eleganteng manamit at may matapang na aura. "Kara, this is Ms. Valerie Young, ang may-ari ng kumpanya," pagpapakilala ni Lancy. Ngumiti ako at inabot ang kamay niya. "Nice to meet you, Ms. Young." "Likewise, Kara," sagot niya habang tinatanggap ang kamay ko. "I've heard good things about you. Lancy mentioned na may expe
Chapter 197Dahil sa galit ng aking kapatid ay hindi ko na ito napigilan. Isang malakas na suntok sa mukha ang kanyang pinakawalang dahilang upang dumugo ang labi nito. Hindi pa na kuntinto binunut ang kanyang knife nakatago sa kanyang boots na hindi ko napansin man lang kanina at itinirik sa kamay nitong nakaposas na huwad.Sabay sigaw. "Putang ina ka, nang dahil sayo muntik ko na napatay ang kapatid ko!"Mabilis kong hinawakan si Clarissa upang pigilan pa siya sa sunod niyang gagawin. Nanginginig ang kanyang katawan sa galit at luha na bumabagsak sa kanyang pisngi. Habang ang huwad na si Domenico ay napasigaw sa sakit, duguan ang kamay na nasaksak."Tama na, Clarissa! Tama na!" sigaw ko habang pilit siyang pinipigilan. "Hindi tayo tulad niya. Hindi tayo mamamatay-tao.""Pero muntik ko kayong patayin! Ginulo niya ang buhay nating lahat!" sigaw niya, nanginginig ang boses sa poot at sakit.Napaatras siya habang patuloy ang pag-iyak. Nilapitan siya ni Miguel at inalalayan, habang ang m
Chapter 196KinabukasanTahimik kaming dalawa ni Clarissa habang nasa loob ng sasakyan. Tanging ugong ng makina at huni ng mga ibong dumaraan ang maririnig sa labas. Binabagtas namin ang daan papunta sa safehouse kung saan nakakulong ang matandang puno ng kasinungalingan—ang Lolo naming nagtaksil sa pamilya.Napatingin ako kay Clarissa. Nasa mukha niya ang galit at poot. Nakakuyom ang kanyang mga kamao, at bakas sa kanyang mga mata ang damdaming pilit niyang kinukubli."Hindi ko maintindihan, Kuya," mahina niyang sambit. "Paano niya nagawa 'yon sa pamilya niya? Sa apo niya? Sa 'tin?""Hindi ko rin alam," sagot ko habang pinipilit manatiling kalmado ang boses ko. "Pero ngayong hawak na natin siya, wala nang makakaligtas sa katotohanan.""Anong balak mong gawin sa kanya?" tanong niya sa akin habang diretsong tumitig sa akin."Pilitin siyang magsabi ng totoo... lahat ng itinatago niya. Para sa hustisya. Para kay Ellie. Para sa ating lahat."Pagdating namin sa safehouse, bumaba kami at ta
Chapter 195 Napahinto si Clarisse o Clarissa, sa narinig. Nanlalaki ang kanyang mga mata habang pinagmamasdan si Gian na palapit sa kanya. "Clarissa?!" ulit ni Gian, bakas sa tinig ang halong gulat at emosyon. "Ikaw nga…" Hindi na ito nakatiis at agad siyang niyakap ng mahigpit, para bang takot na muli pa itong mawala. Napasinghap si Clarissa. "G-Gian?" mahina niyang tugon habang unti-unting lumuluhang ang kanyang mga mata. "Ikaw ang… kaibigan ko noon sa Panglao…" sabik na sabi sa aking kapatid kay Gian. "Hindi lang kaibigan," sabat ni Gian habang nakangiti. "Ikaw ang matalik kong kaibigan noon… ang batang laging nagtatanggol sa akin tuwing inaapi ako sa eskwela. Naalala mo na?" Tumulo ang luha ni Clarissa, kasabay ng mahinang pag-iling. "Akala ko… kinalimutan mo na ako." "Hinding-hindi kita malilimutan," sambit ni Gian habang pinupunasan ang luha nito. "Ngayon, babawi tayo sa mga panahong nawala. At ipagtatanggol naman kita ngayon… kahit kanino." Tahimik na pinanood ng
