Chapter 357 “And I’ll make sure, sa kulungan sila mapupunta,” galit na sabi ni Ellie habang tinanggap ang envelope na may lamang mga dokumento at USB drive. “Here,” sabay abot ni Cherie ng ebidensya. “Inayos na namin lahat para sa’yo. May complete report, CCTV footage, at bank transactions na nagco-connect kina Manuel at Olivia. Sa Lunes, magpatawag ka ng board meeting. Oras na para ilatag ang lahat.” Tumango si Ellie, bakas sa mukha niya ang matinding determinasyon. “It’s time to clean up our company. At this time, walang awa.” Ako naman ay sumingit. “At ako... babalik muna bilang si Jason. Secretary ng kuya mo. Para makapag-imbestiga pa tayo nang mas malalim sa loob.” “Good,” tipid na sagot ni Ellie. “Pagkatapos nito, siguraduhin mong makuha rin natin ang access sa mga phone records ni Manuel.” Cherie: “Already working on it. May kakilala na akong tech analyst. Discreet siya.” Nagsalubong ang aming mga paningin. Lahat kami ay may kanya-kanyang papel. Pero iisa lang ang layuni
Chapter 356 Jasmine POV Sa totoo lang, hindi muna kami tumuloy sa mall. Dumiretso kami sa bahay ni Cherie. Doon namin planong ibunyag ang ebidensyang nakuha namin laban sa taong sangkot. Pero hindi kami ang magsasabi nito sa mga magulang niya, lalo na kay Jacob—ang kuya ni Ellie. Ayaw naming mabuking ang lihim naming misyon ni Cherie. Kaya si Ellie na mismo ang pag-asa namin. Siya ang kailangang magsalita. Mas may bigat ang mga salita niya bilang kapatid, at mas maiintindihan siya ng pamilya niya. Ngayon, nasa kamay na ni Ellie ang lahat.Ipinaliwanag ni Cherie kay Ellie ang buong plano at ang dahilan kung bakit namin kailangang ilihim ang lahat—even from her.Tahimik lang si Ellie habang nakikinig. Kita ko ang pagkagulat sa mga mata niya, pero hindi siya nagsalita kaagad. Halatang sinusubukan niyang iproseso ang lahat ng narinig niya.“Ellie, alam naming mahirap ito,” mahinang sabi ni Cherie. “Pero kailangan ikaw mismo ang magsabi sa pamilya mo. Mas paniniwalaan ka nila, at mas
Chapter 355Pati na ang aming anak, ang darating na bagong miyembro ng pamilya. Kahit nasa sinapupunan pa lang ito, ramdam ko na ang pagmamahal na nakalaan para sa kanya.Alam kong sa pagdating niya, hindi lang si Jasmine at ako ang magiging masaya, kundi pati sina Mom at Dad, na sabik nang maging lolo't lola. Siya rin ang magiging unang apo sa pamilya, kaya’t hindi maikakailang espesyal siya sa lahat.Siyempre, excited na rin sina Ellie, at ang tatlong triplets—sina Mateo, Matias, at Maricar na magiging mga cool na tito’t tita. Sigurado akong papalibutan siya ng saya, kulitan, at walang hanggang pagmamahal.At ako? Ako ang magiging pinakamapalad na ama. Dahil hindi lang ako magkakaroon ng anak, kundi isang buong pamilyang tatanggap at magmamahal sa amin nang buo."Ang sarap talaga... hmmm, magpagawa kaya ako ng ice cream na ampalaya kay Chef Luke?" biglang sambit ni Maricar habang sarap na sarap sa santol ice cream.Napatingin ako kay Jasmine na para itong nakakita ng isang magandang
Chapter 354 Paglipas ng ilang oras, biglang may kumatok sa pintuan ng aking silid. Tok. Tok. Tok. "Bakit?" tanong ko habang bumabangon mula sa kama, medyo antok pa. "Sir Jacob, tapos na raw gumawa si Chef Luke ng ice cream. Pwede niyo na po itong kainin," sagot ng katulong na nasa labas ng pinto. Agad akong napatayo. "Talaga? Sandali lang." Mabilis akong nag-ayos at lumabas ng silid. Habang naglalakad ako papuntang kusina, hindi ko mapigilan ang ngiti ko. Sa wakas, may maihaharap na ako kay Jasmine—sana maibsan na rin ang tampo niya. Pagdating ko sa kusina, nandoon si Chef Luke na may hawak na maliit na tray. Nakatayo siya sa tabi ni Manang Tess, pareho silang naka-ngiti. "Sir Jacob, ito na po 'yung special request niyo. Homemade santol ice cream," masayang sabi ni Chef Luke habang iniaabot sa akin ang tray. Tinignan ko ang maliit na baso ng ice cream—kulay mapusyaw na puti na may kaunting bits ng santol. Umuusok pa mula sa lamig. "Salamat, Chef. Ang bilis niyo!" sabi ko. "
Chapter 353Jacob POVInaamin ko, unang tingin ko pa lang sa kanya noong pumasok siya sa kumpanya bilang bago kong sekretarya—nabighani na agad ako sa kanyang ganda. Yung tipong hindi ko maalis ang tingin ko sa kanya habang naglalakad siya papunta sa opisina ko, suot ang simpleng blouse at skirt pero para sa akin, para siyang modelo ng kabighanihan.Pero hindi lang sa itsura siya tumatak sa akin. Sa bawat araw na magkasama kami sa trabaho, mas lalo ko siyang hinangaan. Sa kanyang sipag, sa paraan ng pagsagot sa mga tawag, sa maayos niyang pagrereport, at sa mahinahon niyang boses tuwing nagpapaalala ng schedule ko—unti-unti siyang naging parte ng araw-araw kong mundo.Hindi ko alam kung kailan nagsimulang tumibok ang puso ko nang higit pa sa pagiging boss lang. Siguro noong unang beses ko siyang nakita umiiyak sa rooftop, akala niya walang nakakakita. Gusto kong lapitan noon, aluin siya, pero pinili kong bigyan siya ng espasyo.Simula noon, mas naging maingat ako. Hindi bilang boss, k
Chapter 352 Hanggang sa lumapit si Cherie sa akin at bahagyang yumuko para bumulong. "Nakuha na natin 'yung ebidensyang kailangan. Nakita ko na rin 'yung storage room, nandun ang mga dokumento. Isa na lang ang kulang," bulong niya sa akin habang nakangiti, na para bang ordinaryo lang ang aming usapan. Napatingin ako sa kanya at tumango nang bahagya. "Good. Kailangan nating makuha 'yon bago pa sila makahalata," mahina kong tugon. Panandalian kong nilingon ang pamilya ni Jacob na abala sa pakikipagkuwentuhan sa wedding team. Hindi nila alam na habang pinaplano ang kasal, kami ni Cherie ay unti-unting binubuo ang katotohanang matagal nang nakatago. "So, anong plano natin para mailahad ito?" tanong ni Cherie, habang bahagyang nakasandal sa tabi ko. Saglit akong natigilan at nag-isip. Kinailangan kong tiyakin na hindi kami mabibisto—lalo na ni Jacob. "Si Ellie," sagot ko sa mahinang tinig. "Siya ang maglalantad ng lahat. Sa pamamagitan niya, hindi tayo agad mabubuko ni Jacob