Chapter 194Lumabas ako ng kwartong iyon nang walang lingon-lingon. Matatag ang bawat hakbang ko, ngunit sa loob-loob ko'y may bagyong humahagupit. Kailangan kong magmadali—dahil kung hindi ko siya mapipigilan, tuluyan siyang malulunod sa dilim na inihain ng aming Lolo.Ang aking step-sister.Ang babaeng ni minsan ay hindi ko pinakita, hindi ko pinakilala. Bahagi siya ng nakaraan kong pinilit kong ibaon, ngunit ngayon, siya na ang banta sa lahat ng mahal ko.Hindi siya masama noon.Ngunit mula nang yakapin niya ang mga kasinungalingan ni Lolong walang awa, naging kasangkapan siya ng kasamaan."Hindi kita hahayaang masira, at lalo nang hindi ko hahayaang manakit ka," bulong ko sa sarili habang sumakay sa sasakyan.Habang pinaandar ko ito papunta sa huling lokasyong binigay ni Troy, ramdam ko na... ito na ang simula ng dulo. Isang engkwentro na hindi lang pisikal—pati damdamin, alaala, at katotohanan ay babanggain.Sa bawat ikot ng gulong ng sasakyan, mas lalo akong nadadarang sa galit
Chapter 193Lumipas ang ilang oras—oras ng katahimikan, ngunit hindi kapayapaan. Pinagmasdan ko ang mukha ni Kara habang natutulog sa kama, mahigpit ang hawak ni Ellie sa kamay ng kanyang ina. Hinaplos ko ang buhok ng anak kong babae, saka yumuko upang halikan ang noo ni Kara.“Magpapahinga lang ako sandali, mahal. Gian,” tawag ko sa kasama kong nakabantay. “Ikaw na muna bahala dito. Ako na ang bahala kay Lolo.”Tumango si Gian. “Walang problema, Chris. Ligtas sila sa akin.”Tumalikod ako at tuluyang lumabas ng kwarto, muling nabalot ng galit ang dibdib ko. Ngayong alam ko na ang totoo—na si Senyor Carlo, ang taong itinuring kong gabay at ama-amahan, ay siya palang ugat ng gulo, hindi ko na kayang palampasin pa.Tumigil ako sa harap ng interrogation room. Dalawang bantay ang nakatayo roon, at sa loob, naroon ang matandang puno ng karanasan at lihim—ang sarili kong Lolo.Hinawakan ko ang door handle, huminga nang malalim, at marahan itong binuksan."Panahon na para sa mga sagot, Lolo,"
Chapter 192 Nang makarating kami sa pinakadulong pinto ng kuta, nagsimula nang mag-ingay ang ilang tao sa loob. May mga nagsasalita, ngunit wala akong pakialam sa kanila. Ang tanging nasa isip ko ay ang kaligtasan ni Kara at Ellie. Bago ko pa magawa ang lahat ng plano, tumunog ang phone ko. Si Gian. "Chris, nahanap namin sila. Nasa silid sa itaas. Kailangan nating magmadali," sabi ni Gian, ang boses niya ay puno ng urgency. "Got it. I’ll be there," sagot ko. Walang pasabi, tumakbo kami papunta sa itaas. Alam ko, kailangan ko na silang makuha at wala nang oras para maghintay. Pagpasok sa silid, nakita ko si Kara, naka-kadena at nakagapos. Nasa tabi niya si Ellie, ang mga mata ni Ellie ay puno ng takot, ngunit nang makita ako, bigla siyang ngumiti. "Daddy!" sabi niya, mahina at may takot sa boses. Naglakad ako sa direksyon ni Lolo Carlo. "Ikaw na lang, Lolo. Bakit? Magsalita ka?" sabi ko, ang mata ko’y puno ng galit at determinasyon. "Oo apo," sagot ni Lolo Carlo, may ngiti sa l
Chapter 191 Ang sakit na dulot ng bawat salitang binitiwan niya ay tila isang matalim na kutsilyo na tumusok sa puso ko. Hindi ko matanggap na ang lahat ng ito ay isang malupit na laro para kay Senyor Carlo—ang lolo ko. "Kung hindi mo sasabihin kung saan siya, babalikan kita. At hindi na ako magiging magaan," ang sinabi ko kay Lucas, na puno ng galit at pasakit. Bago pa niya makuha ang pagkakataon na magsalita, naglakad na ako palayo sa kanya. Kailangan ko ng oras. Kailangan ko ng tamang plano. At higit sa lahat, kailangan ko na hanapin si Kara bago pa mahulog ang lahat sa mga kamay ng aking pamilya.Ang galit ko ay hindi matitinag. Nagmamadali akong lumabas ng silid, at ang mga hakbang ko ay mas mabilis kaysa sa karaniwan. Ang bawat segundo ay may bigat—hindi ko kayang mag-aksaya ng oras. Gusto ko na makuha si Kara at matigil na ang lahat ng ito bago pa mahulog sa mga kamay ng aking pamilya.Nagmadali akong dumaan sa mga kasamahan ko sa kuta. "Kailangan kong malaman kung nasaan si
Chapter 190 “Gusto kong malaman kung sino ang mga nangungunang tao sa likod ng operasyon niyo,” sabi ko, ang boses ko’y parang buo ng yelo. “At hindi ako maghihintay ng matagal para makita kung gaano katagal ka pa magsasalita.” Naglakad ako palapit sa kanya at itinapat ang baril sa kanyang kaliwang braso. Sabay sigaw ng pwersa at tapat ang tanong: “Sabihin mo na!” Ngumisi siya, “Hindi ko sila kayang ipagkanulo, Chris.” Gamit ang lahat ng galit at sakit, ginamit ko ang pinakapangit na pamamaraan na alam ko. Mabilis kong pinutol ang mga daliri ni Lucas gamit ang matalim na kutsilyo. “Alam ko na matigas ang ulo mo, pero hanggang kailan mo kayang tiisin ang sakit?” tanong ko, ang galit ay bumabalot sa bawat salitang binibigkas ko. Sumabog ang katahimikan sa pagitan namin. Ilang segundo ng pagka-gulat bago siya sumigaw, tila napuno ng pasakit. Pero matigas pa rin siya. Sa kabila ng lahat ng pain, hindi siya nagsalita. “Sa huli, ikaw din ang magpapasa ng hatol sa sarili mo,” sabi ni
Chapter 189 "Gian, kailangan bumalik ka sa Panglao para maprotektahan mo sila," malamig kong utos habang pinupunasan ang bahid ng dugo sa aking kamay. "Ako ang hahanap kay Lucas." Napatingin sa akin si Gian, puno ng pag-aalala ang mga mata niya. "Sigurado ka ba, Chris? Mag-isa ka lang—" "Mas magiging ligtas sila kung hindi ako kasama. Alam kong ako ang puntirya. Ikaw lang ang pinagkakatiwalaan kong makakabantay sa kanila nang buong puso." Tumango si Gian, bagama't halata ang bigat sa desisyong iyon. "Sige, pero mangako kang babalik ka nang buhay." "Kapag nahanap ko si Lucas... matatapos na ang lahat." "Isa pa," madiin kong sabi habang tumayo ako sa harap ni Gian, "andito sila Revenant, Miguel, Richard, at Troy upang samahan ako." Napatingin si Gian sa paligid. Isa-isang tumango ang mga nabanggit ko—matatapang, determinadong mga kaibigan, kapwa mandirigma ng hustisya. Muli kong nilingon si Gian. "Hindi ako mag-iisa. Hindi kami matatalo. Pero ikaw—ikaw ang susi sa kaligtasan nil